Kabanata XXX: Ama
Ilang araw matapos bumalik si Pepe mula sa recollection nila sa New Washington, balik na naman sila sa kanilang nakasanayang gawain—ang magcall buong gabi na parang walang pasok kinabukasan.
Gabi iyon ng Sabado. Nakaupo si Pepe sa gilid ng kama niya, nakasandal sa unan. Si Yoli naman, nakahiga sa sofa nila habang kumakain ng chichirya. Ang background ng camera niya, kita pa ang lola niyang nag-aayos ng mga damit sa sampayan.
"Uy, Pepe," bungad ni Yoli habang ngumunguya ng Piattos, "alam mo ba yung bagong chismis sa room namin?"
"Ano na naman 'yan?" tanong ni Pepe, na parang sanay na sanay na sa walang katapusang update ni Yoli.
"Nag-away sina Paula at si Cristine. Kasi raw, crush nila pareho si Sir Racsa."
"Ay juice ko," napahawak si Pepe sa noo. "Hindi na natuto mga bata."
"Hindi nga eh! Sabi ni Cristine, mas type daw siya ni Sir kasi siya raw yung muse nung Foundation Day."
"Ha-ha! As if naman," sabay irap ni Pepe.
Nagtawanan sila pareho. Para silang matatandang chismosa na may hawak na tabo at nakaupo sa bangketa.
Pagkatapos ng tatlumpung minutong usapan tungkol sa mga kaklase nila, mga bagong kwento sa principal, at kung bakit ang corned beef sa canteen nila ay lasang papel, nagpasya silang manood ng Magpakailanman.
"Anong episode 'to?" tanong ni Pepe habang ina-adjust ang earphones niya.
"Tungkol sa tatay," sagot ni Yoli. "Yung tatay na iniwan yung anak tapos bumalik pagkatapos ng dalawampung taon."
"Eh di ba, parang teleserye niyo na sa bahay 'yan?" biro ni Pepe.
"Ewan ko sa'yo!" sabay hagis ni Yoli ng throw pillow sa camera niya. "Manood ka na lang!"
Tumahimik sila habang pinapanood ang episode. May mga eksenang umiiyak ang anak, tapos biglang yayakapin ng ama. May background music pang sentimental na parang pang-MMK.
Pagkatapos ng episode, sabay silang napabuntong-hininga. Medyo seryoso na ang mood. Hindi tulad ng kanina na puro tawanan.
Tahimik si Pepe sandali. May naaalala siya. Matagal na niyang gustong itanong ito kay Yoli pero lagi siyang nahihiya. Pero ngayon, habang sariwa pa sa kanila ang istorya ng Magpakailanman, naglakas-loob na siya.
"Yols," mahinang sabi ni Pepe.
"Ano 'yon?" balik tanong ni Yoli, hindi pa rin nakatingin sa camera.
"Ah... curious lang ako. Sino ba talaga... I mean, sino talaga ang tatay mo?"
Biglang nanigas si Yoli. Para siyang estatwa. Tumigil siya sa paggalaw, tumigil siya sa pagnguya. Lumingon siya sa camera, pero hindi siya nagsalita agad.
"Yols?" tanong ulit ni Pepe, mas mahinahon.
"Bakit mo tinatanong 'yan?" malamig na boses ni Yoli.
"Wala lang... gusto ko lang malaman. Hindi naman sa—"
"Ayoko pag-usapan 'yan," putol ni Yoli, mas mahigpit na ang tono.
Nagkibit-balikat si Pepe, kahit alam niyang may malalim na dahilan sa likod nito.
"Okay..." bulong niya.
Tahimik sila nang ilang sandali. Parang pareho silang walang mahanap na tamang salita. Hanggang sa si Yoli na rin ang unang nagsalita.
"Goodnight na, Peps," sabi niya, malamig pa rin ang boses.
"Goodnight, Yols," sagot ni Pepe.
Sabay nilang pinatay ang call. Iniwan ni Pepe ang cellphone sa ibabaw ng mesa, pero hindi niya maiwasang mapaisip. Ramdam niya ang bigat sa puso ni Yoli, kahit pa lagi itong nagtatapang-tapangan.
Humiga siya pero hindi siya mapakali. Parang gusto niyang malaman ang buong kwento. Kaya pagkatapos ng sampung minutong pabalik-balik na paghiga, kinuha niya ulit ang cellphone niya at tinawagan si Lola Lena.
Nag-ring lang ng tatlong beses bago sagutin.
"Iho? Ang aga mo yata magtawag ulit," bati ni Lola Lena. Rinig ni Pepe na may pinapahid ito sa paa—siguro Vicks na naman.
"Lola... pasensya na. Gusto ko lang sana itanong kung..." Napahinto siya sandali. "Kung... sino talaga ang tatay ni Yoli."
Natahimik si Lola Lena. May ilang segundo ng katahimikan bago siya nagsalita.
"Ay, Iho..." buntong-hininga ni Lola. "Mahaba-habang kuwento 'yan."
"Gusto ko lang malaman, Lola. Kahit konti lang."
"Eh kasi, alam mo... yang si Romeo Filipo, siya ang ama ni Yoli."
"Romeo Filipo?" tanong ni Pepe. "Yung apelyido ni Yoli, Filipo rin?"
"Oo. Pero... wag ka masyado magulat ha. Ang tatay niya... may ugali ring hindi kagandahan."
"Paano po?"
"Katulad din ng ugali ni Yoli minsan—lalapit lang kapag may pakinabang. Lalo na pag may pera."
"Ha?" napatigil si Pepe. Hindi siya makapaniwala. "Lola, seryoso po kayo?"
"Oo, Iho," sagot ni Lola. "Nung ipinanganak si Yoli sa Provincial Hospital, akala ko magkakasama na sila bilang pamilya. Pero alam mo ba, ilang oras pa lang matapos manganak ang nanay ni Yoli... iniwan na sila."
"Iniwan?" nagulat si Pepe.
"Iniwan, oo. Lumayas si Romeo. Mula noon, wala na siyang balita. Hindi na siya nagpakita, hindi nagpadala ng suporta, wala. Kaya kami na ang nagpalaki kay Yoli."
Tahimik si Pepe. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Galit ba? Lungkot? O awa?
"Saan po siya ngayon?" tanong niya.
"Sa Silao City daw. Hilaga lang ng probinsya natin. Pero hindi na namin siya hinanap. Para kasing... wala na ring silbi."
Biglang natahimik si Lola Lena. May narinig si Pepe na mahinang paghikbi sa kabilang linya.
"Pasensya ka na, Iho..." sabi ni Lola. "Alam ko, gusto mong tulungan si Yoli. Pero mahirap talagang pag-usapan ang nakaraan."
"Walang problema po, Lola," mahina ring sagot ni Pepe.
Ilang segundo pa silang tahimik bago ulit nagsalita si Lola Lena.
"Pero, alam mo... may naisip akong eksperimento."
"Anong eksperimento, Lola?"
"Isip ko, baka... baka kung sakaling i-message natin si Romeo, malaman natin kung totoo bang wala na siyang pakialam."
"Tayo po ang mag-message?" nagulat si Pepe.
"Oo. Tayong dalawa. Ako at ikaw. Para hindi magtaka si Yoli."
"Pumapayag po ako," sabi ni Pepe, kahit ramdam niya ang kaba sa dibdib niya. "Gagawin po natin."
"Mabuti naman," sabi ni Lola Lena. "Pero hindi muna ngayon. Bigyan mo ko ng ilang araw. Hahanapin ko ang profile niya."
"Opo, Lola."
"Salamat, Iho. Salamat na nagmamalasakit ka kay Yoli."
"Wala pong anuman," sabi ni Pepe.
Nag-end call sila, pero hindi pa rin natutulog si Pepe agad. Nakatingin lang siya sa kisame. Iniisip niya kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Yoli mula pagkabata. Iniisip niya kung paano siya makakatulong na mas maging matibay si Yoli.
Nang lumalim na ang gabi, saka lang siya pumikit. Dalangin niya sa isip na balang-araw, magiging maayos din ang lahat.
Kinabukasan, maaga pang gumigising si Pepe. Mahimbing ang tulog niya kagabi kahit puno ng iniisip. Siguro'y nakatulong din ang mahabang dasal niya pagkatapos makausap si Lola Lena. Kahapon, marami siyang natuklasan tungkol kay Romeo Filipo—ang tatay na tila walang konsensya. Pero ngayon, may misyon siya.
Bago pa sumikat ang araw, umaalis na siya ng bahay papuntang simbahan. Nagmimisa siya tuwing Linggo, bahagi na ng routine niya. Para na rin maramdaman niya ang kapayapaan kahit pa minsan ang gulo ng mga tao sa paligid niya—lalo na si Yoli.
Pagkatapos ng misa, dumiretso siya sa tindahan sa labas ng simbahan para bumili ng pandesal at kape. Habang hinihintay ang sukli, naiisip niya ang plano. Ilang beses niyang nire-replay sa utak ang magiging takbo ng usapan kung sakaling mahanap niya sa Facebook si Romeo Filipo.
Nang makauwi siya, agad siyang dumiretso sa kwarto at binuksan ang lumang laptop niya. Huminga siya nang malalim bago i-type sa search bar:
"Romeo Filipo - Silao City"
Wala.
"Romeo A. Filipo"
Wala ulit.
Pinagpapawisan na ang palad niya. Parang detective na siya sa sariling kwarto. Sinubukan niya ulit, ngayon naman mas kumpleto:
"Romeo Agcarao Filipo"
At doon, may lumitaw na profile. Isang lalaking may bilugang mukha, parang-kalbo, naka-sando, gintong kuwintas, at may tattoo sa isa niyang kamay na RAF sa profile picture. Para bang nagpapalakas ng loob habang nagpapa-picture. May caption pang:
"Chill mode habang wala pa ang sweldo!"
Napalunok si Pepe. Ito na kaya iyon?
Para makasiguro, tiningnan niya ang About section. Nandoon ang address—Silao City. Kapareho ng sinabi ni Lola Lena.
Tama nga... ito na nga.
Huminga siya nang malalim at binuksan ang Messenger. Tumawag agad siya kay Lola Lena para ibalita.
"Lola, nakita ko na!" sabi ni Pepe, excited pero kabado.
"O? Sino? Sigurado ka bang siya nga?" tanong ni Lola Lena sa kabilang linya habang may naririnig siyang tila nagwawalis sa background.
"Opo. Nakalagay Silao City. Tapos pareho ng apelyido. Si Romeo Agcarao Filipo."
"Ay," buntong-hininga ni Lola. "Siya nga iyon. Ano, ready ka na ba?"
"Ready na po."
"Subukan mong mag-'Hi' sa chat. Tingnan natin kung sasagot."
Kahit nanginginig ang daliri niya, in-type niya:
Pepe: Hi.
Wala pang dalawang minuto, nagtyping na si Romeo.
Romeo: Sino ka?
Nagkibit-balikat si Pepe. Parang may tinik sa lalamunan niya. Sobrang cold ng reply. Pero hindi siya papatalo.
"Lola, sumagot po siya," bulong niya sa telepono.
"Ano sabi?"
"'Sino ka?'"
"Sabihin mo lang 'I just want to ask something important.'"
Sumunod siya.
Pepe: I just want to ask something important.
May typing ulit.
Romeo: What is it?
Sa puntong iyon, parang gusto na niyang umupo ng maayos at huminga ng malalim. Ang lamig ng dating ng mga mensahe. Pakiramdam niya, parang may ka-chat siyang loan shark.
"Lola... ang suplado," sabi ni Pepe habang pabulong na nagtatawa.
"Hayaan mo. Subukan mong itanong kung naaalala pa niya si Yoli," sabi ni Lola Lena, seryoso ang tinig.
Dahan-dahan niyang tinype:
Pepe: Naaalala mo pa ba si Yolanda? Yolanda Paa.
Nakahawak si Pepe sa dibdib niya habang hinihintay ang reply. Hindi niya alam kung bakit, pero parang aatakihin siya sa nerbiyos.
Nagtyping si Romeo. Mga tatlong beses nag-ON at OFF ang typing indicator bago lumabas ang sagot:
Romeo: Yes.
YES lang?
Parang gusto niyang batuhin ng chinelas ang monitor. Napa-facepalm siya. "Lola, 'yes' lang ang reply!"
"Susmaryosep. Akalain mo 'yon," sabi ni Lola Lena, halatang naiinis na rin. "Sabihin mo, 'Highschool na siya ngayon.'"
Sumunod si Pepe, kahit gusto na niyang murahin ang kausap.
Pepe: Highschool na siya. Nag-aaral na siya sa Divine Word College of Burnayan.
Maya-maya, may dumating na naman na reply.
Romeo: Good for her.
Napamulagat si Pepe. Hindi na siya nakapigil. Napasigaw siya nang mahina, parang nandidiri: "Ano ba 'to? Good for her?! Wala man lang emosyon?!!"
"Anak ng... talaga namang gago 'yang si Romeo na 'yan," sabi ni Lola Lena sa telepono. "Ako na nga... Ako na dapat ang nagchat!"
"Lola, wait lang, sasabihin ko na lang kung sino ako."
"Baka ma-block ka niyan!"
"E di sige, bahala siya."
Huminga siya nang malalim, inipon ang tapang, at tinype:
Pepe: Ako kasi eh nag-aaral din sa Divine Word College of Burnayan. Ako ang jowa ni Yoli.
Walang typing.
Walang reply.
Mga limang minuto na ang lumipas.
Tahimik si Lola Lena sa kabilang linya. Tahimik din si Pepe. Pareho silang nag-aabang.
Bigla, nag-refresh ang chatbox. Nawala ang profile picture ni Romeo. Nawala ang pangalan.
Na-display sa screen:
You can no longer reply to this conversation.
Napatanga si Pepe. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Tinignan niya ang screen, tapos tinignan ang kisame. Napabulong siya:
"Ay gago, na-block ako."
"Ha?!" sigaw ni Lola Lena. "Totoo?"
"Opo... na-block po ako," sabi ni Pepe, tulala pa rin. "Gago talaga 'to."
Napahagalpak ng tawa si Lola Lena sa kabilang linya. "Sabi ko na nga ba eh! Wala talagang pakialam 'yang taong 'yan. Hayop."
"Kaya pala iniwan si Yoli... ugali pala talagang basura," sabi ni Pepe. "Pasensya na po, pero sobrang naiinis ako."
"Ay Iho, 'wag kang mag-sorry. Ako rin naman, gusto ko na nga lang kutusan 'yan kung kaharap ko. Pasalamat siya at wala ako sa Silao ngayon," sabi ni Lola Lena.
"Anong gagawin natin ngayon, Lola?"
"Wala na. Hindi na natin ipapaalam kay Yoli 'to."
"Tama po. Walang silbi. Lalo lang siya masasaktan," sabi ni Pepe.
"Oo, Iho. Saka hindi rin naman siya nagtanong tungkol sa tatay niya, diba? Pabayaan na natin."
"Pabayaan na nga po," bulong ni Pepe.
Natahimik sila sandali. Ramdam nila pareho ang bigat ng usapan. Pero sa dulo, pareho silang nakahinga nang maluwag. Parang napatunayan na nila sa sarili nila—wala talagang saysay ang habulin ang taong matagal nang walang pakialam.
"Iho," sabi ni Lola Lena, "salamat ha. Salamat sa effort mo."
"Wala pong anuman," sabi ni Pepe. "Gagawin ko po ang lahat para kay Yoli."
"Alam ko. Kaya ko rin siya pinagkakatiwala sa'yo."
"Lola... 'wag niyo pong ikwekwento 'to ha."
"Promise," sabi ni Lola. "Secret natin ito."
Nag-end call na sila. Naiwan si Pepe na nakatingin sa laptop screen. Kahit naiinis siya, may bahagyang ginhawa rin siyang nararamdaman. At least, wala na siyang tanong. Wala na siyang curiosity. Alam na niya—at sigurado na siyang hindi na kailangan pang pumasok muli si Romeo Filipo sa buhay ni Yoli.
Huminga siya nang malalim. Inunat ang likod niya. Tapos, tiniklop niya ang laptop. Kinuha niya ang cellphone at tinignan ang chat nila ni Yoli. May isang message si Yoli na pinadala kanina lang:
Yoli: Gising ka pa ba? May gusto sana akong ikwento.
Napangiti siya. Kahit ilang ulit siyang ma-frustrate sa tatay ni Yoli, alam niyang hindi na mahalaga iyon ngayon. Ang mahalaga, nandiyan siya para sa kanya.
Tinype niya ang reply:
Pepe: Oo. Gising pa ako. Ano yun?
At sa gabing iyon, kahit puno ng inis at kalungkutan ang araw niya, magaan na ang loob niya habang naghihintay sa susunod na kwento ni Yoli.
82Please respect copyright.PENANA5NbbXkHliO


