
Kung hindi ganito ang takbo ng mundo, hindi ako magdadalawang-isip na tumakas tayo.365Please respect copyright.PENANANR40HVs87m
365Please respect copyright.PENANAEtV3saWixX
Hindi maalis ni Tydel ang kanyang isipan sa pag-uusap nila ni Jessenia. Kung may nasabi man siyang mali o masakit, kung kaya lang niyang mabago, tapos na ang lahat. Hindi na niya muling mababalikan ang nakalipas. Siguro sa sandaling iyon ay nalaman na ng puso niya ang kasagutan. Na kahit sobrang sakit...365Please respect copyright.PENANApN48YMl411
365Please respect copyright.PENANAf8RcHCoMvN
Kahit ayaw niya, si Tydel na ang hari ng Midnia.365Please respect copyright.PENANAtf8698ef1d
365Please respect copyright.PENANACvpXTUawXh
- - - 365Please respect copyright.PENANAzEy9NLhrYi
365Please respect copyright.PENANA7meID0X6QY
Mga iilang linggo nang hindi nagpapakita ang kanyang papa. Nakahandusay sa higaan ang haring Idrola, walang salita, walang imik. Hindi kumukuha ng pansin, hindi namamansin. Noong isang gabi tinatak na ni Tydel sa isipan niya na wala nang buhay ang tatay niya. Sinisikap man ng mga manggagamot ng Midnia na maayos ang kalagayan ng hari, parang may nakaukit na sa utak ni Tydel na wala nang pag-asa. Mabilis na ring kumalat ang sakit sa mga nayon ng kaharian. Unti-unting nasisira ang pundasyon ng kaharian. Mas naramdaman ni Tydel ang pagiging mag-isa.365Please respect copyright.PENANAuvi3zqMxSc
365Please respect copyright.PENANAniWnoGXSmh
Madalas na ngayong puntahan ni Tydel ang Amang Abracosa, ang matandang nagpalaki sa kanyang ama. Malaki ang kaniyang paghanga sa matanda, dahil hindi lamang sa pamumuno o pakikipaglaban ang karunungan na inaabot niya; isa siyang Mezular.365Please respect copyright.PENANAGej3F7mYyb
365Please respect copyright.PENANAVhLnocBq3d
Kagalang-galang ang mga Mezular sa loob ng bawat pader ng Midnia. Sila ang gabay ng sangkatauhan. Matagal na silang naririto sa mundo. Marami ang nagsasabing sila ang mga katulong ng Inang Kalibutan, ang diyosang kanilang pinaniniwalaan, lalo na't marami sa kanila ang mayroong kakaibang kapangyarihan na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa. Ang kanilang karunungan ang nagbibigay liwanag sa bawat desisyon na ginagawa ng gobyerno at ng mamamayan. Kailangan ni Tydel ang karunungan na ito. Kailangan niyang malaman kung paano maging isang hari. 365Please respect copyright.PENANAczifjV1ZQ5
365Please respect copyright.PENANAQh3MUCXimT
Pero sa bawat pagkikita nilang dalawa ni Abracosa, tila may nawawalang liwanag sa langit.365Please respect copyright.PENANA8PK2oPmx9P
365Please respect copyright.PENANA1owSowfIGC
"Amang Abracosa, nararamdaman mo ba?"365Please respect copyright.PENANAZZftyFgH5S
365Please respect copyright.PENANA93Cy6ny9cn
Napatingin si Abracosa sa kanya, parang may kakaunting kinang pa sa mata ng binata.365Please respect copyright.PENANA1q3WCWspHH
365Please respect copyright.PENANAsJiWlIn83v
"Ano iyon, anak?" sagot ng matanda.365Please respect copyright.PENANASWzmalyBnd
365Please respect copyright.PENANAZtcRAcclQS
"Unti-unting dumidilim ang kapaligiran. Sa tingin ko'y hindi lang ito dahil sa panahon. Sa tingin ko, may paparating."365Please respect copyright.PENANAlvn9dEYkjZ
365Please respect copyright.PENANAinzwCfnEXm
"Palagi namang may paparating, Tydel. Hindi lang tayo handa." malungkot na sinabi ni Abracosa. Kaniyang tiningnan ang lapag at hinaplos ang damo.365Please respect copyright.PENANAr12bemJRq6
365Please respect copyright.PENANAgjnJ8hJQvY
Patuloy pa rin ang kaniyang pagsasanay. Araw-araw niyang sinisikap na aralin ang bawat salita sa mga librong nakatanghal sa mga pader ng bahay ni Abracosa. Tinulungan ng matanda si Tydel na gumamit ng baril at tabak, kung dumating man ang panahon na dahas na ang kinakailangang paraan. Napansin ni Tydel ang pag-aalinlangan ni Abracosa sa simpleng pagbibigay ng baril sa kanya.365Please respect copyright.PENANAkAvDdaty2e
365Please respect copyright.PENANA5LLHExXFBf
Nahalungkat din ni Tydel ang mga librong nagpakita ng kasaysayan ng Midnia, kung paano ba ito nabuo. Bata pa lamang si Tydel noong nagsimula ang Midnia. Ngunit, sa kanyang mga alaala't panaginip, dinig niya ang sigaw ng mga tao, ang pagsunog sa mga bahay, at ang isang koronang tinalsikan ng itim na dugo.365Please respect copyright.PENANAYw2TC8JlQY
365Please respect copyright.PENANA5mMwdeRsaR
"Napapaginipan mo pa rin ba ang pagtakas natin sa Teccao?" biglaang tanong ni Abracosa, na tila alam niya ang iniisip ni Tydel.365Please respect copyright.PENANARYyxQidrfr
365Please respect copyright.PENANAuvcssBXN2m
"Oo, ama, hindi ko maintindihan. Ang alam ko lang, patuloy ang pagdurusa ng kaharian natin dahil sa kanila. Dahil sa kanila, patay na si tito. Nagawa nilang patayin ang pinakamalakas nating mandirigma. Ano pa ba ang hindi nila kayang gawin?" iyak ni Tydel.365Please respect copyright.PENANAFbNWryMO4t
365Please respect copyright.PENANAApZY0aoyiE
"Mga iilang linggo nalang bago sila ulit umatake." sabi ni Tydel habang tumitingin sa mga pahina ng libro. Nagsimula siyang gumuhit ng larawan ng pagkamatay ng kanyang tito.365Please respect copyright.PENANAlum4oikMt3
365Please respect copyright.PENANAvActWP1Huo
Huminga nang malalim si Abracosa.365Please respect copyright.PENANAxKAvwORLLH
365Please respect copyright.PENANADRthLQweMU
"Sa tingin ko, kailangan mo nang malaman ang katotohanan." sabi niya. Tumayo si Abracosa sa kanyang inuupuang bato. Sinayaw ng hangin ang kanyang puting buhok.365Please respect copyright.PENANAhxmFYkJ3Rx
365Please respect copyright.PENANAxHHq6bbL4J
"Noong bata ka pa, Tydel, tumakbo tayong mga Midnian mula sa Teccao. Lahat tayo dito ay mga Teccian noon. Ngunit tinuligsa natin ang mga utos ng gobyerno, dahil nakakasama ang kanilang pamamahala. Binigyan ni Grandor, ang hari, ang kaniyang militar ng kalayaan sa pag-aresto ng mga taong kasalungat niya. Iilang nayon ang napaalis nung araw na iyon. Ang 'Araw ng Pagbabago." Lahat ng ito, dahil sa maling tao napunta ang korona ng Teccao."365Please respect copyright.PENANABPvrkbCcpj
365Please respect copyright.PENANAf2RC9PtZQl
Tahimik na lumuha si Tydel. Isang tingin lang ni Abracosa sa binata at alam na niya ang katanungang umiikot sa isipan niya.365Please respect copyright.PENANARVYSZnIdSi
365Please respect copyright.PENANA0MTI1BsAzR
"Desisyon ng papa mo na itago sa iyo ang katotohanang ito. Lahat ng mga tao, lalo na ang iyong mga guro, kinausap niya."365Please respect copyright.PENANA2JlBtCEh36
365Please respect copyright.PENANAJQGYVCJIk5
Tinago ni Tydel ang kanyang mga luha kay Abracosa. Napatingin siya sa dumidilim na langit. "Kung hindi ako ang nararapat na maging hari ng Midnia, handa akong sumuko. Ngunit hindi ako titigil na lumaban para sa kaharian—"365Please respect copyright.PENANAbqGzLSbxd5
365Please respect copyright.PENANAPw9bJE5W2g
"Hindi ganiyan ang intensyon ng ama mo. Sa totoo, ang kinakatakutan niya ay ang labis mong pagmamahal sa bansa. Noong sanggol ka pa lamang, Tydel, may naramdaman na ang mga Mezular sa tibok ng puso mo. Ikaw lang ang pupuwedeng maging hari ng kahariang ito."365Please respect copyright.PENANALS7fZmgsSf
365Please respect copyright.PENANAaboVqnFwZW
Tumingin si Tydel sa matanda. "Kung ganoon, bakit 'to tinago sa akin?"365Please respect copyright.PENANAeSgeFSsWId
365Please respect copyright.PENANArQh5OVjm7Q
"Dahil alam nating dalawa kung ano ang gagawin mo, kung sakali mang malaman mo."365Please respect copyright.PENANAuEv4fe1Ucq
365Please respect copyright.PENANAg8KCnzerUN
Lumakad si Abracosa papunta kay Tydel at umupo sa tabi ng binata. "Mahal na mahal ka ng tatay mo, Tydel. Ayaw niyang mapahamak ka't masaktan dahil lamang ikaw ang anak niya."365Please respect copyright.PENANAoh8G16QOpe
365Please respect copyright.PENANA3X9YT1kZPt
Malungkot na nagsalita si Tydel. "Hindi ko kinakaya na humilata lang habang nilulusob tayo buwan-buwan ng mga Teccian. Kailangan kong gumawa ng paraan para matapos ang gulong ito."365Please respect copyright.PENANAXxMI34OZBR
365Please respect copyright.PENANAg9sHjYIKg0
"Tydel, alam kong puro ang iyong intensyon, pero sana maintindihan mo ang kahalagahan ng dugo mo. Kung walang mamamahalang Dysplis sa Midnia, babagsak lang ang kaharian. Iyan ang matagal ko nang panaginip, Tydel."365Please respect copyright.PENANAEwCpM4jrDC
365Please respect copyright.PENANAa5e5VAhJzW
"May dugong Dysplis din si mama, kaya niyang maging reyna ng kaharian."365Please respect copyright.PENANARQOv20JliJ
365Please respect copyright.PENANAd7JAcz1vJM
"Makakayanan niya, oo. Magaling ang mama mo. Pero sa darating na panahon, mas kailangan ka namin, Tydel."365Please respect copyright.PENANAWbgqXmgt7Y
365Please respect copyright.PENANAHP5zP29IP3
Tumayo si Tydel. "Hindi ko kayang umupo lamang. Kailangan kong tumayo, lumaban! Amang Abracosa, kailangang kong pumunta ng Teccao—" huminto si Tydel sa kanyang mga salita. "Doon ko lang magagawang mabago ang landas natin..."365Please respect copyright.PENANA3TzSB21KDr
365Please respect copyright.PENANAIY4CaRy7HL
Tumahimik sila nang ilang sandali.365Please respect copyright.PENANACLHQMaDljy
365Please respect copyright.PENANAUhR5gv3HMS
"Pagpapakamatay lang ang gagawin mo, anak." wika ni Abracosa.365Please respect copyright.PENANA7BL0nSLwZs
365Please respect copyright.PENANARxgqGNgsIO
"Handa na akong mamatay para sa bayan."365Please respect copyright.PENANAc4xVt8bzq9
365Please respect copyright.PENANAevhDjlu7oX
Umambon na nang konti sa paligid nila. Nagsimula nang bumalik sa bahay-kubo ni Abracosa ang mga ibong kanyang inaalagaan. Inilatag ng matanda ang kanyang kamay sa mainit na damuhan, na parang may hinihingi siyang kasagutan mula sa lupa.365Please respect copyright.PENANALkpNn5ucBf
365Please respect copyright.PENANARWmHg2OqVB
"Alam mo, Tydel, ito ang palaging sinasabi sa amin ni Inang Kalibutan; sa bawat paggalaw natin, hindi lang ang isip ang dapat na gumagana. Kailangan din nating tanungin ang ating puso. Dahil sa kalaliman ng ating mga puso, namumuhay ang parte ng ating pagkatao na nakakabit pa sa ating pinanggalingan. Na magsasabi sa atin kung ano ang nararapat na pasya."365Please respect copyright.PENANAbLAgVtK0Lk
365Please respect copyright.PENANAKVx5yEZDQq
"Ano kaya ang sagot ng puso mo, Ama?" tanong ni Tydel.365Please respect copyright.PENANASmbadm3uwV
365Please respect copyright.PENANAH6SvFiWN4Z
"Na kinakailangan mong intindihin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng puso." sagot ni Abracosa.365Please respect copyright.PENANAdSF8701svw
365Please respect copyright.PENANAaGZeaHRM9v
Nilagay ni Tydel ang kanyang kanang kamay sa kaliwang dibdib.365Please respect copyright.PENANAD6U0y6GGl6
365Please respect copyright.PENANA9Ng0lgkGVe
"Hindi ko alam kung kakayanin ko ang hinihiling mo.”365Please respect copyright.PENANAolrWrFj94U
365Please respect copyright.PENANAYKBpRgmDsX
- - - 365Please respect copyright.PENANAMB9VzdoBOA
365Please respect copyright.PENANAga43vj5wG8
Dumating ang panahon na mas lumaganap lamang ang sakit sa bawat nayon ng Midnia. Ginawa ng lahat ng mga manggagamot ang kanilang makakaya, pinagod ang kanilang mga katawan hanggang sa wala nang maibugang salita. Sa tulong ng mga Mezular at ang mga pinagkakatiwalaang tao ni Idrola, maraming buhay ang nasagip. Ngunit hindi ito sapat para ibangon muli ang kaharian mula sa paghihirap.365Please respect copyright.PENANARjGPMGIXbZ
Punong-puno ng lagim ang mga kalye ng Midnia. Halos walang taong makikita sa bawat sulok ng kaharian. Kung mayroon man, ito ang mga taong pinalabas ng kanilang pamilya sa takot na mahawaan ang iba, na silang mahahanap ng mga guwardiyang umiikot-ikot sa mga nayon upang makita ang kalagayan ng tao. Mabilis silang itatakbo sa ospital, pero halos lahat ng mga pasyenteng naghihintay sa kanilang pagkakataon ay namamatay na lamang sa gutom at init.365Please respect copyright.PENANA36Sx3eOBcS
365Please respect copyright.PENANAFSMLq0pOmb
Bawat araw, mas lumalakas ang ulan sa Midnia.365Please respect copyright.PENANAHJhcnnjPaF
365Please respect copyright.PENANABL12vqASS8
Sa dami-rami ng masasamang pangitain, mas tumindi lamang ang pinaninindigan ni Tydel. Kailangan niyang umaksyon. Kung hindi, hindi siya isang totoong prinsipe.365Please respect copyright.PENANAan9VmS5qII
365Please respect copyright.PENANAv7409G67J2
“Sa susunod na lumusob ang Teccao, maghahanda na ako. Pupunta ako sa ugat ng lahat ng ating problema at ipapangako ko sa inyong lahat na masisira ko ito.” biglaang wika ni Tydel kay Amang Abracosa habang pinapakain ng matanda ang kanyang mga ibon.365Please respect copyright.PENANA5lL6WlPMRn
365Please respect copyright.PENANANeEYyB0Nkb
“Siguro nga’y hindi na kita mapipigilan. Pero iisa lamang ang tanong ko sa’yo. Ano ang iyong plano?” sabi ni Abracosa.365Please respect copyright.PENANA0Ac1OpDX8t
365Please respect copyright.PENANAhKrrJ1IMHx
Lumapit si Tydel sa kanyang guro na may hawak na balde ng pagkaing-ibon. “Hindi ko rin alam, ama. Pero ang alam ko’y kapag nandirito lang ako, walang magandang mangyayari sa atin.”365Please respect copyright.PENANABrD7KbLfkq
365Please respect copyright.PENANAG261k79lD9
Buntong-hininga na lamang ang lumabas kay Abracosa.365Please respect copyright.PENANAlWeI4K75JQ
365Please respect copyright.PENANA5IR9aEEkdQ
“Mayroon akong alam na puwede mong simulan.” sabi ng matanda.365Please respect copyright.PENANAXBdlFEvog4
365Please respect copyright.PENANAtOcbLtWPCf
Pumasok sila sa kanyang silid-aklatan, isang maliit na kwartong mataas ang bubong at sa bawat pader ay nakahiga ang libo-libong mga libro. Liniwanagan ng sikat ng araw ang mga sulok ng kwarto. Inabot ni Abracosa ang isang panikwas sa kanyang gilid at unti-unting gumalaw ang mga pader at bumaba ang mga istante. Nang mapunta na ang aklat sa maaabot ni Abracosa, itinigil niya ang paggalaw ng pader at inabot kay Tydel ang libro.365Please respect copyright.PENANAtk2XFtpQVh
365Please respect copyright.PENANALoWEdrRFoJ
Binuksan ng binata ang mga pahina at kanyang nakita ang isang nayong namumuhay sa loob ng isang latian, na kahit umaga man ay madilim. Ngunit nakikita rin niya ang kasiyahan ng mga tao sa iginuhit na larawan. Para bang walang pahid ng digmaan sa kanilang mga pader.365Please respect copyright.PENANA7SFQP92njt
365Please respect copyright.PENANAFMpwttnHQa
“Ang nayon ng Cura. Ang kinalimutang nayon ng Teccao. Nasa kanila ang solusyon sa sakit na lumalaganap sa kaharian. Kung iyong mabigay ito sa atin, pupuwede ka nang magpahinga sa mga natitirang araw ng buhay mo.” sabi ng matanda. “Ngunit mahirap itong pasukin. Kung tinanong ka, sabihin mong ipinadala ka ni Amang Abracosa. Pero, hindi ko maipapangako ang iyong tagumpay.”365Please respect copyright.PENANAWFVOtQZIPg
365Please respect copyright.PENANA2qriZRC83t
“Opo, ama. Maraming salamat po.” at niyakap ng binata ang kanyang tagapayo. Tumulo ang luha ni Abracosa sa mga buhok ni Tydel.365Please respect copyright.PENANAHLYVYnmL7T
365Please respect copyright.PENANAws9kghxw0W
“Maghahanda ako para sa iyong paglalakbay. Kailan ka aalis?” sabi ni Abracosa nang nilulunok ang kanyang kalungkutan.365Please respect copyright.PENANAAahxjGqFee
365Please respect copyright.PENANA4RKKeri7aZ
“Ngayong gabi ‘ho, ama.”365Please respect copyright.PENANAlKrF12ICLZ
365Please respect copyright.PENANAWKTuYJptkB
“Magkita tayo sa gilid ng kagubatan. Magpaalam ka na sa mga minamahal mo.”365Please respect copyright.PENANA5pFXtrhglB
365Please respect copyright.PENANAxsJalvk8pX
Nang umalis na si Tydel mula sa kanyang bahay, lumabas si Abracosa at umupo sa hagdanan ng kanyang bahay-kubo. Dinamdam ng kanyang mga paa ang init na ibinibigay ng lupa. At siya’y umiyak, nilabas ang kanyang pighati.365Please respect copyright.PENANAI7mfZgxKnL
365Please respect copyright.PENANAN5VlkEbeUq
Bakit siya ang dapat isakripisyo? Sa dami-rami ng tao sa kaharian, bakit siya?365Please respect copyright.PENANAByqAFIncA9
365Please respect copyright.PENANAN0uifAVR40
- - - 365Please respect copyright.PENANALGiaJZhLoo
365Please respect copyright.PENANAdhZf0HU8tX
'Tydel, hindi ko kakayanin 'to...' ay ang mga salitang sumira sa puso ng binatang prinsipe.365Please respect copyright.PENANAs0jFvSo5Ek
365Please respect copyright.PENANAnJ8Iv1szNG
Noong hapong iyon ay nagsimula nang pumunta si Tydel sa kanyang mga kaibigan mula sa akademiya. May dilaw na kinang ang gilid ng langit at lupa na tila magsilbing kolorete sa paglisan ng araw.365Please respect copyright.PENANAiyGoJ6IApi
365Please respect copyright.PENANAihVYTeuIte
Mabilis siyang nakapaglibot sa nayon gamit ang kanyang motor; halos walang lamang sasakyan ang mga daan. Mabuti rin at walang nakakilala sa kanya, marahil dahil na rin sa suot niyang salakot, o dahil kakaunti na lamang ang naglalakad sa mga kalye. Ayaw niyang maisip ng tao na aalis papuntang ibang kaharian ang pag-asa nila.365Please respect copyright.PENANAlTP08KwFP8
365Please respect copyright.PENANAH9fjkFI1SM
Nang pagpasok ni Tydel sa bahay ng kanyang pinakamatalik na kaibigang si Hernando, tila wala nang natirang kasiyahan sa paligid. Nagkasakit ang ina ni Hernando ngunit pinipilit pa rin nyang gumalaw para alagaan ang kanyang mga anak. Sa nakita ni Tydel, siya ang nag-aasikaso sa pagpapanatiling malinis ng bahay; parang malapit nang bumagsak ang matanda. Bago pumasok si Tydel, iniwan niya muna ang sapatos niya sa tapat ng pinto. Umiiyak na pinapasok ng ina ni Hernando ang prinsipe.365Please respect copyright.PENANABUTg1xkQbG
365Please respect copyright.PENANAempQUhetG3
"Iyong Kataas-taasang Prinsipeng Tydel, hindi niyo na kailangang hubarin ang inyong sapatos—"365Please respect copyright.PENANAiyHQbbB7kn
365Please respect copyright.PENANAWiAfKzcu4s
"Salamat po, Inay, pero hindi po mawawala ang paggalang ko sa inyo kahit ako'y maging hari."365Please respect copyright.PENANAVqlKsj5JEU
365Please respect copyright.PENANAf5VKFRTa5O
Mas lumala ang pagluha ng ina. Sa sandaling iyon, bumaba na si Hernando mula sa kanyang kwarto at huminga nang malalim nang makita ang presensya ng kanyang mahal na kaibigan.365Please respect copyright.PENANAZMw4NZnMpb
365Please respect copyright.PENANAigvs1bttPs
Nag-alok si Hernando ng tasa ng tsaa ngunit tinanggihan ni Tydel, sinabing, "Hindi ako magtatagal."365Please respect copyright.PENANAOeAofuuNt6
365Please respect copyright.PENANAqceEIDESdM
Umupo si Hernando at humigop sa kanyang tsaa. "Naaalala mo pa ba 'yung araw na muntik ka nang mabaril ng guwardiya?"365Please respect copyright.PENANABBiIAJE5SD
365Please respect copyright.PENANAaqudIH5Fv1
Ngumiti si Tydel. "Oo. Grabe ka kasi, 'di ka mapakali. Ayan, muntik na 'kong mamatay dahil sa'yo."365Please respect copyright.PENANAsqzK7mdRLR
365Please respect copyright.PENANAP0AOozJtLq
Tumawa si Hernando. "Alam mo, 'yun din ang araw na nalaman kong gagawin mo ang kahit ano para sa kabutihan ng kahit sino man– maliban sa sarili mo."365Please respect copyright.PENANAPVzMO7aeM3
365Please respect copyright.PENANASGZfmaf0Hk
Humina ang ngiti ni Tydel. Tumingin siya sa lapag. "Hindi ko mapigilan. Ito na ako."365Please respect copyright.PENANAQFrEYecxYo
365Please respect copyright.PENANA6TKP7s1EH9
"Kung kaya ko lang na masamahan ka, Tydel, gagawin ko nang walang pag-aalinlangan. Alam mo 'yan." sabi ni Hernando.365Please respect copyright.PENANAnEbbex7ItY
365Please respect copyright.PENANARJ6YfskcOR
"Alam ko, ngunit mas mahalaga ang pamilya mo." sabi ni Tydel.365Please respect copyright.PENANAAeEmmIzoS9
365Please respect copyright.PENANAjd06FEdY54
"Parang tanggap ko na na mamamatay si Inang. Oras nalang talaga ang hinihintay." buntong-hininga ni Hernando.365Please respect copyright.PENANAimBNZ44kcN
365Please respect copyright.PENANAYeu093q8fK
"Hindi lang ang nanay mo ang kailangan mong asikasuhin. Nandyan pa ang mga kapatid mo."365Please respect copyright.PENANA8oqKNeoXEj
365Please respect copyright.PENANAdS5iMxf7kA
Tumahimik nalang si Hernando. "Mag-ingat ka. Kailangan mong bumalik para sa bayan."365Please respect copyright.PENANA86LXKvrmSv
365Please respect copyright.PENANACg4C2tyb4c
"Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang aking makakaya."365Please respect copyright.PENANA1TaQFYlGM8
365Please respect copyright.PENANAt4UwBZC1sH
Umalis si Tydel pagkatapos siyang yakapin ni Hernando. Kay sakit sa kanyang puso na maaaring ito na ang huli nilang pagkikita. Naramdaman din niya ang kakaunting galit na mayroon si Hernando. Ngunit wala na siyang magagawa pa.365Please respect copyright.PENANAVXPmggETZd
365Please respect copyright.PENANAtALTyv2MFX
Huli na ang pag-uusap nila ni Jessenia.365Please respect copyright.PENANAcwnOa3uDMw
365Please respect copyright.PENANAmWTbmyew98
Marahil hinuli niya dahil hindi pa niya kaya. Dahil hindi pa siya handa. Ngunit may sagot na ang puso niya, hindi lang niya masabi. Natatakot siya. Ayaw niya muna.365Please respect copyright.PENANACzDILhIPHP
Labis nilang sinuportahan at minahal ang isa’t isa, kahit na ang Midnia ay nawawarak na sa pagitan nilang dalawa. Hanggang ngayon, si Jessenia pa rin ang munting apoy na sumasama kay Tydel sa mundong kay lamig. Kung puwede lang sanang manatili nalang siya sa kanyang mga kamay sa sandaling magkita sila mamaya…365Please respect copyright.PENANAw33fdeyCMt
365Please respect copyright.PENANA4GxO7fpv4Y
Gayunpaman, kahit gaano kabigat ang puso ni Tydel, kailangan na niyang pakawalan ang tanging nagbibigay sa kanya ng liwanag.365Please respect copyright.PENANA8eTAVKmr4N
365Please respect copyright.PENANA4wrfDwDWHA
Sa kanilang pagkita, umiiyak na ang dalaga. Basa sa ulan, naghihintay sa tapat ng kanyang bahay para masulyapan lamang ang minamahal. Pagbaba ni Tydel sa motor ay sinalubong siya ng halik ni Jessenia. May luhang tumulo sa kanyang mata nang maisipan niyang huminto muna at manatili. Sana ganito nalang ang takbo ng oras. Mabagal, pero walang hinto. Para mas madama niya ang pagmamahal ni Jessenia. Para maisang-tabi na muna niya ang kanyang mga problema.365Please respect copyright.PENANATiiZ0sRsh0
365Please respect copyright.PENANASV27tzJKP4
Umiyak ang dalawa at nagyakapan sa ilalim ng ulan. Sa isipan ni Tydel, halos iisang oras silang nandoon, sinusulit na lamang ang sandali.365Please respect copyright.PENANAkyj3B6UKKw
365Please respect copyright.PENANAMGkRiXBQ9v
Sa wakas, nagawa ring magsalita ni Tydel. “Anong ginagawa mo sa kalagitnaan ng daan? Bakit hindi ka pumasok, ang lakas ng ulan, mahal.”365Please respect copyright.PENANA3YoUclMxqL
365Please respect copyright.PENANAm6BKDqhoi7
“Parang naramdaman ko na na aalis ka. Hindi ko alam kung bakit pero alam ko…” iyak ni Jessenia, at naramdaman ni Tydel ang higpit ng kanyang yakap.365Please respect copyright.PENANABvFL2curpH
365Please respect copyright.PENANAUh1NalVZfT
“Patawad, mahal.”365Please respect copyright.PENANAUygd8ETXHv
365Please respect copyright.PENANAf9TF2sIILE
“Tydel, hindi ko kakayanin 'to…”365Please respect copyright.PENANA6qK4czCXN4
365Please respect copyright.PENANAqeu5xoYjGJ
Hindi na napigilan ni Tydel ang kanyang luha. Mahinhin niyang nilagay ang pisngi ni Jessenia sa piling ng kanyang mga daliri; kay lambot ng kanyang hawak, kay sakit ng sandali.365Please respect copyright.PENANADlq0Y4qR87
365Please respect copyright.PENANAlTllqETvLW
“Tingnan mo 'ko. Alalahanin mo ang mukhang ito. Maraming araw ang darating bago mo ako makita muli, pero ipapangako ko sa iyo…” Napahinto si Tydel. “Pasensya na… hindi ko maipapangako ang pagbalik ko.”365Please respect copyright.PENANAEUmJIXLAEs
365Please respect copyright.PENANAeRfvAPM5Vk
“Alam ko, hayaan mo na muna akong mahawak ka nang matagal.” sabi ni Jessenia kahit pagod na ang labi.365Please respect copyright.PENANAPikW9BEGn7
365Please respect copyright.PENANAslfK4QAoXO
“Kung hindi lang ako ang prinsipe, mahal… Kung hindi ganito ang takbo ng mundo—” ngunit hindi natapos ni Tydel ang kanyang mga salita.365Please respect copyright.PENANASXhecHQqaH
365Please respect copyright.PENANAEtmTPtPdFT
"Pero ganito ang takbo ng mundo. Ang sakit ring isipin, Tydel…” luha ni Jessenia. “Pero may iisa akong maipapangako sa iyo. Tingnan mo ko, mahal.”365Please respect copyright.PENANALeUnXTaBFt
365Please respect copyright.PENANAq7TeLMH9rT
Nagkita ang mga mata ng dalawa. Bulong ni Jessenia, "Kahit man may galit sa atin ang mundong ito, pipiliin ko pa ring tumakbo sa tabi mo. Ipaglalaban ko ang pagmamahal natin. Paninindigan kita. Kahit hindi ko na kaya, sa’yo pa rin ako…"365Please respect copyright.PENANAXnfgpCYeup
365Please respect copyright.PENANANg8Z5YXnS1
Nanginig ang katawan ni Tydel at nanghina siya sa kamay ng kanyang minamahal. Hindi pinakawalan ni Jessenia si Tydel.365Please respect copyright.PENANAtUgvXi3CW6
365Please respect copyright.PENANA4fMY8joeVO
“Kung ito ang kasagutan ng puso mo, ito ang ipagpatuloy mo.” sabi ng dalaga.365Please respect copyright.PENANAiI3KxgUnl7
365Please respect copyright.PENANAFoqBOQSsh4
"Mahal na mahal kita. Paalam, Jessenia."365Please respect copyright.PENANAw362AMFSHI
365Please respect copyright.PENANAE1jO038BuN
- - - 365Please respect copyright.PENANAT09x80uUKv
365Please respect copyright.PENANAqKJzAXQTA6
Tahimik na ang mga sumunod na oras. Pagbalik ni Tydel sa palasyo ay hindi na siya nakapagsalita, kahit sa harap ng kanyang sariling inang si Lumina. Hindi niya magawang mabanggit lamang ang kanyang paglisan, dahil alam niya ang gagawin ng kanyang mama. At kahit salungat sa kaniyang kalooban, kailangan niyang ilihim ang nararamdaman.365Please respect copyright.PENANAWTCKzyfMzi
365Please respect copyright.PENANAr14YNnKlNP
Kinulong ni Tydel ang sarili niya sa kanyang kwarto upang makapag-impake ng kanyang gamit. Ang baril, kutsilyo, iilang pagkaing pinapakain lamang sa militar, mga damit na pang-sibilyan, lahat ay ipinagkasya sa isang maletang kayang ikarga ni Tydel sa kanyang likod.365Please respect copyright.PENANAU1KeBhhI6J
365Please respect copyright.PENANAElr5cx4b6W
Ngunit hindi siya makalabas.365Please respect copyright.PENANASGBBrBUFX2
365Please respect copyright.PENANA2g5uTg34IS
Bumagsak ang binata sa sahig, natapon ang laman ng maleta. Hindi makahinga nang maayos, patuloy na tumutulo ang pawis. Mayroon pang takot na pumipigil sa kanya, at kahit ipinipilit niya itong itulak pababa, hindi niya maiwasan ang pangangamba. Unti-unting humihigpit ang kanyang mga baga, at namumula na rin ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Niyakap niya ang kanyang sarili habang nakahilantad sa lapag. Wala siyang magagawa kundi ang maghintay sa pagtigil ng lahat.365Please respect copyright.PENANAiYn9lmEmC6
365Please respect copyright.PENANAhNaPV7mwBd
BOOM. Sa lakas ng pagsabog na narinig ni Tydel, bumalik siya sa kanyang pag-iisip at nakahinga nang malalim. Hindi niya alam kung iilang minuto siyang nakahiga sa sahig. Biglang kumalog ang lapag, umugoy ang palasyo, habang binibigyang-kahulugan pa ni Tydel ang nangyayari.365Please respect copyright.PENANATWF0Vj5Y9M
365Please respect copyright.PENANAUa8ssHt7Al
Lumabas siya sa kanyang kwarto at tiningnan ang mga pasilyo; kaliwa’t kanang natatarantang tumatakbo ang mga trabahador. Sa labas ng bintana ay dinig niya ang sigaw ng mga tao. Ang kaninang dilaw na liwanag sa pagitan ng langit at lupa ay ngayo’y naging apoy na kumukumot sa ulap ng Midnia. Sa sandaling iyon, nalaman na niya ang nangyayari.365Please respect copyright.PENANAvXXfehaNcA
365Please respect copyright.PENANAbjmxqAqCPq
Nandito na ang Teccao.365Please respect copyright.PENANATgZ3S0Umdp
365Please respect copyright.PENANAFhzoQ3tZ3Y
Iisa lamang ang nasa isipan niya, na hindi pa siya nakakapagpaalam sa kanyang ama. Mabilis niyang tinakbo ang mga hagdang patungo sa kwarto ng hari, kahit na sinusuntok na ng puso niya ang kanyang dibdib, kahit na binabaha ng pawis ang kanyang katawan.365Please respect copyright.PENANAlumwMNrWut
365Please respect copyright.PENANAU8Ll2vASVb
Sa sandaling iyon, hindi man lang naisip ni Tydel na may sakit ang kanyang ama, na maaari siyang mahawa't mapahamak ang kanyang misyon. Gusto lamang niyang masilayan muli ang kanyang papa, kahit ang ibig-sabihin nito ay ang kanyang sariling pagkahina.365Please respect copyright.PENANA6k7Rs0kiSE
365Please respect copyright.PENANAFhavlAZwJl
"Papa! Gumising ka, sige na, papa…" dumapa si Tydel sa gilid ng kama, hawak ang kamay ni Haring Idrola malapit sa kanyang mukha.365Please respect copyright.PENANAuvMS14Wgfz
365Please respect copyright.PENANA9vr8X8xIDF
"Anak… oras na ba?" bulong ni Idrola.365Please respect copyright.PENANAcZkexYNSX6
365Please respect copyright.PENANAZrWe366VBN
"Nandyan na sila, kailangan na nating umalis! Halika, papa, tutulungan kita pababa, sige na…" 365Please respect copyright.PENANApgOeV0oBGm
365Please respect copyright.PENANAO52Ek970ir
"Hindi na, anak… Hayaan mo na ako. Bakit ka pa pumasok dito? Mahahawa ka lang ng aking sakit…"365Please respect copyright.PENANA4WTzVyHOUt
365Please respect copyright.PENANAf2i3vqYlos
“Papa!” sigaw ni Tydel nang may malakas na pagbagsak sa gilid ng pader. “Hindi mo ba ako naiintindihan? Umaatake na sila! Wala akong pakialam kung magkasakit ako, kailangang mailigtas ka— ”365Please respect copyright.PENANAXUbHRAw9Bo
365Please respect copyright.PENANAdXnHzvFDpi
“Naiintindihan kita, Tydel.”365Please respect copyright.PENANA5arWEjdfO0
365Please respect copyright.PENANAs0X9Z5aigE
Tinitigan ni Tydel ang kanyang papa, at kusang pinakawalan ang kanyang kamay.365Please respect copyright.PENANA3f0Xbzs5y1
“Hindi ko pa nga tanggap, papa. Akala ko’y wala na akong pakialam kung lumisan ka, na malakas na ako, na hindi na ‘ko duwag. Pero mali ang akala ko… Tulungan mo ako, papa. Mahina pa ako.”365Please respect copyright.PENANAwTfLM9De90
365Please respect copyright.PENANA2WGR3oBVmx
“Mahina rin ako, anak. ‘Yan ang ‘di alam ng nakararami. Pero sinubukan ko, kahit na nilason ako at pinabayaan ng mundo, kinaya ko.”365Please respect copyright.PENANAXtxhaRmKze
365Please respect copyright.PENANAVaafleLsUt
“Paano, pa?”365Please respect copyright.PENANA9PkURZIl9J
365Please respect copyright.PENANAZV7KCli0Tl
“Kumapit lang ako sa pag-asang magiging mabuti rin ang takbo ng panahon.” ngiti ni Idrola habang kanyang hinawakan ang kamay ng anak. Napaluha si Tydel. 365Please respect copyright.PENANAVWqGUcq2BL
365Please respect copyright.PENANAXiy0nAaTpk
“Iisa lang ang taong nakikita kong gigising sa kinabukasang pinapangarap ko.” sabi ng hari. Tumingin si Idrola sa bubong ng kwarto at pinikit ang mata. Hinubad niya ang korona at ipinakita sa kanyang anak. Nakakabulag ang gintong kinang nito, na tila tumitingin ka sa langit. Ang mga perlas na nakakalat sa bawat gilid nito, ang mga naka-ukit na larawan sa mga dulong patulis; kaakit-akit.365Please respect copyright.PENANAqdvF7w1yyK
365Please respect copyright.PENANABLXQRXiZWw
Ngunit hindi man lang humanga si Tydel sa kagandahan nito. Nang ibaba ng hari ang korona sa ulo ni Tydel, napabagsak ang binata sa sahig at nanatili ang korona sa mga kamay ni Idrola. Hindi na napigilan ni Tydel na ilihim ang kanyang paglisan.365Please respect copyright.PENANAYRkjQvemTj
365Please respect copyright.PENANAR3D88ERhpv
“Papa, hindi ko pa kaya. Pa, aalis ako, hindi ko alam kung babalik pa ako ng Midnia!”365Please respect copyright.PENANAXBfbc8IWtM
Nanlaki ang mata ni Idrola at nawala ang ngiti sa kanyang mukha sa pagkarinig ng mga salita ng kanyang anak. Buntong-hininga na lamang ang lumabas sa kanyang bibig.365Please respect copyright.PENANARxdvZJgVnS
365Please respect copyright.PENANA8ylqoIGNMw
“Ikaw lang ang tunay na hari ng kaharian natin. Hindi ko ito maibibigay sa iba. Ikaw ang pag-asa natin, anak.”365Please respect copyright.PENANAauLwsCYAu5
365Please respect copyright.PENANAdyuXGxP7Aq
“Bakit hindi mo ibigay kay mama?”365Please respect copyright.PENANAs2dbX6MSWy
365Please respect copyright.PENANANhjPVVmkmF
“Mahina na rin siya, anak… Sa mga susunod na araw ay magkakasakit ang mama mo.”365Please respect copyright.PENANAlIkVUwlZ9s
365Please respect copyright.PENANAf4S4DAP0YC
“Papa…” iyak ni Tydel.365Please respect copyright.PENANANCABRr2p3q
365Please respect copyright.PENANAvYt5yngBG2
May nagsimulang sigawan mula sa kabila ng mga bintana. Mayroon nang mga taong bumabalibag sa pinto ng palasyo, nagmamakaawang papasukin sila. Huminga nang malalim si Idrola, at tumahimik ng ilang segundo. Nang pagbukas ng kanyang mata, tumingin siya sa kanyang anak na para bang tiyak na ang kanyang desisyon.365Please respect copyright.PENANA3XOr0VZ9cD
365Please respect copyright.PENANACrmSExdIHe
“Ano man ang iyong gawin, alam ko na ikabubuti ito ng bansa. Kahit hindi mo suot ang korona, ikaw ang aming bayani, Tydel.”365Please respect copyright.PENANAWNAiAvdY7B
365Please respect copyright.PENANAIK1oc7Rzny
Tiningnan ni Tydel ang kanyang ama. Mahina na, namumuti na ang pisngi. “Paano na ang Midnia, papa? Hindi ko kayang ipagpaliban ang aking misyon. Ngunit hindi ko rin mapapabayaan ang kaharian!”365Please respect copyright.PENANAoyguKQgAko
365Please respect copyright.PENANAEiCLtL3ybp
“Tama ka… mas lalaki lang ang apoy sa Midnia kung hindi ka aalis. At wala na rin naman akong magagawa kung iyan ang iniisip mong kailangang mangyari. Ikaw lamang ang tanging taong alam kong may puro at tapat na pagmamahal sa bayan.”365Please respect copyright.PENANA7MHmxn77YA
365Please respect copyright.PENANA6Jx3hEy7am
“Salamat, papa… sa lahat.” Hinalikan ni Tydel ang noo ng hari.365Please respect copyright.PENANAONdAQW9kAv
365Please respect copyright.PENANASX0Lw94bQC
Tumakbo si Tydel papalabas ng kwarto nang may luha sa kanyang mata, habang lumalabo ang kanyang paningin at unti-unting namumula ang paligid. Sa kanyang likuran, narinig niya ang pagbagsak ng gintong korona ng Midnia. Iniisip niya kung ano ang kanyang iniwanan, ang kanyang isinuko, para lang maging bayani ng bayang bumabagsak na. Manghihinayang kaya siya sa kanyang desisyon?365Please respect copyright.PENANAJEsrSgZUV6
365Please respect copyright.PENANAZocZsAhDOL
Nang may mabilis na pagtibok ng puso, tumalon ang Haring Tydel mula sa bintana. Palabas ng palasyo, papunta ng kagubatan; paalis ng kaharian.365Please respect copyright.PENANAGdqyz0qOZ8
365Please respect copyright.PENANATV3ba4FpAn
- - - 365Please respect copyright.PENANAF3raZFzRca
365Please respect copyright.PENANAbZem26jpCr
"Patay na ang hari." 365Please respect copyright.PENANAmYuopM3Kt6
365Please respect copyright.PENANAncNqntQYEK
Sa kaguluhang nangyayari sa kabilang dulo ng kagubatan, hindi na ipinakita ni Abracosa ang tunay niyang naramdaman.365Please respect copyright.PENANAQs13EatwJ1
365Please respect copyright.PENANAiN1vAE7Cu2
"Oras na rin ng kanyang pahinga." bulong ni Abracosa.365Please respect copyright.PENANAuItFstpnvR
365Please respect copyright.PENANAoYRwi5ynRR
"Ama… bakit kailangang ngayon mangyari 'to?" Luha ni Tydel habang ibinabagsak ang kanyang mga gamit sa buhangin. Nagningning ang tubig dagat ng pula at ginto sa mga apoy ng Teccao.365Please respect copyright.PENANAI2trkGciAZ
365Please respect copyright.PENANAzWIctzM94g
"Wala nang oras para damdamin ang nangyari. Wala nang maiiba. Kailangan nalang nating umusad." 365Please respect copyright.PENANAx8n2HCwE58
365Please respect copyright.PENANAubkUqj8Z6H
Mula sa tubigan ay pinaangat ni Abracosa ang isang malaking makinang tawag nilang submarino.365Please respect copyright.PENANAkvVtpUXW0t
365Please respect copyright.PENANAOuEIG8rzA1
"Ito ang sasakyan mo papuntang Teccao. Nakasaad na ang ruta niyan, kailangan mo nalang maghintay. Ang kadiliman ng tubig ang kaibigan mo sa panahon mo sa ilalim. Sa pagbagsak mo sa mga lupain ng kaharian ay darating na rin ang mga bangka nila. Mag-ingat ka. Huwag kang magpapakita sa kahit kanino." paalala ng matanda.365Please respect copyright.PENANA9YNoFJKLb0
365Please respect copyright.PENANAD21enyfOiH
"Ama… Mag-ingat rin kayo."365Please respect copyright.PENANAdJzxhkvqdi
365Please respect copyright.PENANAnkJa9AD34W
"Pinoprotektahan tayo ni Inang Kalibutan. Huwag kang mag-alala."365Please respect copyright.PENANAuNrahOtKOo
365Please respect copyright.PENANA6DUYt3hkXg
Mula sa leeg ni Abracosa ay tinanggal ang isang kuwintas na yaring kahoy at dahon. Napunta ito sa mga kamay ni Tydel.365Please respect copyright.PENANA6sNRq6wyHJ
365Please respect copyright.PENANAawUOmQprAd
"Palagi mong tandaan, Tydel," pinatuloy ni Abracosa. "Hindi tumitigil ang pagmamahal ng Ina sa atin."365Please respect copyright.PENANAW61sgTf5S6
365Please respect copyright.PENANAFihqmUU2Wi
Sinuot ni Tydel ang kuwintas. Sa segundong nagdikit ang kahoy nito at ang balat niya, tila nagkaroon ang bata ng kakaibang lakas at galak na matapos ang misyon. Lumiwanag nang kaunti ang kanyang paningin, nawala ang dilim ng gabi. Nagkaroon ng munting kinang ng pag-asa ang kanyang puso. Sa iilang saglit ay naramdaman ni Tydel na mayroon siyang kakayahan at kapangyarihan na ipagpatuloy ang landas. Hindi na muling lalabo ang kanyang pagtingin sa abot-tanaw. Malinaw ang tagumpay.365Please respect copyright.PENANAdXWF7Osghw
365Please respect copyright.PENANArHxeNcu6Lv
"Salamat, Ama, sa lahat ng itinuro at ibinigay mo sa akin. Hindi kita bibiguin."365Please respect copyright.PENANATHS7fDHOue
365Please respect copyright.PENANAYdk3qECihq
"Tydel, sa simpleng pagtapak mo sa labas ng palasyo, tinanggal mo na ang lahat ng mga duda ko. Nagtagumpay ka na sa aking mga mata."365Please respect copyright.PENANAjQJQIkCPPM
365Please respect copyright.PENANAqgWJiZizP2
Ngumiti si Tydel, isang munting ngiti ngunit taos-puso at totoo. Kay tagal nang nakalipas mula noong huli itong nakapiling ng puso niya.365Please respect copyright.PENANAYXpkT9Lmno
365Please respect copyright.PENANA46bG4TIASq
Sa pagsakay ng bagong hari sa submarino, wala nang nagpabigat pa sa kanyang damdamin. Handa na siya, kahit na pininturahan ng luha't dugo ang daang kanyang tatahakin. Walang pag-aalinlangan niyang hinanda ang makina.365Please respect copyright.PENANAAbpXOWLuhw
365Please respect copyright.PENANApIpMlGTf1a
Unti-unting lumubog ang submarino, palalim nang palalim hangga't ang tanging yumayakap sa kanya ay ang kadiliman. Ngunit hindi nakaramdam ng takot si Tydel. Malakas ang loob niya na malalagpasan niya ito.365Please respect copyright.PENANABsy1u5TOCT
365Please respect copyright.PENANASSWWpsB8Su
Umandar na ang makina, palayo ng kaharian.365Please respect copyright.PENANARoy4raroc4
365Please respect copyright.PENANAm5VoXCW1UL
Sa likuran, tiningnan ng bagong hari ang iniwanan niyang kaharian mula sa ilalim ng tubig. Ang ilaw sa maitim na gabi.365Please respect copyright.PENANAB9IEyrZszb
365Please respect copyright.PENANAerSJfDOVcE
Nagsusumikap ang mga sundalo ng Midnia na labanan ang mga pumapasok na kabalyerong Teccian. Tila namula na ang mga pader ng mga gusali sa mga talsik ng dugo. Nangibabaw ang ilaw ng mga apoy na sinunog ang pag-asa ng bayan. Sa ere ay may mga barkong lumilipad, inulanan ng bomba ang mga depensa ng Midnia. Patuloy pa rin ang laban, at walang umatras sa mga Midnian. Tinadtad ng bala ang mga barko, sinaksak sa puso ang mga Teccian, at tinulungan ang mga manggagawa na tumakbo paalis ng gulo. Nananalo ang Midnia, ngunit kung sa huli ay putol ang kanilang paa, walang mauwiang pamilya, ano pang silbi ng giyera?365Please respect copyright.PENANASt1PaMhtoV
365Please respect copyright.PENANADI8Nd6VMcm
At ang nasa isip ni Tydel, ay ang kanyang pagkawalang-imik sa nangyari. Pero, hindi na niya kayang tumalikod. Paabante lang ang kanyang galaw.365Please respect copyright.PENANAAwA5BAhwYG
365Please respect copyright.PENANASsbMBOW9BX
"Paalam, Midnia."365Please respect copyright.PENANAnnAYeTsK1u
365Please respect copyright.PENANAqHXTPTbNt1
Ito na ang huling tingin ni Tydel sa kanyang iniwanang kaharian. Kung siya ma'y makabalik, ibang lugar na ang kanyang mauuwian.365Please respect copyright.PENANAZvyjFYxotW
365Please respect copyright.PENANAaL6sgaS8LV