CHAPTER SIXTY – FIVE
“TASHIA, sembreak na ninyo ngayon, hindi ba?” tanong naman ng kanyang kapatid na si Vivianne.
Tanging tango na lamang ang kanyang isinagot, ng kanyang kapatid.
“Mabuti naman, para may makasama si ate Sharlene dito.”
Hindi na siya sumagot pa.
“Ate, talagang bang nakabubuti na alam din ni Martin ang nangyari?” Tanong naman niya rito.
Napabuntong-hininga na lamang si Vivianne sa kanyang katanungan. “Masyadong makulit e, kaya dinala ko na roon, saka, alam kong may nalalaman ang lalaking iyan.” Sagot naman ng kanyang kapatid na inaayos ang gamit sa loob ng ospital.
Halos mag-iisang buwan na rin silang nandirito, stable na rin ang bata, ngunit hindi pa nagigising si Ashley dahil nga hindi makauwi nito ang kaluluwa nito sa totoong katawan.
“Pupunta ka ba ngayon sa San Mateo?” tanong naman niya rito.
“Bukas, sasamahan ko si ate sa mansion.”
Napakunot-noo na lamang ito sa kanyang narinig. “Hindi ka naman pumasok sa mansion na iyon noon pa. Pipilitin mo ang sarili mo?”
“Kailangan kong gawin, Tashia, saka, hindi mo kaya ang nakikita mo noong nandoon ka, hindi ba?” tanong naman nito sa kanya.
Hindi siya nakasagot; nanatiling tahimik si Tashia. Kapag naalala niya iyon, hindi mapigilan ang katawan niyang magkaroon ng goosebumps sa buong katawan nito.
“Bantayan mo rito si Ashley. Saka, baka may dadalaw na namang tao rito. Hayaan mo na lamang sila.” Sabi pa nito at napabuntong-hininga na lamang.
Umupo ito matapos tupihin ang mga damit na nandoon. Pinangako nilang walang makakaalam sa buong pagkatao nito.
Nagdadalawang-isip na itong tulungan ang kanilang lola na nakakulong, ngunit iniisip pa rin nito ang kaligtasan ni Ashley.
“Ano kayang maari nating gawin para mawala ang sumpa na ginawa ni Lola sa bata?” tanging napatanong na lamang niya.
“Hindi ko rin alam, pero, we need to take a risk na ilabas natin ang bata.”
“Ha? Paano?” tanong naman niya rito.
“Tara.” Sabi pa nito sa kanya.
“Saan?” tanong naman niya.
Bigla na lamang hinawakan ang kanyang palad, at napunta kaagad sila sa kadiliman. Sila lang ang taong nandoon.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong naman ni Tashia kay Vivianne.
May babaeng nagpakita sa kanila, napakunot na lamang ang noo niya nang masilayan niya ito. Nakasoot ito ng puting bestida, duguan ang kamay nito at maputla ang mukha, magulo ang buhok nitong halatang walang sa ayos.
“Leah?” napatanong na lamang niya, na halatang nalilito sa kanyang nakikita ngayon.
“Ate, bakit dalawa ang Leah?” tanong naman nito.
“Huwag kang mag-aalala, she’s the alter ego of another Leah; iyong nakikita natin palaging nakasoot ng panluksa is the alter ego of her.” Paliwanag naman ni Vivianne sa kanya.
“Alter ego? So she’s the original Leah?” tanong nito.
Tumango ito sa kanya. “Pero, hindi siya pwedeng makita ni Lola, inaalagaan niya si Ashley habang gumagawa ng paraan ang alter ego nitong mawala ang sumpa na ginawa ni Lola.”
“Pasensya ka na,” paghihingi niya ng pasensya nito. Napalunok na lamang siya.
“Anong mangyayari kapag nakita ni Lola ang totoong si Leah?” tanging tanong niya sa kanyang kapatid.
“Hindi ko alam, ayaw din niyang magpakita kay lola.” Sabi pa nito sa kanya.
“Anong kailangan ninyo?” tanong naman nito, dumating ang ikalawang katauhan nito.
Nawala rin ang orihinal nitong pagkatao. Napatitig na lamang siya rito.
“Alam mo ba paano kontrahin ang sumpa ng matandang iyon?” tanong naman ni Vivianne.
Nakikinig lang siya at tinitingnan ang paligid.
“Kapag binalik mo ang sumpa nito sa kanya.” Sagot naman nito na diretsahan.
“Pwede bang subukan na palayain mo si Ashley?” tanong naman ng kanyang kapatid.
Napakunot naman ang noo nito. “Nahihibang ka ba? Gusto ba ninyong hindi makaalis sa lugar na ito?” tanong naman nito sa kanila.
“Anong ibig mong sabihin?” tanong naman ni Tashia.
“Pisikal na katawan ang ginagamit ninyo ngayon, kaya ninyong maglakbay. Kapag pinalaya ko ang batang may sumpa, ang pisikal na katawan ang maapektuhan sa inyo; huwag ninyo itong subukan.” Paliwanag nito sa kanilang dalawa at nagbabala pa ito.
Napabuntong-hininga naman si Vivianne.
“Isumpa din namin pabalik si lola Felicia.”
Napangisi si Leah sa naiisip ng ate Vivianne niya at napailing. “Hindi mo alam kung anong sinasabi mo, Vivianne, hindi mo alam kung gaano kalakas ang sumpa ng isang kaluluwang kagaya ng lola ninyo.”
“Kaya nga subukan natin.” Pagpupumilit pa ni Vivianne.
“Ate, pwede bang kumalma ka lang? Huwag na lang nating subukan, baka mas lalong mag-aalala si Ate Sharlene sa atin.” Kalma niyang pakiusap ng kanyang kapatid.
“Sundin mo ang sinabi ni Tashia, Vivianne, hindi ito ang mundo mo, buhay ka pa pisikal at isipan mo ang nakataya kapag sumugal ka.”
Napabuntong-hininga na lamang si Vivianne. “So, mag—aantay pa tayo na masagutan ang lahat para makalaya ang bata?” tanong naman ni Vivianne.
“Si Sharlene ang naging susi at para mawala ang bisa nito, kapag nakalaya na ang lola mo at natupad ang sumpang binitiwan niya noon, mawawalan ng bisa ang sumpa.”
“Totoo bang kapag natagalan ang kaluluwa sa mundong ito, mahihirapang bumalik ang bata sa katawan nito?” napatanong na lamang siya rito.
“Hindi ko alam, pero, posible iyon, kaya nga, huwag na kayong mag-aksaya ng panahon sa pag-iisip na palalayain ninyo ang bata na wala ang susi, baka, ikapahamak pa ninyo ito.”
Napabalik ulit sila sa hospital, nag-iisip naman ang kapatid niyang babae na si Vivianne.
“Ate, huwag na.” umiling – iling na lamang siya kung ano man ang iniisip ng kanyang kapatid ngayon.
“Saglit, may naiisip ako e, don’t worry, I don’t want also to take a risk.” Napasabi na lamang ng kanyang kapatid na babae.
Napabuntong-hininga na lamang siya kung ano ba ang maari nilang gawin para mabawi nito ang sumpang binigay ng kanilang lola Felicia.
Ayaw niyang problemahin na naman iyon ni Sharlene. Nananatiling tahimik ang dalawa, na napapansin niyang may kinakalkal sa isipan ang ate Vivianne niya ngayon.
May kumatok sa kwarto kaya naman nagkatinginan na lamang ang dalawa. Akala nila kung sinong tao naman ang dadalaw sa kanila ngayon. Nandito pala ang nurse para i-check ang condition ng bata.
“Nasa fast recovery na ang katawan niya, saka, mag – r – round ang doctor ni Ashley mamayang hapon, pwede ba ninyong tawagin ang Mommy niya?” tanong naman ng nurse sa kanila.
“Y – Yes po.” Iyon na lamang ang sagot niya sa tagubilin ng nurse, at matapos i-check ay umalis na rin ang nurse.
“Tawagan mo si ate Tashia, bibili na muna tayo nang makakain para makapag-isip rin ako.” Sabi naman ng kanyang kapatid na si Vivianne.
Tumango na lamang siya. Nagdala ng shoulder bag ang ate niya. Nagpapasalamat siyang day off si Vivianne sa trabaho.
Tinawagan niya ang kanyang kapatid sa cellphone, at agad naman itong pumayag sa sinabi ng nurse. Binaba niya kaagad ang phone niya matapos niyang kausapin ang kapatid niya.
Ano na naman ba ang naiisip ng kapatid kong iyon? Napatanong na lamang sa kanyang isipan at napabuntong-hininga na lamang.
55Please respect copyright.PENANAZYGp1N9Toe


