Kabanata XXIV: Lolo
Gabi na naman. Tahimik ang paligid ng Basi, pero sa mundo nina Pepe at Yoli, parang wala pang alas-diyes. Kumakain si Yoli ng Lucky Me Pancit Canton habang naka-video call kay Pepe. Si Pepe naman, nakaupo sa gaming chair niya, naka-earphones, at may hawak pang brush habang sinasabon ang isang side ng tenga niya.
"Hoy," bungad ni Yoli, "nakita mo na ba yung bagong meme na trending ngayon? 'Yung si Ma'am Jocelyn na hinampas ng manok habang nagti-TikTok?"
"Uy hindi pa! Wait, wait—send mo sa akin!" sagot ni Pepe, sabay talsik ng sabon sa ilong.
Nag-flash sa screen ang screenshot ng isang meme: "Kapag hindi ka nagbayad sa utang mo, pero TikTok ka ng TikTok." Nasa background si Ma'am Jocelyn, hawak-hawak ang isang pansit na mukhang natapon ng sabay-sabay sa mukha niya. Lahat ng comment puro "AY GURL SAMEEEE."
Tumawa si Pepe. "Putek, ang lala! Eto na naman tayo, Yols. Meme season is real."
"E sa totoo naman, 'di ba? Wala pang Valentine's Day pero lahat ng page puro hugot, puro meme. Parang naka-ano silang lahat. Lovey-Dovey pills sila lahat. 'Yung isa pa, 'Paano magmahal ang isang babaeng pinagtaksilan ng tropang tinuring niyang pamilya.' Aba! Kalahating novella na!"
Puros tawanan sila. Tawanan lang ng tawanan.
Hanggang sa matapos na ang kanilang tawanan, at lumipat na sila sa panonood ng Kapuso Mo, Jessica Soho. Episode ngayon ay tungkol sa mga multong namamangka sa ilog ng Zambales at biglang tumatabi sa jeep. Habang nasa climax ng episode at lumilitaw na ang ghost na may sumbrerong may hello kitty sticker, biglang tumigil si Pepe at napaisip.
"Yols..."
"Ano na naman yan?" sabi ni Yoli habang nakaipit sa leeg ang headset at inaayos ang kumot niya.
"Sorry to interrupt, pero meron akong naaalala. Naalala ko bigla... 'yung graduation mo."
Nag-blink-blink ang camera ni Yoli. "Hah? Alin dun?"
"'Yung pagkatapos ng ceremony, kumain tayo sa Chowking. Kasama si Mama mo tsaka si Lolo. Remember?"
Ngumiti si Yoli, pero parang may ideya na siya kung saan papunta ang usapan.
Pepe: "Tinanong ko sa 'yo nun kung ano trabaho ni Lolo... tapos bigla kang nag-ala-Michael Buffer."
Yoli: tumatawa na "Did you say na ganito? Ehem ehem!: LET'S GET READY TO RUMBLEEEE!"
Pepe: "Oo, sabi mo pa, 'Sa red corner! May whistle sa leeg! May wallet na kadena! May kwintas na may Santo Niño! Ang nagpapatrol sa Basi... si LOOLOOO!!!'"
(Sa totoo talaga, wala namang ganyan, walang sound effects. Pero sa isip ni Pepe, parang may makapatindig-balahibo na aura o feeling niya kasi noon sa Graduation Lunch ni Yoli sa Chowking noon)
Yoli: humahalakhak "Tapos sabi ko, 'Police 'yan, no! Pang-action star!'"
Pepe: tahimik muna... tapos "...ANO?!"
Yoli: "Ayan ka na naman! OA mo talaga, Pepe. Over-acting oh may gad! Yeah, totoo nga, police siya, sworn to duty and service."
"Pulis talaga? As in pulis?"
"Oo nga, 'yung mga nagpapatrol dito sa Basi, 'di ba nakita mo na yung patrol car dati na naka-park sa tabi ng kalinderya? O, sa kanila 'yon!"
Napalunok si Pepe.
"E 'di ba minsan nandoon ako? Baka... baka nakita niya na 'ko. Baka alam na niya lahat ng sinasabi ko sa'yo. May hidden cam ba 'yon?"
"Huy, hindi siya NBI," biro ni Yoli. "Relax ka lang d'yan, Pepe Alabastro!"
Kinabukasan, lunes na naman at may pasok ulit ang dalawa.
Sa Divine Word College of Burnayan, maagang dumating si Pepe, pero wala pa rin si Sir Ver at Ma'am Sol. Pati si Yoli, nasa hallway na, nakaupo sa monoblock habang kumakain ng strawberry at peanut brittle na iniuwi ni Jenny mula New Washington sa uplands.
"Wala na naman tayong klase, ang saya!" sabi ni Yoli habang dinidilaan ang oil ng peanut brittle sa daliri.
"Yeah, parang 1 week vacation na ito. Sana laging ganyan," sabi ni Pepe habang tumatabi kay Yoli sa bangko.
Habang nagtatawanan pa rin sila tungkol sa memes kagabi, biglang may dumaan sa quadrangle—isang police patrol car, dahan-dahang pumaparada at nagparking ito sa volleyball court na tabi lang ng quadrangle.
Nagningning ang mga mata ni Yoli. Para siyang nagka-superpower.
"OWOOOOOO!! AYAN NA!!! AYAN NA!!! AYAN NA!!! AYAN NA SI LOLO KO!!! LOLO POLICE" sigaw niya sabay turo.
Nagulat si Pepe. Tumayo agad. "Oh no! May warrant na ba ako?"
"Hahahahaha! Manghuhuli na siya ng mga lalaking maraming issue! HAHAHAHAHAH" sabay turo kay Pepe.
"Tigilan mo 'ko Yoli, ayoko sa selda. May trauma ako sa brownout at electric fan!"
Lumipas na ang mga araw. At still, natatakot pa rin si Pepe sa lolo ni Yoli.
Si Pepe, hindi pa rin mapalagay. Kaya isang gabi, habang kausap si Lola Lena sa video call...
"Lola Lena... tanong lang po. Si Lolo po ba talaga ni Yoli, police?"
Napahagalpak ng tawa si Lola Lena.
"Ay iho! Ano ba sinabi sa'yo ni Yoli?!"
"Police daw po. Sila raw 'yung nagpapatrol sa Basi."
Tumawa si Lola Lena, halos matanggal ang pustiso.
"Ay anak... security guard lang 'yon sa isang apartment sa puso ng Burnayan City! 'Yung laging naka-upo sa tabi ng entrada, may pamatay-lamok sa bewang!"
Sumunod na araw, pagkadismissed ng mga klase nila sa hapon, agad silang pumunta sa 7/11 sina Yoli at Pepe upang magmeryenda.
Sa harap ng 7/11, nagkikita ulit sina Yoli at Pepe. Umorder si Yoli ng Jumbo Siopao habang si Pepe, nakaupo na parang may pinapasan.
Dumaan ulit ang patrol car.
"AYAN NA NAMAN SI LOLO!!!" sigaw ni Yoli.
Pero si Pepe, expressionless.
"Pepe? Huy?"
Walang imik. Umiling lang siya.
"Hah? Ano?" sabi ni Pepe, na parang nabigla.
"Hindi nakita ba yung dumaan sa harapan natin kanina?", kumunot ang noo ni Yoli.
"Yung ano?", sabi ni Pepe, na nakataas-kilay.
"Wala! Nevermind", sabi ni Yoli.
Pagkauwi ni Yoli, sumugod agad siya kay Lola Lena.
"TANDA! MERON AKONG SASABIHIN!"
"Ano 'yon, iha?" sagot ni Lola Lena habang nagkakape.
"Sinabi mo ba kay Pepe ang totoo tungkol kay Lolo?!"
Nagkatinginan sina Tita Criselda at Cristina. Tila may secret society ng mga matandang nagtatakip ng katotohanan.
"Hindi Iha," sabi ni Lola Lena, "Sabi ko police siya. Promise."
"Sure ka ha?" tanong ni Yoli na nakairap.
"Sure na sure!"
Sa gabi, Video call ulit ang dalawa. Si Pepe, nasa kwarto. Si Yoli, kakaligo lang, nakapambahay at may hair towel na parang turban.
"Ano na, bbko?" tanong ni Pepe.
"Eto, puyat. May assignment pa sa MAPEH. Gusto mo ikaw gumawa?" sabay ngisi.
"Tutulungan kita, kung aaminin mong hindi pulis si Lolo."
"EH 'DI HINDI NA LANG!" sabay tawa ni Yoli.
At sa huli, nagtutor pa rin si Pepe. Ganun naman siya kay Yoli—kahit paulit-ulit siyang sinungalingin, kahit na pinaprank siya sa memes, kahit sinabihan siyang may 'WANTED' poster sa barangay, tutulong pa rin siya.
Dahil minsan, kahit may kasinungalingan... kung mahal mo, okay lang maprank basta kasama mo siya.
103Please respect copyright.PENANAWNXRUpMfwp


