Kabanata XLVI: Nakasanayan
Hindi pa rin talaga nauubos ang mga pagkakataon para magchismisan sina Pepe at Yoli. Parang walang katapusang teleserye ang kanilang mga usapan, laging may bagong eksena, bagong aberya, at bagong tema.
Gabi noon, alas-diyes na, habang ang karamihan ay nagpapahinga na, muling nagvideo call si Pepe kay Yoli. Naka-headset si Pepe, nakahiga sa kama, hawak ang cellphone sa ibabaw ng dibdib. Si Yoli naman, nasa maliit na study table sa tabi ng lumang kurtina nila sa Basi.
"Kamusta araw mo?" bungad ni Pepe, sabay hikab.
"Eto, normal lang," sagot ni Yoli, sabay suklay ng buhok niyang medyo magulo. "Ikaw?"
"Grabe. Sabi ko nga sayo, sa Burnayan University of Trade and Arts, yang pagiging class mayor, nakakapagod," reklamo ni Pepe. Napabuntong-hininga siya, para bang dalang-dala ng stress ang kaluluwa niya.
"Haha! Bakit? Anong nakakapagod diyan? Akala ko ba gusto mo yan?" pang-aasar ni Yoli, nakataas ang kilay.
"Hindi mo lang alam. Yung mga klase namin, mga deadlines, tapos ako pa magko-coordinate kung sino absent, sino late... tapos minsan ako pa mag-iipon ng project fees," reklamo ni Pepe, sabay sandal sa unan.
Si Yoli naman, biglang sumingit. "HAHAHAHA! At least hindi na ako class officer kagaya last year. HAHAHA!" Sabay tawa ng malakas na parang nakakaloko.
Napailing na lang si Pepe. "Talaga, ang hirap pagiging class mayor doon."
"Eh di wag ka na kasi," biro ni Yoli, sabay irap at kindat.
Sa paglipas ng mga araw, hindi lang simpleng chismisan ang ginagawa nila. Halos gabi-gabi, nagpapatutor si Yoli kay Pepe via online.
Pero habang tumatagal, may napapansin si Pepe. Parang may kakaiba kay Yoli. Hindi na ito yung dating Yoli na medyo mahiyain kapag nagkakamali sa Math.
Isang gabi, habang tinuturuan niya si Yoli ng Algebra, biglang tumawa ito nang malakas.
"HAHAHA! Ang dali pala nito! Bakit kaya nahihirapan yung iba dito?"
"Ah ganun?" tanong ni Pepe, nakataas ang kilay.
"Oo, parang ang bobo lang nila minsan. Ako nga, perfect sa quiz," pagmamalaki ni Yoli, sabay hawak sa pisngi na parang kinikilig... sa sarili niya.
Napabuntong-hininga si Pepe. "Ayan ka na naman. Masyado kang over-confident."
"Eh totoo naman," sagot ni Yoli, sabay pout.
Minsan naman, habang nagtuturo si Pepe ng Geometry, bigla ulit itong nagmayabang.
"Alam mo ba, Pepe? Nung pinasa ko yung output ko, sabi ni Ma'am, napakaganda daw ng gawa ko. Ako lang daw ang naka-perfect!"
"Congrats," sabi ni Pepe, pilit ngumiti. Pero sa loob niya, parang may kurot. Aba, hambog na ang batang ito, sabi niya sa isip.
Dahil sa ugali ni Yoli, hindi maiwasang magkaroon na naman sila ng away. Minsan, simpleng tanong ni Pepe kung kailangan ba talaga ipagyabang lahat, bigla itong nagalit.
"Kahit kelan, hindi ka marunong magsaya para sa iba!" sigaw ni Yoli, sabay end call.
Pero siyempre, makalipas lang ang dalawang araw, bati na naman sila. Parang wala lang nangyari. Parang normal na parte na ng relasyon nila ang maliit na digmaan.
Lumipas ang mga linggo. January na. At sa Burnayan, isa ito sa pinakaabala na buwan. Kapistahan na naman ng lungsod—Burnayan City Fiesta—na dinadaluhan ng halos lahat ng barangay.
Alam ni Pepe na may malaking parada. Kasama doon ang Junior High Marching Band ng DWCB kung saan member si Yoli.
Isang gabi bago ang pista, nag-usap sila ni Mama habang nag-aayos ng mga dadalhin.
"Anak, bukas pupunta tayo sa procession ha," sabi ni Mama niya, sabay tiklop ng barong ni Pepe.
"Opo," sagot ni Pepe.
January 24, alas-sais ng gabi. Dala nila Mama ang maliit na bag na may rosaryo at kandila. Nakisali sila sa Burnayan City Fiesta Procession.
Nagmamasid si Pepe sa mga karozza. Tinitingnan niya ang mga imahe ng patron, habang pinapahid ang pawis sa leeg.
Napansin niya ang isang madre na nagkukwento sa katabi.
"Alam mo ba," sabi ng madre, "noon, kapag palapit na ang carrozza ni San Pablo sa cathedral, may arko diyan sa harap. May bata na bababa na nakadress-up na anghel. Magpapatong siya ng boquet sa paanan ni San Pablo."
Napaisip si Pepe. Wow, sabi niya sa isip. Pero nang sila na ang nasa harap ng Cathedral, wala namang arko.
"Sabagay," bulong niya sa sarili. "Sa buong Pilipinas, parang naiiba na ang mga tradisyon at panitikan dahil sa mga makapanibagong teknolohiya. Pero itong lungsod na ito, kahit may mga Geng-geng na bata, ang heritage dito ay nabubuhay pa rin. Nagbabago man ang panahon, pero sa tanda ng mga bahay at imprastrukturang ito, testigo sa kamay ng oras."
Kinabukasan, Enero 25, pista na ng Burnayan.
Sabi sa announcement, 7:30am mag-iistart ang parada. Pero, well, Filipino Time is real.
Alas-otso pasado na, naghahanda pa lang ang mga ahensya. Ang mga banda, nag-aayos pa ng uniform. Ang mga floats, hindi pa umaandar.
Naglakad si Pepe sa southern side ng Capitolyo. Doon niya nakita sina Yoli at Jenny, nakaayos na sa kanilang posisyon sa Marching Band.
Napanganga siya. Ang ganda ng uniform nila, sabi niya sa isip. Blue, gold, and white. Parang pormang royalty.
Pero si Yoli, parang hindi masaya na nakita siya.
"Good luck!" sigaw ni Pepe, pero hindi ito pinansin ni Yoli.
Nakita naman niya si Jenny na nakangiti.
"Jenny," sabi niya, "pwedeng pahiram saglit ng lyre mo?"
"Ay sige, Kuya!" sagot ni Jenny, sabay abot ng lyre.
Hawak ni Pepe ang lyre. Hindi siya katulad ng ibang lyrist na sunod lang sa song sheet.
Tumayo siya sa gilid at tumugtog ng Dilaw by Maki. Napahinto ang ilang mga bata. Tapos, sinundan niya ito ng Somewhere Only We Know. May pumalakpak pa nga.
Hindi pa siya tapos. Pinatugtog niya ang DWCB Hymn, sabay Stars and Stripes Forever.
Nakanganga si Jenny.
"Ang galing mo, Kuya Pepe! Lodi!" sigaw niya.
Pero si Yoli, nakasimangot lang. Parang binabalatan ng sibuyas ang puso ni Pepe sa pag-iwas nito.
Pagkatapos ng performance, lumapit si Jenny kay Pepe.
"Kuya Pepe, gusto ko matutunan yung ganun. Pwede ka ba magturo sakin?"
Bago pa makasagot si Pepe, biglang humila si Yoli sa braso niya.
"Uyy, punta nga tayo sa 7/11 diyan sa kanto ng Burgos at Rizal!" utos ni Yoli.
Nagulat si Pepe. "Ha? Ngayon?"
"Oo," sabay hatak.
Dumiretso sila sa 7/11. Pagpasok pa lang, agad kumuha si Yoli ng malaking Mang Juan. Si Pepe naman, syempre, kape ulit.
"Pabili mo ko ng tubig," utos ni Yoli.
"Okay," sabi ni Pepe, sabay abot ng tubig sa counter.
Pero hindi pa tapos si Yoli. Nakita niya ang Chupa Chups na nakahilera sa gilid.
"Pepeeee, bili mo ko nito," sabi ni Yoli na may puppy eyes.
"Isa lang ha," sagot ni Pepe.
"Ay, dalawa," pilit ni Yoli.
"Isa lang!" sagot ni Pepe, pero sa huli, binilhan niya rin.
Paglabas nila, ngumiti si Yoli. Pero pagbalik nila sa pwesto, nagbago na naman ang mood.
"Ok, layo ka na," sabi ni Yoli, sabay irap.
Napakunot-noo si Pepe.
"Na naman," bulong niya, sabay shake ng ulo.
Lumakad siya palayo at nakita si Lola Lena sa harap ng monumentong parang lagusan.
Eksaktong alas-nwebe, nag-umpisa ang parada.
Nagmartsa sina Yoli at Jenny. Nakatuon si Yoli sa lyre niya. Wala na siyang ibang pinapansin.
Si Pepe naman, tahimik na nakamasid mula sa gilid. Kahit ilang beses na siyang nawindang sa ugali ni Yoli, hindi niya maiwasang mapangiti.
Ganyan ka na talaga, sabi niya sa isip, at siguro, kahit papaano, doon ako naiinlove.
76Please respect copyright.PENANAE8fWbGlDoD


