Kabanata LI: Parcel Pa More! Part 2
Nagdaan na naman ang mga araw, at tila walang katapusan ang daloy ng mga parcel na dumarating sa apartment nina Yoli sa Basi. Gabi-gabi, bumubusina ang delivery rider sa labas, at kung hindi mo iisipin, baka akalain mong may maliit na branch ng TikTok shop sa mismong doorstep nila.
Si Lola Lena, kahit kalmado palagi, napapakamot na lang ng ulo. Si Tita Criselda at Cristina naman, palaging galit na galit, parang mga liyon na handang kumain ng bata.
"Ma, kailan kaya masasawa si Yoli sa mga online shopping niya?", tanong ni Criselda kay Lola Lena.
"Hindi ko alam Criselda, pero parang si Romeo na ang batang ito. Manang-mana sa ama niya. Like Father, Like Daughter.", sabi ni Lola Lena.
Isang umaga, halos wala pang alas-nwebe, kumakatok na ang rider.
"Delivery po kay Yolanda Paa!" sigaw nito.
Lumabas si Tita Criselda, hawak ang tabo na parang anytime, ihahagis niya ito sa rider.
"Diyos ko, pang-ilan na naman ito?" tanong niya.
Napatingin si Yoli, tahimik lang. Hindi nagrereklamo, pero kitang-kita mo sa mga mata niya na parang may pinaplano siya.
Sa kabila ng sermon, wala kang maririnig kay Yoli kundi malalim na buntong-hininga. Pero sa gabi, kapag tulog na ang lahat, nagbubukas siya ng Shopee app sa iPhone12 niya. Ilang click lang, tapos na. Order placed. Delivery tomorrow or by 6 days later and so on.
Hindi rin nagpapahuli ang TikTok. Halos gabi-gabi, may dumarating na parcel. Sa totoo lang, parang wala na yatang ibang hobbies si Yoli kundi mamili online.
Minsan, kapag wala nang mahiritan si Yoli, bigla niyang ichachat si Pepe.
"Hoy, Pepe, pwedeng pautang? May bibilhin ako."
Pero si Pepe, wala nang oras para sumagot. Bukod sa tambak na contribution niya sa BU-TA—mula sa events, meetings, class projects—wala na siyang extra. At kahit meron pa, hindi na rin niya alam kung tama pa bang pagbigyan si Yoli.
Hindi siya nagrereply. Tahimik lang.
Isang gabi, biglang nag-message si Yoli.
"Pepe, turuan mo ako sa Integrated Science 8 namin."
Kahit pagod si Pepe sa dami ng requirements, pumayag siya.
"Kung para sa kabutihan, sige. Kung ito ay tungkol sa pera, let me out of it, I'm broke. Kabutihan at aral ay ang tunay na kayamanan. Sapagkat ang pera at tukso ay ang mga bagay diretso sa kadiliman", sabi niya sa sarili niya.
Nag-video call sila, si Yoli nakahiga habang kumakain ng Chiz Curls. Si Pepe, nasa study table, punong-puno ng libro.
"Tingnan mo dito," sabi ni Pepe, tinuturo ang diagram sa module. "Ito yung non-living factors."
"Oo na," sagot ni Yoli.
"Pumasa ka nga sa math mo?" tanong ni Pepe, pabirong tono.
Walang sagot si Yoli. Tahimik na naman. Parang sinuntok ni Pepe ang hangin.
Kinabukasan, alas-onse ng gabi, nagmessage si Yoli.
"Pepe, gawa ka assignment ko."
"Ano na naman ito?" tanong ni Pepe.
"Pupunta kami sa Calamayan City Arena. STE-7 hanggang STE-10. Project naming lahat ito. May science conference daw doon."
Napakunot-noo si Pepe. Sa loob-loob niya, hindi niya matandaan na may ganitong programa noon sa curriculum nila, kahit noong STE-8 siya. Lalo na at pandemic noon—walang field trip. Noon, meron talaga science fair, at doon sa loob ng auditorium o hostel isinasagawa ang science fair. Ngunit hindi sa Calamayan City Arena. Yung isa pang tanong, kung doon sa Calamayan City Arena, bakit walang ibang paaralang nabanggit aside sa DWCB, at isa din, public place ang Calamayan City Arena at pribadong institusyon ang DWCB. Wala namang partnership na nagaganap ang Calamayan City at DWCB. Ang kaakibat at laging kasama o collab ng DWCB ay ang City Government of Burnayan, at hindi ang Calamayan City. Ba't ba mapupunta ang DWCB na may Burnayan sa pangalan sa Calamayan City na ang layo?
"Sigurado ka bang totoo ito?" tanong ni Pepe.
"Oo," sagot ni Yoli, walang kaemo-emosyon.
Mas lalo pang nadagdagan ang duda ni Pepe nang marinig niya ang pangalan ng mayor na host daw—si Mayor Eric Tiongson.
"Bakit mayor ang host? Dapat DepEd o DOST..." bulong niya sa sarili.
Wala rin siyang natanggap na update mula sa kaibigan niya sa STE-9, si John Fernandez, na anak-anakan ni Sir Tacio.
Pero dahil ayaw niya ng gulo, nagkukunwari siyang walang problema.
"Gawa ka ng sampung template ng Certificate of Recognition para sa mga 'VIPs'," sabi ni Yoli.
"VIPs?" tanong ni Pepe.
"Oo. Yung mayor at staff niya."
At ang sabi pa ni Yoli, Canva daw gagamitin. Pero sa pagkakaalala ni Pepe, wala namang Canva noon sa STE-8 nila. Microsoft lang.
Pero dahil sanay siya sa Canva, gumawa na lang siya ng lima. Tinanong pa ni Pepe kay Yoli kapag lagyan ito ng signature over printed name o lagyan pa ng mga official seals. Pero sabi na lang ni Yoli sa kaniya,
"Walang seal! Ikaw na bahala, basta walang seal!"
Kinabukasan, nagpasya si Pepe na personal na dalhin ang softcopy.
Suot niya ang paborito niyang white hoodie, feeling niya baka makatulong iyon para hindi siya kaagad makilala ng ibang estudyante.
Pero pagpasok niya sa gate ng DWCB, ayan na naman si Yoli—nakatingin sa kanya na parang nakakita ng multo.
Paglapit niya kay Yoli, hindi na siya pinansin. Parang wala siyang kilalang Pepe.
"Hoy," sabi ni Pepe, pilit ngiti.
Walang sagot si Yoli.
Buti na lang, kasama ni Pepe si Lola Lena.
"Yoli," kalmadong sabi ni Lola, "ayusin mo naman pakikitungo mo."
Para pakalmahin si Yoli, binilhan pa siya ni Pepe ng buko shake.
Pero imbes na matuwa, bigla na lang sumigaw si Yoli sa harap ng lahat.
"HATE KA LAHAT NG MGA DIVINIANS DITO!"
Nasaktan si Pepe. Mahigit tatlong taon din niyang minahal ang paaralang iyon. Lahat ng estudyante, kaibigan niya. Pero si Yoli, iba talaga.
"Ano bang nagawa kong mali para sa paaralang ito?" tanong ni Pepe, nanginginig ang boses. "Ako ang isa sa mga pioneer ng STE Program dito. Ako ang nagbuhos ng oras para sa kurso ninyo... Dimo ba ako kilala, Yoli?"
Pero wala pa ring reaksyon si Yoli, maliban sa malalim na irap.
Nang makita ni Lola Lena na baka sumabog pa ang tensyon, hinawakan niya si Pepe sa braso.
"Iho," sabi niya, kalmadong boses, "mabuti siguro lumayo ka muna. Mag-usap tayo sa labas. Itong gaga kong apo, di ko alam kung anong nakain niya."
Tumango si Pepe. "Ok po, Lola. Doon na lang ako sa Plaza."
Habang lumalayo siya, rinig niya ang sermon ni Lola Lena sa likod.
Dumiretso si Pepe sa Plaza, naupo sa lumang concrete bench. Pinagmamasdan niya ang mga estudyanteng dumadaan, mga Calesa na humihinto, mga vendors na abala.
Ilang minuto pa lang siyang nakaupo, biglang tumawag si Lola Lena.
"Iho," sabi nito, "gusto daw ni Yoli idelete na ang Carousell account niya."
Hindi alam ni Pepe kung matatawa o maiiyak.
Nagtricycle ulit siya papunta sa Plaza kung saan naghintay si Lola Lena at Yoli.
Pagdating niya, tahimik na si Yoli. Kalmado na, pero nakairap pa rin.
Hiniram niya ang cellphone ni Yoli, binuksan ang Carousell app, at dinelete ang account.
Pati app, tinanggal niya, para hindi na siya makabili pa.
Pag-uwi nina Yoli at Lola Lena sa Basi, hindi pa tapos ang drama.
Pinagalitan ulit siya nina Tita Criselda at Cristina. Kahit si Tito Carl, nagmessage mula sa Messenger.
Pero si Yoli, tahimik lang. Walang kahit isang salita.
At si Pepe, umuuwi sa Puerto Pandan, iniisip kung kailan matatapos ang ganitong gulo.
57Please respect copyright.PENANAw6ndHUXHmo


