Kabanata XIX: Kapatid?
"Lovey, what if hindi tayo nagkakilala noon?" tanong ni Yoli habang naka-video call sila ni Pepe.
"Eh 'di malungkot ang mundo ko ngayon. Wala akong kasabay sa chismisan, wala akong Lovey," sabay kindat ni Pepe sa camera.
"Ayyy, charot ka talaga! Pero seryoso, Pepe... what if may ibang naging Lovey ako?"
"Eh 'di hindi mo mararanasan ang mala-unli chismis kong walang prenong delivery. At hindi ka matuturuan sa Math," sabay taas ng kilay ni Pepe habang may hawak na mechanical pencil, kunwaring teacher ang dating.
Tumawa si Yoli. "Aba, galing ah!"
Habang nagtatawanan pa sila, biglang sinabi ni Yoli, "Uy, after nitong dalawang episode ng Tadhana, punta ako bukas sa inyo. Magpapatutor ako sa'yo."
"Game! Asahan kita, Lovey," sagot naman ni Pepe.
Nanood nga sila ng dalawang episode ng Tadhana, sabay ng side comments nila na para bang live react YouTubers:
"Lovey, bakit ganun? Pinagtaksilan na nga, siya pa ang lumuhod?"
"Kasi nga drama 'yan, Yols. Kung walang luha, walang ratings."
Pagkatapos ng marathon viewing nila, nagyaya si Yoli. "Lovey, truth or dare tayo!"
"Ay hala, delikado 'yan. Pero sige, game! Ikaw mauna."
"Wait lang, magsipilyo lang ako. Ayokong matalo sa battle of breath, hahahaha!"
Habang naghihintay si Pepe kay Yoli, kinuha niya ang pagkakataon para matapos na lahat ng takdang-aralin niya. Tinapos niya ang essay para sa Filipino, binuo ang lab report sa Biology, at nilagpasan ang dalawang activity sheets sa Math. Ang huli niyang tinapos ay ang long assignment sa Physics.
"Whew! Mission accomplished," bulong ni Pepe, sabay higa ng saglit sa kama niya.
Eksaktong pagbukas ng screen ni Yoli, sakto ring natapos ni Pepe ang huling assignment niya.
"Ready na ako, Lovey!"
"Ako rin... ready na rin akong... matulog. Joke! Game na nga tayo."
Habang nanonood ulit sila ng Tadhana, unti-unting hindi na nagsasalita si Yoli. Napapansin ito ni Pepe.
"Lovey? Still there?"
Walang tugon. Kundi ang soft breathing ni Yoli, tulog na tulog.
Sa kabilang kwarto, napansin ni Tita Criselda ang video call na bukas pa.
"Hala, Yoli! Ayan ka na naman, tulog na nakabukas pa ang video call," sabi niya habang dahan-dahang kinukuha ang cellphone ni Yoli at nilalapag sa tabi.
Nakita niya si Pepe sa screen. "Hi, Pepe. Tulog na tong damulag."
"Hi po, Tita. Sabihin ko lang po, pupunta po siya bukas dito sa amin para magpatutor."
"Ay sandali. Ma! Halika dito! May sasabihin si Pepe."
Pumasok si Lola Lena na may dalang tabo ng tubig. "Ano na na naman yan?"
"Pepe raw, Ma. May chika."
"Ah eh, Lola, pupunta po si Yoli bukas dito sa amin para magpatutor," maingat na sabi ni Pepe.
Medyo napatigil si Lola Lena. Kitang-kita sa mukha ang pag-alala, ngunit tinakpan ito ng ngiti. "Ah, ganun ba? Okay, sige. Basta para sa pag-aaral."
Kinaumagahan, tinawid nina Yoli at Lola Lena ang gilid ng national highway. Habang nag-aabang ng bus, hawak-hawak ni Yoli ang notebook niyang may drawing pa ng unicorn sa cover.
"La, tingin mo ba matatakot si Pepe sa dami ng tanong ko mamaya?"
"Mas matatakot ako kung wala kang tanong."
Pagdating sa terminal sa Burnayan City, agad silang sumakay ng tricycle papuntang Puerto Pandan. Pagkababang-pagkababa sa tapat ng bahay nina Pepe, dali-daling tumakbo si Yoli papasok.
"Loveyyy! Nandito na ako!"
"Hi, Lovey! Halika, tuloy ka."
Si Lola Lena, naiwan sa sala. "Makikihalubilo ako sa plantsa, wag nyo akong isipin."
Sa loob ng kwarto, inilabas ni Yoli ang notebook niya. Nag-umpisa sila sa Algebra, sinundan ng Trigonometry, at siningitan pa ni Pepe ng konting Physics.
"Ang tanong, kung si train A ay bumibiyahe mula Maynila papuntang Bicol sa bilis na 90km/h..."
"Lovey, wag mo na ako gawing LRT. Hindi na ako papasok sa equation na yan!"
"Sige na nga. Break time muna."
Sabay upo ni Yoli sa kama, at sa isang iglap, itinulak niya si Pepe. Bagsak sila pareho, sabay tawanan.
"Lovey, ang saya mo kasama," ani Yoli habang nakapatong ang ulo sa braso ni Pepe.
"Kahit tutor lang ako?"
"More than that, Lovey. You're my equation for happiness."
"Ay grabe, hugot ka ngayon ah."
Tahimik silang dalawa ng ilang minuto. Hanggang sa...
"Lovey, may chika ako."
"Go."
"May kapatid ako."
"HA?"
"Oo. Pangalan niya, Luther Bernard. One year older than you. Sakristan siya sa Cathedral sa Burnayan."
"Ang bigla naman, Lovey. May binanggit ka na naman dati na marami kayong magkakapatid na iba-iba ang ama. Totoo ba talaga?"
"Oo. Complex ang family tree namin. Para kang nagta-trace ng genealogy ng dragon."
"Sige, sige. Balik na tayo sa equations, bago pa mag-evolve ang storya mo."
Natapos ang session nila bandang hapon. Pag-uwi ni Yoli, hindi na sila nagvideo call. Nagchat na lang sila sa gabi.
Habang binubuksan ni Pepe ang messenger niya, may isang message siyang natanggap mula sa isang pangalan na... "Luther Bernard."
Luther Bernard: Hi. Kilala mo si Yoli diba?
Pepe: Uh, oo. Bakit po?
Luther Bernard: May worth pa ba ako sa mundo?
Pepe: Hala po. Bakit naman po ganyan ang tanong?
Luther Bernard: Kasi parang wala naman akong silbi. Lahat ng tao tinatawanan ako. Isa pa, bakla ako. Gusto ko nang mawala.
Napailing si Pepe. Agad niyang tinawagan si Luther via voice chat.
"Kuya Luther, wag na wag mong gagawin 'yan. It's a sin against God. Isa kang sakristan, di ba? Napakaimportante ng ginagawa mo."
Tahimik si Luther. Hanggang sa nagsalita ulit.
"Salamat, bro. Kailangan ko lang marinig yan."
Matapos ang usapan, agad na tinawagan ni Pepe si Lola Lena.
"Lola, may nakausap po ako... si Luther Bernard daw, kapatid ni Yoli?"
"Ano raw?!"
"Sabi niya, kapatid daw siya ni Yoli."
"Anak ng... Diyos ko, Pepe. Wala namang kapatid si Yoli. Nag-iisang anak 'yun."
Napamulagat si Pepe. "Ha?!"
"Oo. Huwag ka nang maniwala sa mga ganyang kwento ni Yoli. Baka mamaya, gawa-gawa lang niya."
Galit na galit si Pepe. "Lola, ayoko na. Matutulog na lang po ako. Baka bukas okay na pakiramdam ko."
"Sige na, iho. Pahinga ka. At wag kang mag-alala, aalamin namin ni Criselda at Cristina kung sino yang Luther Bernard na 'yan."
Sa kabilang dako, nagchichikahan na naman sina Criselda at Cristina sa kwarto ni Yoli.
"Teh, tingnan mo nga tong messenger ni Yoli. Sino to?"
Pagkakita nila sa messages, isang shocking revelation ang natuklasan.
"So, totoong tao talaga si Luther Bernard, pero paano niya naging kapatid nito?"
"Hindi ko alam sa kaniya Criselda, pero kung tignan mong mabuti ang mga chats nila at si Yoli, meron ka bang nakikita dito?"
"Huh, parang may something, pero parang brother and sister lang sila. Ngunit ang style ng pagsasalita..."
Nagkatinginan ang dalawang tita.
"Hindi kaya ito ang nagmulan ng style ng pananalita ni Yoli?!", ani ng dalawa.
Parang biglang naging isang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang buong gabi.
166Please respect copyright.PENANARKAjlyfN5g


