Bago pa isinilang ang Luminara... bago pa magsimula ang digmaan laban sa dilim... may isang lahi na isinumpa ng sarili nilang kalikasan.
288Please respect copyright.PENANAcb15B4l92o
Sa loob ng maraming siglo, ang mga Bangkilan ay kinatatakutan bilang mga nilalang na mala-diwata ang anyo ngunit mandaragit ng mga binata-umaakit, umuubos ng lakas, at sa huli'y pumapatay upang mapanatili ang kanilang lahi. Isang tradisyong brutal at walang awa, na tinanggap bilang batas ng kanilang dugo.
288Please respect copyright.PENANAtJuFRypBGd
Ngunit dalawampu't anim na taon ang nakalipas, limang Bangkilan ang nagtanong ng isang bagay na ipinagbabawal:
Kailangan bang pumatay upang mabuhay?
Sina Mira, Miraida, Estela, Alice, at May ay tumalikod sa sinaunang tradisyon ng kanilang lahi. Sa gitna ng karangyaan, imortalidad, at kapangyarihang magpagaling ng sarili at iba, pinili nilang suwayin ang batas ng dugo-kahit pa kapalit nito ang pagtakwil, pangangaso, at kamatayan.
288Please respect copyright.PENANASPomXUfn2H
Habang unti-unting nabubunyag ang lihim ng kanilang pinagmulan, haharapin nila ang mas madilim na katotohanan:
Ang pinakamapanganib na kalaban ng isang Bangkilan ay hindi tao-kundi ang gutom na naninirahan sa sarili nilang dugo.
288Please respect copyright.PENANAaWh1mO5jvx
Ito ang kuwento ng paghihimagsik laban sa tradisyon.
Kuwento ng limang babae na piniling maging tao kaysa halimaw.
At kuwento ng pinagmulan ng pagbabago na magpapayanig sa mundong tatawaging Eclipsera.
ns216.73.216.253da2


