Kabanata XV: Kaarawan with Me
Papasok na ang Marso. Ang hangin ay may kaunting init na, tila sinyales na paparating na ang bakasyon. Pero para kay Pepe, ang pinakamahalagang tanda ng Marso ay ang nalalapit na kaarawan ni Yoli. Halos araw-araw na niyang naririnig mula sa kasintahan niya ang countdown, pati na rin ang mga "char-char lang" na paalala:
"Peps, ha! Hindi ko sinasabi na dapat may regalo ka sa birthday ko. Pero... hint hint lang. Baka may lumilipad na puting palda d'yan."
Ngunit isang araw bago ang kaarawan ni Yoli, habang hapon pa lamang at may bahid pa ng sinag ang silid-aralan ng Grade 12 STEM class, abala si Pepe kasama ang kanyang mga kaklase sa isang meeting. Ito ay para sa play nila sa subject na Contemporary Philippine Arts from the Regions. Isang linggo na lang ang natitira, at tila nagiging warzone na ang loob ng classroom.
"Bakit naman bamboo ang gagamitin natin sa backdrop? Hindi ba't mas madaling gawan ng effect 'pag carton at foil lang?" sigaw ni Clarisse habang may hawak na glue stick na parang microphone.
"Clarisse, makinig ka muna. Yung play natin ay tungkol sa Kalinga warriors. Anong konek ng foil, teh?!" balik ni Rojan, na may hawak na sketchpad.
Si Pepe, na Assistant Treasurer, nakaupo sa tabi ng Treasurer na si Gemma, ay abalang tinatala ang pangalan ng mga nagbigay na ng Php 100. "O guys, huwag kalimutan ha. Kailangan ng budget para sa spray paint, tela, at konting upa ng ilaw."
"Pepe, kayong dalawa lang ba ni Gemma ang taga-kolekta?" tanong ni Bryan.
"Oo, para mabilis. At para hindi mawala ang pera... gaya ng pag-ibig mo kay Anna." sabay tawa ng buong klase.
"HOY!" sigaw ni Anna sa likod, habang tinatago ang kilig.
Habang nagpapatuloy ang debate, biglang may kumatok sa bintana. Isang munting "tok tok" na may kasamang aninong may maliit na palda at naka-pigtails.
Lumingon si Pepe. Nang makita niya kung sino ang nasa bintana, napa-facepalm siya. "Ay, Diyos ko, si Yoli." Pawisan na agad ang batok niya kahit may electric fan sa likod.
"HUYYY! HOYYY! MERON BISITA SA LABAS!!" sigaw ng isa sa mga kaklase ni Pepe na si Jared.
"Excuse me, one minute lang guys," sabi ni Pepe, at mabilis na lumabas ng classroom.
"Yols, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?"
"Wala. Half-day lang kami today, remember?" balik ni Yoli, sabay pakita ng pink na tumbler niya na may sticker na "I Survived 7-3"
Napakamot ng ulo si Pepe. "Oo nga pala. Sinabi mo kagabi."
"Pupunta na kami sa Starbucks, Peps. Sa Calle Mena. Sumunod ka na lang, ha?"
Paglingon ni Pepe sa gate mula sa hallway, nakita niya ang nag-aabang sa labas—si Lola Lena, si Mama ni Yoli, at si Tito Carl, naka-itim na shades na parang escort.
"Sige, sunod ako later. Saglit na lang 'tong meeting namin," sabi ni Pepe at bumalik sa classroom.
Matapos ang kalahating oras ng away-bati tungkol sa props, backdrop, at kung sino ang dapat magdala ng extension cord, natapos din ang meeting. At gaya ng pangako niya, sumama si Pepe sa Calle Mena papuntang Starbucks.
Pagdating niya doon, naka-set up na ang maliit na "photoshoot corner" ni Yoli. May dalang ring light si Mama ni Yoli, habang si Tito Carl naman ay abala sa pag-aayos ng background gamit ang eco-bag na may design ng cherry blossoms. Naka-puting palda si Yoli, at white na t-shirt na may black sleeves at collar—parang tennis player sa anime.
"Model yarn?" tanong ni Pepe habang tinutulak ang pinto ng Starbucks.
"Syempre naman. Hindi ito basta-basta, Peps. Birthday pictorial 'to."
Sumali sa kwentuhan si Lola Lena. "Pepe, sa Sabado ha. Sa Kangkong Restaurant sa Pantay Este tayo magse-celebrate. May pa-buffet si Tito Carl."
"Uy, sarap dun! Pero tignan ko po ha, kasi baka pupunta pa kami kina Vice President para gumawa ng props sa play namin."
"Okay lang 'yon, Peps. Basta kung makapunta ka, i-text mo si Yoli. Para hindi siya umiyak sa cake niya," biro ni Mama ni Yoli.
Tumawa silang lahat. Hindi nagtagal, kinagabihan, video call na naman ang dalawa.
"Nakakatawa yung si Ma'am Jessica, no? Yung episode na 'yung aswang ay delivery rider pala?"
"Ewan ko sa'yo Yoli. Natakot na nga 'ko, tawa ka pa rin nang tawa!"
"Ano ba, 'di ba sabi nila, kung magdeliver man ang multo, dapat may GCash siya?"
Kinabukasan, maagang nagbihis si Pepe, dala-dala ang eco bag na may glue gun, karton, at extrang snack. Pupunta sila sa bahay ni Vice President Anjo sa Pag-alahasan. Kasama niya si Migs, pati sina Clarisse at Jared.
Pagdating nila sa bahay, parang production house ang loob. May long table sa sala, nakakalat ang mga cardboard, walis tingting, plastic bottles, bamboo sticks, at ilang bote ng Elmer's glue na wala nang laman pero kinukurot pa rin sa dulo.
"Uy mga tropa, ayusin niyo ang bamboo. Hindi ito magiging hagdan kung puro baliko!" sigaw ni Anjo habang abalang nagta-type sa laptop.
Nagpatugtog si Clarisse ng playlist sa speaker: mga OPM classic. Maya-maya'y sumabay si Jared ng pagkanta ng Hanggang Kailan.
"Vice Pres," sabi ni Pepe habang itinuturo ang piano sa gilid ng sala, "Pwede bang tumugtog diyan?"
"Sure! Ikaw pa ba, Mr. Moments Like This!"
Nagkakagulo ang mga kaklase. "AYAN NA! Tugtog na!" "Pa-autograph naman!" "Galingan mo ha!"
Umupo si Pepe sa piano at marahang pinindot ang mga keys. Tumugtog siya ng Moments Like This, at sa bawat nota, napapatingin ang lahat.
"Wala kang sinabi, Martin Nievera!" sigaw ni Migs.
"PEPE FOR IDOL PHILIPPINES!!!"
Pagkatapos ng performance, nagpatuloy sila sa paggawa. By 4pm, nagsipag-ayos na ang lahat para umuwi. Pero si Pepe, may isa pang lakad.
Nagtricycle siya papunta sa National Bookstore kung saan daw sila magkikita ng pinsan ni Yoli at tita niya. May planong "mini surprise gift" raw para sa photoshoot continuation ng birthday girl.
Habang nasa tricycle, iniisip niya kung ano pa kayang regalo ang pwedeng ibigay. Siguro rose ulit, pero gawa sa pastillas. O kaya love letter na may drawing.
Isa lang ang sigurado ni Pepe—kahit gaano karaming bamboo, glue gun, at props pa ang kaharap niya sa mundo ng klase, si Yoli pa rin ang pinakamakulit, pinakamamahal, at pinakagustong ayusan niya ng birthday cake, kahit pa sticker lang ito sa cellphone niya.
Mga sampung minuto mula Pag-alahasan, nakakarating na si Pepe sa Burnayan City, sa harap ng National Bookstore na bahagi ng Plaza Selling. Ang hangin ay may dalang init ng hapon, pero ramdam niya ang excitement habang papalapit na siya sa lugar. Puno ng tao ang paligid—may naglalako ng fishball, mga estudyanteng bagong labas ng klase, at mga senior citizen na nagchi-chikahan sa tapat ng bangko.
Nandun na nga sina Tita Cristina at Criselda, nakaupo sa bench na may hawak-hawak na paper bag. Kasama rin nila ang isa pang tita ni Yoli at dalawang pinsan na babae. Isa sa kanila ay kulot ang buhok at may dalang malaking pouch bag.
"'Ito kaya si Dio? 'Yung sinasabi ni Yoli na pinsan niya na laging nanalo sa Mobile Legends tournaments?'" tanong ni Pepe sa sarili habang pinupunasan ang pawis niya.
Pero sa hiya, ayaw pa niyang lumapit. Pumuwesto muna siya sa gilid ng bookstore at nagkunwaring tumitingin-tingin sa display ng mga notebook na may superhero covers. Hanggang sa biglang narinig niya ang boses ni Tita Cristina, "Uy Pepe! Andito ka na pala! Halika na rito!"
Napilitang ngumiti si Pepe at lumapit. "Hi po, Tita. Sandali lang po, CR lang muna ako. Papalit lang ako ng shirt, medyo pawis po ako."
"Okay sige, huwag mong tagalan ha," sagot ni Criselda sabay kindat.
Habang papalayo si Pepe, hindi niya alam na sa likod, kakarating lang din ni Yoli. Bumaba siya mula sa tricycle na kasama si Lola Lena. Suot niya ang white crop top, dark denim pants, at canvas shoes na puti. Tila ready na talaga siya para sa birthday b-day celebration niya.
"Nasan na si Pepe?" tanong ni Yoli sa lola niya habang tinatanggal ang shades.
"Nandoon daw sa CR. Sabi ng Tita Cristina mo eh nagpalit daw ng damit," sagot ni Lola Lena.
Paglabas ni Pepe mula sa CR, agad siyang naglakad pabalik. Pagkakita nila ni Yoli sa isa't isa, parang tumigil ang paligid. Pareho silang ngumiti at sabay nagtanungan kung okay lang ba sila.
Pagkatapos ng kaunting kumustahan, nagpunta sila sa Tricycle TODA sa tabi ng Plaza de Conquistador. Lulan ng isang tricycle na may palamuting rosas, bumiyahe silang magkakasama patungong Hotel Lapiazza sa Pantay Este, mga 950 metro lang mula sa bookstore.
Pagdating sa Kangkong Restaurant, agad silang pumwesto sa isang long table. May pa-decor pa ang table: may pink petals, mini-balloon centerpieces, at personalized placemats na may picture ni Yoli noong baby pa siya. Sa dulo ng mesa, nakita ni Pepe si Jenny na kakarating lang din. Naupo siya katabi ni Yoli, at agad na nagkuwentuhan ang dalawa tungkol sa mga nakaraang KMJS episodes.
Dahil sa hiya, si Pepe ay biglang nagpaalam na pupunta sa CR. Ngunit naging sampung minuto na siya roon. Nagtataka na si Yoli, kaya sinabihan niya si Jenny, "Samahan mo nga akong tawagin si Peps, baka may kinakausap na multo sa salamin."
Pagkalabas ni Pepe, agad siyang inaya pabalik sa table.
"Peps, tara na. Mag-iistart na tayo. Sayang naman yung lechon kung ikaw ang last na kakain," sabi ni Jenny habang naglalakad pabalik.
Naupo na si Pepe. Katapat niya si Dio—at biglang naputol ang katahimikan nang tanungin siya nito:
"Kuya, nilalaro mo ba Minecraft?"
"Uy, oo, bro! Sa Creative mode, mostly. Pero minsan survival kapag gusto kong ma-stress," natatawang sagot ni Pepe.
Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa Redstone mechanics, mods, shaders, at command blocks. Si Yoli, na nasa gitna ng conversation, ay biglang natahimik. Napapansin ni Pepe na parang hindi na siya napapansin ni Yoli.
"Oy Yols," sabay tapik ni Pepe sa balikat niya. "Gusto mo sumali sa Minecraft server namin? Gagawa tayo ng bahay sa taas ng bundok, tapos may glass bridge papunta sa castle."
"Hmm... baka," malamig na sagot ni Yoli.
"Uy, bati na tayo ah. Birthday mo ngayon. Bawal ang tampo," sabay abot ni Pepe ng cute na cupcake na may candle.
Habang kumakain na ang lahat, napalingon si Pepe sa dulo ng mesa. Napansin niyang may isang lalaking naka-barong at may badge sa bulsa. Si Lolo ni Yoli pala!
Biniro ni Yoli si Pepe, "Peps, andiyan na si Lolo Police. Baka hulihin ka niya, kasi muntik na na-late ako sa meeting niyo kanina."
"Very funny Peps," sabi ni Pepe habang umiikot ang mata.
Sa labas ng Kangkong Restaurant, nagpipicturan na sila. May pa-frame na parang Instagram post, balloons, at selfie sticks. Nagpicture silang dalawa: Yoli at Pepe. Tapos sila ni Dio, at sila ni Jenny. May group shot din ng buong pamilya.
Matapos ang celebration, tinawagan ni Jenny ang papa niya. Sumundo ito gamit ang eBike. Nakisakay na rin si Pepe, dahil gabi na at medyo mahaba pa ang uuwian niya.
Sa daan, habang malamig ang hangin at may katahimikan sa paligid, nagsalita si Pepe.
"Alam mo Jenny, ngayon ko lang nakita lahat ng pinsan ni Yoli. Magaan silang kasama. Mabait at hindi awkward."
"'Aywehhh, kuya!'" sagot ni Jenny, sabay ngiti.
"Pero, kahit kuya niya ako sa school, minsan parang hindi ko pa rin siya lubos na kilala," sabi ni Pepe habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng poste sa daan.
"Bakit mo nasabi?" tanong ni Jenny habang tinutok ang flashlight ng cellphone niya sa daan.
"May mga bagay na hindi niya sinasabi. Pero, I guess, lahat tayo may tinatago. Pero, may isang bagay akong sasabihin... kapag handa na siya," seryosong sambit ni Pepe.
"Anong bagay 'yon?"
Ngumiti si Pepe at tumingin sa langit. "You will know the truth about us... when the time comes."
Natapos ang gabi sa isang malalim na buntong-hininga, isang gabing hindi basta-basta makakalimutan ni Pepe—at ni Yoli rin.
102Please respect copyright.PENANAmAfQOJshdF


