Kabanata XXXVI: Butas
Mga ilang araw na ang lumipas mula nang huli silang magbati, pero parang hindi nauubos ang awayan nina Pepe at Yoli. Sa totoo lang, kung may Olympics ng pag-aaway, baka gold medalist na silang dalawa. At laging si Yoli ang unang nagpapasimula—parang may invisible timer na bigla na lang mag-aalarm at sasabog ang mood niya kahit walang dahilan.
Sa unang araw, away sa ukay na naman.
SCENE: Chat sa Messenger habang tanghaling tapat
Yoli: "Pepeeeee, send mo na 700 please huhuhu"
Pepe: "Ha? Anong 700 na naman Yols?"
Yoli: "Yung pina-reserve kong Zara dress kay Belle Boutique! Nasa clearance sale na eh!"
Pepe: "Wait lang... hindi ba may inabono pa ako sayo na ukay nung isang linggo?"
Yoli: "Ayyy, wag kang madamot! Ako naman to! Hindi ko naman hinihingi araw-araw!"
Pepe: "Yols, pang-ilang ukay mo na 'to ngayong buwan?"
Yoli: "Hoy wag mo akong sinusumbatan! Kung ayaw mo ibigay, wag! Hindi kita pinipilit!"
Pepe: "Hindi kita sinusumbatan. Nagtatanong lang naman ako..."
Yoli: "Yan na naman e! Puro ka tanong! Puro ka kontra! Ako na nga itong nag-e-effort na magbihis maganda para sayo, pero ikaw, wala kang pake!"
Pepe: "Hindi naman sa walang pake..."
Yoli: "Hmp! Bye na nga! Nakakainis ka!"
At sabay seen zone. Si Pepe, natulala sa chat.
Kinabukasan naman, away sa selos.
SCENE: Video call sa gabi
Naka-headset si Pepe habang gumagawa ng PowerPoint sa laptop. May biglang notification sa gilid: Yoli is calling...
Sinagot niya agad.
"Hello, Yols," bati niya.
Pero halatang may tension agad sa boses ni Yoli.
"Sino yung kasama mo kanina sa likod ng Research Office?" panimula nito.
"Ha? Sino?"
"Yung babaeng may curly hair. Yung may dalang pink na tumbler!"
"Ah... si Janine? Classmate ko sa Research subject."
"Classmate? Sigurado ka?"
"Oo naman. Bakit?"
"Bakit parang close kayo? Nakita kita ha. Nagngingitian pa kayo!"
Napakamot si Pepe sa noo. "Yols, classmate ko siya. Pinapaliwanag ko lang yung plant samples."
"Plant samples?! O baka girl samples?!" sabay irap ni Yoli.
"Grabe ka naman..."
"Alam mo, Pepe, kung gusto mong makipaglandian sa iba, sabihin mo lang ha? Hindi yung ganyan!"
"Wala akong ginagawang mali..."
"Sure ka? Nakikita ko lahat sa CCTV ng school..."
"Anong CCTV?!"
"Charot. Pero grabe ka. Nagseselos ako!"
"Huwag ka magselos, please..."
"Tsk. Bahala ka dyan."
At sabay end call. Si Pepe, napabuntong-hininga na lang.
Sa sumunod na araw, away sa kaibigan.
SCENE: Nagkita sila sa campus canteen
Habang kumakain si Pepe ng chicken fillet, biglang umupo si Yoli sa harap niya, may matalim na tingin.
"Pepe," seryosong bungad ni Yoli.
"O?"
"Bakit mo kinausap si Vince Akhiro Florendo kahapon sa chat?"
"Ha?! Hindi ko siya kinausap!"
"Ay, ganun? E anong 'hi' sa message request mo sa kaniya?"
"Yun ba yun?! Nag-hi lang ako para alamin kung sino siya!"
"Aba, bakit ka nag-aabala makipag-chat sa kaniya?"
"Para malinawan ako!"
"Para malinawan ka o para makipagkaibigan ka?!"
"Grabe ka naman..."
"Hindi grabe! Alam mo bang hindi ko gusto yung ginagawa mong yan?!"
"Eh bakit ba kasi ayaw mong magpaliwanag tungkol sa kanya?"
"Ayoko nga! Basta wag kang makikialam!"
At sabay tayo ni Yoli, iniwan siyang tulala ulit.
Sunod naman, away sa pagiging strikto ni Pepe.
SCENE: Chat sa gabi
Pepe: "Yols, sabi ni Lola Lena baka pwede kang magpahinga muna sa ukay. Medyo malaki-laki na yung nagastos mo..."
Yoli: "Ayan ka na naman! Puro ka na lang control! Hindi ako bata!"
Pepe: "Hindi kita kinokontrol. Nag-aalala lang ako..."
Yoli: "Nag-aalala o gusto mo lang ako diktahan?!"
Pepe: "Hindi nga..."
Yoli: "Alam mo, nakakasakal ka!"
Pepe: "Ganito na lang... kung ayaw mo, hindi na ako magsasalita..."
Yoli: "Oo nga! Wag ka na lang magsalita!"
Sabay send ng angry emoji
Sa sunod na araw, halos hindi na makapag-focus si Pepe sa school. Para siyang zombie na pagala-gala sa hallway. Kahit si Jenny napapansin ang pagod niya.
"Kuya Pepe," sabi ni Jenny, "okay ka lang?"
"Hindi eh..." sabi niya, sabay upo sa bench. "Parang wala na akong energy."
"Si Yoli?" tanong ni Jenny.
"Oo..."
Kaya isang gabi, tinawagan niya si Lola Lena.
"Lola... hindi ko na po alam ang gagawin," garalgal ang boses niya.
"Ano na naman ang pinagsimulan ng away?" tanong ni Lola, kalmado.
"Lahat na po... ukay, selos, pagiging strikto... kahit wala naman akong masamang intensyon..."
Tahimik saglit si Lola Lena, tapos huminga. "Iho, alam mo naman kung gaano ka-importante si Yoli sayo. Pero hindi masamang umamin na pagod ka na rin."
"Hindi ko lang po alam... kasi baka magalit siya lalo," sabi niya, pinipigilang umiyak.
"Mag-usap kayo kapag kalmado na siya. Ako rin kakausapin ko siya bukas," sabi ni Lola.
Pagkatapos ng tawag, nagchat si Tita Cristina:
Tita Cristina: "Pepe, what if i-prank mo siya na mag-break kayo, para matauhan siya? Mature ka naman eh... bata pa isip ni Yoli."
Napaisip si Pepe. Hindi niya akalaing darating siya sa puntong ito—iisipin niyang i-prank breakup ang girlfriend niya. Pero sa dami ng away nila, baka ito ang paraan para magising siya sa realidad.
Huminga siya nang malalim, nag-type ng reply:
"Sige po, Tita. Subukan ko..."
Kinabukasan, kahit bago pa man sumikat nang todo ang araw, ramdam na agad ni Pepe na para siyang mabibigatan sa dibdib buong maghapon. Pagmulat pa lang niya ng mata, nakatitig siya sa kisame ng maliit nilang kwarto, na para bang doon nakaukit lahat ng away nila ni Yoli nitong mga nakaraang araw. Pumikit siya sandali, umaasang baka pagdilat niya, normal na ulit ang lahat. Pero wala. Buhat pa rin niya ang matinding stress—mas mabigat pa sa dalawa o tatlong bag ng semento.
Inangat niya ang cellphone mula sa tabi ng unan. Wala man lang kahit isang sorry text mula kay Yoli. Wala ring emoji o sticker. Ni typing indicator, wala.
Hindi ba talaga siya magpapaliwanag? tanong niya sa sarili, habang hinahaplos ang sariling sintido. Nakapikit ulit siya habang pinipilit kalmahin ang sarili. Pero tuwing naiisip niya ang malamig na tinig ni Yoli kagabi, lalo siyang pinanghihinaan. Parang sinaksak siya ng isang napakatulis na tinidor, tapos iniwan lang siya doon—walang lunas, walang paliwanag.
Pinilit niyang bumangon. Nag-ayos siya ng uniporme—puting polo, slacks na medyo lukot, at ID na may litrato niyang nakangiti, pero sa totoo, ngayon gusto niya nang umiyak. Nagbuhos siya ng tubig sa mukha, pero ni hindi nito nabawasan ang bigat na bumabalot sa dibdib niya.
Alas-siete y medya ng umaga, naglakad na siya papasok sa lumang gusali ng High School Building. Sa bawat hakbang niya sa pasilyo, bumabalik sa isip niya ang mga eksena:
Ang araw na nag-away sila dahil sa ukay-ukay.68Please respect copyright.PENANAjJCUB301dF
Ang selos ni Yoli kay Miranda.68Please respect copyright.PENANAaHBDrbIwhe
Ang sigaw ni Yoli noong sinabi niyang wala na siyang pera.68Please respect copyright.PENANA3E24hAZOAw
At higit sa lahat, ang mismong sandaling sinabi niya—dahil sa labis na pagod—ang mga salitang:
"Kung ganito ka na lang palagi...."
"Tuloy mo pa ha?! WALA KANG KWENTA!"
Pagkapasok niya sa classroom, nakaupo na ang ilan niyang kaklase. Si Terio, kumakain ng pandesal. Si Trixie, abala sa pag-scroll sa cellphone. Si Migs, nakatulog habang nakayakap sa bag.
Tahimik si Pepe. Pinilit niyang ngumiti, pero pilit din. Naupo siya sa sulok na malapit sa bintana. Dumudukot siya ng ballpen at notebook, kunwari ay nag-aaral, pero sa totoo, wala siyang naiintindihan.
Nag-vibrate ang cellphone niya sa mesa. Pinulot niya ito, nagbabakasakaling si Yoli na—baka gusto lang makipag-ayos. Pero pagtingin niya, wala. Kaya ipinikit niya sandali ang mga mata, pilit na iniisip kung saan siya nagkulang, kung saan siya sumobra.
Pero maya-maya lang, biglang nag-ring ang phone. Tumatawag si Yoli. Napaangat siya ng ulo. Saka napalunok.
Pero hindi niya sinagot agad. Hinayaan niya muna itong mag-ring. Siguro nagbago na ang isip niya, bulong niya sa sarili. Pero pagkatapos ng tatlong ring, nag-stop ang call. Ilang segundo lang, may sunod-sunod na chat at SMS na pumasok:
Yoli: "Hoy!"68Please respect copyright.PENANAlfkucECqjZ
Yoli: "Anong ginagawa mo?"68Please respect copyright.PENANA5qOppbCW8M
Yoli: "Nagbabasa ka na naman ng mga drama mo diyan?"68Please respect copyright.PENANAZCTw2HHFy8
Yoli: "Sige nga, pansinin mo ako!"
Huminga si Pepe nang malalim. Pinagmasdan niya ang mga chat. Pakiramdam niya, sumasakit lalo ang ulo niya. Hindi pa siya nakaka-recover, pero heto na naman si Yoli—sinisimulan ang away sa chat at text.
Nag-type siya ng mahabang reply.
Pepe: "Yoli, stressed na stressed na ako. Hindi ko alam kung anong gusto mong mangyari. Parang hindi ka nauubusan ng dahilan para pagalitan ako. Hindi ba pwedeng kahit isang araw, wala tayong away?"
Hindi pa man niya nai-send, may pumasok na naman na text:
Yoli: "Tingin mo kasi ikaw na lang palagi ang tama eh!"68Please respect copyright.PENANA037LNqQaQ8
Yoli: "Ganyan ka palagi, Pepe!"68Please respect copyright.PENANARYXw7GfLH8
Yoli: "Feeling mo lagi kang kawawa!"
Napasandal si Pepe sa upuan. Naramdaman niyang nagsisimula nang manginig ang baba niya. Hindi na niya alam kung paano ipapaliwanag. Hindi na niya alam kung paano mag-sorry, kung kanino pa siya magpapaliwanag.
Kaya sa gitna ng sobrang inis at pagod, itinuloy na niya ang matagal na niyang gustong sabihin:
Pepe: "Kung ganyan ka na lang palagi, kung ganito na lang palagi ang turing mo sa akin—isang puppet, isang rich guy, isang moneymaker—mag-break na lang tayo."
Huminto siya. Nagpintig ang dibdib niya. Naghintay siya ng reply. Dalawang minuto, walang dumating. Tatlong minuto. Lima. Saka lang nag-pop up ang reply:
Yoli: "I guess we should. Hmmph!"
Parang may sumabog na firecracker sa tenga niya. Pakiramdam niya, nanlalabo ang paningin niya. Hindi... biro lang ito, sabi niya sa sarili. Siguro gusto niya lang makita kung seryoso ako...
Pero wala nang sumunod na reply. Wala nang call. Wala na.
Alas-onse medya na, at lumabas siya sa classroom. Hindi na niya kayang magpanggap na okay siya. Napansin siya ng kaklaseng si Terio, "Uy, bro, okay ka lang?"
Hindi siya nakasagot. Tumango lang siya at tuluyang lumabas ng gusali.
Saktong paglabas niya sa gate ng school, nakita niya ang kotse ng mama at papa niya. Nakatigil iyon sa gilid, at bumaba ang papa niya, kumakaway.
"Pepe! Anak!"
Hindi na siya nakapagsalita. Tumakbo siya palapit at yinakap ang mga magulang niya. Doon, hindi na niya napigil ang iyak. Buong katawan niya, nanginginig.
"Anak, bakit? Ano nangyari?" tanong ng mama niya, habang hinahaplos ang likod niya.
"Ma... Pa..." nauutal siyang nagsasalita. "Nag-break kami... Nag-break kami ni Yoli..."
Tahimik ang ama niya. Ang ina naman, pinahid ang luha sa pisngi niya.
"Halika muna, anak. Kakain tayo. Magpahinga ka muna."
Sumakay siya sa kotse na parang wala nang lakas. Pagdating nila sa Chowking, naupo sila sa isang sulok. Nag-order ang papa niya ng beefy ribs meal na paborito niya. Pero wala siyang ganang kumain. Pinilit pa rin niya, dahil alam niyang mag-aalala ang mga magulang niya.
Habang ngumunguya siya, sabi ng mama niya, "Pepe, anak... kahit wala na siya, andito kami. Hindi mo kailangang hanapin lahat ng kaligayahan sa iisang tao. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mong ibigay ang lahat para lang mapansin ka. Hindi kita pinalaki para maging sunud-sunuran. Pinalaki ka namin para mahalin mo ang sarili mo."
Napaiyak ulit si Pepe.
"Pa... Ma... Hindi ko alam kung anong mali ko..."
Hinawakan ng papa niya ang kamay niya. "Walang mali sa pagiging mabuting tao. Walang mali sa pagiging totoo. Minsan, ang tao na mahal natin, hindi pa handang irespeto ang pagmamahal na binibigay natin. Pero hindi ibig sabihin nun, kulang ka na."
Tumango siya. Ilang minuto lang, medyo bumigat ang tiyan niya—hindi dahil sa pagkain, kundi dahil sa lahat ng pinipigilan niyang damdamin.
Pagbalik nila sa DWCB, wala pa ring teacher sa classroom. Naupo siya sa kinauupuan niya. Saka niya nakita na may nagtext ulit.
Yoli:
"Uyy... miss ka na. Labas ka sa classroom niyo... Halika dito sa CR."
Napahawak siya sa dibdib niya. Ano naman 'to?
Tumayo siya. Tinapik niya si Terio, "Bro, saglit lang ako."
Pumunta siya sa CR. Pagdating niya doon, nakita niya si Yoli. Nakasandal ito sa pader, hawak ang cellphone. Pagkakita sa kanya, tiniklop nito ang braso at tinignan siya nang diretso.
"Tara," sabi ni Yoli.
"Ano—" pero bago pa siya makapagtanong, hinila siya ni Yoli papasok sa CR ng mga babae. Doon, walang ibang tao.
Lumapit si Yoli. Tumulo ang luha nito.
"Miss na miss na kita," bulong ni Yoli.
Hindi na siya nakapagsalita. Lumapit si Yoli at hinalikan siya—mahaba, mabagal, puno ng luha. Parang doon nila binura lahat ng away.
Sa gilid ng pintuan, nakasilip si Jenny, nakangiti.
"Pepe, alam mo... ayaw ko na maghiwalay tayo", sabi ni Yoli.
"Bati na tayo ok?", sabi naman ni Pepe.
Tumango si Yoli na nakangiti.
Pag-uwi niya, tinawagan niya si Lola Lena. "Lola... okay na kami."
"Kayo talaga...," tawa ni Lola. "Parang teleserye."
At bago siya matulog, tinype niya sa cellphone niya:
"Record: shortest breakup ever—5 hours lang."
68Please respect copyright.PENANAbOKMulOFfD


