Kabanata XIII: Selosa
Tanghaling tapat. Wala masyadong init dahil makulimlim ang langit. Nasa kwarto si Pepe, nakasando at boxer shorts lang, nakaupo sa gaming chair niya habang kausap si Yoli sa chat. Tawa sila nang tawa habang binabalita ni Yoli ang latest chika sa paaralan nila.
“Grabe, Pepe! Alam mo ba na nakita si Ma’am Ilona sa palengke, nakikipagtawaran sa saging?”
“Eh? Talaga ba? Si Ma’am Ilona? Akala ko mamahalin lang siya namimili ng banana split!”
Parehong humagalpak sa tawa ang dalawa. Dalawang mundo, parang sa bahay silang dalawa pero isang barikada – ang mga monitor. Yung tipong konting tawa lang, solb na solb ang araw.
Pagkatapos ng chismisan, nagyaya si Yoli, “Tara, nood tayo ng Tadhana sa GMA. Yung episode na ang setting ay Kuwait at I think parang kasambahay yata ang trabaho ng babae o flight attendant. Parang ako lang, hihi. Future flight attendant for the win.”
“Hehe! Talaga naman, gayan ang Yoli ko. Baka lumilipad na ang utak mo diyan, hehe”
“Hoy! Baka ikaw? Parang doon sa natikim mong empanada na may kakaiba, HAHA!”
“Hindi ako nabigo sa empanada, ah. Nabigo lang sa napanood kong anime. But nga na meron kang nagpaalala sakin at nagcomfort sakin eh. Kung teacher mo ako, 98 grade mo na sakin,” sagot ni Pepe sabay kindat sa camera.
Nag-stream sila ng episode. Sa bawat iyakan ng bida, sabay nilang bina-bash yung kontrabida. “Grabe ‘to, ang arte!” “Ay juice colored, ilang beses pa siyang paiyakin!”
Pero bago pa matapos ang episode, biglang naging seryoso ang mukha ni Yoli.
“Kuya… wait lang. May ipakikilala ako sa’yo.”
Nagulat si Pepe. “Ha? Sino?”
May sumulpot sa screen na bagong mukha. Maputi, mahaba ang buhok, naka-headband at parang mahiyain pero nakangiti.
“Kuya, this is Hazel Joy Navarro. Kaibigan ko siya mula Salamague, Intraquiando. Gusto ka raw makilala.”
“Hello po, Kuya Pepe,” bati ni Hazel Joy na parang may kasamang shyness filter.
“Hello din, Hazel. Uy nice to meet you! Welcome to our... chismisan.”
At doon na nagsimula ang maikling kwentuhan. Nagbiro pa si Pepe at in-advertise ang kanilang lugar:
“Sa Burnayan ako, isang lungsod na may mga lumang bahay na gawa sa ladrillo. Pati mga cobblestoned streets, sobrang aesthetic. Perfect sa mga #OOTD shot mo. Ang hari ng kalsada dito ay hindi Jeepney, kundi ang Calesa. Hari ng kalsada for 400 years or more. Tapos may empanada, longganisa, at ‘di mo dapat palampasin ang Noche de las Luces sa October! Ang twilight festival na ipinadiriwang tuwing lalapit na ang Undas. Grab anything for a spectacular event!”
Ngumiti si Hazel. “Wow kuya, parang gusto ko tuloy pumunta diyan.”
Ngunit sa kabilang linya, hindi alam ni Pepe na kumulo na ang damdamin ni Yoli. Hindi man niya pinapakita, pero may konting kirot. Ito ay walang iba kundi, selos. At hindi niya alam kung bakit.
Pagkatapos ng call, nag-send si Yoli ng goodnight message:
“Goodnight, Lovey ko :)”
Natigilan si Pepe. Alam niya. Hindi good sign ‘pag may “:)” na emoticon si Yoli. Parang silent treatment ng emoji world.
“Ok ka lang ba Yoli?”, ani Pepe
“Yes Lovey ko :)”
“Sige na, Goodnight, Sweet dreams, and sleep tight, Yoli. I love youu,” reply ni Pepe.
Biglang may bagong chat. Si Hazel Joy.
“Kuya, thank you po kanina. Ang bait mo po talaga.”
Nag-reply si Pepe. “No problem, bunso. Basta kaibigan ka ni Yoli, kaibigan na rin kita. Pwede kang magtanong o magpa-advice sakin ha?”
Friendly siya. Pero walang siyang ibang balak. Isa lang ang jowa niya—si Yoli.
Kinabukasan, maaga pa lang, tahimik na si Yoli. Sa classroom nila, hindi masyado umiimik. Kapansin-pansin ang kawalan ng kibo.
“Hi love,” bati ni Pepe.
“Hello,” tipid na sagot.
Naguluhan si Pepe pero hindi niya inisip na selos ang dahilan. Ang akala niya, pagod lang si Yoli. Kaya naging mabait siya buong araw. Hindi niya alam, sa bawat sulyap ni Yoli sa kanya, may kurot sa puso nito.
Dumating ang hapon. Early dismissal. Sa tapat ng auditorium, naghihintay si Lola Lena.
Saktong andun din si Pepe, kasama si Migs, nagba-badminton sila sa loob.
Pagtingin niya sa labas, “Uy! Si Lola Lena!”
Nilapitan niya ang matanda.
“Good afternoon po, Lola. Pahinga po muna kayo dito sa stone table po.”
“Ay salamat, Pepe. Mabuti at andito ka.”
Tumabi si Pepe sa bangkong yari sa konkreto. Napatingin si Lola Lena, seryoso ang mukha.
“Iho, kilala mo ba kung sino yang si Hazel Joy?”
Napakunot-noo si Pepe. “Kaibigan po ni Yoli. Bakit po?”
“Eh sabi ni Yoli, nakikipagtalik ka raw diyan sa bata na ‘yan.”
Parang may nalaglag na baso sa loob ni Pepe. Namilog ang mata. “Ano raw Lola? Hindi po totoo ‘yan. Friends lang po kami. Walang ganyanan.”
“Talaga?”
“Opo! Wala po akong intensyon na saktan si Yoli. Kung selos lang po ‘yan, eh… para wala ng gulo, ide-delete ko na lang po ang convo namin ni Hazel Joy. Iba-block ko na rin siya kung gusto niyo po. Basta happy si Yoli.”
Napatingin si Lola Lena sa kanya. Nakita niya ang sinseridad. Tumango siya.
Ilang saglit lang, lumabas na si Yoli mula sa auditorium. Diretso ang tingin sa kanya. Galit? Nagtatampo? Pareho.
“Yoli, iha” sabat ni Lola. “May sasabihin si Pepe sa’yo.”
Tumayo si Pepe, lumapit.
“Yoli… wala kami ni Hazel Joy. Ikaw lang ang jowa ko. Huwag kang mag-overthink, luv. Ikaw lang talaga.”
Tahimik si Yoli. Hanggang sa tuluyang pumatak ang luha niya. Lumapit siya at niyakap si Pepe. Mahigpit yakap niya sa kaniya. Parang gustong habambuhay na hindi bitawan.
“Sorry, Peps,” bulong niya.
“Okay lang yun, luv. Basta tayo, tayo, huwag kang mag-iisip ng ano man diyan ha?”
Sabay silang naglakad palabas kasama si Lola Lena.
“Oh siya,” ani Lola, “Uwi na tayo. Huwag niyong kalimutan—wala sa Facebook ang tunay na pagmamahalan. Nasa tiwala.”
Natakbo pa ni Pepe ang classroom para kunin ang bag niya since dismissal na rin nila at wala kasi yung instructor nila para sa last period class. Pagkababa niya, sakto pa ring andun si Yoli.
“McDo?” tanong niya.
Ngumiti si Yoli. “Sagot mo ha.”
“Okay. Basta walang emoticon na :) ngayong gabi.”
Nagkasabay silang pumasok sa McDo. Chicken fillet sa tray, fries sa gitna. Isang simpleng merienda na may kasamang tawanan, patawaran, at pagmamahal.
190Please respect copyright.PENANAB3v5W4tw7w


