Hindi mawala sa isip ko ang nakita. I hated the way that moment occupied my mind the whole day and whenever I try not to think about it, it only keeps on cycling back! Hindi ako makapag-focus sa kung ano man ang gusto'ng gawin ni Lola at Mama ngayong araw dahil paulit-ulit na nagpaplay sa utak ko ang nakita ko kaninang umaga. Nakakainis na!
"Venice 'nak, okay ka lang?" napatingin ako kay Mama ng marinig ang boses niya. We are currently at a restaurant for lunch. She insisted on having a girls day out since she didn't want to rest. Mas gusto daw niyang pagurin ang sarili niya para maayos ang tulog niya mamayang gabi.
Tumango ako bilang sagot. "Opo Ma,"
Natawa si Lola, na para bang may alam siya'ng hindi namin alam ni Mama. "Naku Miranda, kanina pa 'yan tulala at mukang naiinis." malumanay na saad nito.
I forced a smile to hide myself from embarrassment, thinking it'll help me conceal whatever is occupying my mind. Kasalanan 'to ni Theo eh! Why'd he have to look my way when it was obvious that it was the woman he's with I am staring at and not him! Sino ba kasi ang babaeng 'yon at ano ang parte niya sa buhay ni Theo? Tsaka bakit ba ako curious? Ano bang pakialam ko?
"Diba Miranda? Naiinis na naman anak mo." rinig ko ang tawanan nila'ng dalawa. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Mahirap na at baka mamaya sa kanila pa ako magalit lalo na't wala naman sila'ng ginagawang masama.
"Lola, trabaho lang po." bigla siya'ng natigilan siya sa pag tawa at itinuon ang buong atensyion nito sa 'kin.
"Nga pala apo," paninimula niya. I took a sip of my drink before attentively shifting my full attention to her. Mama did the same thing, our only difference is that she's busy slurping down her strawberry milkshake. "Si Theo ba 'yong binata kanina?"
Natigilan ako ng marinig ang tanong ni Lola.
Kilala niya si Theo?
I faked a cough before talking. "Sino'ng Theo Lola?" I asked, acting confused to mask up my truth.
Kilala mo kung sino'ng Theo, tanga ka ba?
"Kababata mo ata? Nakita ko siya sa parking lot, may kasama na magandang babae. Girlfriend ba niya 'yon?"
Hindi ko alam kung ano ang isasagot.
Opo, nakita ko po sila. Opo, kababata ko siya. Opo, nasa parking lot sila kanina. Hindi maganda 'yong babaeng kasama niya! She looked too polished... so polished that it doesn't suit her aura. Hindi bagay sa kanya. Mukhang mas matanda pa 'yon kesa kay Theo at alam ko'ng hindi type ni Theo ang mga babaeng mas matanda sa kanya. Tsaka ano ba ang pakialam ko kung sila?!
Nakakainis. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ganito ka-apektado... samantalang wala naman dapat akong maramdaman.
"Nakabusangot ka na naman, may dalaw ka ba ngayon?"
"Wala po," wala naman kasi talaga. "Tsaka hindi ko po siya nakita."
Hindi? Eh ano ang tawag mo sa eye contact niyo kaninang umaga kung hindi mo siya nakita?
We stayed out the whole day and honestly, it felt good because I somehow distracted myself from thinking about work and well... that unwanted conversation between Lola and I. Naging mas kalmado narin ang sarili ko simula no'ng bumisita kami sa Intramuros.
'Walled City' ang tawag ng mga tao sa lugar. Hindi siya katulad ng mudernong syudad na maingay at mabilis. Dito, parang humihinga ang kasaysayan bawat sulok. The beauty it brings is exceptional, the place possesses old landmarks and buildings like the ones Filipinos have back in the old times. Lahat ng matatanaw mo sa paligid ay may lalim at sariling kwento.
Fort Santiago, hindi ko alam kung bakit, pero sa lahat ng lugar sa Intramuros, dito ako pinakamatagal tumitigil. Hindi dahil mas maganda siya kesa sa iba, kundi dahil mas marami siyang gustong sabihin. Just as I entered the place, I've already felt comforted and at peace. Para sa 'kin, hindi siya 'yong tipo ng lugar na kailangan mo'ng intindihin. Parang kusa siyang lumalapit sa 'yo at pinaparamdam kung gaano kabigat ang mga bagay na nangyari dito.
The air feels different. Mas mabigat, mas tahimik.
Na kahit ang hangin ay may dalang sariling kwento.
As I was walking down the old path, I noticed how worn-out they are. Yung mga bato, hindi na pantay, may mga bitak na, pero nandun pa rin. Matibay. Hindi bumigay. Hindi ko alam pero ang dali nitong ikumpara sa mga tao. May mga bahagi ng Fort Santiago na maayos, may halaman, may mga taong naglalakad, tumatawa, kumukuha ng litrato—pero may mga sulok din na tahimik. Halos walang tao. Parang ayaw istorbohin.
That's where I decided to stop and stay, even just for a while.
Hinayaan ko muna si Mama at Lola mag-bonding after all, this is the first time Lola is being accompanied by Mama.
Napansin ko rin na kahit gaano kaganda ang paligid—yung mga puno, yung ilog sa gilid, yung sikat ng araw na tumatama sa mga lumang pader—may lungkot pa rin na hindi nawawala. The familiar pain echoed in my chest. It's not just the place I am talking about.
Bahagya akong napangiti ng may maalala ulit tungkol sa kababata ko.
We were older this time and life started to be hard on him. He's tough on the outside but soft on the inside. He acts as if he can handle everything when in reality, he is breaking because of the heavy weight his shoulders have to carry.
Sobrang saya ko ng unang beses ko siya'ng makitang ngumiti pero sa kabila ng saya na 'yon, lungkot at sakit ang naramdaman ko ng unang beses ko siya'ng masilayan umiyak.
He was sixteen and I was fifteen at the time. Six years after Tita left and a year after Theo left our place. Ayaw siyang payagan ni Mama umalis no'ng una because he clearly still can't take care of himself properly dahilan ng bata pa siya. Ang sabi niya sa 'min, may kapamilya siya'ng kukopkop sa kanya and he never lied about it, but he wasn't being honest either.
Isang taon matapos siyang umalis, nakita ko siyang nagtatrabaho sa palengke. I was out with Mom that day, she was busy with errands habang ako naman naiwan sa loob ng sasakyan kasama ang driver. Out of boredom, I looked out of the window to pass some time habang naghihintay. Natigilan ako ng may makita akong isang pamilyar na binata. As I watched him closely, my heart sank after realizing that it was Theo.
Abala siya sa pagbitbit ng containers, I was sure that those were heavy since I saw how much he struggled lifting up those deep oval containers used for fishes. Hinihila niya ang iba dahil sa bigat, dinadala niya ito sa mga nagtitinda. He was making deliveries for every vendors in the wet market. May nakasabit na maliit na towel sa kanyang kanang balikat, ang puti niyang sando ay basa na dahil sa pawis at tubig galing sa batsya. Nakasuot siya ng simpleng shorts, habang ang tsinelas naman niya ay pudpod na, kaunti nalang at bibigay na.
Halata sa mukha niya ang pagod but despite that, he still greeted people with a warm smile on his face.
Alam ko'ng hindi malaki ang kinikita niya, hindi 'yon sapat para sa lahat ng pagod na nagawa niya pero nagagawa parin niyang ngumiti pagkatapos lahat ng hirap at pagod. Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang galit. Hindi ako naawa dahil alam ko na para sa mas ikabubuti 'yon ng sarili niya pero galit ako dahil pakiramdam ko hindi ako naging mahalagang parte ng buhay niya para manlang hindi ako sabihan sa kung ano man ang pinagdadaanan niya sa mga oras na 'yon.
I forgot how I managed to gather enough courage to face him at that moment. Padabog ko'ng isinara ang pintuan ng sasakyan namin matapos ko'ng magpaalam kay Manong driver na pupuntahan ko ang aking kaibigan. Ni hindi pa nga ako marunong tumawid ng kalsada noon mag-isa—pero tumakbo pa rin ako. Hindi ko na inisip kung may sasakyan. Hindi ko na inisip kung delikado. Ang alam ko lang, kailangan ko siyang lapitan.
All I wanted at that moment was to talk to him and ask him why he never ever asked for my help.
"Ma'am Venice!" rinig ko'ng sigaw ni Manong mula sa sasakyan pero hindi ako lumingon. Inis at galit ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Dahil sa pagsigaw ni manong sa pangalan ko, narinig iyon ni Theo dahilan para makita niya ako.
Ang kaninang naka-ngiti at masaya niyang muka, napalitan ng gulat at pag-aalala. Nakita niya ako'ng hindi makatawid ng kalsada kaya kahit ilang minuto na ang lumipas simula ng makalabas ako ng sasakyan, hindi ko parin siya nagawang puntahan.
Nasa kanya parin ang tingin ko sa mga oras na 'yon, I never once took my gaze off him and because of that, I saw how he frowned before making his way towards me. He slowly walked out of the market, wiping his sweat as he waits for vehicles to pass by and as soon as he sees the opportunity to cross the rode, hindi siya nag-aksaya ng oras tumawid papunta sa 'kin.
He was just a few steps away from me when he stopped, sweat dropping from his temples down to his neck.
"Ano'ng ginagawa mo dito sa palengke?" malumanay na tanong niya sa 'kin. "Halika nga dito," pag-aaya niya tsaka niya ako hinawakan sa kamay para dalihin sa loob ng sasakyan. Pero bago pa niya ako mautusang pumasok sa loob, binawi ko ang kamay ko mula sa kanya.
Gulat siyang napatingin sa 'kin. "Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.
Siya na nga to'ng naghihirap tapos siya pa ang nag-aalala.
That's when I realized that because of anger, I started crying. Pero dahil sa galit na naramdaman ko kanina, hindi ko iyon napansin.
"Nasugatan ka ba? May masakit ba sa 'yo?" hindi ko siya sinagot. He turned his attention to manong and talked to him. "Manong, may nangyari po ba?" magalang na tanong ng lalaki. The sound of his voice is full or worry.
"Nakita po ata kayo ni Ma'am, mukang gusto po kayong puntahan kanina. Ayaw naman niya magpasama sa 'kin."
Hinayaan ko silang mag-usap.
"Sige po, salamat." He turned his attention back to me but before he could speak, malakas ko'ng isinara ang pintuan ng sasakyan.
"Bakit 'di ka nagsabi?" rinig sa boses ko ang galit. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Ano, inaabuso ka ba nila? Are they making you work for them? Are they not taking care of you properly? Theo bakit hindi ka humingi ng tulog sa 'min?!" halos sumigaw na ako. Napapatingin sa 'kin ang mga tao sa paligid namin, pati na rin ang mga tanong napapadaan sa tapat namin. But at that moment, I didn't care about anything else, not about myself or the people that surrounded us. I could only think about him.
"Avi hindi, 'yan ang sagot ko sa mga tanong mo. Hindi." nagawa parin niya akong kausapin ng maayos at malumanay. "Tsaka hiyang-hiya na ako sa inyo, kay Tita. Ayokong dumag-dag pa sa iisipin niya." dag-dag niya.
"Theo, pamilya ka namin! Pamilya mo ako! Para saan pa at naging magkaibigan tayo kung hindi mo rin kayang magsabi sa 'min? Sa akin?!"
I forgot how we made up after that but I do remember how he reassured me that he was okay. Hindi na ako nagpumilit sa mga oras na iyon, hindi ko na rin siya sinigawan at inaway. He didn't deserve that. He never deserved that. Ilang araw ang lumipas ng umamin siya sa 'kin. I was right, he was indeed suffering under his relative's care and he wouldn't even dare tell me if I never saw him working.
That was the first time I ever saw him cry.
Sa mga sumunod na araw, wala akong ibang ginawa kung hindi ang magtrabaho para maiwasang isipin kung ano ang nangyari sa mga nagraang araw. I didn't want to overthink everything, thank god because we never had any encounters after that. It was clear to me that I really have to keep my distance, that I shouldn't have let those past interactions happen, especially after seeing him with a woman.
Tsaka una palang, hindi naman dapat kami nag-uusap. I don't have any reason to talk to him especially feel that way towards him.
'Yon naman kasi dapat, diba?
For all the times we'd get on the elevator at the same time, minsan naman parehas kaming tumatambay sa kanya-kanya namin veranda. O 'di kaya sa bigla-bigla niyang paglitaw sa lugar kung saan madami ang tao.
Those were just a few of our encounters, some were really unexpected.
Like how he'd spotted me in a waiting shed alone.
I shouldn't be thinking of those anymore specially that I will be drawing a line between us, keeping my distance and avoiding him at all cost.
But nothing's wrong with remembering those unexpected moments for one last time, right?
Bumalik rin si Mama sa Autralia matapos ang tatlong araw niya'ng pananatili dito sa Pilipinas. She mostly stayed with Lola since I was busy with work and it looked like they've bonded a lot. Mama said she'll probably come back again since she had fun even just with a short time.
Sa limang araw na pagtatrabaho ko ng derestyo, hindi sapat sa 'kin na distraksyon ang pagtatrabaho lang sa hospital. I needed more work to do to keep my mind busy and distracted, if not, I would only keep cycling back on the thought I told myself to avoid. The busier I get, the more distracted I can be. And that's better for me.
Pero mukang hadlang ang tadhana sa plano ko dahil sa mga sumunod na araw.
Nagkikita parin kami ni Theo.
Unlike before, nagagawa ko siyang kausapin, pero ngayon, pilit ko siya'ng iniiwasan ulit. It's hard not to look at him since sometimes, I find myself unconsciously staring at him. The way I could let myself watch him for a long time drives me crazy! Sa tuwing titingin siya sa akin, agad ako'ng umiiwas ng tingin. I have to act as if I am not affected whenever I see him around me when in fact, I am! Ang hirap mag panggap na hindi ako apektado dahil parang may kung ano sa tiyan ko at hindi ako mapakali.
Today, as I was making my way to my unit, I slowly looked around to see if Theo was anywhere near my sight. But thank heavens for that because I haven't seen him around. Dali-dali akong tumakbo patungo sa pintuan ng unit ko but just as I was about to insert my key into the key hole, someone took my hand.
Napatingin ako at gulat ako ng makita ko si Theo.
Just like always, we locked our eyes on each other. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin, hindi parin niya binibitawan ang kanang kamay ko. He gently pulled me closer to him making us just a few inches apart. I noticed how his eyes sparkled, ang kaninang nakakunot niya'ng noo ay ngayo'y wala na. Because of how close we are, I can smell his strong scent. The type that'll make your knees crazily weak because of how good it smells.
God, help me.
My eyes travelled down to his pink and plum lips. Why do they look so soft...? It looks like a tasty dessert ready to be eaten after a full course meal.
He might've noticed that I was staring right into his lips because moments later, he grinned.
I blinked twice when he suddenly bent down to match my height. Kung kanina muka siya'ng galit, ngayon naman para siya'ng may binabalak na kung ano! Nag-iwas ako agad ng tingin nang madamraman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. My gaze drifted to my hand and that's when I realized that he was still holding mine this whole entire time.
Kung puwede lang maglaho ngayon!
"Bitawan mo nga ako!" reklamo ko at sinubukang bawiin ang kamay ko. Why does he have to be this strong? His grip is too strong that I can't even budge! "Bitawan mo ako sabi eh!"
He smirked. "Ayoko."
I looked at him with anger. "At bakit?!"
"Because I like it when you blush." sabi ng loko habang nakangisi. Gamit ang isa ko'ng kamay, I landed a hard punch on his arm.
"Gusto mo ba matadyaka—"
"Iniiwasan mo ba ako?" hindi ako pinatapos ng lalaki magsalita.
I looked at him confused. "What?"
"You're avoiding me."
"Let go of my hand!" I tried pushing him away but my strength can't compare to his.
"Why?"
"Anong 'why?'" tanong ko. "Hindi naman talaga tayo dapat nag-uusap!"
"Don't..." natigilan ako sa pagtulak sa kanya ng marinig ko ang sinabi niya. "I like it when you talk to me."
Hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Its as if my mind is a broken record player that keeps on repeating a certain part of a music. "Bakit ka ba nakabusangot?" tanong ni Kuya mula sa kabilang linya.
We are currently talking via video call. I thought he was going to tell me something important pero tumawag lang pala siya para mang-asar.
Umirap ako. "Pake mo?"
"Kumalma ka nga!" saad nito. "Nakita mo na siya ano?" my gaze shifted on the screen in front of me after hearing what he said.
"Sino naman?" masungit na tanong ko.
"Sino pa ba? Edi si Theorin Cael Vergara."
Kung pwede lang mambato online, nagawa ko na.
"No..." I answered and looked away.
Kilala ni Kuya si Theo dahil nakuwento ko siya sa kanya dati. He knows who he is in my life so hinid na ako nagulat ng banggitin niya ang pangalan ni Theo. Of course, he hasn't seen him yet, or maybe he did if he's smart enough to search Theo up in all social media platforms. Nagkuwento ako kay Kuya dati pero hinding-hindi ako nagpakita ng picture niya. Baka mamaya hunting'n pa niya ng wala sa oras at kung ano pa ang magawa niya.
"Friends na ulit kayo?"
"Ang chismoso mo, kaya wala kang girlfriend eh!" napakamot ako ng ulo. "Nga pala, how's Dad?"
"Why are you changing the topic?" he asked with that smug smirk on his lips.
"I'm not!" nakakainis na siya, kanina pa. "He hasn't contacted me yet."
"He's okay," he answered. "Bakit hindi mo tawagan?"
Why would I when he's the reason why I am here in the first place?
"Ayoko."
"Nag tampo ang baby!" kita ko ang gilagid niya dahil sa malakas niya'ng pagtawa.
"Bye na nga! Go find yourself a girlfriend para may iba ka namang ma-asar!"
Dad is being unfair to me. Ni hindi ko na rin tanda kung kailan niya akong huling tinawagan. He can't even message with with just a simple "how are you?," na para bang kinalimutan na niya na may anak siyang babae. Pakiramdam ko tuloy mas pabor siya kay Kuya kesa sa akin. I mean, even if Kuya doesn't tell me, I know that he's close with Dad. Hindi naman ako nagseselos dahilan ng Papa niya na rin ang Papa ko, after all his Mom and my Dad are married.
Hindi ko lang mapigilang magtampo sa kanya. Mukhang birthday ko nga hindi niya maalala.
Hindi naman siya ganito sa 'kin dati. He was always affectionate towards Mom and I. He's the type of man who'd bring you flowers just because he wanted to, the type that'll kiss you out of nowhere just because he misses you, and the type that will hug you tight when you need one. Ganyan siya palagi kay Mommy, he would always make her smile whenever she's having a bad day. He would both take us out on a date.
Growing up, I felt loved. Having a complete family is something I am really grateful for. Even now, in my mind, we're complete.
Pero habang tumatagal, ramdam ko ang unti-unting pagiging madistansya sa akin ni Papa.
I shrugged the thought, pagod lang siguro 'to.
I thought the next few days would be just like always, busy, chaotic, stressful, pero mukhang iba talaga ang plano sa 'kin ni tadhana sa mga susunod na araw.
25Please respect copyright.PENANAaLvooWjT9g


