Kabanata XXVIII: Paghaharap
Sa simula ng bagong linggo sa paaralan, isang bagong kabanata ang bumubukas sa buhay nina Jenny at Yoli. Isang kakaibang ingay ang sumalubong sa klase nila—tawa, sigawan, at kwentuhang puno ng kilig at excitement. Hindi ito dahil sa quizzes o seatworks, kundi dahil may tatlong bagong estudyanteng babae na pumasok sa kanilang section. Sina Paula, Cristine, at Miranda. Agad silang naging close kina Jenny at Yoli, na tila ba parang matagal nang magkaibigan.
"Uy Yols, ang bait ni Paula noh? Ang kalog pa!" bulong ni Jenny habang nag-aayos sila ng bag sa lunch break.
"Oo nga! Tapos si Cristine mahilig sa Taylor Swift, pareho kami! Hihi!" sagot ni Yoli sabay kilig.
"At si Miranda, grabe 'yung eyeliner niya, parang anime character!"
Habang lahat ay abala sa pakikipagkwentuhan, si Pepe naman ay nanonood sa malayo. May ngiti siya sa labi. Sa loob-loob niya, masaya siyang nakikitang nagiging mas bukas at sociable si Yoli. Iba na siya ngayon—mas may kumpiyansa, mas matured.
Tuwing lunch break, iniimbitahan ni Yoli si Pepe na sumama sa kanila. At kahit minsan ay awkward sa dami ng babae sa paligid, game pa rin si Pepe. Pero syempre, para hindi mahalata ang kanilang "secret relationship," nagkunwari siyang big brother ni Yoli.
"Uy girls, this is Kuya Pepe, classmate ko sa Math dati!" pakilala ni Yoli minsang sabay-sabay silang nag-lunch sa ilalim ng puno sa may field.
"Hi Kuya Pepe!" sabay-sabay na bati nina Paula, Cristine, at Miranda na para bang koro ng mga engkantada sa musical.
"Uy wag niyo akong masyadong pa-formalin, parang na-pressure ako," natatawang sagot ni Pepe.
Masaya ang bawat lunch nila. Nagtatawanan, nag-e-exchange ng mga stickers, may pa-share ng lunch, at syempre, si Pepe ang tagabantay kapag nagtampisaw ang grupo sa mini-playground ng Plaza sa tabi ng school. Habang naglalaro ng mini seesaw si Paula at Miranda, at si Cristine naman ay nagpapalipad ng lumang plastic bag na parang kite, si Pepe naman ay nakaupo sa bench, tagabantay.
"Peps, tago mo nga itong bag ko, baka mawala!" sigaw ni Yoli habang tumatakbo papuntang swing.
"Copy that, Yols! Bag secured!" sagot ni Pepe sabay salute, na parang security guard sa mall.
Dumating ang gabi. Pagkatapos ng review nila sa module, nag-call ulit si Pepe at Yoli.
"Yols, Pepito Manaloto tayo?" tanong ni Pepe habang inaayos ang phone stand niya.
"Go! Favorite ko si Pepito, 'tsaka si Babyningning! HAHAHA!"
Habang nanonood sila, hindi maiwasan ni Pepe na tumawa sa mga eksena. Ang simpleng kwento ng pamilya ni Pepito ay tumatama sa puso nilang dalawa. Pero mas malakas ang tawa ni Yoli, na halos hindi makahinga sa eksenang nasira ang alulod nila Pepito.
Pagkatapos ng isang episode, biglang nagpaalam si Yoli.
"Peps, saglit lang ha? Sipilyo lang ako."
"Okay, okay. Brush well. HAHAHA."
Ilang minuto lang, balik na si Yoli sa screen, may hawak nang stuffed toy at toothbrush pa sa kamay.
"Inabutan pa ako, hindi pa ako tapos, pero tuloy na natin!"
Nagpatuloy ang panonood nila ng ikalawang episode. Habang nagpapatuloy ang kwento ni Pepito at ni Patrick, biglang nagsalita si Yoli.
"Peps... may nag-chat sa akin kanina."
"Aba? Sino naman?"
"John Hendrix. Unknown siya sa akin. Pero like daw siya ng like sa mga posts ko. Lalo na 'yung birthday pics ko."
"Relax lang Yols," sagot ni Pepe habang pinipigilan ang mahinang buntong-hininga.
Biglang may naramdaman si Yoli. Natigilan siya habang binubuksan ang Messenger. Lalong bumigat ang paligid.
"Ito oh," sabay share ng screen ni Yoli. "Nag-confess siya. As in sabi niya, gusto niya raw ako tapos gusto niya raw akong ligawan. Ehhhhh ano ba 'to!"
Tahimik si Pepe. Pilit niyang iniintindi ang nararamdaman. Parang may kumukurot sa dibdib niya, pero pilit niyang pinapatahimik ang puso niya.
"I mean, hindi ko siya pinapansin. Pero nakakainis kasi..."
"Chill lang, Yols. Wala namang masama kung may admirer ka. Ang importante, alam mong safe siya at hindi ka pabigla-bigla sa reply," payo ni Pepe.
"Thanks Peps. Kakaiba ka talaga," sagot ni Yoli sabay ngiti.
Ngunit habang naka-off cam na sila pareho, magkaiba ang iniisip nila. Si Yoli ay nakatitig sa kisame, iniisip kung may ginagawa ba siyang mali. Si Pepe naman ay nakatitig sa kisame rin—pero may isang ideya na nabubuo sa isipan niya.
Bago matulog si Pepe, dinampot niya ang notebook niya. Dahil kinabukasan ay Sports Festival na, meron siyang naiisip.
Ngunit hindi muna siya nagplaplano ng malalim. Ang mahalaga, ay natapos ang gabing iyon sa isang tahimik na "good night."
Kinabukasan, tila isang misyon na may planong matagal nang binuo ang bumalot kay Pepe. Maaga pa lang, bago pa tumama ang alas otso ng umaga, handang-handa na siya. Bitbit ang kanyang laptop, isang maliit na pouch ng mga cable, at isang maliit na notebook na may mga pangalan at notes, dahan-dahan siyang lumalapit sa stone table na nasa gitna ng campus.
Doon nakapuwesto sina Yoli, Jenny, Paula, Cristine, at Miranda. Ang mga babae ay abalang nagchichikahan, tawa nang tawa, habang pinapanood si Yoli na nagpi-filter ng mga selfie niya na parang may audition ng "Next Top Model ng Barangay." Napansin ni Pepe na parang masaya si Yoli ngayon, pero may mas mahalaga siyang misyon kaysa makipagtawanan.
Maya-maya, bumangon si Yoli at nagpaalam. "CR lang ako girls, saglit lang ha!"
Nang mawala si Yoli, agad na nilapitan ni Pepe sina Jenny at Miranda.
"Uy, Jenny, Miranda, pwede bang saglit lang tayong mag-usap?" bulong ni Pepe. "Doon lang sa tapat ng college building, sa tabi ng auditorium."
"Bakit?" tanong ni Miranda, na halatang curious.
"Importante. Tungkol kay John Hendrix."
Nagkatinginan ang dalawa. Napalunok si Jenny. "Si... Hendrix? Yung sa GC?"
Tumango si Pepe. "Oo. Kailangan natin itong pag-usapan ngayon na wala si Yoli."
Naglakad sila patungo sa tabi ng auditorium, medyo tago sa mga mata ng ibang estudyante. Pagkarating nila, agad nang isinalaysay ni Pepe ang buong storya na alam niya. Ngunit hindi pa siya tapos magsalita, agad na nagsalita si Jenny.
"Ay kuya, alam mo ba... may time na nagsend si Yoli ng message sa GC namin, sabi niya, 'HELP ME GIRLS! Wrong accept ata ako!'"
Nagulat si Pepe. "Talaga?"
"Oo! Kasi 'di ba may GC kami nina Yoli, Paula, Cristine, Miranda, at ako. Tapos may isang sumali—akala namin taga-DWCB siya kasi medyo may uniform pic din siya. Pero ayun, 'di pala," paliwanag ni Jenny.
Si Miranda naman ang nagpatuloy. "Tapos ayun, nagsend ng message si John Hendrix. Sabi niya, 'Hi Yoli, I like your eyes.' Nakakakilabot, kuya. Parang robot."
"Private message pa, diba?" tanong ni Pepe.
"Oo kuya. Pero ang masama, makulit! Kinukulit si Yoli kahit 'seen' lang siya palagi."
Napabuntong-hininga si Pepe. Alam niyang dapat na itong tapusin. Binuksan niya ang kanyang backpack at inilabas ang laptop. Nagtinginan sina Jenny at Miranda.
"Ano'ng gagawin natin?" tanong ni Jenny.
"Kailangan ko siyang kausapin. Kayo muna ang kumausap. Pero para hindi mahalata ni Yoli, bibigyan ko siya ng pera pang-meryenda," sabay abot ng limampung piso kay Jenny. "Sabihin mong bumili ng corn dog."
Pagkabalik nila sa stone table, eksaktong kararating ni Yoli mula sa CR.
"Yols," bungad ni Jenny. "May bagong stall ng corn dog sa may tapat. Sobrang sarap daw. Baka gusto mong subukan?"
"Oh? G?"
"Libre ni Peps, ayan o," sabay abot ni Jenny ng pera.
Napangiti si Yoli. "Yieee. Okay. Wait lang, bibili lang ako!"
Agad siyang tumakbo papunta sa stall. Pagkawala niya sa paningin, binuksan na ni Pepe ang Zoom. Nag-login si Jenny sa isang dummy account. Agad nilang sinearch si John Hendrix at sinubukang i-video call.
Nagsimula muna si Jenny. "Hello? Hello? John?"
Nag-online si John. Saglit lang ay sinagot niya ang call.
"Hi po?" sabi ni John, na may medyo bata pa ang boses.
"Hi. Nandito kami kasi may gusto kaming tanungin," sabi ni Miranda.
"About Yoli," dagdag ni Jenny.
Tahimik sandali si John, tapos sumagot. "Ano pong tungkol sa kanya?"
Doon na nagsalita si Pepe.
"Hey bro," sabay lean sa harap ng laptop. "Anong gusto mo kay Yoli?"
Nagulat si John. "Ah... crush ko lang naman siya. Sorry kung nakakainis."
"Don't go dirty with me, mister. Anong grade mo na?"
"Grade 9 po."
"News flash, 'bro'. Huwag kang magsasabi na crush mo si Yoli."
"Bakit naman?"
Kumatok si Pepe sa mesa. "Kasi... ang nagsasalita ngayon... AY ANG KANIYANG JOWA!"
Napatigil si John. Maging sina Jenny at Miranda ay napatakip ng bibig.
"Sorry! Sorry talaga! I will never do it again, bro!"
"Uy, nahihiya ka naman gago," sabat ni Jenny. "Kinakausap mo ang jowa ni Yoli!"
"Oo nga," dagdag ni Miranda. "At kuyahin mo siya! Grade 12 yan gago!"
Nagtawanan ang lahat. Medyo namula si John, pero nag-sorry muli.
"Sige na, okay na. Basta stop mo na yan," sabi ni Pepe. "Mag-focus ka na lang sa school nyo."
Tinapos na nila ang tawag. Pagkababa ng laptop, tumawa si Pepe.
"Thank you girls. Pero please ha... sikreto lang ito. Kahit kanino. Lalo na kay Yoli. Pag nalaman niya 'to... I'm good as a dead salmon on the riverbanks."
"Copy!" sabay pa ng dalawa.
Ilang saglit lang, bumalik na si Yoli, may hawak na dalawang corn dog at isang straw ng Zagu.
"Ayun oh! Nakadalawa pa ako!" tawa ni Yoli. "Peps, ikaw nga bumili nito no?"
"K-konti lang," sagot ni Pepe sabay ngiti.
Tumawa lang si Yoli. "Eh teka, ba't ang tatlong 'to parang nagtatawanan diyan?"
"Wala, wala," sabay-sabay na sagot ng tatlo.
"Hmm..." nakangiting siniko ni Yoli si Pepe. "Peps, anong ginagawa mo habang wala ako?"
"Wala naman. Nag-sulat lang ako ng poem para sayo 'my sistah' sa notebook ko."
"YEHEEEEESSSSS!" sigaw ni Yoli sabay yakap sa braso ni Pepe. "Gusto ko 'yan mamaya ha!"
Nagpatuloy sila sa meryenda. Walang kamalay-malay si Yoli na may isang buong misyon ng pagsagip sa kaniya ang naganap habang siya'y bumibili ng corn dog.
95Please respect copyright.PENANAkkrXeJgrXo


