Kabanata XXXV: Dilim-Paningin
Hapon na at katatapos lang ni Pepe magwalis sa kanilang maliit na veranda. Pagpasok niya sa sala, nandun na naman sa video call si Yoli, tila abala sa kung ano mang dinadaldal tungkol sa DWCB.
"Alam mo ba, Pepe?" panimula niya, sabay kagat sa dulo ng kanyang ballpen habang sinasalubong ang tingin ni Pepe sa screen. "Yung bagong transfer student sa STE-8, anak daw ng mayor ng Kalugawan."
"Talaga? Grabe, parang ang dami nang politiko na nag-aaral sa DWCB ah," sagot ni Pepe, sabay abot ng isang baso ng malamig na tubig.
"Oo! Tapos si Ma'am Robles? May chika daw na magre-resign na yun at lilipat sa Divine Light College!" dagdag pa ni Yoli, sabay irap na parang sabik na sabik sa tsismis.
Nagpatuloy pa ang kuwentuhan nila ng halos kalahating oras, hanggang sa pareho na silang nagsawa.
"Ano, nood naman tayo ngayon?" yaya ni Pepe, sabay click sa screen share.
"Game!" sagot ni Yoli, sabay bagsak ng katawan sa kanyang kama na parang pagod na pagod sa kakatsismis.
Una nilang pinanood ang isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Ang topic? Ang misteryo sa loob ng walled city ng "Intraquiando." Natawa si Pepe.
"Intraquiando?! Ano na namang city yan? Intramuros yan, no!" biro niya.
"Eh sabi sa episode, Intraquiando daw!" depensa ni Yoli, pero napapatawa na rin.
Tila nagiging fun game na para kay Pepe ang bawat eksena, lalo na nang lumabas sa screen ang pamosong paranormal expert na si Ed Caluag.
"O, ayan na si sir Ed!" sabay turo ni Pepe sa screen. "Tignan mo 'to Yols, mamaya sabi niyan, may white lady na naman! Tapos may maririnig tayong 'Parang may bumubulong po sa akin...'" ginagaya pa ni Pepe ang boses.
"Hala ka! Baka kunin ka ng white lady mamaya," biro naman ni Yoli.
Nagkatuwaan pa sila hanggang sa natapos ang episode at lumipat na sila sa Pepito Manaloto. Sa kalagitnaan ng kakatawa ni Pepe sa kalokohan ni Pepito, biglang nag-vibrate ang cellphone niya.
Ping!
Napatingin siya sa group chat ng klase: STE-12 General GC.
Nag-chat ang kanilang class adviser, si Sir Tacio:
"Good evening class, please take note of the final exam schedules. STE-12 students: Some subjects will no longer have final exams but final projects instead. This includes Contemporary Philippine Arts, Media Information Literacy, and Entrepreneurship. Please coordinate with your respective teachers. Thank you!"
Napabuntong-hininga si Pepe. Buti na lang, at least hindi na kailangan magreview sa lahat ng subjects.
Tinapik niya ang screen para balikan ang video call. "Yols, meron na exam sched namin."
"Ay, meron na?" sabay ayos ni Yoli sa buhok niya, kunwari interested.
"Oo. Eh sa inyo, STE-7? Kelan exam ninyo?" tanong ni Pepe.
"Wala pa announcement," sagot ni Yoli, sabay taas ng kilay. "Pero sabi-sabi ng mga tsismosang teacher, after daw ng exams ng Grade 11 at 12. Parang pinaplastik lang kami. Hmp."
Napangiti si Pepe sa reaksyon nito. Pero bago pa niya mapigilan ang sarili, binanggit ni Yoli ang isang pangalan na ikinataas ng kilay niya.
"Pepe, may gusto akong ipakilala sa 'yo. Kaibigan ko siya, si Akhiro."
Napakurap si Pepe. Ay, eto na naman tayo.
"Akhi na naman?" medyo nabwibwisit na tono ni Pepe.
"Hindi yan yung Akhi na pinagseselosan mo noon, ibang Akhiro ito!" sabay tawa ni Yoli. "Full name niya, Vince Akhiro Florendo."
Pinilit ni Pepe kumalma. "Kelan mo siya nakilala?"
"Doesn't matter, pero isa ko siyang kaibigan mula pa elem ako," sagot ni Yoli, sabay taas-baba ng kilay na parang may tinatago pang kuwento.
Wala nang nasabi si Pepe. Sa isip niya, Hindi ba talaga magtatapos itong mga "kaibigan" na gusto niya ipakilala?
Maya-maya, nag-yawn si Yoli. "Sleepy na ako, Peps. Goodnight na. Love you."
"Love you," mahina na lang sagot ni Pepe. Nag-end call na sila.
Pero hindi siya mapakali. Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang Facebook.
SEARCH: Vince Akhiro Florendo
Lumabas ang profile. Malinis tignan. Pero may isang post na talagang kumurot sa loob ni Pepe.
Isang lumang picture ni Yoli. Side view, may sun-hat. Nasa beach. Gray-filtered ang photo.
Sa caption ng post, may mahabang mensahe:
"Happy 12th Birthday sa pinaka-close kong kaibigan na parang kapatid ko na rin. Yoli, alam mo kung gaano kita iniingatan at minamahal bilang tunay na kaibigan. Salamat sa lahat ng tawanan, iyakan, at mga sikreto na tayo lang ang nakakaalam. Nandito lang ako lagi para sa 'yo, kahit anong mangyari. I will always have your back, like you always have mine. Love you as my dearest friend and sister I never had. Happy birthday ulit, Yols!"
Nanginginig ang kamay ni Pepe habang binabasa ito. Sister daw, pero bakit ang caption parang ang lalim ng pinaghuhugutan?
Hindi niya alam kung matatawa, magagalit, o maiiyak. Ang dami nang pinapasan ng puso niya, at heto na naman, may panibagong iniisip.
Pumikit siya, huminga nang malalim. Bukas na bukas, tatawagan ko si Lola Lena. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga itong si Vince Akhiro Florendo na ito.
Alas-siete pa lamang ng umaga, pero gising na gising na si Pepe. Sa totoo lang, halos hindi nga siya makatulog nang maayos kagabi dahil paulit-ulit niyang naiisip ang Facebook post na iyon ni Vince Akhiro Florendo. Parang pelikula sa utak niya ang imahe ng picture na gray filter, ang mahabang caption, at yung "Love you as my dearest friend and sister I never had."
Huminga siya nang malalim, pinahid ang malagkit na pawis sa kanyang sentido, at kinapa ang cellphone. Tumayo siya mula sa kama, nag-inat, tapos umupo muli. Tinapik niya ang pangalan ni Lola Lena sa phone contacts at pinindot ang call button.
Tut... Tut...
Sa unang ring pa lamang, sumagot na si Lola Lena.
"Hello? Pepe? Ang aga mo naman tumawag, iho," ani Lola Lena, medyo paos ang boses, halatang bagong gising.
"Lola... sorry po kung napaaga ako. May itatanong po sana ako sa inyo," panimula niya, sabay kagat sa labi.
"Ano yun?" tanong ni Lola Lena, nagiging alerto na ang boses.
"Lola... may kakilala po ba kayong Vince Akhiro Florendo?"
Sandaling natahimik sa linya si Lola Lena. Ramdam ni Pepe ang kabog ng dibdib niya. Parang may kung anong masamang kutob ang dahan-dahang gumagapang sa gulugod niya.
"Ano? Sinong Akhiro?" tanong ni Lola, may halong pagtataka.
"Vince Akhiro Florendo po. Sabi ni Yoli kagabi kaibigan daw niya mula elementary. Naghahanap po ako sa Facebook at may lumabas na account. May post pa po noong twelfth birthday daw ni Yoli, may picture na babae na nakasun-hat sa beach..."
"Teka, teka... Akhiro Reynon lang kilala ko eh, anak ni Erning na tricycle driver. Tapos yung isa, si Prince Akhiro T. Paa, pinsan niyo. Pero Vince Akhiro Florendo... wala akong alam sa pangalang yan," seryosong sagot ni Lola.
Kumunot ang noo ni Pepe. "Eh Lola, sabi ni Yoli close daw sila mula pa elementary, pero hindi ko naman nabanggit na merong Vince Akhiro Florendo. Nabanggit niya lang 'Akhiro.' Naghinala na ako kagabi kaya nag-search ako sa Facebook."
"Eh kamusta yung account?" usisa ni Lola.
"Yun nga po. May post siya noong 2022, twelfth birthday daw ni Yoli. Pero, Lola, nung tiningnan ko yung picture... hindi po talaga si Yoli yun," paliwanag ni Pepe.
"Hindi siya?" naguguluhang tanong ni Lola Lena.
"Opo... sa kulay pa lang ng balat, hindi na eh. Alam naman po nating maputi si Yoli pero hindi naman ganun kaputian, tapos mukhang iba talaga yung hugis ng baba at ilong. Tapos... parang imposibleng makapunta siya sa dagat noon, di ba po?"
"Aba, hindi pa nga nakakatuntong ng dagat si Yoli," sagot ni Lola, parang naiinis na rin. "Bakit naman ganun ang post na yun? Eh alam mo namang di siya nakakalabas ng basta-basta."
"Opo... kaya nagtataka po ako. Baka may fake account o baka pinopormahan lang si Yoli," dagdag ni Pepe.
Kumahol bigla ang aso nila Lola Lena sa kabilang linya. Rinig na rinig ni Pepe ang ingay ng alaga nitong si Tonton, parang nag-aambag ng sariling opinyon.
"Ganito na lang, Pepe. Sabihin mo sa akin anong buong pangalan ng account. Tatawagin ko sina Tita Criselda at Cristina. Kailangan nating i-check 'to," mariing sabi ni Lola Lena.
"Totoo po, Lola. Nakakabahala na kasi. Nasa post, twelve years old pa lang si Yoli pero close na daw sila."
"O sige, send mo sa messenger ko yung link," utos ni Lola.
"Opo, Lola," sagot niya, sabay tap sa send button.
"Salamat, iho. Huwag kang mag-alala, aalamin namin 'to," seryoso ang tono ni Lola.
Pagkababa ng tawag, napaupo si Pepe sa gilid ng kama. Nakatulala siya sa kisame. Hindi ba talaga matatapos ang ganitong eksena?
Samantala, sa kabilang bahay, abala na ang kambal nina Lola—sina Tita Criselda at Cristina. Hawak-hawak nila ang cellphone ni Lola at sabay tinititigan ang profile ni Vince Akhiro Florendo.
"Teh, totoo nga," sabi ni Tita Criselda habang nagsscroll sa mga lumang post. "Nakalagay pa sa caption 'sister I never had.'"
"Pero 'te, hindi kaya stalker lang 'to? Ang creepy naman," sabat ni Cristina.
"Pwedeng poser account. Pwede ring nagpapanggap na close kay Yoli para may maipagyabang," sabi ni Criselda.
Nagkatinginan sila, sabay tumango. Kailangan na nilang sitahin si Yoli.
Sa kabilang banda, hindi pa man sumisikat nang husto ang araw, tulog pa si Yoli, nakayakap sa stuffed toy niyang kulay pink. Pero hindi na siya magtatagal sa kanyang tahimik na mundo ng panaginip.
Tok tok tok!
"Yoli! Gising na!" sigaw ni Lola Lena mula sa labas.
"Ughhh... bakit ba?" iritado niyang tugon, habang bumabangon.
"Bumaba ka dito. May pag-uusapan tayo," utos ni Lola.
Pagkababa niya, andun na si Tita Criselda at Cristina, parehong seryoso ang mukha.
"Anong meron?" tanong ni Yoli, nakakunot ang noo.
"Yoli," panimula ni Lola Lena, "Kilala mo ba si Vince Akhiro Florendo?"
Napakurap si Yoli. "Ha? Bakit?"
"Sumagot ka," madiing sabi ni Cristina.
"Kaibigan ko siya noon pa," sabay irap ni Yoli.
"Bakit may post siya na twelve ka pa lang, may picture ka sa dagat, eh hindi ka naman nakapunta ng dagat kahit kailan?" tanong ni Criselda.
"Eh... ewan ko. Hindi ko na maalala," sabay bitaw ni Yoli ng isang buntong-hininga.
"Ewan mo o ayaw mo lang sabihin?" singit ni Lola.
Napataas ang boses ni Yoli. "Ano bang problema niyo?! Ano bang pakialam niyo kung kaibigan ko siya?!"
"Problema namin dahil baka mamaya stalker yan o scammer," seryosong sagot ni Lola.
"Hindi siya stalker! Close kami!" sigaw ni Yoli.
"Ano bang sinasabi mong close? Hindi ka nga makaalis dito!" tugon ni Cristina.
Dahil sa init ng ulo, umalis si Yoli at pabalang na umakyat sa kwarto. Humampas pa ng pinto.
Samantala, si Pepe, nakatanggap ng text mula kay Lola:
"Pepe, nasita na siya pero ayaw umamin. Hindi rin siya makapagpaliwanag. Hindi namin maintindihan. Sabihin ko lang sayo, mag-ingat ka rin."
Napatungo si Pepe. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Nasa isip niya: Anong klaseng sikreto meron sa pagitan nila ni Vince Akhiro Florendo?
Hapon na. Pinipilit ni Pepe mag-aral pero wala siyang maabsorb ni isang salita. Sinubukan niyang manood ng Youtube pero wala rin. Tinitigan lang niya ang cellphone niya, iniisip kung itetext ba niya si Yoli o hindi.
Pagkagabi, nagchat si Yoli:
"Ayoko na muna makipag-usap."
Hindi na siya nag-reply.
Kinabukasan, nagulat si Pepe nang may notification siya:
Yoli is calling...
Pinagpawisan siya ng malamig. Pinindot niya ang green button.
"Hello..." mahina niyang bati.
"Sorry..." mahinang boses ni Yoli.
Hindi na siya nagsalita.
"Pwede ba... bati na tayo?" tanong ni Yoli, may halong pag-iyak ang tono.
Napabuntong-hininga si Pepe. Sa kabila ng lahat... siya pa rin ang mahal ko.
"Oo... bati na tayo," sabi niya, marahan.
66Please respect copyright.PENANABD4ovr1dQf


