Kabanata XXVI: Ok-Ukay?
Isang gabi, habang malamig ang simoy ng hangin at tahimik ang paligid, nagvi-video call na naman sina Pepe at Yoli. Para na talaga silang may sariling teleserye gabi-gabi. Ang topic nila ngayon? Chismis at modules.
"Uy Peps," bungad ni Yoli habang inaayos ang camera niya. "Meron akong hindi maintindihan sa math. Tungkol sa function or not a function."
"Hay naku, kung 'yan lang pala. Game!" sagot ni Pepe habang inaayos ang whiteboard na maliit sa gilid niya. "O, example: Kung may dalawang input na may iisang output, okay pa 'yun. Pero kung may isang input na may dalawang output, aba, hindi na 'yun function."
"Ano ka ba, parang relasyon lang pala 'yan," natatawang sagot ni Yoli. "Kapag may isang jowa pero dalawa kayong pinapaniwala niya, hindi na function!"
"Tama! Hindi function—malandi!"
Tumagal ng halos trenta minutos ang math tutorial, pero matapos nito, biglang bumunot ng remote si Yoli at nagplay ng episode ng Ika-6 na Utos.
"Ay naku, Peps! Favorite ko 'to. 'Yung asawa na ginawang adobo ang cellphone ni kabit!"
"Grabe ka. Akala ko ba matutulog na tayo ng maaga?" tanong ni Pepe.
"Hindi ko kasalanan kung may episode ngayon na ganito ka-init!"
Sa gitna ng kaguluhan ng teleserye, biglang lumapit si Yoli sa camera.
"Peps, may sasabihin ako."
"Hmm? Ano na na naman 'yan?"
"Mag-uukay ako."
"Ha?"
"Ukay. Yung mga vintage clothes. Naka-order na nga ako eh, six hundred ang halaga."
Napakurap si Pepe. "Six hundred?! Eh diba taon-taon binibigyan ka nila Tita ng mga Uniqlo at H&M?"
"Ewan ko ba. May nakita akong aesthetic sa ukay page sa Facebook, tapos binili ko. Hindi rin alam nina Lola Lena."
"Yols... All I do for love," bulong ni Pepe sa sarili habang pinapahid ang pawis sa noo.
"Chatan mo si Vinnie Arcena. Siya yung seller," dagdag ni Yoli.
"Okay sige, chat ko na."
Nagtype na si Pepe sa Messenger:
Pepe: Hi po, si Pepe ito, sabi ni Yoli ikaw daw yung seller?
Vinnie: Yup! Confirmed order na 'yung 600. On the 31st makakarating. Puwede pick-up or meet-up.
Pepe: Okay po. Payment through GCash ba?
Vinnie: Yes. May gusto pa daw idadagdag si Yoli, sabi niya eh ikaw na lang daw magbayad. 😂
At dito na nagsimula ang financial na bangungot ni Pepe. Ilang araw pa ang lumipas, at halos gabi-gabi, may pinapadagdag si Yoli sa order. Minsan jacket, minsan skirt, minsan daw crop top na parang sa anime.
"Pepe, dagdagan mo pa daw ng off-shoulder. Promo daw sabi ni Vinnie," text ni Yoli.
"P500 na lang natitira sa allowance ko, Yols," sagot ni Pepe.
"Kaya mo na 'yan. Mag-aaral naman ako ng mabuti."
At ayun na nga. Si Pepe ang naging semi-official ukay-ukay sponsor ni Yoli. Tuwing gabi, habang tinuturuan niya si Yoli ng mga mathematical concepts, napapaisip siya kung kailan kaya matututunan ni Yoli ang konsepto ng budgeting.
Dumating na ang petsang 31. May schedule na ng meet-up sina Pepe at Vinnie sa Plaza Selling. Pero bago 'yon, nagpapaturo muna si Yoli ulit ng math.
"Pepe, paano ulit 'yung vertical line test?"
"Kapag may vertical line na dumaan sa graph ng relation at dalawang point ang tinamaan, hindi 'yun function."
"So parang kapag si crush, chinecheck niya ang profile ko at ni Ate, hindi na ako function kasi dalawa kaming gusto niya?"
"Exactly. Hindi ka na function. Isa ka nang optional."
"Grabe ka!" sabay tapon ng unan sa camera.
Matapos ang ilang oras, lumarga na si Pepe papunta sa Plaza Selling. Bitbit ang envelope na may bayad, pawis na pawis sa kaba. Pagkakita kay Vinnie, kinamayan niya ito.
"Bro, ito na po 'yung bayad."
"Nice. Eto na ang mga items. 'Yung violet na may lace sa neckline, 'yan daw yung favorite ni Yoli."
Nakangiti si Pepe pero ang wallet niya, umiiyak na.
Sa bahay, nagvideo call ulit sila.
"Pepe, nakuha mo na? Ang galing mo talaga! Love kitaaaa!"
Ngumiti si Pepe at nagkunwaring masaya.
Pero sa isip niya:
"Kung ukay-ukay lang ang makakapagpasaya sa'yo, sige. Pero sa susunod, ikaw na magbayad."
Nagtapos ang gabi na may halong kilig, inis, at pagmamahal. At habang nagpapahinga si Pepe, iniisip niya:
"Sa susunod na module, dapat budgeting na ang topic."
Nagdaan na ang ilang araw, at hirap na hirap si Pepe na nagbabayad sa mga ukay-ukay nito nakikiusap na ito kay Vinnie, at dahil sa workload sa school nila, parang nastrestress na si Pepe.
Vinnie: Pa update nalang bukas merong meet up orders ko kasi thankyou Po.
Pepe: ok po
Vinnie: Btw payment reminders Po thanks. Sa merkules rt? correct me if I'm wrong 31??
Pepe: wait lang po
Vinnie: Sgehh
Ilang araw ang lumipas,
Vinnie: Anes update Po needko bukas ung payment Po thankyou. Yung order daw ng bunsomo kay ate eyah pasabi sakanya..Naghihintay sya
Pepe: uhm, sorry po, wait lang po, nagoorder kasi na siya wala na siyang pera
Lumilipas ang mga araw ng Marso, at tila wala nang preno ang pag-oorder ni Yoli ng ukay-ukay. Parang sale season na araw-araw. Kada linggo, may dumadating na bagong parcel, may label pa ng "RUSH DELIVERY" o kaya'y "FRAGILE: FASHION IS LIFE."
"Yoli, may padala ka na naman?" tanong ni Criselda isang umaga.
"Ah, hindi po akin 'yan. Para kay... Lola Lena!" sagot ni Yoli sabay turo sa lola niyang nag-aalmusal ng champorado.
"Ako?" gulat na tanong ni Lola Lena. "Bakit ako? Eh, wala naman akong in-order."
"Hala, baka may nagkamali lang ng address," palusot ni Yoli, sabay mabilis na tinangay ang package papasok ng kwarto.
Pero si Pepe, hindi na mapakali. Hindi na mabilang ang mga bayad na hinihingi ni Yoli sa kanya. Nagpapadala si Yoli ng screenshot ng mga total amount: ₱600, ₱850, ₱1,200. Sunod-sunod, parang may sariling payroll si Yoli at ang bank account ni Pepe ang supplier.
Isang gabi, habang nasa video call sila:
"Yols, baka puwede mong bawasan muna ang mga order mo. Ang dami mo nang damit, eh. Hindi ka na kasya sa cabinet mo, baka pati hanger mag-resign na," biro ni Pepe, sabay tawa ng pilit.
Biglang lumalim ang boses ni Yoli. "So anong ibig mong sabihin, Peps? Na hindi ako deserve maging fashionable? Gusto mo ba maging katulad ako ng mga kalye-kalye lang?!"
"Hindi naman sa ganun—"
"WALA AKONG PAKI! Kung ayaw mo, edi 'wag!" sigaw ni Yoli sabay end ng call.
Si Pepe, nanlumo. Parang naubos ang lahat ng lakas niya. Ang mga mata niya'y tumitig sa kisame ng kwarto, habang dahan-dahang lumulutang ang text messages niya sa isip:
"Bayad na po ba to?" "Sir, last follow-up na lang po." "Puwede po bang GCash na lang uli?"
Vinnie: Dikona ibibigay ung na mine nya sakin,Kasi andami na pag ororderan niya, sinabihan konaman nasya ako nakakaintindi Ako pag keep ung mga mine nya mga iba diko alam kung maiintindihan sya. Ako kaya kong maghintay kahit kailan nya kunin order nya pero pag iba sure Ako na di sila makakapag antay....sinabihan konasya na huwag mag mine sa iba Kasi iba mga ugali na pinag ororderan nya pag dinya agad kinuha mga order nya.
Pepe: Ok po
Isang araw, habang abala si Yoli sa pagbabrowse ng ukay-ukay page sa Messenger, may pumasok na mensahe mula sa isang seller. "Hi po, follow-up lang po kung kailan ang bayad?"
Sakto namang dumaan si Lola Lena sa likod niya at napatingin sa phone.
"Aba, iha, ano 'yang bayad-bayad na 'yan?"
"ANO BA ANG PAKIALAM MO TANDA?!" biglang sigaw ni Yoli na parang binuhusan ng kumukulong sabaw ang mood sa buong bahay.
Napatigil si Lola Lena. Sa kabilang silid, nagkatinginan sina Tita Criselda at Cristina. Mabilis ang yapak nila papunta sa pinanggalingan ng sigawan.
"Hoy! Yoli! Hindi mo pwedeng pagsalitaan ng ganyan si Lola mo!" sigaw ni Criselda.
"Bastos na 'yang bunganga mo, iha. Tinuturuan ka lang naman ni Mama!" dagdag ni Cristina.
"Eh ano ngayon?! KAYO BA ANG GUMAGASTOS SA UKAY KO? HINDI DIBA?!" mura na ni Yoli, sabay bagsak ng iPhone niya sa kama.
Galit na galit na siya, at tila isang bulkan na handang sumabog. Kinuha niya ang iPhone niya at tinawagan si Pepe.
Sa kabilang linya, nagri-ring ang call.
"Hello, Peps?" sagot ni Pepe.
Pero bago pa makapagsalita si Yoli ng kahit anong panggigigil, narinig niya ang isang boses—hindi kay Pepe, kundi sa likuran niya mismo.
"Iha, ako yung nakakita. 'Di ba connected ang Messenger nating dalawa? Ako ang mismong nakabasa nung chat. Walang alam si Pepe doon," sabi ni Lola Lena na hawak ang phone niya na ipinapakita niya ang chat.
Biglang natigilan si Yoli. Napalunok siya ng laway at nanlamig ang kamay.
"Ah... I'll call you back soon, Peps," sabi ni Yoli, pilit na pinapakalma ang boses niya, sabay baba ng tawag.
Sa kabilang dako, si Pepe ay nakatitig lang sa phone, litong-lito.
"Anong nangyari dun?" bulong niya sa sarili. "Parang may bagyong dumaan..."
Samantala, si Yoli ay hindi mapakali, at dumiretso na siya sa kwarto. Umikot siya sa kwarto na parang pinapaandar ng remote control. Bitbit niya ang iPhone niya, pero hindi siya makatawag. Galit, hiya, inis, lahat nagsisiksikan sa dibdib niya.
"BAKIT BA ANG DAMI NILA NAKIKIALAM SA BUHAY KO?!" sigaw niya sa sarili habang hinahagis ang isang unan sa sahig.
Nag-ring ang iPhone niya. Si Dio.
"Uy pinsan, chill ka lang. Narinig ko kay Tita Criselda. Wag mo masyadong damdamin."
"Hay nako, Dio, hindi mo naiintindihan. Sila kasi akala nila porke't ukay lang, wala nang karapatan ang tao maging masaya."
"Eh kasi... medyo sobra na rin yata. Parang online seller ka na rin minsan eh," sabay tawa ni Dio.
"Pambihira ka talaga. Ikaw talaga, kapag wala kang kakampi, tatawanan mo na lang ako."
"Hindi ah. Kakampi mo ako. Pero minsan, kailangan mo ring tanggapin kapag mali ka," sabi ni Dio.
Tumahimik si Yoli. Sa unang pagkakataon sa gabing iyon, naisip niyang baka nga may punto sila.
Ilang minuto pa, tumunog ang phone ni Pepe. Isang mensahe mula kay Yoli:
"Sorry kanina. Nagalit lang ako. Ayoko lang nabubuking ako. Hindi mo naman kasalanan."
Sinagot ni Pepe:
"Okay lang. Gets ko naman. Pero sana, 'wag mo na uulitin 'yun kay Lola Lena. Nasasaktan siya."
Muling tumahimik ang gabi. Ngunit sa katahimikang ito, may dala itong pagninilay-nilay. Hindi pa man tapos ang isyu, pero nagsisimula na ring maghilom ang sugat na dala ng ukay-ukay.
125Please respect copyright.PENANAEUkCiST7zp


