Tahimik na nakaupo si Ericka, nandito siya sa lamay ng kanyang kaibigan, tiningnan niya ang kabaong na kung saan nandoon ang katawan ni Jasmin, hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon ang sasapitin ng kanyang matalik na kaibigan.
Akala niya, hindi na mapapahamak ito, pero, hindi pala, alam niyang konektado ito sa nangyari, pero, hindi pa rin nagsasabi si Jasmin kung ano ang nalalaman niya sa warehouse na kanilang nakita.
Jasmin, bakit? Bakit hindi ka nagpapakita sa akin? Napatanong sa kanyang isipan, gusto niyang masilayan ang huling sandali ng kanyang kaibigan. Pero, bigo siya, bigo siya na makita niya ito kahit sa panaginip man lang.
Pinoprotektahan mo ba ako, Jasmin? Huwag mo akong protektahan! Ibahagi mo sa akin ang nalalaman mo. Sabi sa kanyang isipan noon.
Kahit anong gawin niya, hindi niya nakikita ang kaluluwa nito. Nagsisisi siyang hindi niya sinamahan ito sa pag-uwi, at kasalanan niya kung bakit sa araw na iyon, natagalan sila sa pag-uwi.
Nanginginig ang kamao niya, gusto niyang suntukin ang sarili niya, magkasama pa sila ni Jasmin sa araw na iyon, kung pinilit sana niya ito na roon matutulog sa kanila, buhay pa ang kaibigan niya.
Jasmin naman! May pumupuslit na namang luha sa kanyang mga mata.
Narinig na naman niya ang iyak ng ina ng kanyang kaibigan. Nag—iisang anak ito sa pamilyang Cuerdo, hindi pa nakauwi ang ama nito, pero bukas darating ito, hanggang sa huling hantungan ng kanilang anak.
"Della! Della!" Palahaw ng ina nito.
Napakasakit makita ni Ericka ang ganoong sitwasyon; kung siya ay nasasaktan sa pagkamatay ng kanyang kaibigan, mas doble ang sakit na nararamdaman ng ina nito ngayon.
Tinusok ng maraming beses ang puso niya kapag umiiyak ang Tita Faye niya na tinatawag ang pangalan ni Jasmin. Hanggang ngayon, parang hindi pa rin nag – sink in sa kanila ang madilim na nangyari.
Pinapahid niya ang luha niya, lalapitan niya si Faye na niyayakap ang kabaong nito na gustong ilabas ang katawan ni Jasmin noon.
Pinipigilan naman ito ng kamag-anak; tumayo siya noon, nang may makita siyang isang nakaputing babae na nakatayo malapit sa ina ni Jasmin.
Lumingon ito, nagulat siya sa kanyang nakita.
Jasmin! Napasabi sa kanyang isipan, umiiyak din ito, halatang hindi matanggap ang pagkamatay nito. Nakita niya ang anyo ng kanyang kaibigan, duguan ang sentido nito, pumapatak ang dugo at ang katawan nitong punong-puno ng tama ng bala.
Iyon ang ibinalita na inulan ng maraming bala ang katawan nito, at wasak ang bungo nito.
Napaiyak siya nang husto sa nakikita niya; noong nalaman niyang pinatay si Jasmin, pinigilan siya ng kanyang ina na pumunta sa pinangyarihan ng krimen. Gusto niyang makita mismo ang kaibigan niya sa morgue, pero, kinulong siya ng kanyang magulang.
Alam niyang pinoprotektahan siya ng kanyang ama at ina sa kalunos-lunos na sinapit ni Jasmin noon.
Napahawak siya sa dibdib niya na ganoong anyo ang makikita niya bilang isang kaluluwa. Hindi tahimik ang kaibigan niya kapag ganoon ang ayos.
Tila naririnig niyang umiiyak ito; humalo ito sa hangin, at siya lang nakaririnig ng palahaw ni Jasmin.
Mama, hindi ko tanggap, tulungan mo ako. Pagsusumamo nitong sabi.
Maya—maya bigla itong naglaho ng parang bola. Kailangan niyang makausap ang kaluluwa nito. Kailangan niyang alamin kung ano ang nangyari noong nadukot ito at ano ang sekretong nalalaman nito at bakit ito pinatahimik na lamang nang ganoon.
May humawak sa palad niya. Kaya naman, napalingon siya. Isang batang lalaki na tantiya niya’y nasa pitong gulang.
Tinitigan siya ng batang lalaki.
"Greg."
Napalingon siya, nakita niya si Thalia.
"Ericka." Banggit nito sa kanyang pangalan.
Agad siyang binigyan ng tissue ni Thalia; hindi niya napansin na dumadaloy pa rin ang luha niya sa pisngi.
"Pasensya ka na kay Greg." Sabi pang humihingi ng pasensya.
Umiling na lamang siya at bumitaw ito sa pagkakahawak sa palad niya. Tiningnan niya ang gawi ng Tita Faye niya, pinapakalma ito ng ibang kamag-anak, pero panay pa rin ang iyak nito na tila’y hindi nauubusan ng luha.
"Greg, huwag mo na iyon gagawin na basta—basta ka lang umaalis sa tabi ko." Narinig pa niya na pinapangaralan ito ni Thalia.
Hindi ito sumagot; nakatingin pa rin ito sa kanya.
"Dito ka na muna ha, huwag kang aalis diyan." Sabi pa sa bata.
Pupunta ito sa kabaong ni Jasmin para mag-alay ng dasal.
"Ate, nakikita mo ba iyong babae na nandiyan?" Tanong ng bata sa kanya.
Napatitig siya sa bata noon na si Greg.
"Nakita ko siya noong pumasok kami rito ni ate, umiiyak siya at pabalik—balik siya sa gate patungo rito. Minsan, nandoon lang siya." Itinuturo ang pintuan noon.
Alam niya ang tinutukoy ng bata; doon pinagbabaril si Jasmin.
Nakikinig na lamang siya sa bata. "A--- Ano ang anyo niya?" Tanong naman niya.
"Naka—uniporme, basag ang bungo na dumadaloy ang maraming dugo, at maraming tama ng bala. Nakakaawa, masaya ang buhay niya at hindi niya matanggap iyon kaagad." Nakita pa niyang nalulungkot ito.
"A ---Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong nito sa bata.
"Ate, kailangan niya ng tulong; nakikita ko ang buhay niya bago pumanaw, kung paano siya namatay." Napasabi nito.
Nagsitayuan ang balahibo niya, napatitig siya sa bata, hindi niya alam, pero naniniwala siyang may kakayahan ito o abilidad ito na hindi pinapaniwalaan ng karamihan, kagaya ng abilidad niya ngayon.
"Paniwalaan mo iyon, ate. Hindi siya matatahimik; nakikita kong hindi niya makikita ang liwanag kapag hindi niya matanggap at sinisigaw ng hustisya sa puso niya. Ayaw niya ring maging isang ligaw na kaluluwa."
Ligaw na kaluluwa, iyon ang tawag sa mga kaluluwang walang direksyon ang patutunguhan, bumabalik—balik ito, pero hindi alam kung ano ang rason kung bakit nandito sila. Ilang ulit ko na silang nasasalubong, nawawalan sila ng pag-asa at pagkakakilanlan, habang tumatagal sila sa mundong ito.
Napakuyom na lamang siya sa kanyang palad, hindi niya hahayaang maging isang ligaw na kaluluwa ang matalik niyang kaibigan, gagawin niya ang lahat—lahat para lang may magawa siya sa kanyang kaibigan.
Napansin niyang may batang kaluluwa na sumusunod kay Greg.
"Greg, sino iyang batang kaluluwa?" Tanong naman niya.
Ngumiti ito sa kanya na masaya. "Huwag po kayong mag – aalala, hindi po siya ligaw na kaluluwa, pinsan ko po siya."
Pinsan? Naikwento na iyon ni Thalia sa kanya, na may pinaslang na magkakapamilya na pinatay sa kanilang bahay.
"Nandito ka pala, Ruth." Tawag ni Thalia sa kanya.
Tumango na lamang siya; tinitigan niya ang larawan ni Jasmin. May gusto na namang alaala ang gustong kumawala sa isipan, napakislot na lamang siya at nasapo ang kanyang noo.
"Ayos ka lang ba?" Tanong na pag – aalala ni Thalia sa kanya.
"Pasensya na, ilang araw na rin ako nakaranas nang ganito." Tanging sabi ni Ruth noon.
"Umupo ka na muna; nakakalungkot na dinaranas ito ni Jasmin ngayon." Malungkot nitong saad ng kanyang kausap.
Tango na lamang ang tangi niyang sagot kay Thalia.
"Umupo ka na muna." Rinig pa niyang sabi ni Thalia.
Hindi na siya sumagot, at tumalikod na rin siya at makahanap ng mauupuan. Inilibot niya ang kanyang paningin. Nasagi sa kanyang paningin si Greg, katabi si Ericka noon, tila nagkwentuhan pa.
Napapangiti siya ni Greg dahil kahit bata pa ito, marunong na itong makipag-usap sa nakakatanda nito.
Papalapit na siya noon.
"Greg," tawag niya rito na ngumiti sa bata.
Tiningnan naman siya ng bata.
"Ate Ruth."
Tinitigan pa siya ng bata na tila may hinahanap sa kanya.
"Susunod ang ate mo." Tumabi siya sa bata.
Sinusundan pa rin siya ng tingin ni Greg.
"Ate Ruth, kaibigan mo ba sila?" Tanong naman nito sa bata.
Kaya naman, napalingon—lingon naman siya.
"Sinong sila?" Tanong naman niya sa bata.
"Ah, wala ate." Ngumiti na lamang ito sa kanya.
Naging tahimik ang pagkaka-upo nila noon, tiningnan niya kung saan naganap ang pagpaslang ni Jasmin, nandoon pa rin ang bakas ng dugo ni Jasmin.
Jasmin. Banggit sa kanyang isipan na nalulungkot. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, at hindi rin niya maintindihan ang taong nagpapatay kay Jasmin.
Sumakit na naman ang ulo niya, akala niya normal lang ang sakit ng ulo niya noon, kaya naman umiinom siya ng gamot, may family doctor naman silang nag-aalaga sa kanilang pamilya. Pero, hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin nalulunasan ang minsang bigla—biglang pagsakit ng ulo niya.
Tiningnan niya ang wristwatch niya; malapit na maghatinggabi, kailangan na rin niyang umuwi. May kasama naman siya sa pag-uwi ng bahay, at inaantay siya ng kanilang driver sa labas ng gate.
"Mauna na ako sa inyo." Paalam niya sa dalawa.
Tumango na lamang si Ericka, at si Greg naman, napapansin niyang pabalik-balik ang tingin nito sa kanya at sa kanyang likuran. Ngumiti na lamang si Greg at nag–ba–bye pa sa kanya.
Ginulo niya ang buhok ni Greg, naglakad siya papalabas, minasdan niya ang kaanyuan, sumakit na naman ang ulo niya, tila may mga alaala na naman siyang gustong kumawala sa isipan niya.
Dali—dali niyang hinanap ang driver, napansin iyon ng kanilang driver, at siya naman pumasok na rin siya sa sasakyan.
"Diretso ba ang pag-uuwi natin, ma’am?" Tanong nito sa kanya.
Tumango na lamang siya. Magpapahinga na muna siya.
Pumikit siya para ipahinga na muna niya ang masakit niyang ulo. Mahimbing siyang nakatulog.
Sa panaginip niya, may nakita siyang isang batang umiiyak; hindi niya maaninag ang pagmumukha nito; nakaharap ito sa isang kabaong.
Mama, mama, tawag nitong humihikbi sa palad nito na hindi matahan – tahan,
Bakit? Mommy? Iniwan mo kami? Narinig niyang sabi habang humahagolhol ito sa pag-iyak.
May nakita siyang mga bata roon na nilapitan ang batang umiiyak.
Niyakap nito ang batang umiiyak, naramdaman din niya ang mahigpit na yakap nito, at nabigla na lamang siya kung bakit nasa katawan siya nang batang tumatangis kanina.
"Okay ka lang ba?" Tanong naman ng isang batang babae.
Tumango siya, pero nandoon pa rin ang lungkot na hindi nawawala sa puso niya.
"Iniwan rin kami ni Mommy noon." Sabi pa ng batang kaharap niya.
"Nararamdaman namin ang lungkot mo ngayon." Sabi pa nito.
Hindi niya alam kung bakit sobrang komportable ito sa kasamang bata.
"Kung nalulungkot ka, tatabihan ka namin sa pagtulog."
Napaiyak na naman siya noon, sobrang lungkot ng nararamdaman niya ngayon, kahit isang panaginip ang lahat ng iyon. Hindi niya kilala ang mga bata, hindi rin niya kilala ang batang umiiyak dahil nawalan ito ng isang ina.
Parang totoong nangyari iyon kay Ruth, kinukurot ang puso niya.
"---Ma----Ma'am Ruth?" Naulinagan niyang boses.
Napapikit siya noon, hinimas niya ang kanyang pisngi at basa ito ng kanyang luha. Agad niyang pinunasan gamit ang kanyang kamay.
"Ka ---- Kanina ba tayo nakarating?" Tanong naman niya sa driver.
Tumango ito. "Nagtaka lang ako, ma’am, na hindi ka lumabas, at nadatnan kitang umiiyak. Ayos ka lang po ba?" Pag – aalala nitong tanong sa kanya.
"Ah, may malungkot lang akong panaginip." Nasapo niya ang kanyang noo.
Tumango na lamang ito. Siya naman nanaog na rin, tiningnan ang kabuuan ng kanilang mansion, nakararamdam siya na hindi niya ito bahay, hindi siya isinilang sa mansion na kaharap niya ngayon, dalawang linggo na niya nararamdaman ang ganoong pakiramdam, simula nang nangyari iyon sa kanya noong camping trip nila.
Dati—rati, hindi naman ganito ang pakiramdam niya noon.
Tinatanong niya ang kanyang sarili kung bakit parang malaki ang kulang kapag nakauwi siya sa bahay na kinatatayuan niya. Naglakad na siya para makapagpahinga.
Tahimik ang kanilang mansion, wala rin ang kanyang magulang, dahil abala ito sa pagpapatakbo ng family business ng mga Dionson.
Agad siyang humiga nang makarating siya sa kanyang kwarto, nagbihis na muna siya, hindi pa siya dinadalaw ng antok, kahit malapit na mag-umaga, iniisip niya ang kanyang panaginip kanina.
Nagtataka rin siya kung bakit may pinapa-inom itong gamot isa sa isang linggo, benabalewala niya iyon, dahil para rin naman iyon sa kabutihan niya. Ngayon lang siya naging mausisa sa mga nangyayari sa paligid niya.
Hindi niya maunawaan ang sarili niya, gusto man niyang sagutan ang katanungan na palaging nasa isipan niya ngayon, natatakot siya, natatakot siya kung anong mga kasagutan na makapagbabago sa kanyang buhay.
Kailangan mo ng matulog, Ruth. Sita sa kanyang isipan.
Sa kanyang pagpikit, naglalakbay siya sa isang madilim na daan na walang katapusan. May nakita siyang isang babae na may tinatakasan. Hindi niya maaninag ang pagmumukha nito, pero sa kanyang paglapit, ay pamilyar ang mukhang sumalubong sa kanya.
Isang babaeng nasa 25 o 30s ang edad, may tinatakasan ito at punong-puno ang takot sa mga mata nito.
Anak, sana’y ligtas ka, huwag ka sana nilang sasaktan. Chesca.
May narinig siyang putok ng baril sa di kalayuan, matangkad ang lalaki, tantiya niya’y nasa 30’s ang edad nito, nakita niyang paika—ika itong naglakad, gustong makatakas sa kamatayan.
Mama! Rinig niyang sigaw ng isang bata.
Maya—Maya pa’y nasa katawan na siya ng limang taong batang babae, ito ay ang umiiyak na batang babae na pumanaw ang ina nito.
Please, huwag—huwag ang anak natin, maawa ka sa bata. Pakiusap ng babaeng dinulugan siya.
Tinutukan sila ng baril, palipat-lipat ito sa kanila.
Walang salita ang lalaki, at pinaputukan ang babae.
Tumakas ka anak, kalimutan mo ang pangyayari, tumakas ka, iligtas mo ang sarili mo. Nakita pa niyang duguan ito, naghihingalo na ito.
Mama! Sigaw niya noon.
Kinuha siya ng lalaki at kinaladkad papalayo sa babaeng naghihingalo. Maya—Maya pa’y sinundan ito ng maraming putok ng bala.
Tiningnan ang bata. Kinulamos ang mukha.
"Ikaw ang isusunod ko kapag hindi ka nag-iingat sa sasabihin mo. Nagkakaintindihan tayo?" Tanong nito.
Umiiyak ang bata noon, humalo ang takot at pagkalungkot sa kanyang nakita. Sinunod niya ang sinabi ng lalaki.
"Oras na binuka mo ang bibig mo, susunod ka sa iyong ina."
Bigla siyang nagising sa isang masamang panaginip; pinagpapawisan siya na wari’y siya ang batang babaeng pinagbabantaan ng lalaki. Pinakalma niya ang kanyang sarili, sinapo niya ang kanyang dibdib na tinatambol dahil sa kaba.
72Please respect copyright.PENANAmbtaoEA2Or


