Chapter 12: Sa Gitna ng Apoy
—Minsan, hindi lang gulong ang umiikot. Pati damdamin. At sa init ng makina, nalulusaw ang lahat ng itinagong katotohanan.
Bahay ni Emerick – Tagaytay
Ang lamig ng simoy ay hindi sapat para palamigin ang tensyon sa loob ng bahay.
Tahimik si Alex habang pinapanood si Mikaella at Emerick magplano sa laptop. Para silang sanay na sanay sa isa’t isa—kilos, galaw, at galit. Mas malalim pa ang ugnayan nila kaysa sa inaakala ni Alex, at unti-unti na siyang nasasakal sa tanong:
“Ano pa ba talaga ako sa kanya?”
Hindi siya nagsalita. Hindi rin siya nagreklamo. Pero sa bawat tunog ng tawa ni Mika kay Emerick, parang may sumasabog sa dibdib niya.
Flashback: Mika & Alex – 5 Years Ago, Majayjay Falls
“Alex…” bulong ni Mika habang nakapatong sa dibdib niya sa loob ng tent.139Please respect copyright.PENANAEO63FwtbZd
“Gusto ko lang malaman mo… kahit saan ako dalhin ng mundo, ikaw ang tahanan ko.”
Kinulong ni Alex ang dalaga sa kanyang bisig.139Please respect copyright.PENANAcc1orh37UV
“Wala kang ibang pupuntahan kundi dito. Sa motor ko. Sa likod ko.”
Balik sa Kasalukuyan
Pero ngayon, si Mika ang nauuna sa plano. Siya ang may connections. Siya ang may alam.139Please respect copyright.PENANAYpLM2tQOar
At sa paningin ni Alex, para na siyang naging tagasunod—hindi partner.
“Wag mo kong tingnan nang ganyan,” sambit ni Mika.139Please respect copyright.PENANAeXHXe6FLOS
“Buhay mo ang nakataya rito. Ako ang may kasalanan kaya’t andito tayo. Ako rin ang dapat umayos ng gulo.”
“Hindi mo ‘ko sinama noon sa laban mo. Ngayon, lalaban ka mag-isa?”
Hindi sumagot si Mika.139Please respect copyright.PENANAxj6eRq9I1V
Dahil alam niya—hindi lang laban ito para kay Alex.139Please respect copyright.PENANAzNNb3H21lO
Laban ito para sa pag-ibig na iniwan niya noon… at ngayo’y unti-unting binubura ng selos, pangamba, at takot.
Meanwhile… Somewhere in Batangas
Isang lihim na warehouse.139Please respect copyright.PENANAxEei7mrhd9
X Rider — Riel — ay nag-eensayo. Hindi para sa karera.139Please respect copyright.PENANAFoPkmHbQtN
Kundi para sa patayan.
Sa gitna ng mga makina, may isang mannequin na may mukha ni Mikaella.139Please respect copyright.PENANA75ln1dPsek
Tinitingnan niya ito habang pinapaikot ang kutsilyong may tatak ng sindikato.
“Alam mong babalik ako, Mika.139Please respect copyright.PENANAP7Y1NVOD1P
At hindi lang alaala ang dadalhin ko.139Please respect copyright.PENANAFP5bYbomPZ
Kamatayan ang regalo ko sa ‘yong hiningi mong kalayaan.”
End Scene: Tagpo sa Rooftop
Gabi. Sa taas ng bahay ni Emerick, tahimik na nag-iisa si Alex habang hawak ang lumang picture nila ni Mika sa Majayjay. Nakaipit ito sa lumang ID niya sa underground circuit.139Please respect copyright.PENANAScpEUReaiZ
Dumating si Mika, dahan-dahang umupo sa tabi niya.
“Mahal pa rin kita, Alex,” sambit niya, halos pabulong.139Please respect copyright.PENANAvEiiONXZbE
“Pero kung pipilitin mong pumili sa pagitan ng puso mo at ng kaligtasan mo—139Please respect copyright.PENANA40wfCuXC4x
piliin mong mabuhay. Kahit wala ako.”
Ngunit hindi na siya pinatapos ni Alex.139Please respect copyright.PENANA8wo3nfrxm6
Hinila niya ito palapit.139Please respect copyright.PENANAzHaXLgMbkR
Hinalikan.139Please respect copyright.PENANArzEjPdlqIa
Mahigpit.139Please respect copyright.PENANAB1XFeMWAC9
Mapusok.139Please respect copyright.PENANA5pt99PgGpk
Parang sinasabing:
“Saan man magtapos ang karerang ‘to—sa langit man o impyerno—kasama kitang hahabulin ang dulo.”
Next: Chapter 13 – Tiwala o Trahedya139Please respect copyright.PENANAG9npTcgU3c
Magsisimula na ang pagsalakay.139Please respect copyright.PENANAAiGGPGPOc6
May taong magtataksil.139Please respect copyright.PENANAqheoXIzbTY
At may lihim na mabubunyag—isang lihim na maaaring ikamatay ni Emerick.139Please respect copyright.PENANAWoSQQFv4Hf
Ang tanong:139Please respect copyright.PENANAYTdEE4n8vV
Kanino mo ilalagak ang tiwala mo kung lahat ay may hawak na kutsilyo sa likod?


