Kabanata XX: Server Ka Ba?
Linggo-linggo, parang routine na sa kalendaryo ni Pepe at Yoli ang pagkikita tuwing lunch break. Ang kanilang tinatambayan? Wala nang iba kundi ang sikat na empanadahan sa Plaza sa tapat lang ng Divine Word College of Burnayan. Kung may patron saint ang chismisan at merienda, malamang ay may altar na silang dalawa roon.
"Lovey, may bagong chika ako!" bungad ni Yoli habang inaabot ang empanadang may itlog at longganisa.
"Ako rin, pero 'di ko alam kung chika ba 'to o horror story," sagot ni Pepe habang sinasawsaw sa suka ang kanya.
Habang ngumunguya, nagkwekwentuhan sila tungkol sa klase, sa prof nilang masungit, at kung paanong si Sir Rodolfo sa Physics ay biglang napalitan ng isang mas batang guro na may dalang chalk, laser pointer, at pamatay na British accent.
"Lovey, aminin mo, crush mo si Sir Ethan," tukso ni Pepe.
"Hindi ah! Pero in fairness, ang galing niyang magturo. Gets ko na yung motion and acceleration. Tsaka... amoy niya parang imported shampoo."
Nagkatawanan sila, at pagkatapos ng empanada, diretso sila sa National Bookstore sa Plaza Selling. Bumili si Pepe ng bagong graphing notebook, si Yoli naman ay bumili ng sticker book na may unicorns. Sa bawat ikot sa bookstore, para silang mga bata sa toystore. May pa-sticker test, pa-marker swatch, at kung minsan ay sinusubukan nila ang mga ballpen kung gumagana, kahit wala naman silang balak bilhin. Pumunta pa sila sa mga ukay-ukay sa likod nito, at sa mga kwintas, scrunchies, rings, ear rings, at plushies sa Broadway Gems.
Pagkatapos nun, ay pupunta na sila sa paaralan dahil 1pm ang pasokan at kapag late ang isang estudyante na papasok, ay huhulihin ang guard ang ID ng estudyanteng iyon, at ang maaari lang kung special ang pinuntahan ang estudyante o kasama niya ang pamilya niya. In that case, sa mata ng mga guards sa gate, magkapatid ang pagkita nila kay Pepe at Yoli kapag pumasok na sila sa gate. Pero di nila talaga alam ang totoo sa likod nito na may kakaibang relasyon pala ang mga ito.
Pagsapit ng Sabado ng gabi, nag-chat na naman ang dalawa.
Yoli: Lovey, naisip mo na ba na kung hindi ka naging altar server, ano kaya ang naging role mo sa simbahan?
Pepe: Siguro... taga-linis ng insenso? O taga-kumpas ng choir?
Yoli: Hahaha! Ako kaya?
Pepe: Eh gusto mo ba maging sakristan?
Yoli: smirks emoji Lovey... sakristan na ako. Sa parokya namin sa Basi!
Pepe: Wehhhh. Hindi nga?
Yoli: Totoo! Nandito ako ngayon kasama ng mga altar server. O ayan oh, selfie namin.
Tiningnan ni Pepe ang litrato. Medyo madilim, pero mukhang may Yoli ngang nandoon.
Pepe: Eh nasan ka?
Yoli: Dito sa bahay ni Kuya Paeng ko sa altar server ministry. May leukemia siya, binabantayan ko. sad face emoji
Napahinga nang malalim si Pepe.
Pepe: Paeng? Okay... sabihin mo sa kanya, pagaling siya.
Pepe: Kuya Paeng, kahit hindi mo ako kilala, I want you to know that God is always with you. Sa bawat chemo session, sa bawat gabing nahihirapan ka huminga, may nagdarasal para sa'yo. At hindi ka nag-iisa. Isa kang mandirigma, isang halimbawa ng tapang. Fight lang bro, do this for your family and remember that there's more to life. Kaya laban lang, Kuya.
Matapos ang mahaba at heartfelt na mensahe, nagpaalam si Yoli.
Yoli: May aasikasuhin lang ako, Lovey. Chat kita mamaya.
Kinabukasan, Linggo. Nagsimba sina Pepe kasama ang kanyang mga magulang. Sa Basi sila nagpunta para magmisa. Pagkatapos ng misa, tumingin-tingin si Pepe sa paligid, umaasang makita si Yoli na nagsasakristan. Pero wala naman siya. Mula sa sacristy sa likod ng simbahan, hanggang sa parish office, wala naman si Yoli doon. Umuwi na lang sila pakatapos nito, pero dismayado si Pepe dahil dito.
Pag-uwi nila, agad niyang tinawagan si Lola Lena.
"Good morning po, Lola! Blessed Sunday po! Pumunta kami kanina sa simbahan diyan sa Basi."
"Ay, good morning din iho. Kumusta naman?"
"Okay naman po. Ang presider kanina ay si Fr. Glen."
"Ay, mahusay na paring iyon, Iho. Ginawa niya ba yung trademark Gregorian chant niya kanina?"
"Yes po, ang husay niya po. Pero... hindi ko po nakita si Yoli. Sabi niya kasi, nagsasakristan siya diyan sa parokya ninyo."
Tahimik si Lola Lena sa linya.
"Bakit, iho?"
"Eh... nagkwento po siya kagabi. Nandun daw siya sa bahay ni Kuya Paeng niya. Yung may leukemia."
Napakamot ng ulo si Lola Lena. "Sino'ng Paeng?"
"Sabi po niya, sakristan sa Cathedral sa Burnayan, at kuya niya raw."
Napatayo si Lola Lena. "Naku Diyos ko. Iho, hindi totoo yan. Wala siyang kuya. Isa lang ang anak ko. Si Yoli lang. At kahapon? Nasa bahay lang 'yan. Nakatihaya sa sofa habang nagti-TikTok."
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Pepe.
"Pero Lola, pati litrato pinakita niya!"
"Anak ng tipaklong. I-edit lang 'yan! Ay nako, iho. Matulog ka na lang muna. Pati ako, tatawagan ko ang mga tita niya para usisain 'to."
Nagbitaw ng malalim na buntong hininga si Pepe. "Sige po, Lola. Matutulog na lang po ako... bago ako sumabog sa inis."
Habang nakahiga, na-imagine niya si Yoli, gising na at tumatawa. Yung tawang may pagka-maniac na parang kontrabida sa anime.
"HAHAHAHAHA! Nahulog na naman sa bitag ko si Pepeeee! Let see what you look like now!"
"Parang, ano naman ang batang ito? Ano to? What-if what-if lang? Kunware?"
Napailing na lang si Pepe.
Pepe: Lord, give me strength. Amen.
Sa kabilang banda, sa bahay nina Yoli, abala sina Cristina at Criselda sa pagtingin sa cellphone ni Yoli habang natutulog pa ito.
"Teh, nakita mo na 'tong convo nila ni Pepe?"
"Oo. Grabe. Grabe talaga. Si Yoli, feeling agent ng teleserye."
"Tingnan mo 'to, nagsend ng picture ng altar server. Pero hindi siya ito, oh. Mukhang filter lang at blurred pa."
"Ay Diyos ko. Kelan ba natin siya makakausap ng direkta nang walang dagdag-bawas ang kwento?"
"Siguro kapag nag-retreat siya. Alone. Walang signal."
Napailing silang dalawa, at pinagplanuhan na kung paano kakausapin si Yoli nang hindi ito madrama.
Samantala, tulog na si Pepe, at sa panaginip niya, humahabol sa kanya si Yoli suot ang sotana, may hawak na kandila at sumisigaw ng, "Ako ang tunay na sakristan ng Basi!"
117Please respect copyright.PENANAidjFCbScxu


