Kabanata XXXVII: Nagtatanong Lang Eh
Ang gabi ay maligamgam at tahimik, pero sa loob ng maliit na kwarto ni Pepe, mayroong bumubuntong-hininga habang nakahiga siya sa kama. Nakapatong sa dibdib niya ang cellphone, umiilaw mula sa video call na nakabukas pa.
Nakangiti si Yoli sa kabilang linya, habang kumakaway-kaway, nakasandal sa kulay pink niyang unan.
"Alam mo, Pepe, tuwing gabi ko naiisip," sabi ni Yoli, sabay hikab, "ang daming nangyari sa atin sa DWCB. Parang isang dekada na tayo nag-aaral diyan."
Natawa si Pepe. "Wala pa ngang isang dekada, Yols. Pero feels like it. Alam mo, minsan, gusto ko nang mag-retire."
"Retire? O, e di magtinda ka na lang ng fishball sa harap ng gate!"
"Sure," sabay irap niya kunwari. "Ako 'yung maglalako, tapos ikaw 'yung taga-kain ng free taste."
"Syempre!" Nagsalubong ang kilay ni Yoli pero ngumiti rin. "Hindi ko hahayaan na ikaw lang ang tumaba."
Napahagalpak siya ng tawa. Habang nakikinig sa boses ng nobya, kahit pa nga ilang araw lang ang nakalipas mula sa pinakamaikli nilang breakup, parang unti-unting gumagaan ulit ang dibdib niya.
Lumipas ang ilang minuto, nagtatawanan lang sila habang inaalala ang mga ka-etchosang guro, ang palaging amoy suka na hagdan sa Old Highschool Building, at ang kalbaryong pila sa registrar.
"Naalala mo si Ma'am Socorro?" tanong ni Yoli bigla.
"Ay, Diyos ko, 'wag mo ako paalalahanin!" Kunwari'y napapikit si Pepe habang kunwaring nanginginig. "'Yung quiz niya na walang nakapasa kahit isa? Eh, ano bang akala niya sa atin, mga robot?"
"Mas matindi pa," sabi ni Yoli, tumatawa. "Mga alien siguro."
Humaba pa ang kuwentuhan nila, hanggang sa maramdaman nilang medyo gutom na sila.
"Uy," sabi ni Yoli, "kakain muna ako ng dinner."
"Eh di sige. Ano ulam mo?" tanong ni Pepe.
"Dinuguan."
Napakunot-noo si Pepe. "Ako din. Baka iisa lang nagluluto ng dinner natin."
"Hindi ah! Sige na, end call muna tayo."
"Sige," sabay pindot niya sa "end call," pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Kahit kailan, hindi niya maintindihan kung paano siya naaaliw kay Yoli kahit ubod ng moody ito.
Pagkatapos niyang kumain ng hapunan—isang malaking mangkok ng dinuguan at puting kanin na halos abot-pusod ang dami—umakyat ulit siya sa kwarto. Nilinis niya ang bibig, nag-toothbrush, tsaka hinila ang kumot. Hindi pa man siya nakakahiga nang mag-vibrate ang cellphone.
Yoli is calling...
Napailing siya. Hindi talaga makapaghintay, bulong niya sa sarili, pero sinagot din niya.
"Uy!" bungad niya.
"Uy din!" sabi ni Yoli, agad na ngumiti. "Kumain ka na?"
"Kakatapos lang. Busog na busog."
"Sige. May ikukuwento ako."
"O, ano na naman?"
"Ano... may bago akong kaibigan."
Napataas ang kilay ni Pepe. "Ah talaga? Sino na naman 'to?"
"Si Caleb Rojo," sabi ni Yoli, biglang sumeryoso ang mukha.
"Caleb Rojo..." inulit niya ang pangalan, sinusubukang i-imagine kung kilala niya ito. "Sino 'yon?"
"Basta," sagot ni Yoli, sabay ikot ng buhok niya sa daliri. "Fan na fan siya sayo. Sobrang hanga daw siya sa iyo."
"Fan ko?" Napakamot si Pepe. "Teka... sigurado ka?"
"Oo," sabay tango niya. "Honored ka ba?"
"Honored? Aba, siyempre!" sabay tawa niya, pero sa totoo, medyo kinakabahan din siya. Hindi niya alam kung anong klaseng tao itong Caleb na bigla na lang sumulpot.
Nagmamadaling nagpaalam si Yoli, "Sige, bukas na ulit. Tulog ka na!"
"Goodnight," sagot niya, pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang pangalan na iyon—Caleb Rojo.
Kinabukasan, maaga siyang nagising. Hindi niya mapigilang mag-scroll sa cellphone habang nakabalot pa sa kumot. Tinype niya sa search bar ang pangalan: Caleb Rojo.
Lumabas ang isang profile. Wala masyadong posts—puro generic na picture: mga ulap, baso ng kape, picture ng sapatos. Wala ring bio. Bakit parang ghost account?
Nagchat siya:
"Hi Caleb. Ako pala si Pepe."
Nag-refresh siya ng ilang beses. Walang seen, walang reply. Ilang minuto lang, tumunog na naman ang cellphone. Si Yoli na naman.
"BAKIT MO SIYA CHACHATAN?!" text niya, may tatlong exclamation point.
Napapitlag si Pepe. Binasa niya ulit, baka mali lang ang basa niya. Pero hindi—galit talaga ang tono.
"ANO BANG GUSTO MO MALAMAN SA KANIYA?!"
Huminga siya ng malalim. Ano na naman ito?
Tinry niyang i-calm down si Yoli. Tinype niya nang dahan-dahan ang reply:
"Gusto lang naman kitang pasayahin. Bibilhan kita ng Labubu sa J8 sa Linggo."
Tumahimik ang chat ng ilang minuto. Binilang niya sa isip ang segundo. Pagka-labingdalawang minuto, nagreply si Yoli:
"O sya. Pero siguraduhin mong cute 'yung bibilhin mo!"
Napabuntong-hininga siya, sabay napangiti rin. Hala ka, Labubu na naman ang pampakalma, bulong niya sa sarili.
Alas-diyes na ng umaga.
"Maliligo muna ako!" text ni Yoli.
"Sige," sagot niya.
Pagka-send niya ng reply, tinawagan niya si Lola Lena. Agad namang sinagot ni Lola.
"Hello, Lola..." sabi niya, medyo matamlay.
"Pepe, anak! Kamusta na?"
"Eto... si Yoli na naman..."
"Ano na naman ang drama ng apo kong 'yan?" sabi ni Lola Lena, may halong tawa.
"Ikaw na po bahala. Pasensyahan na lang," sabi niya, sabay himas sa batok.
"Naku, Pepe, sanay na ako. Basta wag mo na lang sabayan ang init ng ulo niya. Minsan kasi, palaban 'yan. Pero madali rin kausapin."
Tumango siya kahit di naman nakikita ni Lola. "Sige po."
Sa gabi, nagvideo call ulit sila ni Yoli. Mas kalmado na ang tono ni Yoli ngayon.
"Baka bukas busy ka na," sabi niya, nakasubsob ang pisngi sa unan.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Eh, graduation mo na," sabi ni Yoli, ngumiti. "Ok lang naman ako."
"Salamat," bulong niya. "Promise, pagkatapos ng graduation, tayo ulit."
"Oo," sabi ni Yoli, sabay peace sign.
Nagkwentuhan ulit ang dalawa sa mga kababalaghan na nangyayari sa DWCB. At buti pa nga, wala na silang ukay na iniisip, well...for the meantime.
Nung minsan kasi, ipinagbawal na nina Lola Lena, Tita Cristina at Criselda, Tito Carl, at Tita Camila na mag-uukay si Yoli. At, pinangakoan din ni Tita Camila, na babayaran nila ni Pepe ang 5,000 pesos soon. Nag-agree naman si Pepe.
Isa pang araw, para sa mabuti, at further magkasundo sina Yoli at Pepe, nagsulat at lumikha si Pepe ng isang document, na kung saan magsi-sign silang dalawa at si Yoli. Iyon, ay ang relationship agreement nila, parang yun sa The Big Bang Theory, you get the idea, pero hindi ganun kakomplikado.
Napahinga si Pepe. Kahit na parang roller coaster ang relasyon nila—may tampuhan, may bati, may selosan—alam niyang mahal na mahal niya ang babaeng ito.
At kahit ilang beses pa silang magkatampuhan, sa dulo, sila pa rin.
67Please respect copyright.PENANAQ2PksVGkEA


