"Ibang klase! Nagkaamuyan kaagad sina Hachimura at Sakuragi! At ang ganda ng ginawa ni Dave para mailayo si Hanagata sa ilalim ng basket!" wika ni Fujima habang nakatingin sa mga player ng Team B.
87Please respect copyright.PENANA6fLrXzg6V0
"Tama ka sa sinabi mo, Coach Fujima! At ang taktikang iyan ay magagamit natin sa paparating na College Matches," tugon naman ni Coach Osaka kay Fujima.
87Please respect copyright.PENANAdnrqEAY0ik
Nasa panig ng Team A ang ball possession, hawak ni Maki ang bola. Habang idinidribble niya ito, iniikot niya ang paningin, naghahanap ng pagkakataon para ipasa kay Jin. Ngunit biglang natapik ni Kenzo ang bola mula sa mga kamay ni Maki. Tumilapon palabas ng court ang bola, pero mabilis itong nahabol ni Sakuragi. Bago pa bumagsak sa sahig, naipasa niya na ang bola kay Kenzo.
87Please respect copyright.PENANApc25CNBnIX
"Nice save, Idol!" sigaw ni Dave kay Sakuragi.
87Please respect copyright.PENANAgQG91eXgpD
Mabilis namang bumangon si Sakuragi at bumalik sa court, parang walang pinsala sa pagkakadulas niya sa sahig.
87Please respect copyright.PENANAFEfTYqTaHh
"Teka... tao pa ba yun?" nagtatakang tanong ni Akuma sa sarili.
87Please respect copyright.PENANAUWBu3BjS82
"Sa laban na ito, mahihirapan sina Sendoh na maka-score dahil iba na ang galaw at laro ni Sakuragi," wika ng isang guro na nanonood sa labas ng Basketball Gym.
87Please respect copyright.PENANADPtCC3qzsG
Habang idinidribble ni Kenzo ang bola, mahigpit ang depensa ni Maki sa kanya. Nakita ni Kenzo na humihingi ng pasa si Sakuragi, kaya walang pag-aatubili, ipinasa niya ang bola. Pagkasalo ni Sakuragi, agad siyang dinipensahan ni Sendoh. Ngunit ilang sandali lang, nalusutan ni Sakuragi si Sendoh nang walang kahirap-hirap.
Bago pa ma-double team si Sakuragi, naipasa na niya ang bola kay Hachimura, na open sa right side ng 3-point area.
87Please respect copyright.PENANADYS2QuuIXP
"Hindi maaari! Nalinlang tayo ni Sakuragi!" sigaw nina Jin at Hanagata.
87Please respect copyright.PENANA4Vssg1Qy4c
Dahil walang bumabantay kay Hachimura, naging maganda ang bitaw niya sa bola. Pasok ang tira, at ang score ay 5-0, 8 minutes at 45 seconds na lang ang natitira sa first quarter.
87Please respect copyright.PENANA2nFxYGM71W
Lumapit si Hachimura kay Sakuragi at nakipag-five sa kanya.
"Nice assist, Sakuragi!" wika niya bago bumalik sa depensa.
87Please respect copyright.PENANABCQ4S1zlp1
"Okay team, tayo naman ang pupuntos!" wika ni Sendoh sa kanyang mga kakampi.
87Please respect copyright.PENANAcyOexIpUwO
Ngayon, nasa panig na ng Team A ang ball possession. Habang idinidribble ni Maki ang bola, hindi niya matalo ang depensa ni Kenzo, kaya ipinasa niya kay Jin. Pagkasalo ni Jin, tinutukan niya si Hachimura sa depensa at tumira mula sa tres. Sinubukan ni Hachimura na sabayan sa pag-block, pero hindi niya nagawa. Dahil mahusay ang tira ni Jin, pasok ang bola. Score: 5-3, 8 minutes at 20 seconds na lang ang natitira sa first quarter.
87Please respect copyright.PENANAuQB87enltj
Samantala, sa labas ng Basketball Gym, may mga estudyante na papalabas ng campus. Nang makita ang laro sa Kanagawa Basketball Gym, bigla silang huminto at nagtungo sa loob para umupo sa bleachers at panoorin ang laban.
Ngayon, nasa Team B naman ang ball possession. Hawak ni Kenzo ang bola, ngunit mahigpit ang depensa ni Maki. Hindi niya magawang lusutan ito, kaya ipinasa niya kay Sakuragi. Pagkasalo ni Sakuragi, idinribble niya ang bola at ipinasa kay Kiyota.
87Please respect copyright.PENANAjkXH1zn0jC
Pagkasalo ni Kiyota, itinaas niya ang bola para tumira, at napa-talun si Fukuda, inakala nitong itatapon ni Kiyota ang bola. Ngunit mabilis na ibinaba ni Kiyota ang bola at ipinasa kay Dave Ishida.
Tumalon si Ishida para tira, at sinubukan ni Hanagata na pigilan siya. Ngunit mabilis na ibinaba ni Ishida ang bola at ipinasa kay Sakuragi, na nasa left side ng 3-point area. Walang pag-aalinlangan, itinira ni Sakuragi ang bola. Sinubukan ni Sendoh na i-block, pero bigo. Pasok ang tira! Score: 8-3, 7 minutes at 57 seconds na lang ang natitira sa first quarter.
87Please respect copyright.PENANAafEwY83xKm
TO BE CONTINUED...
87Please respect copyright.PENANAjp1Oq8DOoO
87Please respect copyright.PENANA2SZoBFSwTZ


