Kabanata LIV: Kapalaran
Isang Miyerkoles na naman ang sumasapit sa buhay ni Pepe. Hindi na niya alam kung anong pakiramdam ang nauuna—yung pagod mula sa mga klase sa College of Engineering, o yung bigat sa dibdib na parang di na talaga siya makahinga sa dami ng iniisip. Pero ngayong araw na ito, may isa siyang tiyak na plano: bibili siya ng mga materyales para sa STS subject nila. Kailangan niya iyon sa Biyernes, at ayaw niyang ma-late sa submission gaya nung nakaraang linggo.
Pasado alas-nuwebe ng umaga nang umalis siya mula sa bahay niya sa Puerto Pandan. Dala niya ang lumang sling bag na may keychain pa ng COMMFERENCE (isang seminar na binisita nila sa Burnayan University of Trade and Arts) noong Grade 11 sila. Pilit niya itong tinatakpan dahil kupas na kupas na ang kulay, at baka pagtawanan na naman siya ng mga kaklase niya kung sakali.
Mag-isa siyang naglakad patungong Xentro Mall. Ang init ng araw, pero hindi iyon sapat para pigilan siya. Para kay Pepe, ito na rin siguro ang paraan niyang makalayo sa kung anuman ang sumasakal sa puso niya. Habang naglalakad, naaalala niya ang mga araw na sila ni Yoli ang laging magkasama kapag may bibilhin. Noon, hawak ni Yoli ang listahan, siya ang taga-bitbit ng bag, at lagi siyang binubuska ni Yoli kapag nadudulas ang bayong na dala niya. Pero ngayon, wala na si Yoli sa tabi niya. At sa isip niya, marahil, mabuti na rin iyon.
Pagdating niya sa Xentro Mall, dumiretso siya sa bookstore section para bumili ng colored paper, illustration board, at isang set ng markers. Tinitimbang-timbang niya ang presyo ng bawat item, kasi alam niya na kahit papaano, kailangan niyang maging maingat sa budget niya. Mahirap na, baka maulit na naman ang mga panahong kinakapos siya dahil sa pagbabayad ng utang ni Yoli sa kanya.
Matapos makumpleto ang mga bibilhin, naglakad siya palabas ng mall at dumiretso papunta sa Plaza. Pagdating doon, naisip niyang pumasok muna sa 7/11 na nasa harap lang ng Plaza at ng DWCB. Gusto niyang uminom ng kape para kahit papaano, magising ang katawan niya.
Pagbukas niya ng pinto ng convenience store, bumati agad ang malamig na aircon sa kanya. Parang saglit na nawala ang bigat sa dibdib niya. Dumiretso siya sa coffee area at nagbrew ng paborito niyang French Vanilla. Pinagmamasdan niya ang unti-unting pagpatak ng mainit na kape sa baso. Habang hinihintay niya iyon, napatingin siya sa kaliwa niya—doon sa maliit na GCash machine na laging ginagamit nila ni Yoli noon tuwing nagpapabayad si Yoli sa kaniya. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kirot. Parang may humila sa lahat ng alaala niya. Naramdaman niya na parang nagpa-flashback ang utak niya, na parang biglang binuksan lahat ng sugat.
"Pepe, focus ka," bulong niya sa sarili, pero hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Sa gilid ng counter, nakita niya ang isang garapon ng Chupa Chups. Napangiti siya ng kaunti. Naalala niya noong binilhan niya si Yoli ng Chupa Chups sa 7/11 sa corner ng Burgos at Rizal noong pista ng Burnayan. Ibang store location man yun, pero parehong 7/11. "Napakababaw mo talaga, Yoli," bulong niya, sabay iling.
Pagkabayad niya ng French Vanilla, lumabas siya ng convenience store. Tumingin siya sa paligid—sa Plaza, sa harap ng DWCB, sa malalaking puno na saksi ng lahat ng kanyang pinagdadaanan. Humigop siya ng mainit na kape at naglakad papunta sa Cathedral. Parang automatic na lang sa kanya ang pagpunta roon tuwing hindi niya alam kung saan ilalagay ang bigat sa dibdib.
Pagdating niya sa loob, naupo siya sa paborito niyang upuan sa ikatlong hanay. Pinikit niya ang mga mata. Pinagdasal niya ang lahat—ang sarili niya, ang pamilya niya, ang mga pangarap niya. Pero higit sa lahat, ipinagdasal niya si Yoli.
"Lord," bulong niya, "bahala na po kayo kay Yoli. Hindi ko na alam kung kaya ko pang unawain ang lahat ng ginagawa niya. Sana po, kung anuman ang tama para sa kanya, iyon po ang mangyari. At sana, matutunan ko na rin pong mahalin ang sarili ko. Kayo na po ang bahala sa kaniya. Hindi ko siya pinagmamay-ari, lahat din tayo, kaya Panginoon, ikaw na ang bahala sa kaniya."
Tumayo siya matapos ang ilang minuto. Lumabas siya ng simbahan at bumalik sa Plaza. Naupo siya sa isang sementadong bangko sa tabi ng stage. Doon, habang hinihintay niyang lumamig ang iniinom niya, napansin niya ang grupo ng mga kabataang naka-vest na kulay dark-gray na may tatak ng DWCB. Para silang multo mula sa nakaraan.
Parang may sumiksik na kirot sa puso niya, pero may bahid na ligaya rin. Kasi kahit papaano, natutuwa siya na ang kursong pinagpuyatan nila noon ay buhay na buhay pa rin. Tumitig siya sa kanila at nagbulong sa isip.
"Guys," sabi niya sa sarili, "alam ko na ang tagal na hindi na tayong nagkikita. Nakikita ko dito ang pag-usbong ng pinangunahan tayong kurso, ang STE-12 na dating pangalan ay SSC, o Special Science Class. Sa maraming taon, ako yung mabait na kakilala niyo noon, hanggang napunta na si Yoli sa buhay ko at nagsimula na ang madaming pagbabago. Nakakalimutan ko na ang sarili ko, at baka hindi na ako naging mabuti sa inyong lahat. Patawad...sa lahat ng utang ko sa inyo, sa mga 17 na kaklase ko. Pati na rin yung mga naunang kaklase ko sa SSC-10 na napunta na sa ibang paaralan noong Senior High School na sila. Nabulag ako sa pag-ibig, at tunay, at talaga na 'Too much love can kill you,' as they say. Pero ngayon, gusto ko sanang masabi sa inyo...sorry if I have wasted my time on someone who nearly killed me over you, my classmates. Sana, mapapatawad niyo ako. I will make it up to all of you in the near future. I miss you guys, especially mga barkada ko—Migs, Terio, at Elias. Long live Special Science, Technology, and Engineering Class of 2023–2024, the pioneer class. Semper Fidelis."
Tumingin siya sa mga DWCB teachers na dumadaan sa Plaza. Tumingin din siya sa mga senior highschool at college students.
"My Fellow Divinians, it is with sorrow, that what you had witnessed within my last days at DWCB, is something wrong, and it's because of a love that almost killed one of your students. For all of you who saw those, I apologize if I haven't been the senior and veteran you needed the most. But one thing for sure, now I can say, like the lines from Les Miserables, 'There is a flame that never dies, Even the darkest night will end and the sun will rise'. Kaya, my juniors at the Special Science Class, or the Science, Technology, and Engineering of the Divine Word College of Burnayan, even the juniors of the regular class, kayo na ang pag-asa ng bagong henerasyon. Dahil sa kwentong ito, yung naranasan ko, huwag niyo sanang balewalain ang mga mabubuting asal at aral na mula pa noon, hanggang ngayon, na nabubuhay pa rin. Sindihan at pasiklabin ulit ang apoy, para hindi makikita ang kasamaan. This is our heritage, this is what we are, the hospitality of the Filipinos. To all of you, regular ka man o special class, never let go of the good traits you have. Hindi ko nais na maranasan niyo ang narasan ko noon, kaya don't let history repeat itself again. Ace up your sleeves, as we did back then when we were in DWCB. As one of the 18 STE pioneer students, never give up, never let go of your passion or dream, as long as it will benefit the world we live in. Towards the world, and towards other people. Do not let greed and pride control you, because they will engulf y'all within them until you will never know who you really are. Never let them control you. Focus, on what is good for you, especially your studies. Mabuhay ang Science, Technology, and Engineering class o SSC! Mabuhay ang Divine Word College of Burnayan! SEMPER FIDELIS!"
Napasulyap siya sa langit. Para bang may mabigat na bato na nabunot mula sa dibdib niya.
"Pepe, nandito ka pala," sabi ng isang pamilyar na boses.
Paglingon niya, si Lola Lena pala iyon. Bitbit ang isang paper bag at may hawak na sobre.
"Ay Lola Lena, napadaan lang po ako," sabi niya.
Ngumiti si Lola Lena at iniabot ang dala. "Ito iho. Souvenir shirt mula sa New Washington. At ito naman," sabay abot ng sobre, "isang libo. Unang hulog para sa utang ni Yoli."
Natameme si Pepe. Gusto niyang tumanggi, pero alam niyang malaking tulong ito sa mga binabayaran niya. "Salamat po, Lola."
Umupo si Lola Lena sa tabi niya. Napahaba ang kuwentuhan nila. Ikinuwento ni Lola Lena ang nangyari kay Yoli noong nagpunta sila sa isang beach resort sa Agrimat.
"Naku iho, akalain mo yun, nasunburn ang bruha. Eh di ba ayaw na ayaw nun ng araw? Eh kasi naman, arte-arte. Ayaw magpayong. Ayun, nasunog ang balikat at likod nito. Nilagnat pa sa New Washington dahil sa lamig ng klima doon," sabi ni Lola Lena, sabay tawa.
Napatawa si Pepe, kahit may konting kirot pa rin. "Lola, ewan ko ba. Parang kung sinong donya, pero hindi naman marunong magbudget."
"Naku, iho, mas makaro pa nga ngayon. Ultimo tubig, gusto niya may lemon. Pati pagbuhat ng tumbler, pinapasa pa."
Nagmerienda sila sa McDo. Habang kumakain ng fries, ramdam ni Pepe na unti-unti na siyang nakakalaya. Parang sa bawat kuwentuhan nila ni Lola Lena, bumabalik siya sa sarili niya.
Pagkatapos, nagpaalam na siya at dumiretso sa Kabagis Grocery para mamili ng supply. Kada Miyerkules, ganito na ang routine niya. Hindi niya alam kung bakit, pero dito niya natagpuan ang kulang—ang pagmamahal niya sa sarili.
Isang araw, habang naglalakad siya pauwi, napansin niya ang araw na unti-unti nang lumulubog. Huminto siya sa Plaza para kunan ng litrato ang baso ng kape. Pero sa gilid ng stage, nakita niya si Yoli. Naka-cellphone ito. Sa likuran niya, si Jenny, na parang naiinis kay Yoli. Nakasuot sila ng kanilang Intrams Shirts na pula, na may tatak na Duc In Altum. Nagkatagpo ang mga mata nila ni Yoli. Walang sigawan. Walang drama. Wala na yung dating kislap. Para na lang silang dalawang estranghero.
Tumingin si Pepe sa Cathedral. Naghihilom na siya. Hindi na niya kailangang magpaliwanag pa. Hindi na rin siya umaasang babalik pa ang dati.
Sa isip niya, naaalala niya ang motto ng DWCB: Semper Fidelis. Ngayon, nauunawaan niya, hindi lang iyon para sa eskwelahan. Para rin iyon sa sarili—sa pagtupad sa pangako na huwag kalimutan kung saan ka nagsimula. Tulad ng sabi ni Jose Rizal: Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.
Tumingin siya sa Cathedral na may malalaking bitak pa rin mula sa lindol noong 2022. Napabuntong-hininga siya.
"May crack man sa mukha," sabi niya sa sarili, "pero matibay pa rin."
"Even Us, Nothing Is Certain Ever...
...I gave my all, but My Affection Remained, Gone As Regret Ended The Tender Embrace. Now, I live with the truth that For Everything Lost, I Promise Endings."
Sa buhay, may mga taong darating na parang apoy—magbibigay init, pero susunog din kung hindi mo iingatan. Minsan, kailangan mong tanggapin na ang tunay na pagmamahal, nagsisimula sa sarili. Hindi ka pwedeng magmahal ng iba kung hindi mo mahal ang sarili mo. At kahit ilang ulit kang madurog, tandaan mo: may halaga ka pa rin. Katulad ng simbahan, kahit may bitak, matibay pa rin ang pundasyon. Semper Fidelis.
Lumakad si Pepe papuntang Plaza Conquistador, habang nagpapatugtog ng 'The Ones We Once Loved', sa kaniyang earbuds.
WAKAS.
69Please respect copyright.PENANAPsa0zBhkX4


