Kabanata XLV: Taglamig Feels, II
Nagdaan ang mga araw na parang wala lang. Parang ihip lang ng hangin na dumadaan sa may kalye ng Puerto Pandan—madalas mainit, minsan malamig, pero laging andun, hindi nawawala.
At sa bawat paglipas ng araw, hindi rin nawala ang cycle ng relasyon nina Pepe at Yoli—ang kanilang signature routine na walang makakapantay. Away, bati, bati, away. Minsan, kahit sila na mismo, hindi na nila alam kung kailan ba sila okay, at kailan hindi.
Noong unang araw matapos ang kapistahan ng DWCB, bati sila. Nagvideo call pa nga sila noon, sabay nood ng KMJS. Pero pagsapit ng Miyerkules, wala na namang pansinan. Ang dahilan? Wala. Basta. May isa lang na tanong si Pepe na hindi nagustuhan ni Yoli.
"Yoli, kamusta ka na?" tanong ni Pepe noon, simpleng tanong lang naman.
"Bakit mo tinatanong? Para saan pa?" tugon ni Yoli na may kasama pang matinding irap.
Napahawak na lang si Pepe sa sentido niya. Ewan ko na lang talaga, sabi niya sa isip.
At mula noon, hindi na sila nag-usap. Dalawang araw. Tatlong araw. Hanggang pumasok na ang Disyembre 15, at unti-unti nang sumisilip ang simoy ng Pasko.
Dahil sa sobrang pagkasubsob sa bati-away nilang dalawa, hindi nila namalayan na bakasyon na pala. Wala nang klase ang Grade 8. Wala nang exams ang college. Lahat ng tao, busy na mamili ng pang-Noche Buena.
Isang hapon, habang nakahiga si Pepe sa kanilang sala, pinapanood niya ang lumang parol na kumukurap sa bintana. Ilang taon na rin ang parol na iyon. Simbolo ng lahat ng Pasko na dumaan sa kanila. Pero ngayong taon, kakaiba ang pakiramdam niya.
Tahimik ang cellphone niya. Walang text mula kay Yoli. Kahit simpleng "Kain na," wala.
Pero bigla siyang nakatanggap ng tawag mula kay Lola Lena.
"Pepe, anak," sabi ni Lola Lena sa kabilang linya, "aalis kami bukas nina Yoli, Tita Criselda at Tita Cristina. Magpapasko kami sa Intraquiando."
"Opo, Lola," sagot ni Pepe, pilit na tinatago ang lungkot sa boses niya. "Ingat po kayo."
Hindi niya kayang direktang tawagan si Yoli. Kaya kay Lola Lena siya nag-a-update.
"Sabihin mo kay Yoli... happy trip," dagdag pa niya.
"Oo, anak, sasabihin ko," tugon ni Lola Lena.
Dumating ang Disyembre 20. Disyembre 22. Disyembre 24. Tahimik pa rin, parang Silent Night Holy Night na talaga. Si Pepe, abala lang sa pagtulong sa bahay—nagwawalis, nag-aayos ng mga kurtina, namimili kasama si Mama. Pero sa bawat pagkuha niya ng cellphone sa bulsa, umaasa siyang may text. Wala.
Kahit paano, sinasabi niya sa sarili: Okay lang. Magpapasko rin sila. Siguro busy.
Nung gabi ng Disyembre 24, habang kumakain sila ng Noche Buena—handa na ang hamon, spaghetti, fruit salad—wala pa ring mensahe. Kaya nagkunwari siyang masaya habang nagkakainan sila ng pamilya.
Kinabukasan, Christmas Day, wala pa ring paramdam. Tanging si Lola Lena lang ang minsan tumatawag.
Disyembre 30, alas-nuwebe ng umaga, tumawag ulit si Lola Lena.
"Pepe, anak, uuwi na kami bukas. Na-miss mo na siguro si Yoli," sabi ni Lola Lena na may halong biro.
Napangiti si Pepe, kahit hindi niya sigurado kung dapat ba siyang matuwa.
"Opo, Lola," sabi niya. "Ingat po kayo."
At noong Enero 1, sa unang araw ng taon, umuwi na sina Yoli at pamilya. Hindi man sila agad nagkita, alam niyang malapit na silang mag-usap.
Isang gabi, alas-nuwebe na, nag-vibrate ang cellphone ni Pepe. Pagbukas niya, si Yoli na. Video call.
Agad niya itong sinagot. Paglitaw ng mukha ni Yoli sa screen, pareho silang natawa.
"Ay, grabe, ang itim mo na," biro agad ni Pepe.
"Kainis ka!" sabay irap ni Yoli. Pero ramdam niya ang saya sa boses nito.
"Kamusta Christmas mo?" tanong ni Pepe, nagsisimula na ang mahabang usapan.
"Eto, nakakapagod. Ang dami naming pinuntahan. Ang daming kamag-anak. Ikaw?"
Nagkwentuhan sila ng mahigit isang oras. Tungkol sa Noche Buena. Sa regalo. Sa mga pinsan. Sa mga kaingay sa Intraquiando.
Pagkatapos, nagtanong si Yoli: "Pwede ba tayong maglunch bukas? Gusto kitang makita."
"G ako," sagot ni Pepe. Walang alinlangan.
Bago matapos ang tawag, nanood pa sila ng isang episode ng KMJS. Pareho nilang favorite ang feature tungkol sa mga lumang pamahiin ng mga Ilokano.
Natawa pa si Yoli nung sinabi ni Pepe na "Ikaw, pamahiin ka ng buhay ko." Sabay irap at tawa ang sagot ni Yoli.
Kinabukasan, alas-onse ng umaga, dumating si Pepe sa Plaza. Nakasuot siya ng simpleng polo at jeans. Pagdating niya, nandoon na si Yoli, nakaupo sa sementong upuan, may hawak na tumbler.
"Hi," bati ni Pepe.
"Hi," sagot ni Yoli, sabay tayo para yakapin siya ng mabilis.
Naglakad sila papuntang maliit na karinderya sa gilid ng Plaza. Nag-order sila ng pork-steak, giniling, sisig, at halo-halo.
Habang kumakain, kinumusta ni Pepe ang buong bakasyon ni Yoli.
"Eto, ang dami naming pinuntahan. May pinuntahan kaming resort. Tapos nag-SM kami," kwento ni Yoli.
"Anong SM?" tanong ni Pepe.
"Yung malapit sa Intraquiando. Ang laki. Yung may globe sa harapan nito. Ang dami ko ngang nabili," sagot ni Yoli, sabay kuha ng cellphone.
Ipinakita niya ang selfie. Naka-smile siya kasama ang isang lalaking halos ka-edad niya.
"Ay," sabi ni Pepe, pilit ngumiti, pero medyo kumislot ang kilay niya. "Sino yan?"
"Pinsan ko," sabi ni Yoli. Pero parang may alinlangan sa tono niya.
"Mukha ka namang masaya ah," biro ni Pepe. Pero ramdam ni Yoli ang kaunting inis.
"Ay nako, huwag ka na magselos," sabay irap ni Yoli.
Muntik na sanang magsimula ang away, pero biglang tumunog ang cellphone ni Pepe. Si Lola Lena ang tumatawag.
"Hello, Lola," sagot ni Pepe.
"Anak, kamusta kayo ni Yoli?"
"Ok naman po, naglunch kami."
"Sige, ingat kayo diyan. Huwag na kayong mag-away," bilin ni Lola Lena.
"Opo, Lola."
Nang ibaba ni Pepe ang tawag, tila nabasag ang tensyon. Nagngitian sila ni Yoli.
Matapos ang lunch, ikwenento naman ni Pepe ang trip nila noong Pasko.
"Pumunta kami ng Cape Bojeador. Ang lamig. Ang lakas ng hangin. Parang puputok yung tenga mo. Ang lighthouse pala na iyon ay ginawa noong Victorian Era at nakatindig ito sa isang burol. Pagkatapos nun, pumunta kami sa isang fancy restaurant na sa labas ng Silao City Proper."
"Wow," sabi ni Yoli, pero pansin niyang hindi nakatingin si Yoli sa mata niya.
"Yoli?" tanong ni Pepe.
"Hmmm?"
Napatingin si Yoli sa kanya, parang may guilt.
"Ano na naman iniisip mo?"
Napansin niya na kanina pa kumikindat si Yoli papunta sa isang lugar sa Plaza, tapos biglang iirap.
"May problema ka ba?"
"Wala naman," sabi ni Yoli. Pero pagtingin nila sa relo, mag-ala-una na.
"Ay, shit, 1pm na," sabi ni Yoli, sabay tayo. "Babalik na ako sa DWCB!"
Naglakad sila papunta sa kalsada. Huminto si Yoli, ngumiti kay Pepe, at bigla siyang hinalikan sa pisngi.
"Bye," sabi niya.
"Bye," sagot ni Pepe.
Naiwan si Pepe mag-isa. Umupo siya sa dating upuan. Saktong tumawag ulit si Lola Lena.
"Anak, kanina pa kami tawa nang tawa dito," bungad ni Lola Lena.
"Bakit po?"
"Kasi, alam mo ba na habang nasa Intraquiando kami, grabe yang apo ko?"
"Ano pong ginawa niya?"
"Sa SM, may gusto siyang bag. Five thousand ang presyo. Ayaw bilhin ni Tita Camila at Tito Carl mo. Alam mo anong ginawa? Ibinagsak niya yung bag sa sahig. Ang lakas ng pagkahampas nito."
"Naku po," sabi ni Pepe, hawak-ulo.
"Umalis si Tito Carl. Walk-out. Naiwan kami ni Tita Criselda na nahihiya."
Napatawa si Pepe, kahit alam niyang hindi dapat.
"Ay nako, si Yoli talaga."
Matapos ang kwento, nagpaalam na si Pepe.
"Sige po, Lola. May pupuntahan pa ako," sabi niya.
"Mag-ingat ka," sabi ni Lola Lena bago ibaba ang tawag.
Tumayo si Pepe, huminga nang malalim, at naglakad palayo.
75Please respect copyright.PENANAEVamnn8v2r


