CHAPTER SIXTY-SIX
“TALAGA bang sasama ka sa akin ngayon, Vivianne?” tanong naman ni Sharlene sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAOJR9vszWUW
Tanging tango lamang ang kanyang iginanti, desidido na siya at hindi na kailanman magbabago ang iniisip niya ngayon. Naka—leave siya sa trabaho niya ng isang araw, at babalik naman siya kung kaya ng kanyang katawang pumasok sa lunes.
53Please respect copyright.PENANA83cDubjoku
Hindi na nag-atubili silang dalawa ngayon. Nagtungo sila sa mansion ng kaniyang lola; napabuntong-hininga na lamang siya. Ngayon lang siya ulit makakapasok sa mansion na ito na pinamumugaran ng mga mapait na alaala.
53Please respect copyright.PENANA2kJ2I54qkV
Pagpasok na pagpasok niya sa gate, may nakita siyang isang masayang batang babaeng naglalaro sa malawak na hardin; alam niyang nakapasok na siya sa nakaraan ng alaala ng mansion na tinatapakan nila ngayon.
53Please respect copyright.PENANAKpXMoto02C
Humihinga na muna siya nang malalim. Ihahanda na muna niya ang kanyang sarili. Pumikit na muna siya saglit.
53Please respect copyright.PENANALHnDg1JTfB
“Ate, maglilibot-libot lang po ako rito. Tapos, pupunta ako sa taas, susunod po ako sa iyo.”
53Please respect copyright.PENANAqE9wV82blp
“Huwag mong masyadong pilitin ang sarili mo kapag hindi mo na kaya, Vivianne.” Pag – aalalang sabi nito sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAPfIEZlcWXS
Napatango na lamang siya. Nauna na ang kanyang kapatid na pumasok sa loob at siya naman ay naiwan sa labas. Nilibot niya ang tingin niya.
53Please respect copyright.PENANAEjdn5uq9bY
Nasalubong niya ang maraming kaluluwang hindi matahimik, kadalasan nito’y mga kasambahay; hindi niya makita ang kaluluwa ng magulang ni Leah.
53Please respect copyright.PENANAV6nCrcbh3D
Dating masayang pamilya ang naninirahan sa mansion na ito, isa sa ancestral house sana ng Martinez kung hindi naibigay nito kung sino man ang nagbigay sa kanyang lola, nasaksihan ni Vivianne kung paano pinalaki ito ng butihing magulang nito.
53Please respect copyright.PENANAVCLAenBF7i
Nakita niya ring kaibigan ni Angely si Leah noong kabataan. Itinuring na parang totoong kaibigan si Angely; punong-puno ng tawanan ang mansion kung nasaan siya.
53Please respect copyright.PENANApUULy2sKcK
Nasaksihan niya ang pag-iibigan ni Manuel at ni Leah, isang inosenteng babaeng umibig sa isang lalaki. Makikitang mahal na mahal ni Leah si Manuel. Totoo ngang tumulong pa ito sa paghahanap ni Sharlene noon, kung paano nito sinuportahan si Manuel, ngunit nabigo sila.
53Please respect copyright.PENANA0l2Q4L5Au9
Nang maipakasal ito sa lalaki, naging tahimik din ang mansion na kung saan tanging ang magulang lamang nito ang nakatira.
53Please respect copyright.PENANAVkPwrsFmOC
Minsa’y umuuwi si Leah rito kapag masama ang loob sa asawa; nakita niyang nagdadalang-tao ito.
53Please respect copyright.PENANAwNeIp9IVTn
Napasinghap si Vivianne.
53Please respect copyright.PENANA9nnO9LmTAz
Nagdadalang-tao. Napasabi sa kanyang isipan. May nakita siyang hagdanan patungong basement.
53Please respect copyright.PENANAr5osyfq5ez
Rinig na rinig niya ang bawat paghikbi ni Leah nang mawala ang sanggol nito sa sinapupunan.
53Please respect copyright.PENANAeBvTokiWD4
Dito niya inilibing ang sanggol? Napatanong sa kanyang isipan.
53Please respect copyright.PENANAbTdJOYkqye
Nakita niya nga cross na gawa sa kahoy at kinain na ng anay sa katagalan ng panahon. Nakikita at naririnig pa rin niya na tinatawag nito ang anak na hindi man lamang nabigyan ng tamang libingan.
53Please respect copyright.PENANACr7gTdghmT
May naririnig siyang naghuhukay; kinilabutan siya sa kanyang nakikita sa nakaraan. Mga armadong lalaki.
53Please respect copyright.PENANA9E2Ozdb39l
Nasaksihan niya na sinugod ang mansion nito ng mga armadong lalaki, nakita niya ang dalawang matanda na pinapakiusapan ito at sana’y daanin sa magandang usapan, ngunit hindi ito nakinig at inulan ang katawan nito nang napakaraming bala sa katawan.
53Please respect copyright.PENANABQ3bMjkVC0
Walang sinasanto ang mga naka-armadong kalalakihan, mga bata na nasa labinlimang taong gulang, kahit itakas sila nang nakatatanda ay naabutan sila.
53Please respect copyright.PENANAcHTwkJ3cNV
Naririnig niya ang nakabibinging iyakan at palahaw. Namamasdan niya ang huling sandali ng buhay nito, pati ang magulang ni Leah.
53Please respect copyright.PENANAEJpQTaaqej
Ngunit, bago pa man ito nilagutan nang hininga, may isang lalaki ring matanda na pumasok at tinatapakan ang mga katawang wala nang buhay.
53Please respect copyright.PENANAHHaaOQRAHy
May isang babaeng nakasunod, nabigla siya sa kanyang nakita.
53Please respect copyright.PENANAREBgbIK6tU
Angely? Napatanong sa kanyang isipan.
53Please respect copyright.PENANAm78Sytv3MJ
“Bago kayo malagutan nang hininga, pirmahan na muna ninyo ito.” Rinig na rinig niyang sabi sa mga nag-aagaw-buhay na biktima.
53Please respect copyright.PENANABr2x0EJdHy
Nakita ni Vivianne ang panlilisik ng mata sa isang matandang lalaking pinoprotektahan ang asawa nito.
53Please respect copyright.PENANAeUdQsGi9DI
“Ray—mun—do, ha—yop ka.”
53Please respect copyright.PENANAJAjQTdEYWe
“Pirmahan mo, bago kita ihatid sa impyerno.” Ngumisi pa ito.
53Please respect copyright.PENANAvEHvcSEHYy
Lupaypay na ang katawan nito, hindi na kayang tumayo ng lalaki, kaya naman, inalalayan pa ito ng armadong lalaki.
53Please respect copyright.PENANA1JT2VK1KlG
“Dali.” Utos pa ng kaharap nito.
53Please respect copyright.PENANAVvT4EHp7cF
Nag-aagaw buhay na ito, hindi makita ni Vivianne kung anong mga papeles ang pinirmahan nito. Matapos itong pumirma. Sinenyasan pa na tapusin ang dalawang mag-asawa.
53Please respect copyright.PENANAAymjSKjYfR
“Nandiyan na ba lahat?” tanong naman ni Vivianne.
53Please respect copyright.PENANAnw73tvhLhI
“Yes, of course, honey.” Hinalikan pa nito si Angely sa labi nang matanda.
53Please respect copyright.PENANAhwgsRnStrB
Pagkatapos, umalis ito na parang walang nangyari. Maya—maya pa’y may naririnig siyang sirena na galing sa kapulisan. Kausap pa rin nito ang nagngangalang Raymundo.
53Please respect copyright.PENANAXCZAdliHq2
“Gusto kong walang makakaalam rito, saka, pagkatapos ng imbestigasyon ninyo, pakisabihan ang mga tao mong linisan kaagad, dahil may titira sa mansion na iyan.” Narinig niyang utos nito sa mga taong nakausap niya.
53Please respect copyright.PENANAJHgBMs3eP8
Pinagpapawisan na siya nang malagkit sa kanyang nakikita ngayon, gusto na niyang masuka dahil sa after-effect ng kanyang kakayahan. Nakita niya ang kanyang lola Felicia.
53Please respect copyright.PENANAN8zBAIY4AT
Kausap nito si Raymundo, may mga papeles na ibinigay at isa pa’y bank account na pag-aari ng Martinez.
53Please respect copyright.PENANAUtmJlotpww
Hindi maaari, hindi maaari. Napailing-iling siya sa kanyang nakikita. Kahit itanggi pa niya ito, alam niyang kilala ng kanyang lola si Raymundo.
53Please respect copyright.PENANAQg5qD8UYCP
Diyos ko, ano ba itong napasukan ng pamilyang ito? napatanong na lamang ng kanyang isipan.
53Please respect copyright.PENANAWVhbwClQYl
Naintindihan na niya ang pangyayari kung bakit naging mabigat ito sa kanyang pakiramdam noong dumalaw siya rito; ang mga negatibong emosyon sa mansion ay naghahalo-halo sa dami ng bangkay ng inosente na hindi binigyan ng tamang libingan.
Nakita niyang ang ibang bangkay inilabas naman sa publiko, ngunit walang nagtangkang umangkin nitong pamilya.
53Please respect copyright.PENANAELtrkyACWE
Napapadaing siya sa iniinda niyang sakit sa ulo; dali-dali siyang pumunta kung nasaan ang kanyang kapatid. May mga larawan pa rin siyang nakikita.
53Please respect copyright.PENANAdeTec5dF6H
Saksi ang mansion sa lahat ng karumal-dumal na krimen rito.
53Please respect copyright.PENANA8CcRzUATCq
Kailangang malaman ni ate ito. Napasabi naman ng kanyang isipan.
53Please respect copyright.PENANASGgqBdH1A1
Biglang dumilim ang paligid, nakita niya si Leah, malungkot siya nitong tinitingnan na may nais ipakita sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAJhATDTi4A1
Nagising siya ulit na sapo-sapo ang kanyang noo; kumikirot pa rin ang masakit niyang ulo. Nasa sala siya ngayon.
53Please respect copyright.PENANA09mOSh4PJ7
Nawalan ba ako ng malay? Napatanong sa kanyang isipan.
53Please respect copyright.PENANAAH3wdKykG7
“Vivianne.” May tumawag sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAwpTCEEvzjs
Hindi siya nagsalita; may dala-dala itong gamot ngayon.
53Please respect copyright.PENANAywgJuL25TR
“Maayos na ba ang pakiramdam mo?” tanging tanong naman nito sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAW16Gs4b52u
Umayos siya sa pagkakaupo.
53Please respect copyright.PENANApkDvJDcbMA
“Nakita kita sa hagdanan, akala ko kung ano ng nangyari sa iyo.” Pag-aalalang sabi sa kanya ni Sharlene na tiningnan naman siya nang mataman.
53Please respect copyright.PENANAdhDgyZ5Sng
“Sabi ko naman sa iyo, hindi ba? Huwag mong pilitin ang sarili mo kapag hindi mo na kaya.” Napabuntong-hininga na lamang siya.
53Please respect copyright.PENANAuzWsmRICcF
“May kailangan kang malaman.” Iyon lang ang nasabi ni Vivianne sa kaharap.
53Please respect copyright.PENANAtjnA0bZ0ii
Napatingin naman si Sharlene sa kanya. “Magpahinga ka na muna.” Tanging sambit nito.
53Please respect copyright.PENANAmDZvSPIdJU
“Ate, natanong mo ba kay Lawrence ang sitwasyon ng bahay na ito?” tanging tanong niya.
53Please respect copyright.PENANAzypbX2dnRu
Tumango naman ito sa kanya. “Nagkaroon ng massacre rito, kaya dali-daling umalis ang pamilyang Salazar at baka sila ang isusunod na patayin. Hindi niya kilala kung sino sa likod nito, pero alam kong kilala ni Lola Felicia ang may gawa ng lahat ng ito.”
53Please respect copyright.PENANA19quvZGHjD
“Raymundo.”
53Please respect copyright.PENANALkKPK6vMkR
“Raymundo?” tanong naman nitong nalilito.
53Please respect copyright.PENANAPAdKQPXVqW
“Iyon ang pangalan ng lalaking nag-utos ng massacre rito.”
53Please respect copyright.PENANAxX6YpUn1dD
Napatingin naman si Sharlene sa kanya; may iniisip at kinakalkal ito sa isipan. Napasinghap pa ito na naalarma ang mga mata.
53Please respect copyright.PENANA3MBs1jPTEO
53Please respect copyright.PENANAx2vx1sz8m7
53Please respect copyright.PENANAZ3bEKxoUy3


