Kabanata XLII: All I Do For Love
Gabi na, mga alas otso ng gabi, malamig ang simoy ng hangin sa Basi. Sa loob ng maliit nilang sala, naka-off ang bentilador dahil sakto lang ang lamig. Nakaupo si Yoli sa maliit na sofa, suot ang pajama na may cartoon print at puting sando. Hawak niya ang cellphone na may makapal na jelly case na may design ng pusa.
Kanina pa siya nagdadalawang-isip kung tatawagan na ba niya si Pepe. Kahit ilang beses niya nang binuksan ang Messenger, hindi pa rin niya mahanap ang tamang timing para sabihin ang balita. Pero sa wakas, nagdesisyon siya. Pinindot niya ang Video Call button.
Sa Puerto Pandan naman, si Pepe nakaupo sa kama, nakatalukbong ng kumot hanggang balikat. Hawak niya ang cellphone niya sa kanang kamay habang nakasandal sa pader. Pag-ring ng tawag, napaigtad siya, sabay tanggal ng kumot.
Si Yoli na to.
Sinasagot niya agad. "Hello?"
Pagkakita niya sa screen, si Yoli nakangiti, pero halatang may gustong sabihin.
"Hi," bati ni Yoli, mahina ang boses.
"Hi din," sagot ni Pepe, nakangiti rin. "Anong balita?"
"May... may sasabihin ako," sabi ni Yoli, parang nahihiya.
"Hmm?" tanong ni Pepe, kunot-noo. "Ano yun?"
Nagpahinga si Yoli, huminga ng malalim, tapos ngumiti ulit. "Sumali ako sa Marching Band."
Napataas ang kilay ni Pepe. "Ha? Seryoso ka?"
"Oo," sabi ni Yoli, sabay tawa nang kaunti. "Seryosong seryoso."
Hindi makapaniwala si Pepe. Para bang may malaking tanong na lumulutang sa isip niya: Bakit biglang gusto ni Yoli sumali sa marching band?
"Eh, bakit mo naman naisipan yan?" tanong ni Pepe, sabay hawi ng buhok niya na medyo magulo.
Tumingin si Yoli sa kisame na parang may iniisip na malalim. Halos kalahating minuto siyang hindi nagsasalita.
"Hoy," sabi ni Pepe, nilalapit ang mukha sa screen. "Anong iniisip mo dyan?"
Napahinga si Yoli. "Wala naman... gusto ko lang subukan ito."
Nagtaas-kamay si Pepe, kunwari surrender. "O siya, kung yun lang pala."
Pero sa isip niya, baka may mas malalim pa itong dahilan.
Para maibsan ang awkward na katahimikan, nag-aya si Pepe, "Gusto mo bang manood muna tayo ng KMJS? Para maiba naman."
"Oo, gusto ko," sabi ni Yoli, agad na nagsearch ng episode sa YouTube.
Ilang sandali pa, nagsimulang tumugtog ang opening theme. Pinanood nila ang isang episode tungkol sa mga misteryosong bahay sa Pampanga. Paminsan, nagtatawanan sila kapag may dramatization na OA.
"Grabe naman yung acting," sabi ni Pepe, nakatawa. "Parang teleserye!"
"Oo nga," sagot ni Yoli, humahagikhik. "Yung babaeng nagulat, parang kinukumbulsyon!"
Tumagal ng halos isang oras ang panonood nila.
Balik sa usapan tungkol sa Marching Band.
Pagkatapos ng KMJS, bumalik ang seryosong usapan.
"Bakit talaga, Yoli?" ulit tanong ni Pepe. "Hindi ko maalis sa isip ko eh."
Tumingin si Yoli sa camera. Halatang nag-iipon ng lakas ng loob.
"Alam mo kasi, Pepe... gusto ko lang... gusto ko lang naman matutunan ang ibang bagay," sabi niya, medyo nanginginig ang boses. "Minsan kasi, parang paulit-ulit na lang yung buhay ko. Eskwela, bahay, eskwela, bahay."
Napabuntong-hininga si Pepe. Naiintindihan naman niya. Pero di niya maiwasang ma-curious pa lalo.
"Akala ko," sabi ni Pepe, "na-inspired ka kasi sa pagpi-piano ko dati."
Biglang natahimik si Yoli. Kumurap-kurap siya at tumingin sa gilid ng screen.
Habang nagkakatinginan sila sa video call, biglang sumingit sa isip ni Pepe ang eksena ilang buwan na ang nakalipas.
Noong bumisita sina Lola Lena at Yoli sa Puerto Pandan, sakto namang nakaupo siya sa lumang upright piano nila sa sala. Pinipractice niya noon ang River Flows in You ni Yiruma.
"Ang galing mo naman," sabi ni Yoli, noon, habang nakatayo sa gilid ng piano. "Pwede ba akong matuto nyan?"
"Gusto mo ba talaga?" tanong ni Pepe, sabay senyas na umupo si Yoli sa tabi niya.
"Oo!" sagot ni Yoli, excited. "Pangarap ko yan eh."
Nakangiti si Pepe, sinimulan niyang ituro ang simpleng chords. Ilang beses nilang inuulit ang notes, pero mabilis namang nakukuha ni Yoli.
Akala ko, matutuloy yun, naaalala ni Pepe habang nakatitig sa screen.
Pagbalik sa kasalukuyan, "Tandaan mo ba yun?" tanong ni Pepe, bahagyang malungkot ang tono.
Tumango si Yoli. "Oo. Pero..."
"Pero ano?" tanong ni Pepe.
"Hindi natuloy kasi," sabi ni Yoli, tumingin sa baba. "Yung sinabi ng mama mo, na baka istorbo ako sayo."
Biglang nagbago ng mood si Yoli, kunwari celebrity. Itinaas niya ang kamay, kunwari may hawak na mic.
"Sa lahat po ng nagmamahal sa akin," sabi niya, kunwaring tumutulo ang luha. "Pasensya na po! May bago po akong landas na tatahakin—ang Marching Band!"
Napatawa si Pepe. "Ikaw na talaga!"
Pero sa kabila ng biro, seryoso rin ang tono ni Pepe.
"Yoli," sabi niya, "basta kung masaya ka dyan, susuportahan kita."
Nagliwanag ang mukha ni Yoli. "Salamat, Peps."
"Basta wag mo lang akong kalimutan ha," biro ni Pepe. "Baka sa sobrang busy mo, makalimutan mo nang may boyfriend ka!"
"Hmp!" sabi ni Yoli, kunwaring nagtataray. "Ikaw naman, OA!"
Mag-aalas onse na nang matapos ang tawagan nila.
"Matulog ka na," sabi ni Pepe. "Baka antukin ka bukas."
"Oo na," sagot ni Yoli, sabay yawn. "Goodnight."
"Goodnight," sagot ni Pepe.
Pagkababa ng tawag, napangiti si Pepe.
Siguro, tama lang na bigyan ko siya ng space. Hindi ko pwedeng ikulong si Yoli sa mundo ko lang.
Sumapit na ang buwan ng Nobiembre. Ang simoy ng hangin sa Puerto Pandan ay malamig na, may dalang amoy ng tuyong dahon at usok mula sa mga nagsisiga sa tabing kalsada. Araw na naman ng Christ the King, ang taunang kapistahan na inaabangan ng mga deboto.
Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw, gising na si Pepe. Naghahanda siya ng mga dadalhin nila—isang supot ng puto, ilang bote ng tubig, at maliit na bag na may rosaryo at lumang prayer booklet. Hindi rin mawawala ang cellphone niya, na ngayon ay punong-puno ng mensahe mula kay Yoli kagabi.
Si Mama at Papa niya, abala na rin sa pag-aayos ng mga dala. Habang nakatayo si Pepe sa may pintuan, nakahawak siya sa strap ng bag niya. Napapatingin siya sa labas, kung saan medyo mahamog pa ang kalsada.
"Pepe, anak, handa ka na ba?" tanong ni Mama niya habang inaayos ang buhok.
"Opo," sagot ni Pepe, sabay bitbit ng bag. "Tara na po."
Sumakay silang tatlo sa multicab na inarkila nila, kasama ang ilan pang kamag-anak. Ang destinasyon nila: Nueva Coveta, limampu't limang kilometro mula Puerto Pandan. Mahaba ang biyahe, pero sanay na si Pepe sa ganitong paglalakbay.
Habang bumabaybay sila sa mahabang highway na puro puno ng niyog sa gilid, nakahilig si Pepe sa salamin. Nakikinig siya sa paborito niyang playlist ng mga kundiman at old OPM songs.
Minsan, biglang bumubusina ang driver kapag may mabagal na traysikel sa unahan. Tumatalon pa ang puso ni Pepe sa kaba, pero sinusubukan niyang huwag magpakita ng takot.
Makalipas ang halos dalawang oras, huminto sila sa isang lugar na bagong gawang public market. May malaking karatulang, "Farmers Market", kulay dilaw ang bubong at ang mga solar panels ay nasa bubong ng parking lot. Ang hitsura nito ay parang isang mall.
"Dito muna tayo, i-CR muna ako," sabi ni Mama.
"Punta ako sa tindahan," sabi ni Papa.
Si Pepe naman, bumaba rin para umunat. Paglakad niya papunta sa gilid, biglang nag-vibrate ang cellphone niya.
Messenger Video Call Incoming: Yoli
Napabuntong-hininga siya. Ano na naman kaya 'to?
Sinagot niya ang tawag.
"Hello?" tanong niya, habang nililingon kung nasaan ang mama niya.
Nasa video ang mukha ni Yoli. Naka-headband siya, naka-pink na T-shirt, pero halatang stressed.
"Pepe... may assignment ako..." sabi ni Yoli, parang maiiyak.
"Assignment?" kunot-noo si Pepe. "Eh di gawin mo."
"Hindi ko kaya," nagmamakaawa si Yoli. "Science 'to eh, research, tapos may reflection... hindi ko gets. Please?"
Napakamot si Pepe sa batok. "Naku Yoli... hanggang gabi kami sa Nueva Coveta. Siguro bukas na lang?"
"Please," sabi ni Yoli, umiikot ang camera niya sa kwarto niya, parang gusto niyang ipakita na talagang busy siya. "Hindi ko talaga kaya... sige ka, baka ma-zero ako."
Maya-maya, nagsimula nang mag-arte si Yoli. "Pepe... alam mo namang ikaw lang inaasahan ko... ikaw lang naman matalino..."
Napailing si Pepe. Gusto na sana niyang i-end call. Pero... kilala niya si Yoli. Kapag hindi niya tinulungan, baka magdamdam. Baka ipamukha na naman sa kanya.
Sabay pa namang sumilip si Mama niya mula sa CR. "Sino yan, anak?"
"Si Yoli po," sagot ni Pepe, mahina ang boses.
Nakita ng Mama niya ang mukha ni Yoli sa video. Tumango lang siya, parang sanay na.
"Pepe, please..." hiling ni Yoli ulit.
Napabuntong-hininga si Pepe. "O sige na nga," sabi niya, kunwaring inis pero natatawa. "Picture-an mo lahat ng instructions, isend mo sa akin."
"Yehey!" tuwang-tuwa si Yoli. "Thank you Peps!"
Sa Nueva Coveta
Pagdating nila sa Nueva Coveta, isang malaking entablado ang nasa gitna ng plaza. May nakasabit na tarpaulin:
"CHRIST THE KING PARISH CELEBRATION 2025"
Puno ng tao ang paligid—mga kabataan na naka-white T-shirt, matatandang babae na may belo, mga batang nakatayo sa tabi ng lola nila.
Pumwesto si Pepe at pamilya niya sa gitna. Umupo sila sa lumang upuan na gawa sa kawayan.
Nagsimula ang Eucharistic Celebration bandang alas sais ng gabi. Habang nagsesermon si Father, nakatingin si Pepe sa cellphone niya—tinse check kung nagreply na si Yoli sa instructions.
Walang bagong chat.
Bandang alas nuwebe y medya, natapos din ang misa. Umuwi sila sakay ng parehong multicab.
Pagdating nila sa Puerto Pandan, halos alas onse na ng gabi. Pagbaba ni Pepe, pakiramdam niya parang pagod na pagod siya—hindi lang dahil sa biyahe, kundi dahil iniisip pa rin niya ang assignment ni Yoli.
Pagpasok niya sa kwarto, hindi na siya nagpalit ng damit. Agad siyang dumiretso sa study table niya at binuksan ang laptop.
Sinend ni Yoli sa Messenger ang tatlong litrato ng assignment instructions:
Research tungkol sa Photosynthesis and Cellular Respiration Reflection Paper kung bakit mahalaga ito sa buhay ng tao Drawing ng Plant Cycle
Napakamot siya ng ulo. "Grabe, akala ko simpleng assignment lang," bulong niya.
Sinimulan niya agad ang research. Dalawang oras siyang nagsusulat, nag-copy-paste, tapos binabasa ulit para siguraduhing tama.
Habang tinitipa niya ang reflection, inaantok na siya. Paminsan-minsan, tumutulo ang laway niya sa braso niya. Pero tinitiis niya.
Bago mag-alas tres ng madaling-araw, tapos na rin niya.
Alas siyete, nakaligo na si Pepe at handa nang umalis. Hindi na siya nag-almusal, dala niya ang brown envelope na may assignment ni Yoli.
Sumakay siya ng traysikel papuntang DWCB. Pagdating niya, nakita niya agad si Ma'am Jacqueline, ang matangkad na babaeng guard na laging may hawak na attendance logbook.
"Ma'am," bati ni Pepe, "pakiabot po nito kay Yoli kapag dumating siya."
"O sige," sagot ni Ma'am Jacqueline, sabay turo sa logbook. "Pakipirmahan mo dito."
Pinirmahan ni Pepe ang pangalan niya, sabay abot ng envelope.
Paglabas niya sa gate, nagtext siya kay Yoli:
"Nasa guard na yung assignment mo."
Pagkatapos niya i-send, huminga siya nang malalim.
"Grabe," sabi niya sa sarili, "mas matindi pa 'to sa thesis!"
71Please respect copyright.PENANA3PzfbvqyUr


