Kabanata LII: Ano Ba Ako Sa Iyo?
Dumaan na ang ilang araw. Tahimik ang lahat, parang biglang may bumagsak na malaking pader sa pagitan nina Yoli at Pepe. Hindi sila nagkikibuan. Walang kumustahan. Parang hindi na sila magkakilala.
Sa apartment sa Basi, madalas naririnig ang matinis na boses ni Tita Criselda na paulit-ulit na nagrereklamo.
"Ay naku Yoli! Ano ba naman itong pinaggagagawa mo? TikTok na naman?!" sigaw niya, habang hawak ang resibo ng delivery.
Sa dining table, nakahilera ang mga karton—puro merch, puro ukay-ukay, bag na mukhang ginamit na sa tatlong flea market, pati mga produkto ng New Washington na hindi naman nila kinakain. May Ube Jam, Peanut Brittle, Lengua de Gato na tatlong bote pa, at kung anu-ano pang kalokohan.
Ang kabuuang presyo, halos singkwenta mil. May mga resibo pa na tig-5000, tig-600, at yung isa, umabot ng walong libo.
"Kung hindi mo talaga matigil ang kakaorder mo, mawawalan tayo ng pambayad sa renta!" galit na sabi ni Tita Cristina, sabay hampas ng resibo sa mesa.
Pero walang reaksyon itong si Yoli. Parang, walang paki-alam lang.
Sa gilid ng sala, nakaupo si Lola Lena, hawak ang maliit na calculator. Paulit-ulit niyang binibilang ang natitirang pera nila.
"Crise, tingnan mo naman ito," mahinang sabi niya. "May utang pa tayo kay Pepe mula kay Tita Camila. Eh kung ganito palagi si Yoli, mauubos talaga tayo."
"Oo, Ma," sagot ni Cristina, "pero anong magagawa natin kung hindi nakikinig yung gagang iyon?"
Lahat sila, nakatingin kay Yoli na nakaupo sa sofa, nakataas ang dalawang paa sa armrest, parang donya. Tahimik lang siya, walang kibo, parang may iniisip na malalim.
Isang araw, misteryoso na lang tumigil si Yoli sa kaka-online shopping. Hindi na siya nagbubukas ng TikTok, Shopee, Lazada, kahit Carousell na dati niyang paborito.
Nagtataka sina Tita Criselda.
"Bakit kaya bigla siyang tumigil?" tanong niya kay Lola Lena.
"Ewan ko," sabi ni Lola, "pero sana totoo na ito. Baka may plinaplano naman ang batang ito."
Tinanong nila si Yoli, pero hindi siya sumasagot. Tahimik lang siya, nakatingin sa bintana, parang walang naririnig.
Minsan, para siyang batang walang alam. Lahat ng bagay, pinaaasikaso niya.
"Titaaa, pakikuha nga ng tumbler ko," sigaw niya.
"Cristinaaa, pakipasara nga ng bintana," hirit niya uli.
Kapag gutom siya, hindi siya bumabangon. Hintayin niyang iabot ang pinggan. Kahit tubig, ayaw niyang tumayo.
Pero higit sa lahat, hindi siya marunong maligo mag-isa. Kaya tuwing umaga, pinapaliguan siya ni Tita Cristina na parang batang anim na taong gulang. Si Lola Lena, hindi na alam kung maiinis o maaawa.
Si Pepe, abala sa pag-aaral niya sa BU-TA. Buong araw, presentations, readings, groupwork. Ang stress niya sa klase, wala nang lugar para problemahin pa ang attitude ni Yoli.
Minsan, naaalala niya ang sinabi ni Lola Lena noong nakaraang buwan:
"Iho, hayaan mo na. Hintayin mo na lang kung kailan siya magparamdam sa'yo."
Pero kahit anong hintay, wala. Kahit isang simpleng chat, wala siyang natatanggap.
"Naku noon, isang minuto, chinachatan mo ako. Pero ngayon, ano ba talaga kasalanan ko sa iyo?", pabulong ni Pepe sa kaniyang sarili.
Isang hapon, bumalik-Pinas si Tita Camila, ang mama ni Yoli.
Pagpasok ni Tita Camila sa apartment, walang bati-bati. Diretso siya sa kwarto niya. Hindi man lang sinulyapan si Yoli na nakaupo sa sofa.
Nagpalit lang siya ng damit, lumabas saglit, saka muling pumasok sa kwarto, iniwan silang lahat sa sala.
Tahimik si Yoli. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya nagrereklamo. Parang wala lang sa kanya.
Ilang linggo ang lumipas. Birthday na ulit ni Yoli.
Si Pepe, sa isip niya, sigurado na siyang walang handaan. Lahat kasi ng pera ni Yoli, napunta sa kakashopping online.
Pero gabing-gabi na, bigla na lang tumunog ang pick-up ng lolo ni Yoli.
"Halika na, magbihis ka," sabi ni Lola Lena.
"Ha? Saan tayo pupunta?" tanong ni Dio, pinsan ni Yoli.
"Sa Kangkong Restaurant ulit sa Pantay Este," sabi ni Tita Cristina.
Lahat sila sumama—pati si Jenny na kaibigan ni Yoli. Pero si Pepe, hindi kasama.
Pagdating nila sa Kangkong Restaurant, nagsimula na ang salo-salo. Nakaorder sila ng sisig, pancit bihon, inihaw na liempo, isang badehado ng lumpiang shanghai, dalawang servings ng fish fillet, lechon manok, at crispy pata, salad, at dalawang pitser ng Iced Tea.
Habang kumakain, napatingin si Jenny kay Yoli.
"Ba't wala si Kuya Pepe?" tanong niya.
Tumingin ang isang tita ni Yoli, si Tita Mercy.
"Oo nga nu, san si Pepe?" sabay subo ng lumpia.
Tahimik si Yoli. Pinipilit niyang ngumiti, pero halata sa mata niyang parang gusto niyang umiwas sa topic.
Sa gitna ng kainan, dumating si Lola Lena at Tita Criselda. Saka lang nila naalala si Pepe.
"Naku, Crise, nakalimutan nating sabihin kay Pepe," bulong ni Lola.
"Ay oo nga," sagot ni Tita Criselda, napahawak sa noo.
Kinabukasan, maaga pa lang, tinawagan ni Lola Lena si Pepe.
"Iho, pasensya ka na ha," sabi ni Lola Lena, mahina ang boses. "Nakalimutan ka naming sabihan kagabi."
"Ok lang po," sabi ni Pepe, pero sa loob-loob niya, kumukulo ang inis.
Muntik na niyang sisihin si Tita Camila, pero pinigilan niya ang sarili.
"Hindi si Tita Camila ang may kasalanan," sabi ni Lola Lena, parang nabasa ang iniisip niya. "Si Yoli talaga. Hindi siya nagpaparamdam sa'yo."
Sa galit, binuksan ni Pepe ang Messenger, hinanap ang pangalan ni Yoli, at pinindot ang "Block."
"Tama na," sabi niya sa sarili niya.
Pagkakita ni Yoli dito,
"Ha? Ang kapal ng mukha mong i-block ako gago!", sabi ni Yoli sa kaniyang isip.
Habang nakahiga si Pepe sa kama, iniisip niya ang lahat.
"Tinuturuan ka lang naman kita ng tama, bakit ba ayaw mong pabutihin ang sarili mo?" tanong niya sa kanyang isip. "Gusto ko lang naman ipadama sa'yo ang tunay na pag-ibig, ang tunay na kabutihan. Pero ikaw, Yoli... anong gusto mo talaga sa buhay mo?"
Nakahawak siya sa noo, napapikit, pinipilit intindihin ang mga nangyayari.
"Gusto ko lang naman, Yoli, na matutunan mong maging responsable. Hindi lahat mabibili sa Shopee. Hindi lahat masasagip ng pera. Hindi lahat ng problema, matatabunan ng mga parcel."
Napabuntong-hininga siya.
"Ano ba talaga ang gusto mo? Gusto mo bang tumanda na hindi marunong maligo mag-isa? Gusto mo bang umasa palagi sa iba? Gusto mo bang mawalan ng lahat ng nagmamahal sa'yo? Ako, heto, paulit-ulit na lang na umaasa na magbabago ka. Pero hanggang kailan ko titiisin?"
"Kung hindi ka marunong magmahal, kung hindi ka marunong tumanggap ng kabutihan, sino na lang ang lalapit sa'yo?"
Gabi na. Hindi siya mapakali.
Naglakad siya papunta sa Cathedral ni San Pablo sa Burnayan.
Tahimik sa loob. Ang altar, maliwanag ang kandila.
Lumuhod siya sa harap ng Sto. Cristo Milagroso.
"Panginoon," mahina niyang bulong, "alam kong wala akong karapatan magreklamo. Pero pagod na ako."
"Pagod na ako maghintay. Pagod na ako magpakumbaba. Pagod na akong umasa."
"Kung ano man po ang plano Ninyo para sa kanya, si Yoli, sana po gabayan Niyo siya."
"Hindi ko na alam kung paano siya tulungan. Hindi ko na alam kung paano siya pakitunguhan. Sana po, bigyan Niyo ako ng lakas na magpatawad, kung iyon ang kailangan."
"Bigyan Niyo rin siya ng lakas na buksan ang puso niya. Palayain Niyo siya sa mga takot at kahinaan niya."
"Panginoon, tulungan Niyo rin po ako na alagaan ang sarili ko. Hindi ko na po alam kung tama pa ba na manatili akong bahagi ng buhay niya."
"Kung kalooban Niyo po, ilayo Niyo ako kung ito na ang tama."
"Pero kung may pag-asa pa, sana po, bigyan Niyo kami ng pagkakataon na maayos ito."
"Nagtitiwala po ako sa Inyo."
64Please respect copyright.PENANATpJKAGgTWx


