/story/82032/never-stop-asking-what/toc
Never stop asking... What? | Penana
arrow_back
Never stop asking... What?
more_vert share bookmark_border file_download
info_outline
format_color_text
toc
exposure_plus_1
Search stories, writers or societies
Continue ReadingClear All
What Others Are ReadingRefresh
X
Never miss what's happening on Penana!
PG
Never stop asking... What?
akid1412
Intro Table of Contents Comments (0)

Hindi Ka bobo kung magtatanong ka.


Hindi Ka mangmang kung nais mong malaman kung saan nanggagaling ang ulan.


Hindi katangahan kung nadulas Ka dahil hindi mo napansin na basa pala ang sahig... Pero nakakatatawa kasi nakakatawa talaga e. Huwag lang nag-aalala hindi ka nag-iisa, marami ng nadulas sa sahig na 'yan.


Siguro naman lahat naman tayo curious kung paano nagkakaroon ng tao sa tv, paano nagkakaroon ng boses sa radyo, paano nagkakaroon ng ulan, paano nabubuo ang paracetamol?, paano maging pangulo ng bansa, bakit umiiyak ang clown, (sorry that's a different story.....) Habang patagal ng patagal parami ng parami yung gusto mong malaman, matutunan. Kung ang mga nasa medical ay doctor, nurse, radiologic technologist, therapist, psychologist at marami pa, ang mga teachers, abogado, architects at iba pang mga professions ay nasa kani-kanilang position. Ang tanong, paano mo magagamit 'yung natutunan mo? Kanino at saan mo gagamitin ang pagguhit ng mga puno, sino ang makaka-appreciate ng mga likha mong figurines, ano ang magagawa ng tula at iba pa? 


At anong kinalaman ng huwag mahihiyang magtanong? Lahat ng tao kahit na professionals na hindi humihinto sa pag-aaral. Hindi sila natatapos sa isang papel o higit pa para mapatunayang doctor sila. 


Lahat ng tao natututo sa sariling pagkakamali at may iba natututo sa pagkakamali ng iba kaya hindi nila susubuking gawin dahil hindi nila nakitaan magandang resulta. (Gagawin mo rin ba kung nalasing siya at gumapang pauwi?, Iiwanan mo rin bang bukas ang pinto ng bahay mo kung iniwan nyang bukas ang pinto ng bahay nila at pag-uwi wala nang naiwang gamit sa bahay nila?) 

Ilang ulit na siyang (na?) sinasaktan pero hindi nya iniiwanan, hindi niya magawang iwan. Mahal niya e. Anong pagkakamali nya dun? Na ginagawa na siyang punching bag pero kinikilig pa rin siya? Na naging "runner" na siya dahil sa trabaho ng jowa una at muntik-muntikan na siyang mahuli ng pulis dahil sa pinapagawa ng jowa nya pero hindi niya hinihiwalayan, isang dosenang anak na ang meron sila at ilang beses nang nanganib ang buhay niya at ng baby nila sa panganganak pero magkatabi pa rin silang matulog. 


Paano ba masasabing mangmang, bobo, estupido, tanga ang isang tao? 


Katangahan ba kung hindi niya magawang iwan dahil mahal niya? O may choice naman siya pero yun ang pinili nya? Nakakainis di ba? 


Kamangmangan ba kung kulang sa mga sources o taong may intensyon na makatulong para matupad ang pangarap nila?

Minsan yun ang hinahanap natin, yung mga taong mapagkakatiwalaan na pupuno sa mga kulang natin at advanced ang napag-aralan na willing mag-share ng mga natutunan nila dahil nais nilang palawakin ang mga natutunan nila o naghahanap ng mga taong may kapareho ng nais na resulta gamit ang mga napag-aralan nila. Yung mga taong kapareho nila ng hangarin, kaisipan at pag-unlad hindi lang sila kundi maging ang komunidad nila. 



Show Comments
BOOKMARK
Total Reading Time: 2 minutes
toc Table of Contents
bookmark_border Bookmark Start Reading >
×


Reset to default

X
×
×

Install this webapp for easier offline reading: tap and then Add to home screen.