Kabanata XLVIII: Bente o Bili?
Nagpapatuloy ang tila walang katapusang teleserye nina Pepe at Yoli—ang magkasintahang puno ng away-bati, tampuhan, tawanan, at kung anu-ano pang eksena na parang sinusulat araw-araw ng isang marites na may hawak na bolpen.
Alas-siyete y medya ng gabi, nakahiga si Pepe sa kama, may cellphone sa isang kamay habang ang isa niyang kamay ay hawak ang yellow pad na puno ng mga sulat-turo.
Nagvi-video call sila ni Yoli, gaya ng nakagawian tuwing gabi.
"Pepe, pakiexplain ulit yung subject-verb agreement," ani Yoli, habang nakasandal sa unan niya, hawak ang lapis na parang laruan.
"Yoli, ilang beses ko na bang inulit to?" sabay irap ni Pepe. "Subject... verb... agreement. Dapat tugma sila. Kapag singular ang subject—"
"—singular ang verb," sabat ni Yoli, sabay yawn na parang gutom na tuta. "Oo na, gets ko na yan."
Maya-maya, tumigil si Pepe at lumingon sa notepad. "O, ngayon, magreview na tayo ng math. Algebra tayo."
Parang pinapalo ng latigo si Yoli sa narinig. Nagsimangot siya.
"Ha? Math na naman?" reklamo niya.
"Oo. Dapat kompleto ang review mo. Hindi pwedeng puro English at Science lang," sermon ni Pepe.
Pero umiling si Yoli, habang nililipat ang camera sa kisame, kunwari hindi siya naririnig.
"Ayoko nga," sabi ni Yoli. "Nai-stress ako sa math."
Sa di kalayuan, si Lola Lena ay palaging alerto sa mga ganitong pag-uusap. Isang gabi, pinakinggan niya ang usapan sa speaker ng cellphone ni Yoli habang nagsasampay siya ng tuwalya.
"Yoli!" sigaw ni Lola Lena, "Magreview ka na ng math!"
"Tanda, mamaya naaaa," inis na sagot ni Yoli, sabay bagsak ng cellphone sa kama.
"Ano ka ba? Para kang walang pakialam sa grades mo," sermon ni Lola. "E kung bumagsak ka, kaninong mukha ang mapapahiya?"
"E di mukha mo," bulong ni Yoli sa sarili, pero hindi niya sinasabi nang malakas.
"Talaga ang batang ito!", sabi ni Lola Lena, na lumabas na ng kwarto.
Si Pepe, parang gusto nang magbitiw sa pagiging tutor.
"Alam mo, Yoli," sabi niya, "minsan parang gusto na kitang turuan ng math gamit ang kawayan."
"Tsk," irap ni Yoli. "Puro ka na lang math."
Isang Sabado, nagpasya si Pepe na bumisita sa Basi. Naisip niya, baka kapag personal siyang nandoon, mas tatagal ang pasensiya ni Yoli sa math.
Pagkarating niya sa apartment, si Lola Lena ang nagbukas ng pinto.
"O, apo," bati ni Lola, "pasok ka. Nandyan sa sofa si Yoli, parang tuta na nakahiga."
Pagpasok niya, si Yoli nakasando at nakapajama, nakataas ang dalawang paa sa armrest ng sofa habang nanonood ng Grizzy and the Lemmings.
"Hi, Hey," sabi ni Pepe, "andito na ako. Magreview na tayo Yols."
"Hi po," sagot ni Yoli na parang wala lang.
"Tama na yang kakatamad mo diyan," sabay hila ni Pepe sa notebook niya. "Functions and not functions tayo ngayon."
Napabuntong-hininga si Yoli. "Fine."
Lumipas ang isang oras, pero sa dami ng "Ayoko na!" at "Nakakatamad!" ni Yoli, parang kalahating pahina lang ng module ang natapos.
"Ano ba, Yoli," reklamo ni Pepe, "bakit kapag math, parang binabarena yung utak mo?"
"Wala ka nang pake," sabay irap ni Yoli.
Nang matapos ang functions topic, bigla siyang ngumiti. "Sige, nanonood muna tayo ng KMJS."
"Yan na naman," sabi ni Pepe, pero pumayag din siya.
Pagkatapos ng KMJS, tumayo si Yoli at lumapit kay Pepe.
"Pepe, meron akong project. Tulungan mo ako," utos niya, sabay hawak sa braso ni Pepe.
"Ano na namang project yan?" tanong ni Pepe.
"Gagawa tayo ng kimchi," sagot ni Yoli na parang proud na proud.
"Kimchi? Ewan ko sayo," sagot ni Pepe, pero wala na siyang magawa.
Maya-maya, dumating sina Tita Criselda at Cristina.
"O, Pepe," sabi ni Cristina, "samahan mo na nga 'tong batang 'to."
Sa kusina, nagkakagulo ang lahat. Si Pepe, nagchachop ng repolyo. Si Lola Lena, nagtatadtad ng bawang. Si Tita Criselda, nagmi-measure ng gochugaru. Si Cristina, nagpiprito ng konting hipon.
Samantala, si Yoli, nakahiga sa sofa, nakataas pa rin ang mga paa, hawak ang remote ng TV.
"Hoy, Yoli!" sigaw ni Tita Cristina, "ikaw dapat nagfe-ferment!"
"Busy nga ako Cristina," sagot niya, sabay turo sa TV. "O, tingnan mo, tumatalon yung lemming."
"Tamad mo!" sabay sigaw ni Lola Lena, pero tumatawa na rin.
Isang araw, habang nagpapahinga si Yoli sa kama, nag-message si Tito Carl.
"Yoli," sabi ni Tito Carl sa chat, "turuan mo ako magbenta sa Carousell."
"Ano yun?" tanong ni Yoli, pero curious na curious na siya.
Dinownload niya ang app sa iPhone12 niya.
"Uy, parang Shopee to ah," sabi niya sa sarili. "Interesting."
Nagstart siyang mag-upload ng listings ni Tito Carl: lumang cellphone, mga laruan, sapatos.
Pero habang nagba-browse, hindi niya napigilang i-click ang Buy Now.
Lumipas ang ilang araw, hindi lang pala listings ang ginawa ni Yoli. Bumibili na siya. Marami. Bags, trinkets, crop-tops, iPhone12 urban case, Kuromi Merch, at kung anu-ano pa.
Isang gabi, habang nanonood si Pepe ng TNTL o Try Not To Laugh Videos sa YouTube, biglang tumawag si Lola Lena.
"Iho," sabi ni Lola Lena, "kung pwede o ok lang sa inyo, pwede bang paki-download mo yang Carousell app?"
"Bakit po?" tanong ni Pepe, kabado.
"Parang may kalokohan na naman si Yoli sa app na yan."
Sumunod si Pepe. Pagka-download, naglogin siya gamit ang account ni Yoli na ibinigay ni Lola.
Pagtitig niya sa screen, muntik niyang mahulog ang cellphone.
"Lola... andami niyang inorder!" sigaw ni Pepe.
Ibinalita niya ito kay Lola Lena. Hindi na naghintay pa ang matanda.
"Cristina! Criselda!" sigaw ni Lola Lena, "Halika dito!"
Pagpasok nila sa kwarto ni Yoli, nakita nilang nakahiga ito sa kama, hawak ang cellphone.
"YOLI!" sabay-sabay silang sigaw.
"Ano na naman yan!" sigaw ni Yoli, hindi tumitingin.
"Anong I can buy anything I want?" tanong ni Tita Criselda. "Sino nagbigay sayo ng karapatang magwaldas ng pera?"
Si Yoli, tumingin sa kanila na parang reyna.
"I can buy myself anything I want to have... bitches," sabi niya, sabay irap.
"AHHHHH!" sigaw ni Lola Lena, habang si Cristina at Criselda ay nagtatakbo sa inis.
Sa Puerto Pandan, si Pepe, nakahiga sa kama, hawak ang cellphone. Napapailing siya.
"Wala na, parang surrender na ako. Bakit pa nga kasing Carousell? Hindi ba nila alam yung ugali yung batang iyon. Akala mo, hindi na mag-oonline shopping. Pero ano na, ibinalik niya rin. Talagang 'tong batang ito, 'Old Habits Die Hard' as they say." bulong niya sa sarili.
67Please respect copyright.PENANA0Kiu498xAM


