Kabanata XVIII: Dad
Isang hapon ng Biyernes, habang pareho silang naka-pambahay at nakaharap sa kani-kaniyang mga laptop, nagsimula na namang mag-video call sina Pepe at Yoli. Tulad ng nakasanayan, wala silang sinasayang na minuto sa usapan. Para bang ang mga bibig nila ay mga train na walang preno—lalo na kung tungkol ito sa eskwela at kung sino ang mas annoying na guro ng linggo.
"Lovey, eto na naman ako," bungad ni Yoli habang nagpapahid ng lip balm. "Sobrang hirap ng Math exam namin, promise. Parang trigonometry ng mga alien."
"Haha, alien talaga? Baka ikaw lang ang alien d'yan na ayaw mag-review," biro ni Pepe habang umiinom ng 3-in-1 coffee. "Pero seryoso, kung gusto mo, magpaturo ka sakin. Ako ang magiging lifeline mo kapag emergency na."
Ngumiti si Yoli. "Yes naman, lovey. Magpapaturo ako sa 'yo. Promise. Baka bigla na lang akong bumagsak sa Math tapos wala na akong future. Benta na lang ako ng fishball sa kanto."
Tumawa si Pepe. "Aba! Eh di masaya. Ako na rin titikim ng fishball mo araw-araw."
Hindi pa sila nakakalahating oras, napunta naman ang usapan sa Physics teacher ni Pepe.
"Alam mo ba, may chika ako. Yung dati naming Physics teacher, inis na inis mga kaklase ko. Grabe kung makapagturo, parang siya lang ang may karapatang umintindi sa lesson. Kahit ang blackboard, confused na. Pero buti na lang, napalitan. Yung bago, grabe! Ang galing. Talagang alam niya kung paano ipasok sa utak namin ang motion at vectors."
"Baka crush mo lang yung bagong teacher mo kaya todo papuri ka," hirit ni Yoli.
"Hoy, hindi ah! Lalake 'yon. At hindi ko type si Sir. Mas type kita."
"Ayyy, kilig!"
Nang matapos ang mahabang chika, sabay silang nanood ng Imbestigador habang sabay na nagko-comment. Halos hindi na nila maintindihan ang plot dahil sa kakatawa sa mga sariling banat.
"Lovey, grabe 'yung acting ni Lola sa reenactment. Parang biglang napasigaw lang siya sa kawalan: 'NANAAAAY!'" tawanan nila.
"Parang ako lang 'yan pag nawawala ka sa chat ng limang minuto," sagot ni Yoli.
Pagkatapos ng episode, biglang seryoso ang mukha ni Yoli. "Lovey, may gusto akong ipakilala sa 'yo."
Napakunot ang noo ni Pepe. "Sino naman 'to? Huwag mong sabihing isa na namang pogi mong tito ha."
"Hindi. Si... Dad ko."
Tumigil si Pepe sa pag-inom ng kape. Nabuhusan siya ng konting kaba. "Dad mo? As in biological father?"
"Yes! Pero huwag kang kabahan. Chill lang si Dad. Ang pangalan niya... Lou Is."
"Ano? Lou... Is? Ganyan ba talaga ang pangalan niya?"
"Oo. Spell mo: L-O-U space I-S."
Nagtaas ng kilay si Pepe. "Parang binuo lang sa loob ng jeep 'yang pangalan na 'yan."
Sa halip na ma-offend, natawa lang si Yoli. "Ganyan talaga siya. Unique. Alam mo ba, nagkakilala sila ni Mama sa UST. Si Dad, 16 lang daw noon. Si Mama, 26."
"WHAT?!" Halos malaglag ang laptop ni Pepe. "Illegal 'yan, Yoli. Hindi ba dapat si Dad ang mas matanda?"
"Sila daw ang Romeo and Juliet ng España, Manila."
"O baka Juliet and... Romeo Jr."
Nagpakita si Yoli ng litrato ni Lou Is. Ang nakakagulat, batang-bata ito. Mukhang ka-edad lang nila ni Pepe. Mas lalong napatda si Pepe nang makita ang profile picture: si Capuccino, ang pomeranian ni Yoli, nakakulungan at may caption na "Babaeng hindi ko makakalimutan."
"Ito ba talaga si Dad mo?"
"Yes, lovey. Don't doubt the dad."
Kinaumagahan, habang nanonood sila ng Ika-6 na Utos, biglang nag-chat kay Pepe si "Lou Is." Hindi niya alam kung anong sasabihin, pero game siyang makipag-chat.
Lou Is: Hello. Ako si Lou Is, tatay ni Yoli. Salamat sa pag-aalaga sa anak ko.
Pepe: Ah eh... hello din po. Wala pong anuman. Hehe.
Lou Is: Chill ka lang. Hindi ako monster-in-law.
Natawa si Pepe. Kakaibang tatay nga. Maya-maya, nag-offline na si Lou Is, sabay sabi na aayusin daw niya ang laptop.
"Ang totoo niyang pangalan ay Louis Sebastian Filipo," bulong ni Yoli.
"Parang pangalan ng k-drama lead 'yan ah," biro ni Pepe.
Isang gabi, bigla na lang nag-aya si Yoli na maglaro ng tea cups.
"Lovey, tara. Gusto ko maglaro ng pretend tea party."
"Tea party? Gabi na!"
"Gusto ko lang. Feeling bata lang."
At naglaro nga si Yoli ng tea cups. Kinabukasan, ikinuwento ni Lou Is sa chat kay Pepe na nakatulog si Yoli habang hawak pa ang plastic teacup.
"Nag-iinuman din kami ng Soju dito sa labas. Pero ako lang pala."
Kinagabihan, nakita ni Pepe sa mystory ni Lou Is na kinongratulate niya si Yoli dahil nakahabol ito sa honors list.
"Proud ako sa'yo, anak."
Kinilig si Yoli at pinakita ito kay Pepe. "Lovey, nakita mo? Proud siya sa akin!"
Isang hapon, sabi ni Yoli: "Lovey, 'yung pulang kotse na susundo sa akin mamaya? Si Dad 'yon."
Napaisip si Pepe. "Red car? Parang wala naman akong nakita kahapon na ganun sa street niyo."
Habang naghihintay si Pepe sa Plaza, tumawag si Lola Lena.
"Iho, nasaan ka?"
"Nasa Plaza po. Naghihintay ng sundo ni Yoli. Sabi niya kasi, si Lou Is daw, Dad niya, susundo sa kanya."
Biglang natahimik si Lola Lena. "Ano'ng sinabi mo?"
"Yung pulang kotse daw, Dad niya raw. Lou Is."
"Iho, pakinggan mo ako. Walang Lou Is. At wala pa ring komunikasyon si Yoli sa ama niya simula't sapul. Hindi niya pa ito nakikilala."
Natulala si Pepe.
"Anak, pupunta ako riyan. Huwag kang alis."
Pagdating ni Lola Lena, agad niyang kinausap si Pepe.
"Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lahat ng ito. Pero pakiusap, huwag mong banggitin pa si Lou Is sa kanya. Ako na bahala. Mag-uusap kami nina Cristina at Criselda."
Pag-uwi ni Pepe, gumagawa siya ng assignment. Habang abala, si Lola Lena naman ay kinausap na sina Cristina at Criselda.
Habang tulog si Yoli, binuksan nila ang kanyang messenger. At dito nila nalaman ang katotohanan:
Si "Lou Is"... ay walang iba kundi si Yoli mismo. Isa lang itong dummy account.
Nagkatinginan ang dalawang tiyahin.
"Anak ng... Siya pala si Lou Is?!"
Naginvestigate pa ang dalawa sa Facebook at Messenger.
Ang mga photo ni Lou Is, ay kinuha lang ni Yoli mula sa isang content creator.
Noong nakauwi na ang maglola, pumunta agad sa kwarto si Yoli para magbihis, at nandun sa kwarto ay si Tita Cristina niya.
Sinalubong naman ni Criselda si Lola Lena. At agad niya itong sinabi kay Lola Lena ang tungkol kay Lou Is.
Dahil dito, nagalit ang matanda, "Naku...kakaiba ang batang ito!".
151Please respect copyright.PENANAPPWjhS1eDE


