Kabanata XLIV: Nagtatanong Lang Eh, Part 2
Mabilis na lumilipas ang mga araw. Para bang kahapon lang, pinag-uusapan nina Pepe at Yoli kung paano nila tatapusin ang eskwela, at ngayon, December na. Isang taon na naman ang malapit matapos. Isang taon na naman ng kanilang walang katapusang kwento—isang cycle na parang gulong ng tricycle, paikot-ikot lang. Away, bati, bati, away. Paulit-ulit na lang, na naman.
Kinabukasan ng huli nilang hindi pagpansinan, bumangon si Pepe nang maaga. Wala naman siyang balak mag-text, pero pagtingin niya sa cellphone, andun ang pangalan ni Yoli sa notification:
"Good morning Pieps, sorry na kagabi. Miss na kita."
Sabay padala ng emoji na may kiss.
Napabuntong-hininga si Pepe. Kahit ilang beses na silang nag-aaway, sa huli, siya rin ang naaawa. Pinindot niya ang reply:
"Okay na Yols. Miss u too."
Sana ganyan ka palagi, alam mag-Give-and-Take, sabi ni Pepe sa kaniyang isip.
At doon na naman, nagbabalik ang tila normal nilang samahan. Isang tawag, isang video call, isang mahabang chismisan tungkol sa kung anu-anong wala namang kinalaman sa kinabukasan.
Pero sa isip ni Pepe, kahit batian sila, alam niyang hindi magtatagal bago na naman sila magkasamaan ng loob. At tama nga siya, parang gulong lang o light switch off and on.
Lumipas ang mga araw. Kung noong isang araw ay bati sila, kinabukasan, may away na naman. Minsan, wala pang dahilan. Minsan, simpleng tanong lang ni Pepe kung saan si Yoli, at biglang may reply na:
"Bakit? Bakit mo ako chine-check lagi? Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?"
Minsan naman, sa gitna ng video call, may maririnig si Pepe na bagong pangalan ng lalaki, at biglang mapupuno na naman ang usapan ng mga "Hala ka, sino na naman yan?" at "Hindi mo ako naiintindihan!"
Minsan, natatawa na lang siya, pero madalas, napapagod siya. Pero kahit ganoon, hindi niya magawang putulin. Parang light switch nga sabi niya minsan kay Jenny. On, off. On, off. Away, bati. Away, bati. Sa power nito, mapupundido na yung lightbulb na ginawa ni Edison. Hello Tesla.
Habang abala sila sa away-bati, dumating ang pinakaabalang linggo ng taon sa Divine Word College of Burnayan—ang 202nd Founding Anniversary. Sa DWCB, kapistahan na naman. Parada, programa, at kung anu-ano pang pakulo na dati'y kasali si Pepe, especially sa Triduum Mass.
Pero ngayong college na siya sa Burnayan University of Trade and Arts, wala na siya sa parada. Meron, pero ang gulo.
Parang napaka-unfair ng kalendaryo. Kapistahan sa DWCB, pero final exams week naman sa Burnayan University.
Mula Miyerkules hanggang Biyernes, sunod-sunod ang mga pagsusulit niya sa College of Engineering.
Lunes pa lang, ini-stress na niya ang sarili sa review. Martes, nagkakape siya hanggang alas-onse ng gabi. Pero kahit ganoon, naaalala pa rin niya si Yoli na abalang-abala sa practice ng marching band.
Minsan, gusto niyang sabihin, Mag-aaral ka na lang kasi!, pero pinipigilan niya ang sarili.
At dumating ang December 2, Lunes, ang pinaka-highlight ng kapistahan—ang Grand Parade na nagsisilbing opening o pambubukas sa 202nd Founding Anniversary na may motto na "Duc In Altum".
Naka-schedule sana siya na magreview buong araw. Pero nang wala pala ang isa nilang propesor, nagdesisyon siyang dumaan muna sa DWCB para sumilip. Hindi niya alam kung tama ba iyon o hindi, pero naramdaman niyang kailangan niya.
Pumara siya sa harap ng masion kung saan ang paborito niyang 7/11. Pagkababa niya, pumasok na siya sa gate at may special na permission dahil considered na siya ay isang alumnus. Hindi siya nagpakita sa sino man. Nagtago siya sa gilid ng gate, nakasumbrero pa. Parang espiya na balak manmanan ang kalaban.
Sa gilid ng guardhouse, nakaupo si Lola Lena, may hawak na pamaypay at pinapanood ang mga estudyante.
"Ay, Pepe!" bati ni Lola Lena.
"Ay Lola, kayo pala rito," sabi ni Pepe, at umupo sa tabi.
"Nagpunta ka pa rito?" tanong ni Lola Lena, nagugulat.
"Wala lang, sumilip lang," sabi ni Pepe.
"Alam ba ni Yoli na nandito ka?"
"Eh... hindi po," sabi ni Pepe, sabay ngisi. "Surprise."
Dumaan na ang mga estudyante ng Grade 7. Sunod, Grade 8, at di nagtagal, dumaan ang Marching Band ng Junior Highschool—kasama si Yoli, na nakabitbit ng isang lyre.
Nakatutok si Pepe sa linya ng mga drummer. Doon niya nakita si Vlad—yung pinagmulan ng ilan sa kanilang away. Ito ay may hawak na drum.
Walang sino mang nakakapansin sa kanya, kaya bigla siyang nakaramdam ng pag-init ng tainga.
Tangina, andiyan si Vlad. Tignan mo yang hambog na yan, nagdradrums pa...
At bago niya mapigilan ang sarili, bigla niyang itinaas ang middle finger papunta kay Vlad—isang mabilis na sulyap ng galit, at agad din niyang ibinaba.
Buti na lang, walang nakakita. Lalong-lalo na si Vlad na tutok sa tambol.
Habang nagmamartsa ang banda, lumapit si Yoli sa harap. Pagkakita niya kay Pepe sa gilid ng gate, nagulat siya. Pero bigla rin siyang ngumiti.
Napangiti rin si Pepe. Para silang mga batang nagtutuksuhan sa gitna ng parada.
Nagtitigan sila sandali, walang salita. Parang sinasabi ng mga mata nila:
"Ayun ka pala."69Please respect copyright.PENANASVtupue6Xg
"Oo, andito ako."
Walang nagsasalita, pero ramdam na ramdam ang tuwa. Kahit ilang araw na silang nag-aaway, pag nakita nila ang isa't isa, parang nawawala ang lahat ng sama ng loob.
Matapos ang banda, unti-unting umusad ang parada palabas ng gate.
Si Lola Lena, pinanood ang lahat nang may ngiti. "O, Pepe, mukhang masaya ka na ulit."
"Medyo po," sabi ni Pepe, sabay hikab. "Pero baka magalit na naman 'yon mamaya."
"Eh, ganyan talaga. Basta huwag mo lang palalain," sabi ni Lola Lena, sabay tapik sa braso niya.
Maya-maya pa, nag-check siya ng relo. 10:30 AM na. Halos tanghali na, at kailangan pa niyang bumalik sa Burnayan University para makapagreview.
"Lola, alis na po ako, baka abutan ako ng traffic," sabi niya.
"Sige, mag-iingat ka ha," paalala ni Lola Lena.
Tumango si Pepe, at bago siya lumayo, humarap siya ulit.
"Sabihin niyo kay Yoli... good job," sabay ngiti.
"Tutal, nakita ka naman niya, alam na niya," sagot ni Lola Lena, sabay tawa.
Naglakad siya mula DWCB gate papunta sa kanto ng plaza kung saan siya sasakay ng tricycle. Habang naglalakad, tinignan niya ulit ang cellphone.
Walang message si Yoli. Pero ramdam niyang nagulat ito nang makita siya kanina. Hindi niya alam kung magagalit ba ito na dumaan siya ng hindi nagsasabi, o matutuwa dahil sumilip siya.
Habang nasa loob ng tricycle, nag-iisip siya. Bakit ganito lagi? Away bati. Bati away. Parang wala nang katapusan.
Pero kahit ilang beses niyang itanong sa sarili, wala siyang sagot. Ang alam lang niya, kahit nakakapagod, hindi pa siya handang tapusin ang lahat.
69Please respect copyright.PENANAMoZKSbuCUs


