Kabanata LIII: Ang Huling El Bimbo
Nagdaan ang mga araw, at sa bawat pagtiklop ng dilim, unti-unting tumitindi ang bigat sa dibdib ni Pepe. Para bang isang malaking punyal ang paulit-ulit na bumabaon sa puso niya tuwing maaalala niya kung paanong binabalewala siya ni Yoli, lalo na nang sumapit ang kaarawan nito. Parang walang saysay ang lahat ng taon nilang pagkakaibigan, lahat ng sakripisyo, lahat ng pag-unawa, lahat ng gabing siya ang takbuhan nito kapag walang makausap. Parang wala na lang. Pinili ni Yoli na kalimutan siya sa araw na dapat sana ay espesyal din para sa kanilang dalawa.
Sa puntong iyon, ramdam ni Pepe na matindi ang sugat na iniwan sa kanya ng ginawang ito ni Yoli. Habang abala siya sa College of Engineering sa Burnayan University of Trade and Arts, pilit niyang nililibang ang sarili sa tambak na gawain. Pero kahit gaano karaming equations, computations, at projects ang kanyang hinaharap, hindi pa rin niya maalis sa isip niya ang tila matinding betrayal ni Yoli.
Isang araw, habang tinatapos ni Pepe ang kanyang report para sa Engineering Graphics, tinawag siya ng kanilang class adviser. Ipinatawag siya sa harap ng klase, at sa di inaasahang pagkakataon, ibinaba siya mula sa pagiging Class Mayor. Natalo siya dahil sa paninira at sabwatan ng kontrang-faction sa kanilang section. Mula sa Class Mayor, Assistant Secretary na lang siya ngayon. Ramdam niya ang sakit sa kanyang pride. Ilang buwan din siyang nagsumikap na maging mabuting lider, pero nauwi lang ito sa ganitong pagtatapos.
Pagkaupo niya, parang may bumubulong sa kanyang tainga—isang tinig na mahina ngunit malinaw. Hindi niya mawari kung guni-guni lang ba iyon o bahagi ng kanyang sariling isip. Tila may nagtutulak sa kanya na magpatawad, na manahimik, na hayaang gumalaw ang mundo kahit wala si Yoli. Ngunit sabay din nitong binubuksan ang tanong sa kanyang puso—ano ba talaga ang kulang? Bakit tila may puwang na hindi niya matukoy?
Isang Miyerkoles ng hapon, nagpasya siyang dumaan sa cathedral. Ang silong ng lumang simbahan ay tila naging saksi na ng lahat ng kanyang kalungkutan. Naupo siya sa ikatlong pew mula sa harapan, saka ibinaba ang bag. Inilabas niya ang kanyang Black Rosary na dedicated by Padre Pio, na bigay ng isang tita niya mula sa Vatican at saka siya pumikit. Hinayaan niya ang katahimikan na bumalot sa kanya habang nagdarasal.
"Lord," bulong niya sa hangin, "kung ano man po ang nangyayari, sana huwag niyo akong pabayaan. Tulungan niyo po akong maintindihan kung bakit kailangan kong masaktan nang ganito. Sana po, kung may kulang pa sa akin, ituro niyo."
Sa kalagitnaan ng kanyang panalangin, tila may pakiramdam siya na hindi nais ni God na labis siyang malunod sa sakit. Parang may mensaheng ibinubulong sa kanyang kaluluwa:
Anak, hindi mo kailangang pasanin lahat.
Ngunit sa likod nito, alam niyang may isa pang hiwaga, isang gap na hindi pa niya matunton, isang piraso ng palaisipan na kailangan niyang mahanap.
Lumabas si Pepe ng cathedral, huminga ng malalim, saka siya tumingin sa paligid. Pagpasok niya sa Plaza, doon niya namataan si Migs na papalapit, may bitbit na folder at mukhang galing sa kanilang private college sa Pag-alahasan. Nagkangitian sila—isang bihirang bagay sa dalawang matagal nang hindi nagkikita.
"Pepe, ikaw na ba yan?" bati ni Migs. "Musta na pre? Mukhang malalim iniisip mo."
"Ah, ayun...maraming ganap," sagot ni Pepe, pilit ang ngiti.
"Sabay tayo magkape," alok ni Migs.
Naglakad silang dalawa patungo sa maliit na café na katabi lang ng post office. Humingi sila ng tig-isang brewed coffee at umupo sa pinakadulong mesa. Doon, binuhos ni Pepe ang lahat ng sama ng loob. Isinalaysay niya kung paano siya sinaktan ni Yoli, kung paanong tinapakan ang lahat ng effort niya, kung paanong tila wala siyang halaga sa buhay nito.
"Alam mo pre," sabi ni Migs, habang humihigop ng kape, "minsan, kung mahal mo talaga, hayaan mo siya. Pero di ibig sabihin na papayag kang apakan ka nang apakan. Layuan mo muna. Sabi nga nila, 'distance can be love too.'"
Tahimik si Pepe. Ramdam niya ang tama ng mga salita ni Migs. Tama nga naman. Marahil kailangan nga niyang lumayo, para hindi siya tuluyang mawasak.
Matapos ang mahaba nilang pag-uusap, naglakad si Pepe papunta sa tapat ng Mang Inasal sa Calle Mena. Sumakay siya ng tricycle pauwi. Wala siyang imik buong biyahe. Pagdating niya sa Puerto Pandan, hinubad niya ang sapatos, itinabi ang bag, saka humiga sa kama. Hindi niya na napansin, mahigpit pa rin niyang hawak ang rosaryo nang unti-unti siyang lamunin ng antok.
Sa panaginip niya, naroon pa rin siya sa kwarto. Nakahiga siya sa kama, balot ng makapal na kumot na yari sa Abel. Pero kahit sa panaginip, naririnig pa rin niya ang mga boses na bumubulong: "Pieps..." "Pepe..." "Lovey..." Ngunit inignore niya ang mga ito. Hindi siya nagpakita ng interes.
Dumilat siya at tumingin sa kanyang lumang alarm clock. 3:16am ang nakasulat doon. Dahan-dahan niyang inalis ang kumot sa mukha niya, saka tumingin sa harapan. May nakaupo sa kanyang gaming chair. Ang buhok nito, mahaba at nakaplete. Nakasalamin. May maliit na gray na sling bag. Doon niya na-realize—iyon ang lumang Yoli. Yung Yoli na una niyang minahal.
"Ba't ka nandito?" tanong ni Pepe, pilit pinapakalma ang sarili. "Akala ko nasa New Washington ka?"
Hindi umiimik si Yoli. Nang iikot niya ang upuan, kitang-kita ni Pepe na umiiyak ito, pero kalmado ang mukha. Isang luha ang bumagsak mula sa mata nito. Saka siya nagsalita, ang boses, malumanay pero puno ng lungkot.
"Hindi na ako yun...yung bagong ako na nasa New Washington na, Lovey."
Naluluha si Pepe. "Alam mo Louvre...if you still remember that name—"
Bigla siyang siningitan ni Yoli. "Naaalala ko pa rin ah, Lovey."
Nagpatuloy si Pepe, nanginginig ang boses. "Your new self is the complete opposite of you. Noon, meron ka lang isang shopping incident...pero ngayon, araw-araw ka na lang nagwawaldas. At mas maldita ka pa."
"Lovey," sabi ni Yoli, tinig na nagbabaga ang lungkot, "naaalala mo pa ba kung sino talaga ako?"
Hindi na napigil ni Pepe ang luha niya. "Ay naku, Louvre Yolanda...ikaw. Yung image mo na yan, yang lumang ikaw...ikaw ang pinakamabait, pinakamalambing, at pinakamagandang bersyon ni Yolanda. Yan ang kilala kong Yolanda Paa."
Umupo si Yoli sa tabi niya. Hinaplos ang kanyang pisngi. "Lovey, huwag ka nang umiyak."
Nagyakap sila. Mainit, mahigpit, parang ayaw nang pakawalan ni Pepe ang alaala niya.
"Ang nakikita ko ngayon," sabi ni Pepe, "mula sa bago mong sarili...isang taong hindi na marunong magmahal, isang taong inuuna ang luho. Hindi tulad ng sinabi mo noon... 'If ever may pera ka pa, Kuya...'"
Tumayo si Pepe, kinuha ang envelope na may larawan ni Yoli sa kasalukuyan. Binuksan niya ang lighter, nanginginig ang kamay. Pero bago niya ito sindihan, parang may nagliglitch sa paligid niya. Mula sa dilim, nagsulputan ang maraming bersyon ni Yoli—mga nakakatakot na repleksyon, para silang mga multo.
"SINUNGALING! BASURA KA! GAGO! SANA MAMATAY KA NA!" sigaw ng mga ito, sabay-sabay.
Napasigaw si Pepe, pero pinilit niyang sindihan ang lighter. Nang sumiklab ang apoy at sinunog niya ang litrato, isa-isa ring naglaho ang mga halimaw.
Nang abo na ang larawan, lumapit si Yoli—yung lumang Yoli—at muling umupo sa tabi niya.
"Lovey, alalahanin mo pa rin ako," sabi niya, luhaang nakangiti. "Ako ang tagibi ng Paa. Ang bersyon kong ito ang magmamahal sa'yo hanggang huli. Dahil yung Yolanda ngayon...sumusunod lang sa dugo ng gago niyang ama. Pero ako, ako ang tunay mong Louvre."
Tuloy pa ni Yoli,
"Dahil ikaw, ikaw ang una, wala pang iba na naramdaman ko ang ganitong pag-ibig. Yung pag-ibig na ibinigay mo sa akin. Parang din sa aking pamilya. Ayy Nako, naawa ako sa kanila ngayon dahil sa bago kong bersyon. Lalo na, yung minamahal kong ina na nasa Abroad. Sure maldita ako sometimes sa kaniya, pero hindi intense na... na gaya ngayon. Besides, she works for us all, Cristina, Criselda, Carl, and si Tanda."
Naluluha si Pepe. "Salamat, Yoli..."
Ngumiti si Yoli. "As our Alma Matter, the Divine Word College of Burnayan say, Semper Fidelis...I will always be loyal to you, Lovey."
Naluluha, sabi ni Pepe sa kaniya,
"Nagpapasamalat ako ngayon, nandito ka sa tabi ko ngayon Yols"
Sabi naman ni Yoli na parang pa-joke, "Anong Yols? Para kanang si Jenang. Louvre ang tawag mo sa akin, dahil, ikaw ang katiyakan ko dba?"
Tumayo si Pepe. Kinuha niya ang kamay ni Yoli. "Magsayaw tayo."
Sa sandaling iyon, nagsimula ang Enchanted ni Taylor Swift sa di alam kung saan. Lumakas ang tugtog, at sabay silang nag-indayog. Bawat lyric, bawat nota, ramdam nila sa puso nila.
"This night is sparkling, don't you let it go..."
Nakangiti si Yoli habang umiikot sa mga bisig niya. Napapikit si Pepe, dama ang init ng yakap.
"Please don't be in love with someone else..."
"Lovey," sabi ni Yoli, "salamat...dahil di mo ako nakakalimutan."
"Please don't have somebody waiting on you..."
Sa huli, huminto ang musika. Nagkatitigan sila. Saka dahan-dahang naglapat ang kanilang mga labi—isang halik na puno ng lahat ng alaala, lahat ng sakit, lahat ng pagmamahal na minsan ay sa kanila lang.
64Please respect copyright.PENANARAyGceVOHm


