Kabanata XXVII: Akhi
Isang malamig na gabi, habang humuhuni ang electric fan sa tabi ng laptop ni Pepe, at may kaluskos ng mga butiki sa kisame, nag-uumpisa na naman ang gabi ng chika at chismisan nina Pepe at Yoli. Nakalapat ang kanilang mga cellphone sa mga unan habang naka-earphones, pareho silang nakahiga, pero parehong alerto sa bawat kwento ng isa't isa.
"Uy, Peps," bungad ni Yoli habang pinipindot-pindot ang screen ng cellphone, "Alam mo ba yung nangyari kanina sa klase namin?"
"Ano na naman? May nasapian na naman ba ng espiritu diyan?" biro ni Pepe habang hawak ang ballpen at nilalaro ang cap nito.
"Hindi ah! Yung teacher namin sa Araling Panlipunan, e di ba strict 'yon? Eh nakalimutan niyang naka-livestream pala yung buong klase sa FB!" sabay tawa ni Yoli.
"WHAT?! HAHAHAHA! Nakita ng buong barangay ang panayam tungkol sa Treaty of Tordesillas?!"
"Oo! Tapos biglang may nag-comment pa sa FB Live na, 'Sir, pa-shoutout po kay Mama na naglalaba.' Akalain mong ginawa nilang radyo ang klase!"
Pareho silang nagtawanan. Halos mapatalsik si Pepe sa kama sa kakahagalpak. Tila ba sa bawat tawanan nila, unti-unting nabubura ang tensyon ng mga nakaraang araw.
Matapos ang sandaling kwentuhan, bigla na lang nagsalita si Yoli, "Peps, nood tayo ng Karelasyon."
Napahinto si Pepe. "Hala? Sigurado ka? Hindi ba medyo... mature 'yan?"
"Sige na Peps, 13 na naman ako eh. Thir-teen, diba?" sabay taas kilay ni Yoli kahit hindi nakikita ni Pepe sa call.
"Ewan ko sa'yo. Pero sige na nga. Tiwala ako sa moral compass mo—na palaging nawawala!"
Nagplay na sila ng episode ng Karelasyon. Habang pinapanood nila, halos hindi makapaniwala si Pepe sa eksena. May dramatic confrontation, sabunutan, at mga linya tulad ng, "Hindi ikaw ang tunay kong ama!" na tila straight out of a teleserye marathon.
"Peps! Ikaw ba 'yung nasa screen? Kasi kamukha mo 'yung lalaking ginhost tapos ginawang taga-deliver ng tubig," tukso ni Yoli.
"Tss, ang sama mo talaga. Pero in fairness, may abs siya. So, hindi ako 'yon."
Matapos ang 45 minutong punong-puno ng drama, init ng damdamin, at simpleng pagngiti, nag-end call muna sila para kumain ng dinner. Si Pepe ay sabaw lang at tinapa, samantalang si Yoli ay sinigang na baboy—masarap pero maasim, tulad ng ugali niya kapag may topak.
Pagkatapos ng hapunan, bumalik sila sa call. Si Yoli ay nakahiga na at nakapatong ang cellphone sa tummy niya.
"Peps, gusto mo marinig ang chika ko ngayon?"
"Anong chika yan, 'di ba kakatapos lang nating manood ng mga chika sa Karelasyon?"
"May bago akong friend. Pangalan niya, Akhiro Reynon."
Natigilan si Pepe. "H-ha? Sino siya?"
"Isa siyang basketballista. Ang tangkad niya, grabe. Feeling ko kaya niya akong abutin kahit nasa second floor ako, HAHA!"
Napilitang ngumiti si Pepe, pero halatang pilit. "Ah ganun ba? Nice."
Habang sinusubukan ni Pepe na ilihis ang usapan, "So... balikan natin yung lesson mo kanina. Function o not a function, 'di ba?"
Pero tila may sariling mundo si Yoli. "Alam mo Peps, si Akhiro, marunong din sa Math. Siya nga 'yung nagpaturo kanina eh. Tapos alam mo ba, sinabihan niya ako na maganda daw daw ako kapag nagmumukmok. Kinikilig ako!"
Sa isip ni Pepe, parang may bumagsak na hollow blocks sa puso niya. Sinubukan niyang ngumiti pero parang nabugbog ang damdamin niya. Para siyang nilunok ng lupa pero nabuhay ulit para masaktan pa.
"Ah okay. Good for you," mahina niyang tugon.
"Uy Peps, okay ka lang?"
"Ah, parang masakit ulo ko. Baka kailangan ko na magpahinga."
"Ay ganun ba? Sige. Ingat ka, Peps. Love you, mwah."
"Ingat din," sagot niya na halos pabulong.
Pagkababa ng tawag, tumitig si Pepe sa kisame. Huminga siya ng malalim. "Okay, ano 'tong nararamdaman ko?" Tanong niya sa sarili.
Biglang bumangon si Pepe, hinila ang laptop, at binuksan ang Facebook. Tinype niya sa search bar: "Akhiro Reynon."
Aba, ayun! May lumabas na profile. Friends sila. Ibig sabihin, totoo nga ang sinasabi ni Yoli. Pero wala itong kahit anong post. Blanko. Wala man lang litrato na may basketball o kahit anong indication na siya ay sports-inclined.
"Baka alt account?" bulong ni Pepe.
Gusto sana niyang tanungin si Jenny kung may alam ito tungkol kay Akhiro. Pero pagtingin niya sa chat nila, may nakalagay na: "Jenny is offline."
At sa totoo lang, kahit gising pa si Jenny, parang hindi na rin niya alam kung ano ang sasabihin. Ayaw naman niyang magmukhang insecure. Pero sa kaloob-looban niya, parang unti-unti nang nawawala ang rapport nila ni Yoli. Parang siya na lang palaging nagpapasensya, palaging umuunawa, palaging nasa gilid ng eksena.
Humiga si Pepe. Pinikit niya ang kanyang mga mata. "Bukas... may gagawin ako."
Pero sa gabing iyon, kahit gaano kahimbing ng tulog ng buong barangay, si Pepe ay gising. Gising ang damdamin, gising ang isipan, at higit sa lahat—gising ang mga tanong na wala pang sagot.
Kinabukasan, habang madilim pa at ang mga manok ay hindi pa nagsisigawan, alas-sais ng umaga, tumatawag na agad si Pepe kay Lola Lena. May kaba siyang nararamdaman habang hinihintay ang pagsagot ng kabilang linya.
"Lola, pasensya ka na kung maaga itong tawag na ito," bungad ni Pepe habang lumalakad-lakad sa terrace nila. "Pero may sasabihin po ako sa inyo."
"Anong meron, Iho?" tanong ni Lola Lena habang nilalagyan ng Vicks ang likod ni Criselda na hinihika na naman.
"Lola... kilala niyo po ba si Akhiro Reynon?"
"Ha? Sino 'yon?"
"May sinabi po kasi sa akin si Yoli kagabi. Kaibigan daw niya. Basketballista raw, tangkad daw. Pero nung sinearch ko sa Facebook, wala po akong makita. Tapos wala ring post. Kahit sa Messenger, walang interaction."
Napatigil sa paghaplos ng Vicks si Lola Lena. Sumeryoso ang mukha niya. "Hmm. Wala akong kilalang ganyan. Parang ngayon ko lang narinig. Cristina! Criselda! Halikayo nga rito saglit!"
Nagtipon ang tatlo sa sala habang hawak ni Lola Lena ang cellphone ni Yoli.
"Check natin ito. Connected naman tayo sa Messenger account niya, diba?"
"Baka naman nagka-crush lang si Yoli, kung sino na namang iniimbento niyan," sabi ni Tita Criselda habang sinusuklay ang buhok.
"Flashback time!" sigaw ni Tita Cristina sabay tumawa. "Naalala niyo ba nung isang gabi? Bigla siyang sumigaw habang nasa kitchen tayo?"
FLASHBACK — Ilang linggo ang nakalipas.
"Cristinaaaa! May bago akong kaibigan!" sigaw ni Yoli habang hawak ang stuffed toy niya. "Si Akhi! Isang basketballista! Ang tangkad!"
"Ay sus," natatawang sabi ni Criselda noon. "Imaginary friend na naman?"
"Hindi totoo siya! May poster siya sa school namin! Parang model, promise!"
FLASHBACK END.
Pagkatapos ng flashback moment ng tatlo, binuksan nila ang Messenger. At ayun na nga—may convo si Yoli at Akhiro.
"Good morning, Akhi!! 💖💖"
Walang reply.
"May game ka ba today? 💖"
Wala ulit reply.
Pero may isang heart theme ang buong chat box, katulad ng kay Pepe.
"Eh 'di wow," sabay-sabay nilang sambit.
Alas nuebe na ng umaga nang gumising si Yoli. Pagbukas pa lang ng mata niya, sasalubungin na siya ng tatlong matandang babae na mukhang galit.
"YOLANDA!!!" sigaw ni Lola Lena.
"Anong ginagawa mo sa Messenger mo ha? Sino yang si Akhiro?"
"Hindi niyo na dapat 'yan pinakikialaman!" sigaw ni Yoli. "TANDA! Pakialamera ka!"
"Ay!" napasigaw si Tita Criselda.
"Nagpapakabait kami rito tapos ikaw? Ganyan ka magsalita?" dagdag ni Tita Cristina.
"Wala kayong alam! WALA! WALA!" sigaw ni Yoli sabay hampas ng throw pillow. "Umalis kayo sa kwarto ko!"
Dahil sa galit, dinampot ni Yoli ang cellphone ni Lola Lena at tinawagan si Pepe.
Ring... ring... sagot si Pepe, medyo groggy pa.
"ANO BANG PINAGSASABI MO SA LO—"
"IHA," biglang sigaw ni Lola Lena habang hawak ang extension ng tawag, "AKO ANG MISMONG NAKAKITA. WALA SI PEPE DOON. CONNECTED ANG MESSENGER KO KAYO. AKO MISMO ANG NAKAKITA KAY AKHIRO."
Biglang natahimik si Yoli. Parang binuhusan ng yelo ang boses niya.
Ibinaba na ni Yoli ang tawag.
Sa kabilang dako, si Pepe ay natitigilan habang tinititigan ang call screen na kakababang lang. Hindi niya alam kung galit ba si Yoli sa kanya o nahihiya.
Ilang minuto lang, tumunog ulit ang phone ni Pepe. Si Lola Lena naman ngayon.
"Iho, pasensya ka na kanina. Alam na niya. Hayaan mo muna siyang uminit ulo. Magwi-warm down din 'yan."
"Okay po, Lola," sagot ni Pepe na tila pinipilit tumawa kahit may lungkot sa tono.
Pagdating ng gabi, bumalik na ang sigla ng cellphone ni Pepe. Tumatawag na naman si Yoli. Sinagot niya ito.
"Peps... sorry na ha. Hindi ko intensyong magalit sa'yo. Akala ko kasi isinumbong mo ako kay Lola..."
"Okay lang, Yols. Ang mahalaga, okay na tayo."
"Promise, ikaw lang ang sasabihan ko next time kung meron akong bagong kaibigan. Ayoko nang gulo eh. Peace?"
"Peace," sabay tawa ni Pepe. "Basta next time, huwag mong lalagyan ng 💖 'yung convo niyo kung di naman kayo."
"HAHAHAHA! Oo na nga!"
Natapos ang tawag ng may halakhakan. Ngunit sa loob ni Pepe, alam niyang mas marami pa siyang kailangang tuklasin. Pero para ngayong gabi, sapat na muna ang tawa nilang dalawa.
ns216.73.216.253da2


