Kabanata XXIX: Pasalubong
Isang araw ng Martes, habang malamig ang simoy ng hangin mula sa bintana ng kanilang classroom, nagsisimula na ang klase nina Pepe at Migs sa Media and Information Literacy. Nakaupo silang magkatabi sa ikatlong row, kasama ang iba pang labing-anim nilang kaklase na abalang nagbubuklat ng modules.
"Class, today, we will discuss Les Miserables. Sino sa inyo ang familiar na sa akdang ito?" tanong ni Sir Tacio habang hawak ang makapal na libro.
Nagtaas agad ng kamay si Pepe.
"Yes, Pepe?"
"Sir, ito po yung kwento ni Jean Valjean na dating bilanggo na nagbago ng buhay?" sagot ni Pepe, medyo excited.
"Very good! Tama ka diyan," sabi ni Sir Tacio habang tumango.
"Sir, ako po," singit ni Migs, sabay taas ng kamay.
"Yes, Migs?"
"Diba sir, si Javert po yung inspector na gusto siyang hulihin palagi?"
"Correct na correct! Mukhang binasa ninyong dalawa," natutuwa si Sir Tacio.
"Kasi po sir, napanood namin sa Youtube yung musical," paliwanag ni Pepe.
"Aba, mas maganda yan. May context kayo," sabi ni Sir Tacio.
Nagpatuloy si Sir Tacio sa lecture, pero habang dumadami ang tanong, biglang may kumatok sa pinto. Isang pamilyar na boses ang sumingit.
"Good morning, class," sabi ni Sir Favis habang hawak ang folder.
"Good morning, Sir Favis," sabay-sabay na bati ng buong klase.
"Sir Tacio, saglit lang po ha? May announcement ako," sabi ni Sir Favis.
"Sige po, Sir. Take your time," sabi ni Sir Tacio, sabay tabi sa gilid.
Tumayo si Sir Favis sa harap at tumikhim.
"Class, i-announce ko lang na sa susunod na linggo, magkakaroon kayo ng recollection sa SVD Retreat House sa New Washington. Malayo ito, mga 199.9 kilometers mula Burnayan kaya overnight ang stay ninyo."
Nagulat ang buong klase, nagsigawan at nagtawanan.
"Ay, Sir! Seryoso po?!" tanong ni Carla na mukhang excited.
"Yes, seryoso. Mag-empake kayo at ipaalam sa mga magulang ninyo."
Biglang nagtaas ng kamay si Terio na kilalang proud Jew sa klase.
"Sir, tanong ko lang po... Bawal po ba akong pumasok doon? Kasi Jew po ako."
Ngumiti si Sir Favis. "Hindi bawal, Terio. Open ito sa lahat. Hindi ito about religion kundi about reflection and bonding."
"Yey! Thank you, Sir," sabi ni Terio.
Pagkatapos ng announcement, bumalik si Sir Tacio at ipinagpatuloy ang lesson. Ngunit ramdam na excited na ang lahat. Si Pepe naman, naiimagine na agad kung anong mangyayari.
Nang uwian na, naglakad sina Pepe at Migs palabas ng gate.
"Peps, tara, empanada tayo," yaya ni Migs.
"Pass muna, bro. May makikita akong tao," sabi ni Pepe.
Sa labas ng gate, naghihintay si Yoli na may hawak na paper bag.
"Hoy Yoli, sinong ka-meet up mo diyan?" biro ni Pepe.
"Ha? Wala. May parcel lang ako," sagot ni Yoli habang nag-iwas ng tingin.
"Nako, hindi ka ba nagsasawa sa parcels mo?"
Umirap lang si Yoli. "Hay naku, ikaw nga diyan."
Lumapit si Pepe para alamin kung anong laman.
"Sabi mo nga, anong laman nito?"
"Damit. Pang-ukay," sagot ni Yoli.
"Ha? Ukay na naman? Wala ka bang ibang hilig?"
"Wala kang pake!"
Sabay silang naglakad papuntang Plaza. Dahil kulang si Yoli sa pera, nagpresinta si Pepe na ilibre siya.
"Anong gusto mo? Empanada? Kwek-kwek?"
"Corn dog," sabi ni Yoli.
"Sige na nga. Doble na to, lunch at meryenda," sabi ni Pepe.
Habang kumakain sila, nagkwentuhan sila tungkol sa recollection.
"Yols, pupunta kami sa recollection next week."
"Talaga? Pwede ba akong sumama?" tanong ni Yoli, sabik na sabik.
"Hindi pwede. Kami lang na STE ang pupunta."
"Hoy! STE din ako, no!"
"STE-12 lang ang allowed. Kayo, STE-7 pa lang," paliwanag ni Pepe.
Nag-pout si Yoli at tumikom.
"O, wag ka nang malungkot," sabi ni Pepe sabay hawak sa balikat ni Yoli. "Bibili ako ng pasalubong sa'yo."
"YAY! Gusto ko ng Ube Jam, pamaypay, t-shirt—"
"Easy lang, wala akong pera," putol ni Pepe.
"Hoy! Ang yaman niyo ah!"
"Yoli, alam mo naman sina Mama at Papa, conservative."
"Sige na nga," sabi ni Yoli sabay irap ulit.
Pagdating ng gabi, nagchat si Yoli.
Yoli: "Peps, ito listahan ko ng gusto ko ha."
Pepe: "Ano na naman 'to..."
Yoli: "Ube Jam, pamaypay, t-shirt, strawberries, bookmark, keychain, sapatos kung meron."
Nag-facepalm si Pepe habang binabasa.
Pepe: "Yols, ano 'to? Grocery list?"
Yoli: "HAHAHA! Hindi. Gusto ko lang souvenir. Sige na pleaseeee."
Pepe: "Sige na nga. Pero bayaran mo ha."
Yoli: "Sige na nga. Good night, Peps. Ingat ka bukas sa trip niyo."
Pepe: "Good night Yols."
Sa isip ni Pepe, habang nakahiga na, alam niyang kahit madugo sa bulsa, masaya siyang may pasalubong siyang iuuwi para kay Yoli. Kinabukasan, 4AM pa lang, gigising na siya para sa mahabang biyahe papuntang New Washington.
Alas-kwatro pa lang ng madaling-araw, bumangon na si Pepe. Lutang pa ang utak niya habang dinudukot ang cellphone mula sa ilalim ng unan. Sa dami ng pinagdaanan nila ni Yoli nitong mga nakaraang araw, para siyang gusto na lang matulog buong taon—pero hindi puwede. Recollection ito. Malaking bagay daw ito sabi ni Sir Favis, baka raw mabawasan ang kasalanan nila kung makikinig sila nang taimtim.
Nagbihis siya ng maayos—puting polo, faded na maong, at sneakers na mukhang bagong laba pero may konting bahid ng semento sa gilid. Humigop muna siya ng malamig na tubig at huminga nang malalim. "Okay Pepe, laban." Sabi niya sa sarili.
Lumabas siya ng gate, bitbit ang maliit na backpack at isang supot ng pasalubong para sa mga kaklase. Pagdating niya sa kanto, sumakay siya ng traysikel papuntang McDo Burnayan. Medyo madilim pa, pero kita na ang hugis ng katedral at ang Belfry na parang bantay ng buong bayan. Napahinto siya saglit sa sidewalk, kinuha ang cellphone at click! kumuha ng litrato.
Pagkapasok niya sa loob ng McDo, naamoy niya agad ang aroma ng bagong lutong pandesal at kape. Nandoon na si Migs, mukhang fresh pa rin kahit alas-kwatro pa lang. Nakaupo ito sa may glass wall, tahimik na nagbabasa ng reviewer.
"Pre, tara na, ililibre kita sa McCafe," bati ni Migs sabay kaway.
"Sure ka? Baka mamaya, hindi na kita mabayaran," biro ni Pepe habang inaalis ang backpack niya.
"Tigil mo 'yan. Nag-ipon ako para dito."
Umorder sila ng tig-iisang brewed coffee, pero dahil takaw-mata, dinamihan ni Migs at kumuha pa ng hashbrown at pancake.
Habang naghihintay, nagkuwentuhan sila.
"Alam mo, pre," umpisa ni Pepe habang humihigop ng kape, "muntik nang lumabas ang kaluluwa ko sa sobrang kabog ng dibdib ko. Ininom ko kasi dati yung dalawang malaking McCafe na binigay ni Yoli."
"Dalawa? Loko ka talaga. Buti hindi ka inatake."
"Pare, akala ko talaga magka-cardiac arrest ako. Nakaidlip ako nang naka-tayo."
Pareho silang humalakhak. May ibang crew sa counter na napatingin pa sa kanila.
Alas-singko na ng umaga nang dumating ang Burnayan City Shuttle. Isa itong malaking tourist bus na puti, may malalaking letra sa gilid na, "NEW WASHINGTON PILGRIM EXPRESS." Isa-isa silang sumakay. May ibang estudyante na may dalang neck pillow, may ilan naman na bitbit ang gitara.
Pag-alis nila, kumaway si Pepe sa guard ng McDo na parang matagal na silang magkaibigan. Lumalayo na ang bayan, at unti-unti na ring sumisilip ang araw sa likod ng mga bundok.
Habang binabaybay nila ang mahahabang kalsada ng Toktok, biglang umusok ang harap ng bus.
"HOY! HOY! Umuusok!" sigaw ni Terio na nakaupo sa unahan.
Nagmadaling bumaba ang driver at konduktor. Napaupo si Migs sa sahig.
"Pre, dito na ata tayo mamamatay," biro ni Migs habang tinatakpan ang mukha ng bimpo.
"Kalma ka lang, pre," sabi ni Pepe, pero sa loob-loob niya, "Pwes, ito na ata ang huling biyahe ko."
Makalipas ang bente minutos ng pagtulak at pagbuhos ng tubig sa makina, umandar na rin ulit ang bus. Nagpalakpakan ang buong klase.
Sabay sabay silang nag-selfie kasama si Sir Favis na mukhang bagong gising. Nag-message si Pepe kay Yoli:
Pepe: "Yols, muntik na kami masunog hahaha"
Pero walang reply. "Wala man lang concern," naisip niya.
Alas-una ng hapon, huminto sila sa Hudson Park, isang malawak na park sa gitna ng New Washington. Puno ito ng pine trees at may malaking fountain sa gitna. Dito na sila kumain ng packed lunch. Si Migs, walang pakialam sa ambience, kain lang nang kain ng adobo.
Si Pepe, habang ngumunguya ng sandwich, pumunta sa souvenir shop sa gilid ng parke. Pinagmasdan niya ang mga nakadisplay: crinkles, ube jam, Lengua de Gato, keychains, miniature na windmill.
"Ay nako Yoli," bulong niya habang pinupuno ang eco-bag, "ito na naman, gastos na naman."*
Nang maka-check out siya, halos malaglag ang panga niya sa resibo—isang libo mahigit.
Pagbalik niya, nagtawanan ang mga kaklase.
"O, Pepe, handa ka na ba mabaon sa utang?" tanong ni Terio.
"Hindi niyo maiintindihan, pre," sabi niya, sabay emote na kunwari malungkot. "All for love."
Tawa ang buong tropa.
Bago umalis, kumuha pa sila ng group photo sa fountain. Si Sir Tacio, nagpose pa ng peace sign.
Bandang alas-dos ng hapon, narating na nila ang SVD Retreat House. Puting gusali ito sa gilid ng bundok, overlooking ang bulubunduking skyline ng New Washington. Ang lamig ng hangin. Parang naka-aircon ka na pero natural na lamig ito.
Pinasok sila sa assembly hall. May orientation si Brother Salustiano. Mahigpit ang bilin:
"Bawal ang cellphone. Kung gusto niyong matahimik ang kaluluwa niyo, itabi ang gadgets."
Nagtaas si Migs ng kamay. "Brother, paano kung may emergency?"
"Saka na yan. May linya naman ang retreat house."
Dahil ayaw mapagalitan, nagchat si Pepe kay Yoli bago niya patayin ang cellphone.
Pepe: "Yols, mawawala signal ko. Wag ka magtampo. Love you."
Patay na ang cellphone, pero alam niya—magwawala na naman iyon kapag hindi siya sumasagot.
Maghapong may recollection: sharing, reflection, kantahan. Naghilera sila sa chapel, tahimik na nagdarasal. Sa sobrang solemn ng atmosphere, muntik na sila magtawanan nang humilik si Terio habang nakaluhod.
Pagkatapos ng session, bumalik sila sa kwarto nila. Pagbukas ni Pepe ng cellphone—limampung missed calls.
Napahawak siya sa dibdib. "Lagot."
Tinawagan niya agad si Yoli. Pag-angat, boses pa lang galit na.
"PEPE! Saan ka ba kanina?! Sinasabi ko sayo, baka hindi mo ko binilhan ng Miniso—"
"Yoli, kalma. Oo na. Meron na akong crinkles, ube jam, pamaypay, T-shirt. Yung Miniso na inuulit-ulit mo, binili ko na rin."
"Ah ganun ba?" Biglang lambing ang boses. "Sige. Good boy ka."
Inilapag ni Pepe ang cellphone sa kama, humiga, at huminga nang malalim. "Nakakaloka."
Kinabukasan, maaga silang bumangon. Nagsimba sila sa maliit na chapel. Si Pepe, volunteer server. Tahimik ang buong misa, maliban kay Terio na hindi alam kung kailan luluhod.
Pagkatapos ng misa, bumaba sila at nag-empake. May itinerary pa—pupunta sila sa SM City New Washington.
Sa SM, para silang mga bata. Si Migs, bumili ng bagong earphones. Si Terio, bumili ng stuffed toy. Si Pepe, diretso na sa Miniso. Kumuha siya ng makeup pouch, mini-fan, keychain, at kung anu-ano pa.
Pagtingin niya sa resibo—dalawang libo mahigit. Napakapit siya sa counter. "Para sa kapayapaan ng relasyon namin."
Bandang alas-kuwatro ng hapon, nakabalik na sila sa bus. Nagpahinga, pero hindi siya mapakali. Binuksan niya ang data, nagvideo call sila ni Yoli.
"Ayan na Yols o," sabi ni Pepe habang tinutok ang camera sa eco-bag. "Kompleto."
"Yay!" sigaw ni Yoli. "Masaya ako."
"Masaya ka lang?" tanong ni Pepe sa isip. "Ako, butas na naman bulsa."
Lumayag na ang bus pabalik ng Burnayan. Habang nakatitig siya sa bintana, iniisip niya kung gaano kaimportante lahat ng ito kay Yoli. Pero kahit ganoon, ngumiti siya.
Alas-onse ng gabi, nakarating na sila sa McDo Burnayan. Binitbit niya lahat ng pasalubong, sabay hinga nang malalim.
"All for love," sabi niya.
91Please respect copyright.PENANAKwbYrwq5vX


