Kabanata XXXI: Shopping Pa More!
Gabi na naman. Tahimik ang paligid, maliban sa mahinang tunog ng bentilador na humahampas sa kurtina. Nakahiga si Pepe sa kama, hawak ang cellphone. Katatapos lang niya maghugas ng pinggan at magwalis sa terrace. Saka niya naisipang i-video call si Yoli.
Saglit pa lang nagri-ring, sumagot na agad si Yoli, nakasalampak sa sahig ng kanyang kwarto. Kita ni Pepe sa likod niya ang malalaking plastic bag na punong-puno ng mga damit.
"Yols, good evening," bati ni Pepe, pilit ngumiti kahit medyo may kaba sa dibdib. Alam niyang sa ganitong oras, madalas may tanong na naman ito o hihingi ng kung anu-anong tulong.
"Hi Peps! Hala, tignan mo oh..." sabay pinakita ni Yoli sa camera ang isang malaking eco bag. "Naka-ano na ako... tatlong ukay haul ngayong linggo!"
"T-tatlo?" Kumurap si Pepe, hindi makapaniwala. "Eh... hindi ba last week lima na?"
"Eh, ibang seller naman ngayon!" Ngiting-ngiti si Yoli habang binubusisi ang laman ng bag. "Kita mo to oh... vintage! Ang ganda! Mura lang... one-thousand lang."
Mura?! Gusto na sanang ibagsak ni Pepe ang cellphone niya. Pero pigil na pigil siya. Kalma, Pepe... kalma...
"Oo nga... ang ganda," sabi niya, kahit parang gusto niyang umatras sa relasyon. "Vintage nga..."
Napabuntong-hininga siya. "Alam mo, Yols, napapansin ko lang... every Wednesday ka yata may babayaran na ukay."
"Oo naman!" sabay tawa ni Yoli. "Eh kasi Wednesday ang release ng bagong stocks nila. Alam mo na... bilis ma-sold out."
Napapikit si Pepe. Release daw oh... parang K-pop album lang.
"Yung Belle Boutique Thrift... grabe! May binibentang oversized denim jackets. Kaya lang, medyo mahal... two-five isa."
"T-two-five..." bulong ni Pepe. Ramdam niyang may tumutusok sa wallet niya kahit wala pa siyang binabayaran.
"Eh si Jane Donato din," tuloy ni Yoli habang inaayos ang buhok. "Nagpo-post siya ng mga Zara at Mango tops. Puro branded. Sayang din kasi. Limited stocks."
"Teka... magkano na ulit yung mga nabili mo sa kanila?" tanong ni Pepe, maingat ang tono. Ayaw niya kasing maramdaman ni Yoli na nagrereklamo siya.
"Mga... hmm... seven thousand this month?" parang wala lang kay Yoli habang sinusulyapan ang calculator sa tabi niya.
Napahawak si Pepe sa sentido niya. Seven thousand. Gusto ko nang matunaw.
"Eh... Yols..." nagsimula siyang maghanap ng tamang salita. "Hindi ka ba... ano... hindi ka ba... na... n-n-nasasaktan... sa dami ng binabayad mo?"
Tumingin si Yoli sa camera, medyo nagtaas ng kilay. "Ha? Ano naman masasaktan ko? Saka ang saya kaya mag-ukay."
"Oo... oo... masaya nga," sagot ni Pepe, pilit ngumiti. Pero sa isip niya, Mas masaya kung may ipon pa ako...
Hindi na niya alam kung paano niya maipaparamdam kay Yoli na nasasakal na siya sa gastos. Tuwing nagkikita sila, automatic na parang may timer na aandar—timer na magpapakita kung gaano katagal bago humingi si Yoli ng pambayad.
Kada Miyerkules, paboritong araw ni Yoli. Pero para kay Pepe, araw iyon ng matinding pagsubok. Tuwing alas-onse ng umaga, habang nasa work immersion siya sa Burnayan City Engineering Office, magpapa-miss call si Yoli. Tapos magchachat:
Yoli: Peps... kulang pa ko seventy pesos sa ukay... baka pwede?
Minsan naman:
Yoli: Pepeeeee... pahingi pang-top up, five hundred lang. Promise last na.
At ang promise na iyon... laging napapako.
Hindi rin niya alam kung paano siya makakatanggi. Naaawa rin siya kay Yoli, lalo na't hindi kumakain ng lunch sa school para makapag-ipon. Pero minsan, gusto niyang sabihan: Yols, kung di ka bumili ng ukay, may pambili ka sana ng pagkain!
Pero hindi niya masabi. Natatakot siya sa ugaling nag-aalburoto ni Yoli. Isang maling salita niya, baka mag-walk out ito o hindi siya kausapin ng tatlong araw.
Kaya tuwing may chat, wala siyang choice.
Send money.
Padala.
Pasuyo.
Minsan, habang nagkukumpuni siya ng dokumento sa engineering office, napapahinto siya bigla at mapapabuntong-hininga.
"Kuya Pepe, okay ka lang?" tanong ng supervisor niya minsan, si Sir Allan.
"Ah... okay lang po. May... ukay lang po." Hindi na niya naipaliwanag nang maayos.
Nang matapos ang work immersion sa hapon, bumabalik siya sa kwarto at ibinubuhos ang inis sa unan. Pero kinabukasan, uulit na naman ang cycle. Madaming nag-oorderan ni Yoli sa Facebook, tulad nina An Gelica, Melisse PH, Belle Butique Thrift, Gem Finds, Jane Donato, at madami pa.
Minsan, naisip niyang magdasal.
Lord, sana po, bumaba na ang presyo ng ukay. O kaya po... sana hindi ako palaging hihingan ni Yoli. Amen.
Pero parang hindi dinidinig ang panalangin niya.
Isang Biyernes, lumabas sila ni Yoli. Nagkita sila sa Plaza. Habang papalapit siya, kita niya agad si Yoli na nakatayo sa tapat ng isang tindahan ng thrift bags. May hawak na namang eco bag, punong-puno.
"Peps!" tawag ni Yoli, masaya ang mukha. "Yay! Naka-sale pa 'yung gusto ko!"
"Anong sale?" tanong ni Pepe, pilit binibilisan ang lakad para mapigilan ang kabang nararamdaman.
"Eto!" sabay taas ni Yoli ng isang maliit na handbag. "Twelve hundred lang oh! Dati kasi... almost two thousand!"
Napangiti siya. "Ah... ang galing mo..."
Pero sa isip niya, Galing mo talagang ubusin ipon ko...
"Teka, Peps," sabay hawak ni Yoli sa braso niya. "Pwede ka bang mag-abot ng kulang? Two hundred na lang..."
Parang may umalingawngaw na dramatic music sa utak niya. Tumango siya, bagama't tila nanginginig ang kamay.
"S-sige... eto na..." sabay abot ng crumpled bills mula sa bulsa. "Last na ha?"
"Last na last na promise," sabi ni Yoli, ngumiti ng pagkatamis-tamis.
Pagkauwi nila, tumawag ulit si Pepe kay God sa isip niya.
Lord, baka pwede pong kayo muna magpautang kay Yoli...
Pero kahit ganoon, hindi niya rin kayang iwan si Yoli. Mahal niya ito. Kahit gaano siya nalulubog sa ukay, masaya pa rin siya kapag nakikita niyang masaya si Yoli.
Kaya kahit stress, kahit bangungot na ang presyo ng vintage jackets, tuloy pa rin ang suporta niya.
At sa bawat Miyerkules, kahit naninikit ang dibdib niya sa tuwing nagri-ring ang cellphone, lagi pa rin siyang sumasagot.
"Hello, Yols... magkano na naman?"
At uulit na naman ang cycle.
Isang hapon, mainit ang simoy ng hangin sa loob ng bahay ni Lola Lena. Tulog pa si Yoli sa kanyang kuwarto, at si Lola Lena naman ay nagpapahinga sa sofa, hawak-hawak ang cellphone.
Wala kasi siyang sariling Facebook account, kaya ang ginagamit niya ay yung account ni Yoli. Nasanay na rin siya doon. Tutal, sabi naman ni Yoli noon, "La, okay lang, gamitin mo 'yan, wag ka nang gumawa ng sarili."
Pero ngayon, parang gusto ko nang gumawa ng sarili kong Facebook. Ang dami palang kalokohan ng apo ko dito, buntong-hininga niya sa sarili.
Habang nagba-browse siya sa news feed—puro mga ukay-ukay pages, sellers, at quotations na corny—bigla na lang nag-pop up ang isang bagong message.
Chel Sea
Hmm? Sino naman 'tong Chel Sea na 'to? bulong niya. Akala niya noong una, baka kaibigan lang ni Yoli. Pero nung i-click niya ang chat, laking gulat niya sa bumungad.
CHAT MESSAGE:
Chel Sea:72Please respect copyright.PENANAi2wth6WVj6
520 PO LAHAT, SALAMAT!!!72Please respect copyright.PENANAcPdHesylVL
BE RESPONSIBLE PO, DIPO KAMI NAGBEBENTA JUST FOR FUN LANG, NAGBEBENTA KAMI BECAUSE WE ARE SUPPORTING OUR OWN NEEDS.72Please respect copyright.PENANANHFD5FOxGe
NAKIKIUSAP PO AKO NG MAAYOS SA INYO72Please respect copyright.PENANA3ZIaGe5YD3
KASI WE NEED THAT MONEY BECAUSE WE NEED FUNDS PO72Please respect copyright.PENANAOxmIp9IhPx
SA TOTOO NGA I DON'T NEED TO EXPLAIN NA SANA EH, KASI KUSA SYANG NAGMINE, BUT PARA PO SA INYO SIGE PO72Please respect copyright.PENANATycUypbW6i
EVEN IF MALIIT LANG NA PERA PARA SA INYO YUNG 520, SUBRANG LAKI NA NON SAMIN SANA PO GETS NYO.
Napamulagat si Lola Lena. Tila gusto na niyang manghilamos ng malamig na tubig sa inis.
"Ay, Yoli... Yoli... anong klaseng kabalbalan na naman 'to?" bulong niya habang pinipindot ang contact ni Pepe.
Nag-ring ng tatlong beses bago sumagot si Pepe.
"Hello po, Lola?" medyo mahinang boses ni Pepe, halatang pagod na naman.
"Iho..." malumanay pa ang tono ni Lola Lena sa simula. "May alam ka ba tungkol sa mga seller-seller na 'to? Chel Sea daw pangalan... nagpapabayad ng limandaan at beinte?"
Hindi agad nakasagot si Pepe. Nagkakamot siya ng batok, kahit wala namang nangangati.
"Lola... eh... ano po kasi... alam ko pong bumili na naman si Yoli..." umuubo pa siya para ipagpaliban ang susunod na salita. "...pero... eh... natatakot po talaga ako na... magalit siya."
"Teka... teka... ibig mong sabihin, Iho..." tumingala si Lola Lena sa kisame, humihinga nang malalim. "...ilang beses mo na ba siyang binayaran?"
Sumandal si Pepe sa likod ng upuan niya, parang gusto niyang lamunin ng lupa.
"Lola... baka po magalit kayo..." sabi niya, nanginginig ang boses. "...pero... mga... limang libo na po lahat-lahat."
BLAG! Napasandal si Lola Lena sa sofa, hawak-hawak ang noo niya.
"Limang libo?! Anak ng... Diyos ko... Yoli..."
Tumahimik ang linya. Pareho silang tila walang maramdaman kundi inis at pagod.
"Lola... sorry po... hindi ko naman po ginusto. Sabi niya po kasi—"
Pinutol siya ni Lola Lena. "Iho... wag kang mag-aalala ha? Babayaran ka namin ni Tita Camila mo. Hayaan mo... kakausapin ko siya mamaya."
Napasinghot si Pepe, at napaluha na rin siya. Hindi na niya mapigilan. Pakiramdam niya, nabunutan siya ng tinik sa dibdib.
"Salamat po... salamat po, Lola..." bulong niya, pinupunasan ang mga luha.
"Wala iyon. Huwag kang magpapaabuso, Iho. Hindi tama 'yan."
Nang ibaba ni Lola Lena ang tawag, pinunasan niya rin ang gilid ng mata niya.
Ay, Yoli... lagot ka sa'kin...
Pagkatapos ng ilang minuto, tinawagan na niya si Tita Camila, ang ina ni Yoli na nasa abroad.
"Hello, Camila?" mahinahong bati ni Lola Lena, pero ramdam mo ang pigil na inis.
"O, Nay? Napatawag kayo?" boses ni Tita Camila, medyo maingay sa background, parang nasa grocery siya.
"Camila... hayaan mong diretsuhin kita..." sabay tumingin siya sa screen ng cellphone. "...ang anak mo, mukhang ginagawa nang hobby ang pagkakautang sa mga ukay-ukay sellers!"
"Ha?" natigilan si Tita Camila.
"May nag-chat sa akin ngayon. Chel Sea daw pangalan. Limandaan daw ang kulang, tapos sabi ni Pepe, limang libo na lahat-lahat ng binabayaran niya!"
Napahaba ang buntong-hininga sa kabilang linya.
"Ay, Diyos ko po... hindi ko na alam ang gagawin sa batang 'yan..." sabi ni Tita Camila, halatang galit na. "Ganyan na naman siya... akala ko ba tinigilan na niya yang mga ukay?"
"Eh mukhang hindi," sagot ni Lola Lena, tumitigas na ang boses. "Kahit daw yung mga pera ni Pepe, nauubos sa pagbabayad niya. Eh nahihiya naman 'yung bata, hindi makatanggi."
"Teka lang, Nay... mag-uusap tayo mamaya sa video call. Tatawagan ko rin 'yang si Yoli."
"Sige. Salamat, Camila. Sana naman, matauhan siya."
Pagkababa ng tawag, tumayo si Lola Lena, lumakad papunta sa kwarto ni Yoli. Bumuntong-hininga muna siya sa labas ng pintuan.
Panginoon... bigyan N'yo ko ng tibay...
Mga alas-dos ng hapon, nagising na si Yoli. Wala pa siyang kamalay-malay sa balak ng kanyang lola.
"Yolanda!" malakas na tawag ni Lola Lena sa labas ng pinto. "Buksan mo ito!"
Napabalikwas si Yoli.
"Bakit po?" boses niyang inaantok pa.
"Buksan mo sabi!"
Dahan-dahan binuksan ni Yoli ang pinto. Pagpasok ni Lola, sumunod sina Tita Criselda at Cristina. Parang may press conference na mangyayari.
"Anong problema?" tanong ni Yoli, nakahalukipkip.
"Anong problema?" sigaw ni Tita Criselda. "Yung mga ukay-ukay mong yan ang problema!"
"Ano na naman 'to?!" sigaw balik ni Yoli.
"Anak ka ng... hindi ka pa ba nadadala?!" sabay taas ni Tita Cristina ng cellphone. "O, basahin mo 'to!"
Ipinakita nila ang chat ni Chel Sea. Pagkabasa ni Yoli, namula ang pisngi niya.
"Eh ano ngayon?! Ako naman bumili niyan ah!" sagot niya, matigas ang mukha.
"Pambihira ka naman!" sigaw ni Lola Lena. "Ginagamit mo si Pepe para sa luho mo!"
"Tigil-tigilan niyo nga ako!" sigaw ni Yoli, sabay irap. "Hindi ko na problema kung hindi niya kayang bayaran!"
"Ganyan ka na naman!" sabi ni Tita Criselda. "Walang utang na loob!"
Hindi na nakapagsalita si Yoli. Kinuha niya ang cellphone at binagsak ang pinto.
Pagkapasok sa kwarto, nag-type siya kay Pepe:
Yoli: TIGILAN MO KAYO! WALA KAYONG PAKI!
Pero... hindi na sumagot si Pepe.
Nakahiga siya sa kama, hawak ang cellphone. Pinagmasdan niya lang ang mensaheng iyon. Wala na siyang lakas.
Sanay na ako, Yoli... sanay na ako sa ugali mo...
Tumulo ang luha ni Pepe, pero pinilit niyang ngumiti. Mahal kita... pero sana, matuto ka ring magbago.
At doon nagtapos ang araw na iyon, puno ng sama ng loob, pasakit, at... kaunting pag-asa na balang araw, magkakaroon ng pagbabago.
72Please respect copyright.PENANAOkX6LMsR9J


