Kabanata XXIII: Puso
Pagkatapos ng unang linggo ng Pebrero, unti-unti nang nararamdaman sa paligid ng Divine Word College of Burnayan ang kilig ng paparating na Araw ng mga Puso. May mga nagdidikit ng kartolinang may hugis puso sa bulletin boards, may mga nag-aalok ng pre-order para sa bouquet delivery service ng Supreme Student Council, at ang mga estudyanteng lalaki ay parang mas bumango kaysa dati.
Kasabay nito, abala rin ang mga Grade 12 students sa pagkuha ng mga requirements para sa kanilang Work Immersion. Sa klase ni Pepe, puno ng usapan tungkol sa pagpipilian nilang lugar para sa immersion: may gustong sa ospital, may gustong sa city hall, at syempre, may mga gustong tumambay lang sa bahay ng tita nila pero kunwaring immersion.
Sa gabi ng Pebrero 13, habang ang buong bayan ng Burnayan ay abala sa pagpeprepare para sa mga flowers at chocolates ng kinabukasan, nagvideo call sina Pepe at Yoli. Pareho silang nakahiga na, si Pepe ay nasa kama niya sa Puerto Pandan, habang si Yoli naman ay nasa kwarto nilang may wallpaper na mga clouds at unicorn.
"Bebs, alam mo ba," bungad ni Pepe habang nakahiga at may ice pack sa noo. "Magpapakuha daw kami ng dugo, x-ray, at urine sample bukas. Requirement daw 'yon sa immersion."
Napakunot ang noo ni Yoli. "Ha? Bakit kailangan ng dugo? Anong klaseng immersion 'yan, Operation Tokhang?"
Tumawa si Pepe. "Hindi no! Health check-up lang para makita kung fit kami magtrabaho."
"Ahhh... ganun ba? Akala ko naman may ritual o anong kalokohan. Teka, anong immersion ba kinuha mo?"
"Actually gusto ko sana sa opisina ni Papa, kaso baka ma-pressure ako. Kaya ang ending, sa Burnayan City Engineering Office na lang."
"Hmm... alam mo kung kami sa JHS magka-immersion, gusto ko maging flight attendant."
"Wow ha, classy! Pero Yols, alalahanin mo, dapat mabait ka sa mga tao kung flight attendant ka. Hindi pwedeng pikon, lalo na kung may pasaherong demanding."
"Aba! At anong alam mo sa pagiging flight attendant?!"
"Kalma lang, bbko. Sinasabi ko lang naman."
"Parang kilala mo ako masyado, ha?" sabay irap ni Yoli sa camera.
Sa isip ni Pepe: Para kang light switch, girl. On and off mood mo, mabilis pa sa takbo ng MRT. Kung magfa-flight attendant ka, baka pati utak mo lilipad na rin.
Napansin ni Yoli na parang may iniisip si Pepe. "Oh, anong iniisip mo diyan?"
"Wala yun. Tara na nga, nood na lang tayo."
"Sorry ha, medyo bitchy ako ngayon. Kaperiodan ko kasi eh."
"No problem, Bebs. Naiintindihan ko."
Ilang saglit pa, may pumasok na message kay Yoli. Binasa niya ito. "Uy, sabi ni Ma'am sa GC, walang pasok bukas. May teacher assembly daw."
"Talaga?!"
"Oo! So pwede tayong magkita. Sabi ni Lola, pupunta kami ng Chowking sa Burnayan bukas ng 10am. Punta ka ha."
"Deal!"
Kinabukasan, maagang gumising si Pepe. Alas-siyete pa lang, kumakain na siya ng mainit na sopas. Pagkatapos, agad siyang sumakay ng tricycle papuntang Metro Burnayan Cooperative Hospital sa Pag-alahasan. Pagbaba niya sa harap ng hospital, nakasalubong niya si Migs.
"Oh, bro! Ikaw rin?"
"Oo eh. Parehas tayong magpapakuha ng dugo. Tara, sabay na tayo."
Nauna si Pepe sa pila. Nang siya na, tinusok ng nurse ang kanyang braso. "Aray... konti lang po ah..."
"Relax lang, iho," sabi ng nurse. "Mas masakit pa ang pagkabasted kaysa rito."
Natapos siya sa blood extraction at pinayuhan na maghintay ng dalawang oras. Habang si Migs ay nagpakuha ng dugo, si Pepe naman ay dumiretso sa X-ray lab. Pagkatapos ng X-ray, sinabihan siyang makukuha ang resulta makalipas ang tatlong oras.
"Grabe, parang ginto presyo dito sa hospital na 'to," bulong ni Migs. "Tara sa Pag-alahasan Arcade, baka mas mura ang urinalysis dun."
Tumawid silang dalawa. Sa maliit na klinika sa tabi ng hardware, nagpa-urinalysis sila. Nakakatawa pa, dahil walang CR ang clinic kaya sinamahan pa sila ng staff sa karatig na karinderya para doon mag-CR.
"Pati ihi, may field trip," natatawang sabi ni Pepe.
Nakuha nila agad ang resulta. Bumalik sila sa Metro Burnayan Hospital pero isang oras pa raw bago makuha ang X-ray at blood results.
Saktong tumawag si Lola Lena. "Pepe, andito na kami ni Yoli sa Chowking-Burnayan. Dito ka na lang sumunod ha?"
"Opo, Lola!"
Naghintay pa si Pepe at Migs. Sa wakas, nakuha na rin nila ang results. Agad silang sumakay ng tricycle papuntang Plaza Selling. Pagkababa nila, si Migs ay tumuloy sa Plaza, habang si Pepe naman ay diretso sa Chowking, katabi lang ng plaza.
Sa ikalawang palapag ng restaurant, tanaw niya agad si Yoli at Lola Lena. Si Yoli ay parang nahihiya sa suot niyang striped shirt at pantalon.
"Hi Bebs," bati ni Pepe.
"Hi din, Lovey," ngumiti si Yoli. "Meron akong ibibigay sa'yo."
Inabot niya kay Pepe ang isang red plastic rose. "Ayan. Para sa'yo."
Ngumiti si Pepe at binuksan ang bag. "Eh ako rin, may para sa'yo."
Inilabas niya ang isang bouquet ng pastillas na hugis rosas. May nakatuping kartolina sa ilalim nito na may nakasulat: "Sa'yo lang ako, Yols."
Namula si Yoli at sabay kurot kay Pepe. "Ang cheesy mo, Lovey. Pero gusto ko 'to."
"Meron pa 'yan," dagdag ni Pepe. May isang violet rose na pastillas din sa gitna ng bouquet.
"Naiiyak na ako sa tamis ng pastillas mo," natatawang wika ni Yoli.
"Huwag mo kakainin lahat ha. Baka matunaw pati puso ko."
Habang kumakain sila ng chicken lauriat at halo-halo, lumapit si Lola Lena. "Pepe, bantayan mo muna si Yoli ha? May bibilhin lang ako sa palengke."
"Opo, Lola."
Pagkaalis ni Lola Lena, napangiti si Yoli. "Alam mo, ang saya ko ngayon. Kahit hindi full date, parang Valentine na Valentine talaga."
"Ako rin. Kahit simple lang, basta kasama kita."
Matapos kumain, lumakad ang dalawa patungong Plaza Selling. Bumili sila ng purple stuffed bear, heart-shaped balloons, at mga sticker hearts sa Kabagis Department Store.
Pagkatapos nito, umupo sila sa harap ng plaza kung saan may landmark na malaking puso at maraming upuan. Doon sila nagselfie, nagpose pa si Pepe na parang commercial model ng chocolates.
"Eto na siguro ang pinaka-cute nating picture," wika ni Yoli.
"Oo nga. I-print natin 'to, tapos ilagay sa kwarto ko."
"Excuse me, sa kwarto mo lang? Dapat meron din ako."
"Okay, fine, kahit sa pintuan ng refrigerator."
Naglakad pa sila sa paligid, tumambay sa fountain, at naglaro ng "hulaan kung anong kulay ng damit ng susunod na dadaan."
Bago sila umuwi, binilhan pa ni Pepe si Yoli ng maliit na slice ng Red Velvet cake mula sa bakery sa tapat ng plaza.
Sa pag-uwi, sabay silang naglakad patungong sakayan. Pagdating sa bahay, nag-video call ulit sila.
Habang nanonood ng Kapuso Mo, Jessica Soho, hindi nila napigilang tumawa sa feature ng "Singsing na Nahulog sa Poso Negro."
"Lovey, promise mo, huwag mong ihuhulog ang singsing ko diyan ha," biro ni Yoli.
"Hindi. Pero kung sakaling mangyari, lulundagin ko kahit poso negro yan."
"Ih, kadiri!"
At nagtawanan silang dalawa, sa gabing puno ng tamis, pastillas, plastic roses, at mga pangakong hindi kailanman malulunod.
121Please respect copyright.PENANA7neBEeRGhS


