Kabanata XVI: Mr. Undercut
Isang Lunes ng gabi, habang kumakain ng leftover na spaghetti si Pepe sa tapat ng electric fan, tumunog ang cellphone niya. Nag-video call si Yoli. Wala pang ilang segundo, sinagot niya ito agad.
"Loveyyy!" bati ni Yoli, habang naka-facemask at nakasalampak sa kama. "Guess what?"
"Hmm... tumaas ulit grades mo?"
"Hihi! Correct ka dyan. Marami akong nakuha sa exam namin. Yung Math, 48 over 50. Yung English, perfect. At yung Araling Panlipunan, konti lang mali. Bibo girl talaga."
"Aba, ang galing naman ng Lovey ko. Proud na proud ako sa'yo," ani Pepe, sabay taas ng thumbs-up. "Pinaghandaan mo talaga."
"Syempre naman! Pero naalala ko, ikaw din pala, Mr. Starboy ng flag ceremony."
"Ay naku, wag mong ipaalala!"
"Grabe ka, Pepe. Idol kita habang kinakanta mo 'Lupang Hinirang' na parang nasa The Voice. Tapos yung Vision Mission natin, kinabog mo si Principal."
"Ako na talaga. Pero to be honest, kami lang ni Migs ang nandun. Out of 18 sa section namin, lima lang ang nagpakita. Sabi ko nga, parang ghost town ang classroom."
"Eh kasi naman Monday, tapos kulang pa kayo sa section niyo. Pero grabe, effort kayo."
"Hindi ko na nga alam kung flag ceremony ba yun o karaoke night."
Tawanan sila ng ilang minuto. Parang walang bigat ang mundo kapag nag-uusap sila. Napunta ang usapan sa tsismis, tulad ng tipikal na magkasintahang bored sa gabi.
"Narinig mo ba, lovey? Yung bagong student assistant daw sa library, pinormahan ni Sir Rommel."
"Weh? Si Sir Rommel? Yung may tattoo ng dragon sa braso na hindi marunong magprinter?"
"Yun nga. Ewan ko ba kung bakit siya pa ang may lakas ng loob."
Tawa ulit.
Ngunit biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
"Lovey," bungad ni Yoli, "Naalala mo ba si Tito Aaron?"
At ayun na naman. Automatic napailing si Pepe sa loob-loob niya. Pero mukha pa rin siyang kalmado. "Oo naman. Yung Tito mong mukhang tropa kong kasing edad ko."
"Hahaha! Ewan ko ba, feeling close yun. Alam mo ba, may friend siyang si Genesis."
Napatigil si Pepe. "Si Genesis? Yung may motor na itim at mahilig sa retro shades?"
"Oo, yun nga! Ang pogi niya. As in!"
Biglang bumagsak ang mood ni Pepe. Hindi halata sa mukha niya sa cam, pero sa loob, may sumabog na fireworks ng selos.
"Pogi pala ha... sino pa?" tanong ni Pepe na may halong sarkasmo.
"Si Genesis. Tapos si Aaron. Sila talaga ang pogi ng taon."
Tahimik si Pepe. Hindi siya binanggit. Hindi siya kasama sa listahan.
Pagkaraan ng ilang segundo, nagising si Yoli sa sariling kakulitan.
"Lovey, ikaw din naman pogi. As in, ikaw lang ang legit pogi sa puso ko. Yung iba, pogi sa paningin. Ikaw, pogi sa damdamin. Uy, kinilig ako sa sarili ko! Haha!"
Ngumiti si Pepe. Ang selos na kanina ay parang naglalagablab, ngayon ay parang naging marshmallow na dahan-dahang natutunaw.
"Uy, wait lang ha, magsipilyo lang ako at mag-CR. Don't go anywhere! I'll be back." sabi ni Yoli.
Habang wala si Yoli, agad kinuha ni Pepe ang phone at tinawagan si Lola Lena.
"Lola, good evening po. May ikukuwento po ako."
"Hmm? Tungkol saan na naman ito, iho?"
"Tungkol po kay Genesis. Yung kaibigan ni Aaron."
Tahimik si Lola Lena.
"Lola, kanina kasi... binanggit na naman ni Yoli. Tapos pinuri pa. Hindi ko na po alam kung concerned lang ako o nagseselos. Pero sa totoo lang, ang labo po talaga."
"Huwag mo nang isipin muna, iho. Pero hindi ko 'yan ibribring up kung naririnig niya ako. Baka magtataray na naman. Kilala mo na 'yan."
Napatango si Pepe. "Sige po, Lola. Salamat po."
Pagbalik ni Yoli sa kwarto, balik-chismisan na naman sila.
"Lovey, alam mo ba na si Ma'am Trina, may fake account na ginagamit para i-check kung sino ang absent?"
"Grabe, undercover teacher! Pwede na siyang agent ng NBI!"
Tawa ulit sila. Pinagpatuloy pa nila ang tsismisan tungkol sa mga kaklase, sa mga memes, at maging sa kanta ni Taylor Swift.
"Yung 'All Too Well' 10-minute version, parang exam sa AP—ang tagal, pero masakit pa rin."
Natatawa na si Yoli habang nagsusuklay ng buhok. "Naku, Lovey. Gabi na pala. Tulog ka na. Mukhang pagod ka sa badminton mo kanina."
"Oo nga. Sige na. Goodnight luv Iloveyouuuu."
"Goodnight, pogi ko. Iloveyouuuu too Peps"
Natulog na si Pepe. Si Yoli naman, bago matulog, nilapitan siya ni Lola Lena.
"Yoli, iha, sana maging tapat ka kay Pepe. Huwag ka nang umasa sa iba pang lalaki. Sa kanya ka lang. Tama na ang drama."
Napamulat si Yoli. "ANONG ALAM MO TANDA? PAANO MO NALAMAN YUN?"
"Tumahimik ka, nandiyan ka na naman iha. Narinig ko kayo kanina, 'di ba natutulog ako sa silid na ito?"
"Hay naku!" sabay talikod ni Yoli.
Kinabukasan, pagkaagahan pa lang, makulit na si Yoli.
"Lola! Ang pogi talaga ni Genesis. Alam mo Criselda, ang gwapo niya! Cristina, nakita mo na ba siya?"
Halos sabay-sabay ang tugon ng tatlong babae sa bahay.
"YOLI, TAMA NA!"
"Grabe naman kayo. Chika lang!"
Pero ilang araw ang lumipas, naging tahimik si Yoli. Hindi na siya nagbabanggit ng pangalan ni Genesis.
"Buti nga, hindi mo kami kinukulit tungkol sa Genesis na 'yan," ani Criselda.
"Isa pala siyang masamang tao," sagot ni Yoli. "Nakakita na lang siya sa akin noon. Creepy talaga."
"Magpatulong ka kay Pepe kasi," payo ni Cristina.
Habang nag-video call ulit sina Pepe at Yoli, binuksan ni Yoli ang kwento.
"Lovey, may kwento ako. Yung Genesis na 'yan, bigla akong nilapitan sa labas ng campus dati. Parang may something sa tingin niya. Tapos sinundan ako hanggang labas ng gate."
Nagulat si Pepe. "Ha?! Dapat ipareport natin 'yan!"
"Wag na, may nag-report na rin sa kanya. Narinig ko kay Kyla. Huwag ka na mag-alala, okay na."
"Sa susunod, sabihin mo agad sa akin. Alam mo naman, may connection ako kay Prefect. Isang tawag lang, aksyon agad. Hindi ko papayagan may manakit sa'yo."
"Thanks lovey. Alam ko naman na andiyan ka. Lagi."
Nagpatuloy ang kanilang tawanan at kulitan. Sa huli, bumigat na ang mga mata nila.
"Goodnight, lovey," ani Pepe.
"Goodnight, pogi. Sweet dreams."
Naka-smile si Pepe habang pinapatay ang ilaw.
At sa kabilang panig, si Yoli, tahimik na nag-iisip. Siguro, may mga bagay na masarap lang pakinggan, pero hindi na dapat inuulit.
142Please respect copyright.PENANAhw2Lrpk0bd


