Kabanata XLVII: Tiongson
Hindi talaga nauubos ang istorya nina Pepe at Yoli, para silang teleseryeng wala pang final episode, laging may bagong pasabog.
Gabi noon, alas-diyes pasado, tahimik ang paligid ng Puerto Pandan. Si Pepe, nakaupo sa gilid ng kama niya, bitbit ang cellphone at naka-headset. Naka-on na naman ang video call nila ni Yoli.
Pagkabukas ng screen, una niyang makita ang nakangising mukha ni Yoli, na parang may inihahandang pasaring.
"O, ano na naman ang balita sa DWCB?" tanong ni Pepe, sabay buntong-hininga, dahil parang inuutusan siyang magbukas ng aklat ng chismis.
Si Yoli, nagkukunwaring abala sa pag-check ng modules niya, pero halatang hinihintay ang tanong na 'yon.
"Wala namang bago," sagot niya na parang walang gana. "Normal lang. Math, Science, English, ganyan. Madali lang naman."
Napakunot-noo si Pepe. "Madali lang?"
"Oo," sabi ni Yoli, sabay irap. "Ang bilis nga ng math namin."
Ang bilis ng math nila? Paulit-ulit na nag-e-echo sa isip ni Pepe ang linyang iyon. Parang linya ng bida sa pelikula na ipinagyayabang ang pagiging henyo.
Pero bago pa man siya makasagot, naalala niya ang sarili niyang kaabalahan sa Burnayan University of Trade and Arts.
"Sa amin naman," panimula ni Pepe, "hay naku, stress na stress ako sa COE. Yung mga kaklase ko, parang mga bata sa daycare. Hindi marunong sumunod sa instruction."
Si Yoli, nagtaas lang ng kilay.
"Eh ikaw naman kasi, class mayor ka pa," sabi ni Yoli, sabay tawa ng pakunwari.
"Gusto ko na nga mag-resign," reklamo ni Pepe, sabay kuha ng ballpen at inikot-ikot ito sa daliri. "Alam mo ba, araw-araw akong sinusumpong ng headache kakapuna sa kanila."
"Eh di wag ka na kasing magpakamartyr," pang-aasar ni Yoli.
"Hindi ganun kadali," sagot ni Pepe, sabay buntong-hininga. "Responsibilidad yan."
Bumalik siya sa tanong. "Ikaw, anong kwento mo sa DWCB? Kumusta klase niyo? Yung teacher niyo sa Math?"
Biglang natahimik si Yoli. Tumingin ito sa kisame na parang may hinahanap na sagot doon.
"Eh wala," maikli niyang sagot, sabay sablay ng tingin.
Wala? Napansin ni Pepe na iba ang tono nito. Parang may tinatago.
Biglang sumingit sa alaala ni Pepe ang tawag niya kay Lola Lena isang linggo na ang nakalipas.
"Lola," tanong ni Pepe noon, "kumusta si Yoli sa Math?"
Ayaw sana magsalita ni Lola Lena, pero sa huli, umamin din.
"Naku, apo, ibinaba ni Ma'am ang grade niya sa Math. From 91, naging 87."
"Ha? Bakit?" tanong ni Pepe.
"Ewan ko ba, sabi daw ni Ma'am, hindi raw consistent ang recitations niya. Tapos, wala daw submission sa isa sa mga outputs."
"Patay," bulong ni Pepe noon, "e 88 dapat para di matanggal sa STE."
Muling bumalik si Pepe sa kasalukuyan.
"Ahh ganun?" sabi niya kay Yoli ngayon, pilit na kalmado ang boses. "Ok."
Pero sa loob niya, parang may bumagsak na hollow blocks sa dibdib niya.
Pero parang wala lang kay Yoli ang lahat. Bigla siyang ngumiti ng misteryoso.
"Alam mo ba, Pepe," panimula niya, "may bago akong friend."
"Ano naman yan?" tanong ni Pepe, medyo inis na.
"Si Patrick Tiongson," sabi ni Yoli na parang ipinagyayabang ang pangalan.
Patrick Tiongson.
Biglang nanlamig ang batok ni Pepe. Parang may bumagsak na yelo sa batok niya.
Si Patrick Tiongson. Apo ng mga politiko sa kanilang probinsya. Kilala sa buong Burnayan ang apelyidong Tiongson—ubiquitous, makapangyarihan, at minsan, nakakatakot.
Noong COVID-19 Pandemic, nung STE-8 pa lang siya, nag-research si Pepe tungkol sa pamilya Tiongson at ang buong lalawigan nila. Iniisa niya ang lahat ng bayan, mula Burnayan, Pag-alahasan, Puerto Pandan, Ferrer, Nueva Coveta, Agrimat, mula Pagtagudan hanggang sa Sto. Cristo sa hilaga ng lalawigan. Binasa niya ang mga lumang almanac, mga artikulo sa pahayagan, pati pelikula tungkol sa dynasty ng mga Tiongson.
Naaalala niya pa. Si Patrick, anak ng dating konsehal sa siyudad. May mga kuwentong kahit principal, sumasaludo kapag pumapasok sa school.
"Yoli," seryosong tono ni Pepe, "baka gusto mo lang iwasan yan."
"Bakit?" tanong ni Yoli, nakataas ang kilay.
"Hindi mo ba alam? Yung pamilya nila... may impluwensya. Kapag may nasabi kang mali o nasaktan mo yan, baka ikaw pa ang balikan."
"OA mo," sabat ni Yoli, sabay tawa. "Sobrang OA."
"Hindi OA yun," giit ni Pepe. "Serioso ako."
Pero parang bingi si Yoli. Nagscroll siya sa cellphone at biglang sumigaw.
"Oh, nagreply na si Tito Pat! Ang pogi at gentle niya pala. HAHAHA!"
Parang may humampas na mabigat na bag kay Pepe. Ang init ng batok niya. Ang puso niya, parang tinutusok ng mga aspili.
Pero pilit niyang pinakalma ang sarili.
"Well, that's great," sabi ni Pepe, pilit ang ngiti. "Call tayo mamaya, may gagawin lang ako saglit."
Wala pang limang segundo, biglang binaba ni Yoli ang tawag. Hindi man lang nagpaalam.
Napapikit si Pepe. Huminga siya ng malalim.
Hindi na niya kinaya. Tinawagan niya si Lola Lena.
Pag-angat ng tawag, si Lola Lena ang sumagot.
"Oh, apo, bakit?"
"Lola," sabi ni Pepe, pigil ang inis, "alam niyo ba yang si Yoli, kinakausap yung Patrick Tiongson."
"Ay, Diyos ko," bulalas ni Lola Lena, "Cristina! Criselda! Halika dito! Meron na namang issue!"
Narinig ni Pepe sa background ang yabag nina Tita Cristina at Criselda.
"Ano na naman yan?" tanong ni Tita Criselda.
"Yung si Patrick Tiongson daw," paliwanag ni Lola Lena, "yung anak ng konsehal. Ka-chat ni Yoli."
"Hay naku," sabi ni Cristina, "baka magkaproblema pa tayo diyan."
"Lola, kayo na bahala," sabi ni Pepe, sabay buntong-hininga.
"Opo," sagot ni Lola Lena. "Kami na ang bahala rito."
Makalipas lang ang sampung minuto, sa apartment nila Yoli sa Basi, bumugso ang pintuan ng kwarto ni Yoli.
"Yoli!" sigaw ni Lola Lena.
Nagulat si Yoli. Nakahawak pa siya sa cellphone, nakaopen ang chat kay Patrick Tiongson.
"Ano ba yang pinaggagawa mo?" tanong ni Tita Criselda, nakapamewang.
"Wala nga eh," sagot ni Yoli, sabay irap.
"Hindi yan wala," sabi ni Tita Cristina, "nagpapaselos ka na naman."
"Ano naman ngayon?" sagot ni Yoli, "wala naman kayong pakialam!"
At doon na sumabog si Yoli. Parang bulkang Mt. Pinatubo.
"Hala siya," sabi ni Criselda, "nagmamaldita na naman."
"Hindi niyo ako naiintindihan!" sigaw ni Yoli. "Kaibigan ko lang siya! Ba't ba kayo nagkakaganyan!"
"Ay nako," sabi ni Lola Lena, "huwag mo akong sigawan. Kami ang nagaalaga sayo!"
Ang sigawan ay parang yung mga nakikita natin sa teleserye ngayon. Pero ito talaga ang 'harsh reality' na natin, especially dito sa Pilipinas. Ang henerasyon ngayon ay wala ng respeto sa mga pamilya.
Nang medyo kumalma, umupo si Yoli sa gilid ng kama. Tahimik na siyang nakayuko.
"Yoli," sabi ni Tita Cristina, mas mahinahon na, "wala kaming ibang gusto kundi mapabuti ka."
Hindi na sumagot si Yoli.
Sa kabilang dulo ng Burnayan, si Pepe, nakahiga sa kama. Hawak niya ang cellphone pero wala siyang balak magmessage muna. Inispread niya ang mga kamay niya sa kama, at tumingin sa kisame.
Sa isip niya, Sana lang, hindi na ito lumala. Sana maintindihan niya na hindi lahat ng tao dapat pinaglalaruan. Lalo na kung politiko ang pamilya.
Huminga siya ng malalim.
At iyon ang gabi na parang lumubog sa katahimikan ang buong Puerto Pandan.
67Please respect copyright.PENANAu2mvcXV0EK


