Kabanata XXXIV: Chismosa
Isang araw, sobrang init ng ulo ni Yoli. Para bang kahit sino ang lumapit sa kaniya, puputulan niya ng tenga.
Habang nakaupo siya sa kahoy na bangko sa harap ng STE-7 classroom, nakayuko siya, kinukusot-kusot ang mata, at parang gusto niyang isumpa ang lahat ng tao.
"Hoy, Yols," bati ni Jenny habang naglalakad papunta sa pinto. "Anong problema mo dyan at parang sasabog ka na?"
Hindi siya tumingin. Imbes, bigla siyang bumanat: "Wala kang pake! Wag mo akong kausapin!"
Sabay buntong-hininga si Jenny. "Hala, sinapian ka na naman."
Sa totoo, wala namang totoong malaking issue. Kagabi lang kasi, habang nagvivideo call sila ni Pepe, bigla silang nag-away tungkol na naman sa ukay-ukay.
"Yols, bakit kailangan mo na namang bumili ng ukay? Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ni Pepe, habang pilit iniunat ang likod niya sa kama.
"Ano bang pake mo kung gusto kong bumili?! Galing ito sa pera ko!" sigaw niya.
"Pero Yols, di ba sabi mo wala ka ng allowance? Ako na naman magbabayad sa seller mo."
"Eh di ikaw na may reklamo! Wag mo akong pakialaman!"
Sa sobrang init ng ulo ni Yoli, binabaan niya ng tawag si Pepe. At simula kagabi, hindi na niya ito kinausap. Hindi rin siya makatulog nang maayos.
At ngayon, sa umagang ito, dagdag pa ang menstrual cramps niya. Sinasapo niya ang tiyan habang sinisipa-sipa ang bag niya.
"Bwisit. Lahat na lang!" bulong niya.
Hindi niya inaamin pero kapperiodan niya lang talaga.
Samantala, si Pepe naman, walang kamalay-malay na bumangon kaninang 5am para lang magdasal sa altar nila.
Panginoon, bigyan Mo po ako ng lakas ng loob at mahabang pasensya kay Yoli. Sana po hindi na kami mag-away dahil sa ukay-ukay. At sana, mawala na yung galit niya sa akin.
Pagkatapos niyang magdasal, dumiretso siya sa paaralan.
Ngayon, nasa hagdan siya ng main building, may dalang maliit na tabo at patpat na pamalo sa mga dahon ng experimental plants nila. Plano niya sanang puntahan ang mga tanim nilang kamatis at pipino sa likod ng Research Office.
Habang pababa siya, nagulat siya nang biglang sumulpot sina Jenny at Miranda.
"Oy, Kuya Pepe!" bati ni Jenny.
"Uy," tipid niyang sagot. Medyo asiwa siya kasi alam niyang kaibigan ito ni Yoli, at baka may sabihin kay Yoli na kung ano.
"San ka punta?" tanong ni Miranda na may nakangising parang pilya.
"Sa likod. Yung mga experimental plants naming section, dadalawin ko."
"Samahan ka na namin," sabi ni Jenny. "Nag-aaway na naman kayo ni Yoli, no?"
Napatingin siya kay Jenny at tumikhim. "Hindi naman sa nag-aaway... medyo... may konting tampuhan lang."
"Ah, konting tampuhan na naman, ha," sabi ni Miranda, sabay kurot sa braso niya.
Napakagat-labi si Pepe. Naku, kapag nakita ito ni Yoli, lalong magwawala iyon.
Habang bumababa sila sa hagdan, wala siyang kaalam-alam na si Miranda, hawak-hawak ang cellphone niya at nagvivideo.
"Uy, Miranda, anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Jenny.
"Wala," sagot ni Miranda. "Documentation lang. For... ano... remembrance!" sabay tawa.
Napailing si Pepe. "Hay nako, baka kumalat pa 'yan sa group chat."
"Naku, wala 'to," sabi ni Miranda. Pero sa totoo lang, pinapadala niya secretly kay Cristine ang videos.
Pagdating nila sa ground floor, naglakad sila papunta sa likod ng Research Office.
Doon, nakapila ang mga paso ng kamatis, pipino, at talong. May mga name tags pa:
"Experiment Group 1: Hydroponics."80Please respect copyright.PENANAfGu1QLm92K
"Experiment Group 2: Organic Fertilizer."
Lumuhod si Pepe sa harap ng mga tanim. Kinuha niya ang maliit na tabo, nag-iigib sa gripo, at isa-isang dinidiligan ang mga halaman.
Tahimik lang sina Jenny at Miranda sa umpisa. Pero maya-maya, naririnig niya si Miranda na may pinipindot sa cellphone.
"Seryoso ka dyan, Kuya Pepe, ha," sabi ni Miranda.
"Oo naman," sagot niya. "Project namin 'to."
"Ayaw mo bang samahan ka namin magdilig?"
"Teka... baka madurog niyo 'yung mga dahon."
"Ano kami, monster?" tawa ni Jenny.
Habang nagdilig siya, napansin ni Pepe na si Miranda, nakaupo sa bench malapit sa pintuan, naka-cross legs at nakatitig lang sa kaniya. Medyo nahihiya siya pero wala siyang magawa.
Bakit ba ang tagal niyong dalawa dito? iniisip niya.
Sa likod ng isip niya, alam niyang kung sakali makita ito ni Yoli, hindi magiging maganda ang mood nito.
Nang matapos na siya, tumayo siya at pinunasan ang kamay sa panyo.
"Salamat sa pagsama niyo," sabi niya.
"Walang anuman," sagot ni Jenny. "Alam mo namang mabait kami."
"Char," sabi ni Miranda, sabay pose ng peace sign sa cellphone.
Hindi rin niya alam, secretly, kinukunan na naman siya ni Miranda.
Pagkatapos nito, sabay-sabay silang bumalik sa hallway ng STE Building. Pero hindi alam ni Pepe na ang mga videos ni Miranda, pinapasa na niya secretly kay Cristine, at may isang video na nagkakatinginan sila ni Pepe.
Sa gabing iyon, tahimik na nakahiga si Yoli sa kama niya. May yakap siyang maliit na stuffed toy na pusa.
Bakit ganun? Parang... may kakaiba kay Miranda.
Hindi niya masabi kung selos ba o galit o paranoid lang siya. Pero para sigurado, kinukuha niya ang cellphone niya at nagtype sa search bar:
"Miranda Dela Cruz Facebook."
Anong meron sayo, Miranda? Bakit parang ang lapit-lapit mo kay Pepe?
Habang nagreresearch siya, may nakita siyang ilang lumang pictures ni Miranda kasama ang isang lalake na akala niya ay kapatid niya pero parang boyfriend niya sa elementary school nila. May mga nakatag pa na picture na nakaakbay si Miranda sa iba't-ibang lalake.
Mas lalo siyang nag-init.
So ganito pala ha?
Nagscroll pa siya, at doon niya nakita na may isa palang mutual friend si Miranda—ang dati niyang kaklase sa elementary. Napindot niya ang profile nito, at sa mga lumang comments, nakita niyang tinatawag ng friend na ito si Miranda ng...
"Landi-Mandie"
Napakunot-noo si Yoli.
Landi-Mandie? Anong Landi-Mandie? Bakit parang palayaw ito?
Maya-maya, naalala niya ang isang chismis noon sa campus—na si Miranda raw, may isang dalaga mula JHS na nagpalaglag daw ng bata. Hindi niya alam kung totoo iyon o tsismis lang. Pero sa totoo lang, hindi na siya mapalagay.
Pinikit niya ang mata niya. Pilit niyang tinatanggal ang mga hinala sa isip niya, pero hindi niya mapigilan.
Bukas... aalamin ko kung totoo 'yan.
At sa gabing iyon, hindi siya nakatulog nang maayos.
Kinabukasan, medyo groggy pa si Pepe. Parang kulang sa tulog dahil sa dami ng iniisip kagabi. Buong gabi siyang nag-iisip kung dapat ba niyang tanungin si Yoli tungkol sa selos nito kay Miranda. Pero sa bandang huli, pinili na lang niya na huwag muna magtanong. Baka lumala pa.
Pagdating niya sa school, alas-diyes na ng umaga, kakagaling lang nila sa homeroom. Nagdesisyon siyang magmeryenda muna sa maliit na kantina sa gilid ng covered court. Umorder siya ng banana cue, dalawang pirasong lumpiang togue, at isang boteng malamig na Mountain Dew.
Tahimik siyang kumakain sa lamesang kahoy, nakatingin lang sa mga dumadaan na estudyante.
"Kuya Pepe!" biglang bati ni Miranda na parang wala lang. May dala pa itong maliit na supot ng chicharon. "Pwede akong makisabay?"
Medyo nagulat siya pero pinilit niyang ngumiti. "Ah, oo, sige."
Umupo si Miranda sa tapat niya at ngumiti rin. Parang wala itong pakialam sa mga tsismis o selos ni Yoli. Sa loob-loob niya, Panginoon, tulungan Niyo po akong huwag makonsensya.
Habang kumakain sila, nagkukuwento si Miranda ng kung anu-ano. Tungkol sa bagong labas na Korean drama, sa project nila sa Filipino, pati sa upcoming Foundation Day program.
"Tapos, Kuya Pepe, alam mo ba—" Hindi pa siya tapos magsalita nang biglang may humawak sa braso ni Pepe.
Napalingon siya. Si Yoli.
Parang bumagsak ang buong mundo ni Pepe nang makita niya ang tingin ni Yoli. Hindi ito galit na galit, pero yung tingin na parang may nabuo na sa isip niya.
"Hi, Peps," mahinahon pero malamig ang boses ni Yoli. "Meron akong sasabihin sa'yo. Halika samin dito."
May kasama pa siyang tatlo—sina Jenny, Cristine, at Paula. Ang tatlong iyon, nakatayo lang sa likod ni Yoli, parang mga backup dancer na handang sumugod kapag inutusan.
Tumingin si Pepe kay Miranda, na biglang natahimik. "Ah... sige, Yoli."
Tumayo si Pepe, bitbit ang kanyang banana cue na kalahati pa lang nauubos, at sumunod kay Yoli papunta sa may sulok ng kantina, malapit sa garden area.
Pagdating doon, nagkrus-kamay si Yoli sa dibdib, huminga nang malalim, at tumingin sa mga kasama. Parang may secret code silang lahat.
"Pepe," panimula ni Yoli, habang tinitingnan siya diretso sa mata, "may itatanong ako."
Medyo kinakabahan si Pepe. Shet, ano na naman 'to.
"Totoo ba," tanong ni Yoli, medyo tumataas na ang boses, "na hiniram ni Miranda ang cellphone mo?"
Napakagat-labi si Pepe. "Ah... oo. Nung isang araw. Kasi nagpa-scan siya ng picture, tapos..."
"At?" singit ni Cristine.
"At... alam niya yung password ko."
Sabay-sabay silang napabuntong-hininga.
"Alam din ba niya password ng laptop mo?" tanong ni Paula.
"Oo, eh... kasi dati, nagpapagamit siya pag wala siyang device. Akala ko naman wala lang yun..."
Biglang sumingit si Yoli. Nairita na ang boses niya, pero pinipilit pa rin niya maging kalmado.
"Walang hiyang babaeng yun," sabi ni Yoli, pero tinigil niya muna ang sigaw. Maya-maya, medyo humina ang boses niya pero mas malupit ang tono. "Pepe, may sasabihin ako sa'yo. Si Miranda... isa siyang pokpok."
Napataas-kilay si Pepe. "Ha?"
"Kuya, totoo," sabi ni Jenny, seryoso ang mukha. "Hindi kami nagbibiro."
Sumabat si Paula. "Yeah, ang daming rumors mula pa nung Junior Highschool eh. Ang daming lalaking nilalandi, tapos..."
Hindi pa tapos si Yoli. "Sabi ng marami, nagpalaglag daw siya ng bata dati. Nasa Facebook pa ang issue noon, pero na-cover up lang."
Tahimik si Pepe. Napatingin siya sa lupa, parang nilalamig siya bigla.
Cristine, "Sabi pa nila, clingy siya sa mga lalaki para gamitin sila. Hindi kami gumagawa ng kwento, Pepe."
Hindi makaimik si Pepe. Pakiramdam niya, may bumagsak na bato sa dibdib niya. Naisip niya yung mga sandaling magkausap sila ni Miranda, yung mga moment na nakangiti ito sa kanya, yung pagvideo nito nang hindi niya alam.
Nagsalita ulit si Yoli. "Kung gusto mo, screenshotan ko ang mga lumang post tungkol sa kanya. Pero, Pepe, kaya ko ito sinasabi, kasi ayokong maloko ka. Kahit gano ka pa ka-bait, hindi ko papayagan na gamitin ka ng ibang tao."
Tumingin siya kay Jenny. "Tama," sabi ni Jenny. "Alam mo, Kuya Pepe, maraming nakapansin na clingy siya sa'yo."
Nagkibit-balikat si Paula. "Pasensiya na kung harsh kami."
Tahimik si Pepe. Tiningnan niya si Yoli, na tila nahahalata ang bigat ng loob niya.
Kaya, wala nang sinabi si Pepe. Tumango lang siya at naglakad papalayo, dire-diretso sa tambay spot nila sa harap ng College Building, sa tabi ng Auditorium. Pagdating doon, umupo siya sa sementadong bench at tinignan ang cellphone niya.
Dapat lang sigurong maging maingat, bulong niya sa sarili.
Kinuha niya ang cellphone, at sa gitna ng malalim na paghinga, nagbukas siya ng settings. Sinimulan niya i-change ang password niya.
New Password:80Please respect copyright.PENANA3dhPKgbggd
Hindi na niya pwedeng ipaalam kahit kanino. Kahit kay Miranda. Kahit kanino.
Pagkatapos, binuksan niya ang laptop niya, at doon din nag-change password. Pakiramdam niya, parang may tinatanggal siyang tinik sa lalamunan.
Nang matapos siya, tumayo siya ulit at tumingin sa langit. Naisip niya, Panginoon, sana tama ang mga ginagawa ko.
Sa buong linggong sumunod, hindi na nila pinapansin si Miranda. Tuwing makakasalubong nila ito sa hallway, diretso lang si Yoli ng lakad, si Jenny ng tingin sa kabilang direksiyon, si Cristine at Paula ng kunwaring busy sa cellphone.
Si Pepe naman, minsan, naguguluhan pa rin sa dami ng impormasyon. Pero alam niyang kailangan niyang maging maingat. Hindi siya perpekto, pero ayaw na niyang madala pa ulit.
Isang araw, nakita niya si Miranda na mag-isang nakaupo sa bench, nakayuko at hawak ang cellphone. Hindi siya lumapit. Hindi siya nagpakita. Pero sa kaloob-looban niya, may kaunting kirot pa rin—hindi dahil sa selos, kundi dahil sa awa.
Pero sa bandang huli, alam niyang kailangan niyang piliin kung sino ang dapat niyang pagkatiwalaan.
At sa puntong iyon, pinili niya na protektahan muna ang sarili.
ns216.73.216.253da2


