Kabanata XIV: False Alarm
Gabi na. Yung tipong tahimik na ang mga kalsada, at tanging ingay na lang ay mula sa mga kuliglig at mga motor ng late-night tricycles at mga kamote riders. Sa silid ni Pepe, bukas pa rin ang ilaw ng desk lamp niya na nasa gilid niya nasa harap siya ng laptop niya. Naka-sando lang siya, may bandang tatlong pirasong Chips Ahoy sa tabi, at bukas ang chatbox ni Yoli sa Messenger.
Nag-typing... pero hindi agad nagsesend.
“Yoli, busy ka ba ngayon?” tanong ni Pepe.
“Medyo, lovey. Nag-eempake ako, hehehe” sagot ni Yoli, kasunod ng isang sticker ng babaeng bitbit ang overnight bag.
Napakunot ang noo ni Pepe. “Ha? San ka punta?”
“Kay Tito Aaron sa San Sebastian, sa Bayan ng Ferrer. Makiki-sleepover lang. Andoon din si Jaden, pinsan ko.”
“Sleepover?”
“Oo. Walang masama naman doon, tito ko naman si Aaron, at pinsan ko si Jaden, lovey.”
Hindi agad nag-reply si Pepe. Parang may kumalabit sa likod ng batok niya.
“Paano mo naging pinsan si Jaden?” tanong niya ulit.
“Mag-2nd cousin sila ni Aaron. So, technically, pinsan ko na rin siya.”
Nag-cringe si Pepe. Alam niyang minsan, mahilig si Yoli mag-imbento ng terms of endearment para sa mga tao sa paligid niya—lahat na lang 'pinsan' o 'tito'. Pero iba ang pakiramdam niya ngayon.
“Pwede ba tayong mag-video call?” tanong ni Pepe.
“Ay, wag muna lovey. Baka maistorbo ko sila. Nakausap ko lang saglit sila habang naghahanda ako, at baka kasi kung tatawag ka sakin doon eh, malalaman nila ang sekreto nating dalawa :(”
After a few seconds, may picture siyang natanggap mula kay Yoli. Naka-white t-shirt at floral shorts ang lalaking nasa larawan. Nakasandal sa isang monobloc chair, may hawak na bote ng softdrinks.
“Si Tito Aaron yan. Chill lang kami later.”
Hindi alam ni Pepe kung ba’t parang may kiliti ng kaba sa dibdib niya. Parang gusto niyang gumamit ng detective lens at mag-CSI sa lahat ng detalye sa picture.
“Gotta go now, lovey. Chat na lang tayo bukas. Mwah!”
“Okay... please stay safe there.”
Hindi pa rin mapakali si Pepe. Kaya naisipan niyang tawagan si Lola Lena.
Sumagot si Lola Lena, habang may naririnig pa siyang kaluskos ng kutsara't plato sa background.
“O, iho. Napatawag ka?”
“Lola, andyan po ba si Yoli?”
“Katatapos lang niyang mag-dinner. Nag-toothbrush na sa banyo. Bakit, iho?”
“Kasi po... sabi niya pupunta raw siya sa sleepover kina Tito Aaron at andun si Jaden, pinsan daw niya.”
Tahimik si Lola Lena. Napalingon sa pintuan ng banyo.
“Ano? Anong sleepover? Wala akong alam diyan, iho. At hindi siya makakalabas ng bahay nang hindi ako kasama.”
Sakto, bumukas ang pintuan. Si Yoli, naka-pajama at may dala pang bimpo sa balikat. Pumasok sa kwarto ni Lola Lena.
“Tanda! Sino ang kausap niyo, Tanda?!” tanong ni Yoli.
Napatingin si Lola Lena sa cellphone at mabilis na nagbago ng tono.
“Si Tito Carl mo. Tumawag lang. Tinanong kung may extra kang notebook sa school.”
“Ahh. Okay po.”
Umalis ulit si Yoli. Paglabas nito, balik si Lola Lena sa cellphone.
“Mamaya na lang tayo mag-usap, iho. Pero huwag ka na lang magreact kung nagsasabi na naman siya ng mga sinungaling. Itong batang ito... nako talaga.”
“Okay po, Lola. Goodnight po sa inyo diyan.”
“Goodnight din, iho.”
Pagkababa ng tawag, agad nag-Facebook si Pepe. Chineck niya ang profile ni Jaden, at ni Aaron. Scroll dito, zoom in doon, tapos nakita niya ang mismong larawan na sinend ni Yoli—galing pala iyon sa isang lumang post ni Aaron last month na parang pang-instagram lang ang kita nito. Collection ito ng iba’t-ibang photos and selfie niya. Hindi real-time.
At doon siya napatitig sa kisame. “Ayaw mong mag-video call kasi wala ka talaga doon... pero bakit mo pa kailangang magsinungaling? Hay naku! Talagang ibang-iba ang jowa kong ito!”
Kinabukasan, tanghali na. Habang nakalugmok si Pepe sa kama na parang bagong gising sa isang teleserye, biglang nag-ring ang video call. Si Yoli.
“Hi lovey!”
“Hi,” sabay ngiti ni Pepe na pilit pero magalang.
“Chika tayo! Grabe si Jenny, noh? Crush pala niya si Kuya Ian!”
“Talaga?”
“Oo! Nakita ko ‘yung mga pinopost niya. Tapos may drawing pa siyang pangalan nila!”
Tawa lang si Pepe. “Naku si Jenny, baka drawing lang din ‘yang crush niya.”
Nagkasabay sila sa tawanan. Medyo gumaan ang mood.
Pagkatapos ng tsismisan, nagsimula nang magkwento si Yoli.
“Alam mo kagabi? Ang saya-saya. ‘Yung sleepover, sobrang fun! Nagpa-take out pa si Aaron ng pizza. Tapos nagkwento kami ni Jaden ng mga horror stories!”
Nagkukunwaring interesado si Pepe. “Ohhh. And then?”
“Sabi ni Jaden, nakita raw niya ‘yung multo ng lola nila sa hagdan!”
“Multo, huh? Ayos ‘yun.” Sagot ni Pepe na parang voice prompt ng AI.
Patuloy si Yoli. “Tapos si Aaron, uminom siya ng konting alak. Pero konti lang naman! Nakatulog agad pagkatapos.”
Napakunot noo si Pepe. “Uminom siya? Baka kung anong nagawa sa’yo.”
“Wala! Lovey naman, ‘wag kang praning.”
Pero bago pa siya makapagsalita ulit, may biglang sumabat sa call.
“Huwag mong paniwalaan yan, Pepe.”
Nagulat siya. Isang bagong mukha ang lumitaw sa gilid ng frame—medyo kamukha ni Yoli pero mas mature at may bagsak ang buhok.
“Si Criselda ‘to, tita ni Yoli. Twin ng tita Cristina niya. Alam mo, wala namang sleepover na ‘yan. Nag-stay lang ‘yan dito kagabi, natulog ng maaga. Walang Aaron, walang Jaden.”
“CRISELDA!!! TUMAHIMIK KA NGA!” sigaw ni Yoli, parang tinadtad ng kidlat ang video call.
Biglang nawala si Criselda sa frame. Si Pepe? Nakatingin lang sa screen, hindi na nagsalita. Ngumiti siya. ‘Yung tipong ngiti na hindi na kailangan pa ng salita—alam niya ang katotohanan.
Para i-disconnect ang awkwardness, nagyaya si Yoli.
“Tara, nood tayo ng Magpakailanman. Yung episode na ‘Yung Babaeng Nag-imbento ng Sleepover’, chos!”
“Oo na,” tugon ni Pepe.
Nanood sila ng dalawang episodes. Tahimik lang si Pepe. Pero sa puso niya, may kirot. Hindi dahil sa chismis o video call. Kundi dahil sa unti-unting pagtibag ng tiwala.
Pagkatapos ng pangalawang episode, nag-goodnight si Yoli.
“Goodnight lovey. Tulog ka na agad ha.”
“Goodnight, Yoli.”
Napatitig si Pepe sa screen ng phone niya. Humikab. Pero bago niya i-off ang ilaw, tinitigan niya ulit ang chat.
195Please respect copyright.PENANAjQpzE2pSRI
Buti nga walang “:)” ngayon. Pero sa isip niya, mas ramdam niyang may mas malalim na dapat pag-isipan.
ns216.73.216.37da2


