Kabanata XVII: Iisang Lugar, Pero 'di Nagkita
"Lovey, chismis time!" ani Yoli habang naka-headset at nakahiga sa kama nila. Nakatutok sa kisame, hawak ang cellphone at may background na playlist ng Taylor Swift songs.
"Ay naku, eto na naman. Sino na naman ang bida sa chika mo, Yoli? Si Jenny na naman ba?" sagot ni Pepe, na kasalukuyang naghahanda ng kape habang naka-video call sila.
"Oo! At hindi lang basta-basta, multo-levels ang chika ngayon!"
Napahinto sa paghalo ng kape si Pepe. "Multo? Naku, baka mamaya hindi na ako makatulog niyan ah."
"Eh kasi nga! Remember nung pagkatapos ng klase natin sa umaga? Yung nag-McDo tayo tapos kwento ko yung nangyari samin ni Jenny sa CR?"
"Yung CR na tapat ng classroom sa hagdan?"
"Yun na nga! Sa hilagang bahagi ng building. So eto na, pumasok kami ni Jenny sa CR. Nag-CR lang naman kami pareho. Walang kaalam-alam na may kababalaghan pala. After namin mag-cubicle, habang nag-aayos kami ng sarili sa harap ng salamin, napansin ni Jenny na parang may kakaiba sa isang cubicle."
"As in? Anong 'kakaiba'?"
"Ayan na nga, sumilip ako. Gusto ko lang sana mag-check kung may naiwan na gamit. Pero sa gilid ng cubicle, may sapatos. Hindi siya ordinaryong sapatos. Yung style niya, parang luma. As in hindi uso ngayon. Para bang 1930s na style na may maliit na takong, leather brown, parang galing pelikula."
"O baka naman vintage lang yung trip ng estudyante. Madaming hipster sa school natin ah."
"Lovey, wag mo muna i-cut ang suspense ko. Eto na. Biglang sabi ni Jenny, 'My turn!' At ayun, dahan-dahan siyang sumilip din. Tapos bigla siyang napaatras. Sabi niya, 'May babae dun. Floral ang damit. Mukhang matanda.'"
"Wait lang. Teka lang. Matanda? Sa CR ng mga babae?"
"YES. Kaya nagmamadali kaming lumabas. Pero nung lumabas kami, wala namang lumabas na matandang babae. Wala rin sa hallway."
"Interesting... pero baka may alumna lang na dumalaw. Baka need lang niyang umihi."
"Eh kung hindi siya alumna? Eh kung multo nga siya?"
Tumawa si Pepe, pero sinundan ito ng seryosong mukha. "Okay, okay. Alam mo ba, may chika rin ako tungkol diyan. Nung nagkukwento ako kay Tito Edwin, na may construction project sa DWCB, sinabi niya na nung binungkal nila yung Elementary Grounds... ang dami raw nilang nahukay na bungo."
"Wait lang... bungo? As in skulls?"
"Oo. Sabi ni Tito, confirmed na dati raw sementeryo ang grounds ng Divine Word College of Burnayan. Ang founding year nga pala ng school ay 1822 at itinayo ang paaralan sa taong iyon. Ang sementeryo ay inilipat sa dulo ng Quezon Avenue na nananatili hanggang ngayon. So technically, posibleng may mga hindi pa matahimik na kaluluwa roon."
"AAHHH! Nakakakilabot, lovey! Huwag mo na nga ikuwento. Tumatayo balahibo ko!"
Napatawa si Pepe. "Sabi ko naman eh. Pero in fairness, bagay 'to sa next episode ng Magpakailanman."
Natawa rin si Yoli. "Kung multo 'yan, malamang galit sa maingay."
Bigla namang napasigaw si Yoli. "OH MY GOSH! Lovey! Yung Christ the King 2023 sa Agrimat, this Sunday na!"
"Alam ko. Pupunta kami ng pamilya ko. Malaki 'yan. May prusisyon, misa, at cultural dance pa."
"Sameee! Pupunta rin kami nina Lola. Pero hindi ko alam kung saan banda kami uupo. Baka magkita tayo!"
Dumating ang araw ng Cristo Rey. Maaga pa lang, bumangon na si Pepe. Nakasuot siya ng puting polo at slacks, habang ang mama't papa niya ay handang-handa rin. Biyaheng Agrimat sila, dala ang payong, folding chair, at bottled water—dahil sure silang magiging mahaba ang misa.
Agrimat, ang bayan na kilalang-kilala dahil sa mga tanim nilang mais, at makasaysayang simbahan at especially yung ruins na mula pa sa 1732, ang dating simbahan ng Agrimat pero nasunog ito dahil sa isang rebolusyonaryo noong 1762.
Limang oras. Limang oras na misa, mga kababayan. Saktong init ng araw, halo sa amoy ng insenso, at ang sermon na walang katapusan. Pero sulit naman, dahil napuno ang Agrimat grounds ng mga deboto mula sa iba't ibang bahagi ng lalawigan. May mga banda pa ng mga parokya na tumugtog ng mga religious hymns.
Pagkauwi ng gabi, pagbukas ni Pepe ng cellphone, nakita niya ang story ni Yoli. Nasa Agrimat rin pala ito! Sa kabilang bahagi lang sila nag-stay. May caption pa na: "Viva Cristo Rey! With Lola Lena 💖"
Dali-daling nagchat si Pepe.
Pepe: "Lovey! Nandun ka rin pala? Bakit di mo sinabi?"
Yoli: "Bakit hindi mo rin sinabi?"
Pepe: "Akala ko sinabi ko nung isang araw na pupunta kami."
Yoli: "Galit ako sayo. Kasi hinanap kita, di kita nakita."
Pepe: "Eh andami ng tao, Lovey. Baka malayo lang tayo ng pwesto."
Hindi na sumagot si Yoli.
Sa kabilang dako, galit si Yoli. Pinagalitan niya si Lola Lena.
"La! Bakit hindi mo sinabi kay Pepe kung saan tayo banda? Gusto ko sana siyang makita eh!"
"Anak ng patola naman o! Eh ikaw nga itong hindi nakikinig kahapon. Tinatanong nga kita kung anong gusto mong dalhin, di ka sumagot!"
Galit na si Yoli. Pati si Pepe ay pinagbuntungan niya ng sama ng loob. Tinawagan naman ni Lola Lena si Pepe.
"Iho, pasensiya ka na. Kakalmado rin 'to bukas. Tulog lang ang kulang nito."
"Okay lang po, Lola. Naiintindihan ko."
Kinabukasan, ibang aura ang dala ni Yoli. Good mood, as in todo-good mood. Para bang walang nangyaring tampuhan. Nagyaya siya kay Pepe sa empanadahan.
"Lovey, sama ka. Treat ko. May chismis ako sayo!"
"Hmm, empanada plus chismis combo. Who can say no?"
Pagdating sa empanadahan, naupo sila sa usual spot nila malapit sa puno ng acacia. Nag-order ng tig-dalawang empanada at banana shake. At nagsimula na naman ang walang katapusang chikahan.
"Lovey, alam mo ba, yung girl pala na nakita namin ni Jenny sa CR, meron daw palang historical record na may babaeng madre na nawawala noon panahon ng Amerikano. Parang may nabanggit sa local museum tour ko before. Sabi ng tour guide, may isang madre raw na huling nakita sa may gilid ng simbahan, tapos... nawala na lang bigla."
"Hmm. Kaya pala floral. Baka yun ang ghost. May identity na siya ngayon."
"Sana may closure na siya."
"Wag lang siya mang-istorbo sa klase natin, 'noh."
"True! Baka biglang may umupo na lang sa vacant seat sa likod mo."
"Tigilan mo 'ko, Yoli!"
Napatawa silang dalawa. Matapos ang masayang kainan, naglakad-lakad sila sa Plaza. Kumapit si Yoli kay Pepe at napansin ni Pepe na parang mas sweet ito kaysa dati.
"Lovey, sorry sa tampo kahapon ha. Napagod lang talaga ako."
"Okay lang. Kahit magtampo ka, ikaw pa rin ang paborito kong ghost hunter."
"Che!"
Nagpatuloy sila sa lakad, sa dulo ng Plaza kung saan tanaw ang siluet ng Cathedral. Tahimik ang paligid, pero ang puso ni Pepe ay punong-puno ng pasasalamat. Sa kabila ng tampuhan, multo, at chismis, nananatiling masaya ang relasyon nila ni Yoli.
Sa bandang huli ng araw, nagvideo call ulit sila bago matulog.
"Goodnight, Lovey."
"Goodnight, Yols. Matulog ka na, para di ka magalit bukas."
"Sira!"
Pareho silang natawa. At sa gabing iyon, habang unti-unting pinapatay ng dilim ang mga ilaw sa Burnayan, alam ng dalawa na kahit may mga tampuhan, selosan, at multo pa sa CR, basta't kasama nila ang isa't isa, kakayanin nila ang lahat.
170Please respect copyright.PENANAEalwynF5tH


