Kabanata XLIX: Bogus
Sa pagdaan ng mga araw, tila hindi na kumikilos ang mundo nina Pepe at Yoli sa iisang bilog. Si Pepe, abalang-abala sa kanyang college life sa Burnayan University of Trade and Arts, habang si Yoli naman, patuloy na nababaon sa sariling daigdig ng kanyang mga online shopping at dramatikong pakikitungo sa buhay.
Biyernes ng hapon, nasa corridor si Pepe, pasan-pasan ang mabigat na backpack na punong-puno ng mga resibo, class records, at forms na hindi niya maintindihan kung bakit siya lang ang laging inaatasan.
"Ano ba 'to..." bulong niya sa sarili habang pinipirmahan ang tatlong attendance sheets na sabay-sabay ibinibigay sa kanya. "Class Mayor lang ako, hindi ako gobernador."
Lumapit ang kaibigan niyang si Aldrin at nakipagkamay.
"Uy Mayor," biro ni Aldrin, "anong plano mo sa next term, tatakbo ka na ba ulit?"
"Tarantado ka," sagot ni Pepe, sabay tawa. "Gusto ko na ngang magbitiw. Pagod na pagod na ako."
"Pero seryoso," bulong niya, "kaya nga minsan, naiisip ko, sana high school na lang ulit."
Sa kabilang dako, si Yoli, nasa Divine Word College of Burnayan, nakaupo sa upuan niya sa STE-8 classroom, habang palihim na nagsho-Shopee. Ang mga daliri niya, sanay na sanay na nag-a-add to cart na parang wala nang bukas.
Minsan, akala ni Pepe, titino na si Yoli. Ilang linggo na kasi mula nang madiskubre ang eskandalo sa Carousell, at inakala niyang natauhan na ito.
Pero hindi.
Sa totoo lang, mas tumindi pa ang kaadik-an ni Yoli sa Shopee.
Habang nasa klase si Ma'am Callanta sa Math, hindi man lang nakikinig si Yoli. Ang mata niya, nakatutok sa screen ng iPhone 12 niya.
"Yung pastel pink na tumbler..." bulong niya habang kiniklik ang Buy Now.
Nasa tabi niya si Jenny, nakamasid.
"Yoli, anong ginagawa mo?" tanong ni Jenny.
"Wala," sagot ni Yoli, sabay ngiti na parang inosente.
"Wala ka nang pera sa allowance mo, 'no?"
"Kebs," sagot ni Yoli, sabay irap.
Kung minsan, dahil wala na si Pepe sa DWCB, lumalabas sina Yoli at Jenny tuwing lunch. Madalas silang maglakad hanggang Plaza Selling, isang maliit na commercial area sa tapat ng McDo.
Pero kakaiba si Yoli. Hindi siya kumakain.
Minsan, tumayo siya sa harap ng National Bookstore, habang tinititigan ang mga stationery items.
"Yoli, kumain ka muna," sabi ni Jenny.
"Hindi ako gutom," sagot ni Yoli, sabay kuha ng maliit na ballpen na may tassel. "Ang cute."
"Hindi ka na naman kakain?"
"Hindi, bili na lang ako nito."
Isang Miyerkules, walang pasok si Pepe. Wala rin ang professor nila sa BU-TA.
Kaya, naisipan niyang magtricycle mula BU-TA papunta sa DWCB.
Pagdating niya doon, tanghaling tapat. Tirik na tirik ang araw. Pawisan siya nang pumasok sa gate.
Pagbaba niya sa tricycle, nilingon niya ang area kung saan madalas mag-lunch sina Yoli at Jenny—yung makipot na espasyong nasa pagitan ng Junior Laboratory Research Office at High School Faculty Room.
Sa di kalayuan, nakita niya ang isang babae, nakaupo, nakayuko sa cellphone.
Si Yoli.
Nagulat si Yoli pagkakita sa kaniya. Hindi niya inasahang andun na naman si Pepe.
Parang asong nahuli sa basurahan, tumayo agad si Yoli at umakyat ng hagdan sa second floor, walang kibo, walang tingin.
"Wala man lang 'Hi,'" bulong ni Pepe.
Habang naiwan si Pepe sa ibaba, nilapitan siya ni Jenny at isang babaeng medyo may-edad na—si Tita Jin.
"Pepe, kumusta?" bati ni Tita Jin.
"Ok lang po," sagot ni Pepe. "Kumusta naman si Yoli dito?"
Nagtinginan sina Jenny at Tita Jin.
"Ay naku," sabay sabi ni Jenny, "parang crazy 'yang si Yoli."
"Ha? Bakit?"
"Ay, hindi kumakain ng lunch," sabi ni Jenny. "Araw-araw, puro parcel, pero walang pagkain."
"Totoo," dagdag ni Tita Jin. "May cousin pa raw siyang half-Japanese. Crush daw niya."
Napakunot-noo si Pepe.
"Ha? Kanino na namang guni-guni 'yan?"
"Ewan namin," sabi ni Jenny. "Basta hindi siya kumakain. May utang pa nga sa canteen."
Napabuntong-hininga si Pepe.
"May parcel ba siya ngayon?" tanong niya.
"Ay oo," sagot ni Jenny. "Madami. Parang every day meron. Siguro dun napupunta allowance niya."
Napahawak sa sentido si Pepe.
"Wala na," bulong niya. "Lunod na talaga siya."
Pagkauwi niya, gusto niya sanang sabihin agad kay Lola Lena. Pero bago pa niya mai-dial ang number, biglang tumunog ang cellphone niya.
Tumatawag na pala si Lola Lena.
Pag-angat niya ng tawag, boses agad ni Lola ang narinig niya.
"Apo!" sigaw ni Lola Lena. "Andaming sellers na nagpopost sa Facebook. Bogus Buyer daw si Yoli!"
Napatigil si Pepe.
"Ano po?"
"Oo, andami. Nagagalit na. Naka-screenshot pa. May nagorder siya ng Boracay Bear sa 'thebookclubz.' Yung iba, Hong Kong merch, Tommy Hilfiger na bag, kung anu-ano!"
Inilista nina Lola Lena at Pepe ang mga babayaran ni Yoli.
Sabay-sabay binanggit ni Lola Lena ang mga sellers:
thebookclubz – Boracay Bear – ₱1,000 arianem0317 – Hong Kong Disneyland Merch – ₱1,005 raidourhome – Tommy Hilfiger backpack – ₱2,000 marietefaith0985 – Ube Jam, Lengua de Gato, Peanut Brittle – ₱8,360
" Diyos ko, apo..." bulong ni Lola Lena. "Ano na naman 'to?"
Mabilis na binuksan ni Pepe ang Carousell account niya. Tinignan niya ang conversations.
Nakita niya ang lahat ng resibo, screenshots, at messages.
Hindi siya makapaniwala.
Napahawak siya sa kanyang mukha.
Sa sobrang hiya, nag-message si Pepe sa lahat ng sellers.
"Pasensya na po," sabi niya, "hindi po alam ng bata ang ginagawa niya. Pwede po ba cancellation fee na lang?"
Mga tugon ng mga sellers, may positibo at negatibo
May ilan na maunawain.
"Ok lang, basta bayaran mo na lang cancellation fee na ₱180," sabi ni thebookclubz.
Yung iba, mas mahigpit.
"Full payment na lang, ayoko na," sabi ni arianem0317.
May isa pang nagpabayad ng ₱400 para sa abala.
Napabuntong-hininga si Pepe. Binayaran niya lahat ng kaya niyang bayaran, kahit kalahati ng allowance niya ang nauubos.
"Huwag kang mag-aalala Apo, babayaran namin yan at si Tita Camila mo", text ni Lola Lena sa kaniya.
Sa kabilang panig, si Yoli, nakahiga sa kama, hawak ang cellphone, pero tahimik.
Nararamdaman niya ang tensyon. Kahit hindi siya nagsasalita, alam niyang madidiskubre din lahat.
Nang gabi ring iyon, pumasok si Lola Lena sa kwarto, kasunod sina Tita Criselda at Cristina.
Tahimik silang lahat.
Sa wakas, bumulong si Yoli.
"Ano?" tanong niya.
"Yoli," sabi ni Lola Lena, nanginginig ang boses, "ano na naman 'tong ginagawa mo?"
Tahimik si Yoli.
"Hindi ka na natuto," sabi ni Cristina. "Araw-araw ka nang perwisyo."
Si Yoli, nakangiti pero malamig.
"I can buy myself anything I want to have... bitches," sabi niya, sabay irap.
65Please respect copyright.PENANAqLWrR9ktx5


