CHAPTER FORTY-TWO
“DAD, huwag naman nating idamay ang bata!” Agad nilayo ni Manuel ang batang walang-muwang sa ama nito.
63Please respect copyright.PENANAXk3sslOO7l
“Anong gustong gawin mo, Manuel? Bunga iyan ng kasalanan ng kapatid mong babae! Kung bakit may anak pa akong babae.” Napailing-iling na lamang itong tiningnan ang bata na karga-karga ni Manuel.
63Please respect copyright.PENANATv8J4CMDDF
“Ibigay mo sa akin ang batang iyan.” Sabi pa nito sa kanya.
63Please respect copyright.PENANARDi4aZc8XP
“Dad, please, huwag ang bata.” Sabi pa niya na umiling-iling.
63Please respect copyright.PENANAHgf1bHQr9y
“Kinakampihan mo ang bunso mo, ganoon ba, Manuel? Pasalamat ka at naging panganay na lalaki ka.” Tinuro-turo pa siya ng kanyang ama.
63Please respect copyright.PENANAoa3oKBrst6
Hindi naman siya nakaimik.
63Please respect copyright.PENANA0lSliMrAVu
“Ikaw ba ang magpapalamon ng batang iyan?” tanong naman nito sa kanya na masama siyang tinitigan.
63Please respect copyright.PENANAu8rS4keZME
“Gagawin ko ang lahat, Dad, huwag mo lang saktan ang batang ito, k—kahit ano.”
63Please respect copyright.PENANAkejsUHdi07
“Sumama ka sa akin,” iyon lang ang tugon ng kanyang ama at naglakad. “Isama mo ang batang iyan.”
63Please respect copyright.PENANAbXaRnTxnAv
“Saan tayo pupunta? Pupunta ba tayo kay Mommy?” tanong naman nito sa kanya ng batang si Ellena.
63Please respect copyright.PENANALE34QVOxPj
Hindi siya sumagot noon; sinundan niya ang kanyang ama. Pumasok siya kaagad sa kotse na karga-karga si Ellena. Tahimik lang itong nakatingin sa kanya at pabalik-balik ang tinging ipinukol nito sa kanya at sa kanyang ama.
63Please respect copyright.PENANAtpFLYCkUZd
Sinenyasan siya nito na bumaba na muna at iwan na muna si Ellena.
63Please respect copyright.PENANA7rhY07PsR9
“We will erase her memories, tungkol sa ating pamilya, sa kanyang ina.”
63Please respect copyright.PENANAvxlW7FmNu9
“D—Dad.”
63Please respect copyright.PENANAvyY3DVd2dZ
“Fredrick, papipiliin kita, papatayin ko ang batang iyan o buburahin natin ang alaala nito? Pumili ka.”
63Please respect copyright.PENANAQB06C0BPah
Hindi siya kaagad nakasagot, tiningnan niya ang bata. Tumango na lamang siya sa kagustuhan ng kanyang ama.
63Please respect copyright.PENANA2JLVwrHUon
Carmela, patawarin mo sana si kuya. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
63Please respect copyright.PENANAVxBMiEnpuk
Kinuha niya ang bata sa sasakyan, at pumunta sila sa pribadong clinic na siyang pagmamay-ari rin ng kanyang magulang. Hindi niya alam kung ano ang pinag-uusapan nito, ngunit alam niya ang kahihinatnan ngayon.
63Please respect copyright.PENANA5uo6To5lTE
“Makikita ko na ba si Mom at Dad?” tanong naman nito sa kanya.
63Please respect copyright.PENANAUCwkbi4CX1
Tumango—tango siya. “Kailangan lang natin ipa-check-up ka.”
63Please respect copyright.PENANAekI9TDroHF
Hindi naman sumagot ang batang karga-karga niya ngayon. Napakuyom na lamang siya, dahil hindi man lamang niya naipagtanggol ang bunso niyang kapatid na si Carmela sa ama nito.
63Please respect copyright.PENANAYxcWd6ya9F
Sinenyasan siya ng kanyang ama, pinainom niya itong pill sa bata; alam niyang malakas ang pill na iyon dahil pilit nitong binubura ang alaala nito. Walang salita ang batang nakatingin sa kanila; inosente silang tinitingnan na mag-aama at sinunod naman ng bata ang sinabi ng kaharap nito.
63Please respect copyright.PENANAfMv7H7h9P4
Maya—maya pa ay nawalan ito ng malay-tao. Kinarga niya ang bata, at bumalik sila sa sasakyan. Inutusan ang driver.
63Please respect copyright.PENANAf0TuDX2BZA
“Iwanan mo ang batang iyan.”
63Please respect copyright.PENANAvcThlQmObE
Nagulat siya sa sinabi ng kanyang ama. “A—Ano po?” tanong niya kung tama ba ang kanyang narinig.
63Please respect copyright.PENANA1rQcwGEtBN
Bumuntong-hininga naman ito at tinitigan siya nang mataman. “Iwanan mo ang batang iyan.” Ulit nito.
63Please respect copyright.PENANAjpA2sCUkrT
Bigla itong huminto sa isang abandonadong lote; walang kabahay-bahay na nakikita niya ngayon.
63Please respect copyright.PENANAN81yiRkFdz
“D—Dad, akala ko ba’y buburahin lang natin ang alaala ng batang ito?” Napatanong naman siya.
63Please respect copyright.PENANAaHYwfWdI7P
“Ayoko ng batang babae, okay kung sana ay isa itong lalaki, ang babae ang malas sa pamilya natin.” Bumuntong-hininga pa ito.
63Please respect copyright.PENANAVSaTEIzlRi
“D—Dad, maawa ka naman sa bata.”
63Please respect copyright.PENANAvwD7Q1SAWQ
Mataman siyang tinitigan nito, nagsasabi itong huwag niyang tanungin ang bawat desisyon nito. Kahit labag sa kanyang kalooban iyon, bumaba siya sa sasakyan; inilagay niya ito sa damuhan. Hindi niya kayang iwanan ang bata, ngunit sinunod niya ang utos ng kanyang ama.
63Please respect copyright.PENANAyU3lnR5iJB
Dali-dali siyang bumalik sa sasakyan. Pinaandar kaagad nito ang sasakyan, minasdan niya ang kalagayan ng kanyang pamangkin. Bigla siyang tinapik ng kanyang ama.
63Please respect copyright.PENANAImONZhk83q
“Don’t worry, hindi maalala ng batang iyan kung sino ang magulang niya, tanging pangalan lamang ang naalala niya.”
63Please respect copyright.PENANAT3h7bBAGdX
Hindi siya sumagot. Tatlong taong nakalipas, bumalik siya sa bayan kung saan tinatago pa rin niya ang kasalanan niya, hanggang nakilala niya si Leah Martinez.
63Please respect copyright.PENANAWQkKkvAbIA
Nakita niya ang kaluluwa ng kanyang kapatid na umiiyak, hinahanap ang anak nito sa kanya.
63Please respect copyright.PENANAwThIIf7Aad
Napabalikwas siya noon sa kanyang panaginip na pilit niyang kinakalimutan; napatingin siya sa batang nakakulong din, nagtama pa ang kanilang paningin.
63Please respect copyright.PENANAQU3hXmE5Ws
Bigla niyang naalala ang batang itinapon nila ng kanyang ama, hanggang sa kanyang pagkamatay ay dala-dala pa rin niya iyon.
63Please respect copyright.PENANAnTJWX4a2fw
Tahimik lang itong nakatingin sa kanya; nag-aantay ito sa pagbabalik ng kanyang ina ngayon. Inilibot niya ang kanyang paningin; sumalubong sa kanya ang tingin ni Leah.
63Please respect copyright.PENANAQpURhoiOpD
“Maganda ba ang panaginip mo, Manuel?” Walang kabuhay-buhay nitong tanong.
63Please respect copyright.PENANAvyQ3feqoIv
Hindi siya sumagot nito. Nakita na naman niya ang mapang-uyam na ngiti ng babaeng kaharap niya.
63Please respect copyright.PENANAPdcOnSFAm7
“Napapaginipan mo ba si Carmela? Gusto mo ba siyang makita?” sunod-sunod nitong tanong sa kanya. “Nagpapaniwala pa naman ako sa iyo noon na may matinding sakit ang kapatid mo kaya namatay siya, iyon pala’y pinatay siya nang sarili niyang kadugo.” Pabulong pa nitong sabi sa kanya.
63Please respect copyright.PENANAOrsSpROA6G
“Hindi mo nga naipagtanggol ang kapatid mo, di ba? Kagaya nang ginawa mo sa anak ko.” Sabi pa nito sa kanya.
63Please respect copyright.PENANAoKFKgat9YM
“Hindi ko iyon kasalanan, hindi ko kasalanan!” tanggi nito sa babae.
63Please respect copyright.PENANAQQZLrHpgIf
“Kahit nama’y itanggi mo iyon ng paulit-ulit, Manuel, kinakain ka pa rin ng konsensya mo at sa kasalanan mo noon.” Mahina pa itong napatawa sa kalagayan niya.
63Please respect copyright.PENANAVzP7KTChQ9
“Nagtataka ka ba kung tahimik na si Carmela ngayon?” napatanong na lamang nito sa kanya.
63Please respect copyright.PENANAKtYLDw2CD3
Napatitig naman ito sa kanyang kaharap. Hindi siya nagsalita noon; mataman niyang tinitigan si Leah. “Just spill it!” galit niyang utos rito.
63Please respect copyright.PENANAAAU6Q2HEnA
Napatawa na naman ito sa kanya. “Tanungin mo si Felicia, baka—alam niya kung anong nangyari kay Carmela.”
63Please respect copyright.PENANAWdIopLShAB
Napansin niyang galit itong tinitigan si Leah.
63Please respect copyright.PENANApP5opQirZF
“Baka alam din niya kung nasaan ngayon ang anak nito.” Napangisi naman si Leah sa kanya.
63Please respect copyright.PENANA6Us5XfudcC
“Leah!” galit na banggit ni Felicia sa kaharap niya.
63Please respect copyright.PENANACzi8mHjls1
Ngumisi ito. “Oops, I’m sorry about it; hindi pala ako dapat makialam.” Napatawa pa ito sa kanila.
63Please respect copyright.PENANAHbTAfNSDIb
“Huwag kayong makinig sa babaeng iyan!” ito na lamang ang narinig niya kay Angely.
63Please respect copyright.PENANAtaaRzD8HH4
Hindi na ito nagsalita, pero mapang-uyam pa rin itong nakangiti sa kanila. Umupo ito sa trono nito na nakatingin sa kanila. Kinumpas pa nito ang kamay nito na parang nasisiyahan sa pinagagawa nito.
63Please respect copyright.PENANAs2ShYbTUNf
“Felicia, may alam ka ba tungkol sa kapatid ko?” Direkta niyang tanong sa kasama niya.
63Please respect copyright.PENANA7rM90CKUIo
“M—Manuel, huwag kang magpapaniwala kay Leah.”
63Please respect copyright.PENANAX9h35c10dJ
“Oo, hindi lang ang sagot, Felicia, may alam ka ba?” Tanong naman nito na mataman niyang tinitigan si Felicia.
63Please respect copyright.PENANAed5dNVltIg
Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mga mata nito; batid niyang may itinatago ito at may alam ito sa kapatid niya, pati na ang batang itinapon nila noon.
63Please respect copyright.PENANA8W6FDyOGEn
“Felicia!” untag niya rito.
63Please respect copyright.PENANAS8wg0XFQNf
“Wala akong alam, Manuel! Wala akong alam!” tanggi nito sa kanya.
63Please respect copyright.PENANAGJAvxSmKRQ
“Totoo ba iyang sinasabi mo?” tanong naman nito sa kausap.
63Please respect copyright.PENANAfTMyxFViZe
Dali-dali itong tumango. “Nilalason lang ni Leah ang isipan mo, Manuel. Tayo ang magkakampi rito.” Sabi naman ni Felicia na pinapakalma ang inis na nararamdaman niya ngayon.
63Please respect copyright.PENANAlk7GGnuxBu
Malakas ang kutob niyang alam iyon ni Felicia, hindi niya lang ito mahanapan ng butas. Nakatingin si Leah sa kanila na umismid sa kanila at napailing-iling pa.
63Please respect copyright.PENANAjrg9QeRRP0
63Please respect copyright.PENANAus1msTOZ3K


