Kabanata XXXII: Ang Magkabilang Panig
Isang Tuesday, alas-onse ng umaga, mainit ang paligid sa Old Highschool Building ng DWCB. Tapos na ang work immersion ni Pepe sa Burnayan City Engineering Office. Pagbalik niya sa paaralan, deretso na siya sa silid-aralan ng STE-12.
Pagpasok niya, ramdam niya ang katahimikan. Parang may sariling mundo ang classroom kapag walang tao—walang ingay ng tsismis, walang kantiyawan, walang tawanan. Tanging electric fan lang ang gumagana at marahang umuugong.
Ayos din pala ang ganito... tahimik... isip niya habang nilalapag ang bag niya sa upuan.
Kumuha siya ng yellow pad at ballpen mula sa loob ng bag. Mula noong isang linggo pa, sinusulat na niya ang nobela niyang pinamagatan niyang "Sa Likod ng Malditang Mukha"—isang kathang isip na parang inspired sa isang kilalang tao na lagi niyang kausap.
Marahan siyang sumusulat sa sulok ng classroom, habang pinagmamasdan ang maliliit na alikabok na tinatangay ng hangin. Pakiramdam niya, kahit paano, nakakabawas ng bigat kapag naisusulat niya ang iniisip niya.
Lumipas ang halos tatlumpung minuto, at eksaktong lunch break na, naririnig niya na ang mga yapak sa corridor. Paglingon niya sa pinto, heto na—pumapasok si Yoli, kasama si Jenny.
Si Yoli, gaya ng dati, nakataas ang kilay. Si Jenny naman, mukhang medyo nahihiya.
"Ay... akala ko ba... baka gusto niyo manood ng sine?" tanong ni Pepe habang nakaupo pa rin, hawak ang bolpen.
Pero hindi tumingin si Yoli sa kanya. Diretso lang ang tingin sa mesa ni Pepe, parang may inaasahan.
"Hindi," maikling sagot ni Yoli. "Pupunta kami sa labas. Kasama ko sila Paula, Cristine, at Miranda."
Medyo sumikip ang dibdib ni Pepe. Siyempre... hindi ako kasama, naisip niya. Pero pilit siyang ngumiti.
"Pwede ba akong sumama?" tanong niya, kahit alam na niya ang isasagot.
Parang biglang naburyong si Yoli. Itinaas niya ang dalawang kamay niya na parang nagho-hold up.
"HINDI NGA! NADYAN ANG MGA FRIENDS KO!" sigaw niya, medyo bumabasag ng eardrums.
Napalunok si Pepe. Pakiramdam niya, umuulan na ng laway si Yoli sa sobrang taas ng boses. Pero bago pa siya makapagsalita ulit, nagsalita si Jenny, na medyo nahihiya pa.
"Yols... pasamain mo na lang si Kuya Pepe... parang... gabay siya o guardian natin..." sabi ni Jenny, halos pabulong.
Pero si Yoli, tumingin kay Jenny na parang binabarena ng tingin.
"Yung pera! Nasaan yung pera?!" sabi ni Yoli, hindi na pinansin ang suhestyon ni Jenny.
Sa puntong iyon, parang may lumalangoy na sakit sa ulo ni Pepe. Napahawak siya sa sentido niya.
"Eto..." sabi niya, sabay bunot ng pitaka. Kinuha niya ang 200 pesos, inilagay sa palad niya, at iniabot kay Yoli.
Walang pasasalamat. Walang tingin. Walang ngiti. Kinuha lang ni Yoli ang pera, sabay talikod, sabay labas ng silid.
Pakiramdam ni Pepe, parang kinuha rin ang kaluluwa niya sa sandaling iyon.
Naiwan si Jenny sa loob, tumingin kay Pepe. Kita sa mata niya ang awa.
"Kuyah..." sabi ni Jenny, malumanay. "...sana huwag mo na lang ibinigay sa kanya yung pera."
Napayuko si Pepe. Nilapag niya ang bolpen sa mesa.
"I can't help it..." mahinang sagot niya. "Yung ugali niyang ganyan eh... it's out of control."
Saglit na natahimik si Jenny. Tumingin siya sa pintuan kung nasaan si Yoli.
"Sige po, Kuya... sasama na rin ako," sabi ni Jenny.
Nang makalabas si Jenny, biglang sumikip lalo ang dibdib ni Pepe. Tumingala siya sa kisame, kinagat ang labi, sabay pumikit.
Hindi ko na kaya... parang binubunot na ang utak ko sa stress...
Maya-maya, dinampot niya ang bag niya. Dahan-dahan siyang tumayo at lumabas ng classroom.
Dire-diretso siyang pumunta sa Guidance Office. Pagdating niya sa tapat ng pintuan, umangat ang mata niya at binasa ang nakasulat:
Guidance Center
Malalim siyang huminga. Kumatok siya.
"Pasok," sabi ng malambing na boses mula sa loob.
Binuksan niya ang pinto. Doon, nakaupo sa mesa si Ma'am Alisa, ang Guidance Counselor. May suot siyang kulay rosas na blouse at may reading glasses.
"O, Pepe," bati ni Ma'am Alisa. "Anong maitutulong ko sa'yo?"
Humakbang siya papasok, sabay isinara ang pinto.
"Ma'am... pwede po bang... makausap ko kayo?" mahina niyang sabi.
"Syempre, upo ka." Inilapat ni Ma'am Alisa ang ballpen niya sa mesa. "Ano'ng nangyayari?"
Umupo si Pepe sa silya sa harap niya. Tumagilid siya para hindi makitang namumula ang mata niya.
"Ma'am... gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob..." bulong niya.
Sabay pinunasan niya ang gilid ng mata niya.
"Okay lang 'yan," mahinahong tugon ni Ma'am Alisa. "Dito ka para mag-open up. Anong bumabagabag sa'yo?"
Napahinga nang malalim si Pepe.
"Ma'am... tungkol po ito sa... jowa ko..." bulong niya, halos hindi lumalabas ang boses.
Tumango si Ma'am Alisa. "Okay. Anong nangyayari sa inyong dalawa?"
"Ma'am... 'yung jowa ko po... ay mula sa STE 7... at... may pagkamaldita..."
Napangiti si Ma'am Alisa, pero pigil niya iyon.
"Ano'ng ibig mong sabihin sa 'may pagkamaldita'?"
"Ma'am... kung anong gusto niya... palalabasin niya... kung wala akong ibigay, magagalit siya... hindi ko po alam paano ko siya mapapakalma."
Huminga si Ma'am Alisa, sabay tumango.
"Pepe... salamat kasi nag-share ka. Hindi madali yan. Pero gusto ko malaman mo na importante rin ang sarili mong kapakanan."
Tumango si Pepe.
"Hindi naman sa... ayaw ko siyang tulungan... pero... ma'am... ubos na ubos na po ako. Parang... hindi ko na alam kung anong tama."
Hinawakan ni Ma'am Alisa ang kanyang ballpen, saka tumingin kay Pepe.
"Pepe... kapag mahal mo ang tao, natural lang na gusto mo siyang tulungan. Pero dapat matutunan mo ring igalang ang hangganan mo. Hindi mo obligasyon na sagutin lahat ng luho niya."
"Alam ko po... pero... natatakot po ako..."
"Bakit ka natatakot?"
"Ma'am... kasi... kapag hindi ko po siya binibigyan, nagagalit siya... pinapahiya niya ako sa chat..."
"Pero Pepe... tingnan mo ito ha..." Tumagilid si Ma'am Alisa, tumingin sa mata niya. "Sa relasyon... dalawa kayong may pangangailangan. Hindi pwedeng ikaw lang ang nagbibigay, tapos siya lang ang kumukuha."
Tumulo na naman ang luha ni Pepe. Hindi na niya kayang pigilan.
"Hindi ko po alam paano ko siya kakausapin..." sabi niya, nanginginig ang tinig.
"Kaya mo yan," sabi ni Ma'am Alisa, nilalagay ang palad niya sa ibabaw ng kamay ni Pepe. "At nandito ako kung kailangan mo ng tulong."
Natahimik sila. Ilang minuto silang walang imik.
"Salamat po..." bulong ni Pepe.
"Walang anuman. Huwag mong iisipin na mahina ka. Malakas ka kasi inaamin mo ang totoo."
Unti-unting kumalma ang dibdib ni Pepe. Parang may mainit na kumot na bumabalot sa puso niya.
Ngunit bago pa tuluyang bumalik ang normal niyang pakiramdam, biglang nag-vibrate ang cellphone niya.
Pagtingin niya sa screen, kumurap siya.
YOLI CALLING...
Tumingin siya kay Ma'am Alisa, parang nanghihingi ng payo kung sasagutin ba niya.
Ano kaya ang gustong sabihin ni Yoli?
Nagbubukas pa rin ng puso si Pepe kay Ma'am Alisa, nang biglang mag-vibrate ang cellphone niya. Sa umpisa, parang gusto niyang huwag pansinin. Pero nang tumagal ang vibration, alam niyang hindi ito simpleng text lang. Tumingin siya sa screen:
YOLI CALLING...
Huminga siya nang malalim. Ano na naman kaya ito? Tanong niya sa isip. Tumingin siya kay Ma'am Alisa, parang nanghihingi ng basbas.
"I-answer mo na, Pepe," sabi ni Ma'am Alisa, malumanay ang tono.
Marahan niyang pinindot ang green button.
"Hello..." mahinang sabi niya.
Pero imbes na sagot, malakas na hikbi ang naririnig niya. Hindi lang basta sniffing—literal na umiiyak.
"Yoli?" sabi niya, medyo tumataas ang boses. "Yoli, ano nangyari sa'yo?"
Sa kabilang linya, parang hindi agad makapagsalita si Yoli. Ilang saglit na puro iyak lang ang naririnig niya.
"Pepe..." sa wakas, mahina pero malinaw ang tinig ni Yoli. "Punta ka na dito sa... PNP..."
"Ha?" Napataas ang kilay ni Pepe. "PNB ba 'yan? Saan ka?"
"PNP!" sigaw ni Yoli, nanginginig ang tinig.
Tumayo agad si Pepe. Pakiramdam niya, tumalon palabas ng dibdib niya ang puso niya.
"I'll be there soon," mabilis niyang sabi.
Pagbaba ng tawag, lumingon siya kay Ma'am Alisa.
"Ma'am... pasensiya na po... kailangan ko pong pumunta..."
"Oo, sige," sabi ni Ma'am Alisa. "Ingat ka."
Dali-daling lumabas si Pepe sa guidance office. Habang naglalakad siya palabas ng paaralan, nag-iisip siya:
PNP? Hindi kaya PNB? Baka may encounter lang siya sa bank...
Pinipilit niyang kalmahin ang sarili niya. Pero habang naglalakad siya, mas lalo siyang kinabahan.
Mula Divine Word College of Burnayan, binagtas niya ang 220 metrong layo papuntang PNB sa tabi ng Plaza Selling. Ang daming estudyante at Calesa sa paligid, pero hindi na siya tumitingin sa ibang tao.
Pagdating niya sa PNB, paikot-ikot siyang sumilip. Wala naman si Yoli o kahit isa sa tropa nito.
Ay puta... mali nga ata...
Kinuha niya ulit ang cellphone at tinawagan si Yoli. Sumagot si Yoli agad, pero humihikbi pa rin.
"Yoli... nasaan ka ba talaga?" tanong niya.
"PNP nga... dito sa police station..."
Napaluhod siya saglit sa gutter. Nakakahiya sa mga tao pero wala na akong pakialam.
Mabilis siyang bumalik sa Divine Word College. Dumiretso siya sa STE-7 classroom. Binuksan niya ang pinto—wala nang tao. Tahimik na. Ang naiwan lang, mga bag nina Yoli at Jenny.
Isa-isang kinuha ni Pepe ang bag, inikot sa braso, at sumakay ng tricycle.
"Boss, sa PNP po, Burnayan," sabi niya sa driver.
Habang umaandar ang tricycle, parang may malakas na tambol sa dibdib niya. Naiisip niya lahat ng pwedeng scenario: Na-kidnap ba? Nag-away ba? Nadukutan?
Pagdating niya sa PNP, nilapag niya ang bayad, sabay bumaba. Pumasok siya sa gate, tinanong ang desk officer kung nasaan ang mga bata.
"Ikaw ba si Pepe?" tanong ng pulis.
"Opo."
"Tuloy ka sa loob."
Pagpasok niya sa main hall ng istasyon, doon niya nakita si Yoli. Nakaupo sa bench, nakayuko, at sumisinghot. Katabi niya sina Jenny, Paula, Cristine, at Miranda. Nandun rin si Lola Lena, na may hawak na bimpo, at si Tita Camila na mukhang bagong dating mula sa biyahe—suot pa ang jacket na may burdang "Dubai Duty Free."
Wala nang ibang inisip si Pepe. Nilapag niya ang mga bag, sabay lumapit kay Yoli.
"Yoli..." mahinang sabi niya.
Hindi tumingin si Yoli. Pero nang hawakan niya sa balikat, bigla itong tumayo at yinakap siya ng mahigpit. Halos mawalan siya ng balanse.
"Shhh... okay na..." bulong niya. "Nandito na ako..."
Umiyak nang umiyak si Yoli sa balikat niya. Naririnig niya ang paos nitong boses, parang bata.
"Ano ba talagang nangyari?" tanong niya, habang hinihimas ang likod ni Yoli.
Pero bago pa makasagot si Yoli, si Tita Camila na ang nagsalita.
"Habang naglalakad daw sila sa hallway ng Xentro Mall," panimula ni Tita Camila, "may matandang lalaki na may tungkod. Malawak naman ang daan, pero pinansin sila, sinabihan ng kung anu-ano."
"Bakit daw?" tanong ni Pepe, habang umuupo sa tabi ni Yoli.
"Ewan," sabi ni Miranda na biglang sumabat, "eh galit yata kasi maingay kami."
"Matanda raw na retired Navy," dagdag ni Lola Lena.
"Eh ano'ng nangyari?"
Huminga nang malalim si Tita Camila. "Nagkapikunan. Nag-escalate. May tumawag ng security. Dumating ang pulis. Ayun—lahat sila dinala dito."
Napahawak si Pepe sa sentido niya. Grabe... simpleng lakad naging gulo...
Tumango siya at tumingin kay Yoli. "Yoli... bakit ka umiyak?"
Pero bago makasagot si Yoli, tumingin si Jenny sa kanya.
"Kuya Pepe... gusto mo malaman ang totoo?" tanong ni Jenny, medyo nangingiti.
"Oo naman."
Si Jenny, huminga muna nang malalim bago nagkwento.
"Ganito 'yun... noong nagalit ang matanda, talagang inaway si Miranda at Yoli. Pero si Yoli, sumagot-sagot din. Sabi ni Yoli, 'Wala kang karapatan mang-insulto, matanda ka na!'"
Tumingin si Pepe kay Yoli—pero si Yoli nakayuko lang.
"Dahil doon... lalo silang nagtalo. Nagsisigawan na sila sa gitna ng hallway. Nang dumating ang pulis, sabi ni Yoli, 'DAPAT IPAPAKULONG NATIN ANG MATANDANG IYAN! HAHAHA! DASURVE NIYA YAN!'"
Napalunok si Pepe. "Ha? Totoo?"
"Oo," sabi ni Jenny. "Nasa harap ako ng police car. Pero noong paglingon ko kay Yoli... bigla na lang siyang umiiyak."
Tumingin si Pepe kay Yoli. "Yoli... totoo ba 'yan?"
Hindi sumagot si Yoli. Pero tumango siya, kahit nanginginig ang balikat.
Napahinga nang malalim si Pepe. Ayoko na talaga... bakit lagi na lang may ganito?
Tumingin siya kay Jenny. "Salamat. At least alam ko na ang totoo."
Ngayon, mas pinaniniwalaan niya si Jenny. Dahil kilala na niya si Yoli—ang init ng ulo nito, at ang bilis magbago ng mood.
Si Tita Camila naman, mukhang wala nang energy makipagtalo.
"Ayaw ko na sanang i-push pa... pero naawa rin ako sa matanda," sabi niya. "May diabetes daw, retired Navy. Buti na lang nagkaayos na kami."
Tumango si Lola Lena. "Hindi na lang natin palalakihin."
Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan, tumingin si Pepe kay Yoli.
"Uuwi na tayo," sabi niya.
Tumayo si Yoli. Tahimik. Wala na ang yabang.
Binuhat ni Pepe ang bag. Nilapitan niya si Yoli at inakbayan.
"Halika na..." sabi niya, mahina ang tinig.
Sa loob-loob niya, gusto niyang sigawan si Yoli, tanungin kung bakit ganito na naman. Pero wala na siyang lakas ng loob.
Nang makarating sila sa labas ng presinto, tumigil si Pepe. Humarap siya kay Yoli.
"Next time... kung may ganyan... huwag mong palalakihin," sabi niya, mahina pero matatag.
Tumango si Yoli. Pero walang imik.
Kung minsan... kahit anong pasensya... nauubos din... bulong ni Pepe sa sarili niya.
79Please respect copyright.PENANAqVinivMelT


