CHAPTER FIFTY-THREE56Please respect copyright.PENANALw6dRn8GPU
MAY KUMULBIT kay Leah, kaya naman napatingin naman siya sa batang nakatingin sa kanya, napabuntong-hininga na lamang siya.
56Please respect copyright.PENANADFoE1ef1OE
Kailangang makalabas na siya rito. Napasabi sa kanyang isipan. Kinuha niya ang bata sa kulungan. Ngunit, ibinalik niya ito kaagad nang may maramdaman siyang hindi maganda.
56Please respect copyright.PENANAwDasTwf64J
Not now. Napasabi sa kanyang isipan.
56Please respect copyright.PENANAY6q2Lh6mKX
“Ashley,” tawag niya rito.
56Please respect copyright.PENANApQQUkcVcNf
Napalingon naman ang bata sa kanya. “Kaya mo bang maglakbay?” biglang natanong niya sa bata.
56Please respect copyright.PENANAWTEUvgUllY
“Maglakbay?” tanong naman nitong nalilito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAVFpZPrI2DM
Napabuntong-hininga siya kung paano niya ipaliliwanag sa bata ang nais niyang iparating. May matang nakatingin sa kanya, kaya naman napalingon siya. Ang isa pala niyang katauhan.
56Please respect copyright.PENANACaWUgy52ey
“Kaya kong ibigay sa kanya iyon.” Napasabi na lamang nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAPAnriTcYYs
Hindi siya sumagot nito. Nag-iisip siya.
56Please respect copyright.PENANAygogEycncp
“Dalhin mo ang isipan ni Ashley kapag nakalabas ako rito, may titingnan lang ako.” Agad siyang naglakad sa walang katapusang kadiliman.
56Please respect copyright.PENANAsHx0NShLj1
Sumunod naman sa kanya ang isa niyang katauhan, nabigla na lamang siya na ang isipan ng batang dala nito ay binigyan niya ng katauhan, tila totoong kasama nila si Ashley ngayon.
56Please respect copyright.PENANAQJ3cRpcSBR
Napatitig naman siya sa isa niyang katauhan. “Kaya ba niyang mapalayo sa totoo niyang katauhan?” napatanong na lamang nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAV2cxaO6bgL
“Hindi ko sinubukan, pero kaya niyang makipag-usap kay Vivianne.”
56Please respect copyright.PENANAVrIzPe6js3
Napakunot naman ang kanyang noo. “Sinasamahan mo ba siya?” tanong naman niya.
56Please respect copyright.PENANAd8Etfs6QPB
Napailing-iling naman ito sa kanya. “Ginagabayan ko lamang siya paano niya gagamitin iyon.”
56Please respect copyright.PENANAH41uEEskCw
Alam ba iyon ng mga nandoon? Muli itong umiling sa kanya.
56Please respect copyright.PENANARrVJeUO1nW
“Ashley, pwede mo bang tawagin si Vivianne rito?” tanong naman niya.
56Please respect copyright.PENANAHc5HXhf9Vi
Tanging tango na lamang ang sinagot ng bata.
56Please respect copyright.PENANAIgpNHcbStz
“Ashley.” May boses na kilala niya.
56Please respect copyright.PENANAYIhVTK7cu9
“Ate Vivianne.”
56Please respect copyright.PENANAhMX85XSP2g
Nabigla naman ito sa kanya; sinenyasan niyang umalis ang isa niyang katauhan, at kaagad itong naglaho na parang bola. Napatitig ito sa kanya at sa bata.
56Please respect copyright.PENANArJ6Nj5iDZy
“Pinapalaya mo na ba si Ashley?” tanging tanong na lamang nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAa34KB6Q0dZ
“Isipan pa ang kaya kong palayain ngayon, kaya nakakausap mo siya minsan na ikaw lang naman ang tanging may kakayahang gawin iyon.”
56Please respect copyright.PENANATovx5oLDtT
“Isipan?” napatanong na lamang nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAaEk6FSULbM
Napabuntong-hininga na lamang siya.
56Please respect copyright.PENANAvjfB0vgOXR
“Bago malaman lahat ni Sharlene ang buo niyang katauhan, makalalaya na ang bata.” Sabi naman niya rito.
56Please respect copyright.PENANA0nRyWHPLqc
“Pamangkin mo si Sharlene.” Tanging sabi na lamang ng kanyang kausap.
56Please respect copyright.PENANA2xevNuWAqD
“Hindi ko siya kadugo; kadugo siya ng magaling kong asawa.”
56Please respect copyright.PENANA9WBWQT0kVl
Hindi ito nakasagot sa kanya. “Mabibigyan ka na rin ng tamang burol, Leah.”
56Please respect copyright.PENANAyzX8Glknwa
Napatawa naman siya. “Wala na akong pakialam kong mabibigyan ako ng tamang burol.”
56Please respect copyright.PENANAy6b1mLs11m
“Dadalhin ko ang tatlong kaluluwang bihag ko kung saan ako mapupunta; hindi sila pwedeng makawala sa akin.” Tanging sabi niya na nag-aapoy na naman ang galit sa puso niya.
56Please respect copyright.PENANARGZZ4lV5oo
“Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo, Leah?” tanong naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAWTFFqeNJtU
“Napapagod?” Napangisi naman siya. “Hindi ako mapapagod, hindi pa rin ba nag-sink-in sa isipan mo ang ginawa ng lola mo sa akin?” tanong naman niya. “Hindi lang sa lola mo, kundi sa dalawang taong pinagkatiwalaan ko nang buo noong nabubuhay pa ako.” Sabi pa niya.
56Please respect copyright.PENANAmqmZHiBJtd
“Alam kong madaming kasalanan ang lola namin sa iyo, dahil sa pera at kayamanang inilantad ng angkan ng Santiago at pati rin sa iyo, isa lang naman kaming ordinaryong taong nabubuhay sa mundo, Leah. Alam kong walang kapatawaran iyon, ngunit nakapapagod kung palagi mo itong dala-dala sa kamatayan mo.” Saad naman nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAJR7mQX1PCD
“I wonder kung anong mararamdaman ni Sharlene kapag bumalik ang alaala niya? Magiging si Sharlene pa rin ba siya?” tanong naman niya rito.
56Please respect copyright.PENANAitRyHGRnTT
“Mama ko pa rin siya,” biglang sagot naman ni Ashley sa kanila na ngumiti pa. “Hindi magbabago si mama, alam ko iyon.”
56Please respect copyright.PENANA5fOH1r86nZ
Hindi sila nakapagsalita na dalawa na nakatingin lang sa bata.
56Please respect copyright.PENANAI5yqA4Yfjc
“Ashley.” Tanging sambit lang ni Vivianne. “Babalikan kita rito, tawagin mo lang si Ate Vivianne, tapos, pupunta ako rito.” Napasabi na lamang ito.
56Please respect copyright.PENANAmG0rHro3fu
Hindi siya nagsalita noon; tiningnan siya ni Vivianne. “Gagawa ako ng paraan, gagawa ako ng paraan, Leah. Ayokong magsisisi na naman ako sa huling pagkakataong ito na hindi kita natulungan noon.” Rinig niyang sabi.
56Please respect copyright.PENANAfD8sXB0v6O
Napabuntong-hininga na lamang siya. “Huwag kang mangako, Vivianne.” Tanging sabi na lamang niya.
56Please respect copyright.PENANAHOHZwcKsKY
“Hindi kita bibiguin.” Sabi pa nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAYxcRB7yqpO
Napataas na lamang ang kanyang kilay sa narinig niya. “Dadalhin ko na muna ang bata sa mundo ninyo, kung kaya ba ng isipan niyang maglakbay at mapalayo sa totoo niyang katauhan na nakakulong.” Tanging sabi niya noon.
56Please respect copyright.PENANA0w1O8owanN
“Sasama ako.” Napasabi na lamang ni Vivianne.
56Please respect copyright.PENANAzeiiXPatkV
Napatitig na lamang siya rito. “Sumunod ka kung gusto mo.”
56Please respect copyright.PENANAl1fI6Q9TLZ
Dinadalaw na naman niya ang kanyang anak sa lumang mansion; nakasunod lang ito sa kanya. Nabigla na lamang siya na may bulaklak na iniligay si Vivianne sa kanya.
56Please respect copyright.PENANApx1WY9B7pl
Hindi naman siya kumibo.
56Please respect copyright.PENANAjknf1s6fro
“Naparami mong alaala rito, Leah.” Iyon lang ang narinig niya kay Vivianne.
56Please respect copyright.PENANArAbdS3fUp4
“What memories?” napatanong na lamang niya rito.
56Please respect copyright.PENANA8dhmTf44Hb
“Masasaya at masalimoot.” Napasabi na lamang nito sa kanya.
56Please respect copyright.PENANAOJakVm1IdZ
Napangisi na lamang ito sa kanyang kausap. Umalis siya, napunta siya sa sekretong basement noon kung saan pinaglaglag ng kanyang asawa ang dala-dala niyang sanggol sa sinapupunan.
56Please respect copyright.PENANAAMQwpOvFBu
“Maawa kayo, maawa kayo, walang kinalaman rito ang bata.” Pagmamakaawa niya kay Manuel.
56Please respect copyright.PENANAGgs15h6XZ1
“Manuel, alam mo namang bad omen sa pamilya natin ang babae lalong-lalo na at panganay ninyo iyan. Ipalaglag mo iyan, Leah. Para rin naman ito sa inyo.” Rinig niyang sabi ng isang lalaki na nasa katandaan na.
56Please respect copyright.PENANAWpxrLnD7VZ
Pumikit si Leah; ayaw niyang maalala iyon. Nakita na lamang niya ang dugong bumalisbis na nanggaling sa sinapupunan niya; wala siyang nagawa, lumabas ito, pitong buwan kung saan buo na ang kalamnan ng sanggol.
56Please respect copyright.PENANAwQugbwb9nv
Napasigaw na lamang siya noon.
56Please respect copyright.PENANAOkqKoQGLjR
“Kalunos-lunos.” Komento ni Vivianne na nakita rin ang nakaraan.
56Please respect copyright.PENANANGL90K3VWu
Napansin niyang hindi na kaya ng bata ang lumayo.
56Please respect copyright.PENANAmPUPGRfzP5
Hinawakan niya ang bata at napabalik sila sa kadiliman. Nakasunod pa rin sa kanya si Vivianne.
56Please respect copyright.PENANAsTR82347A0
“Kailangan mo na ring umalis, hindi na kaya ng katawan mo.” Sabi pa niya kay Vivianne.
56Please respect copyright.PENANA9JIiULWjTI
Bigla itong naglaho sa kanyang paningin, dumating naman ang ikalawa niyang katauhan.
56Please respect copyright.PENANA52B94Z1kj9
“Ibalik mo na ang bata.”
56Please respect copyright.PENANAPBQJlhxbC2
Hindi ito nagsalita, sinunod naman siya nito. Siya lang ang nag-iisang naglalakbay sa kadiliman.
56Please respect copyright.PENANAijNKe7wUEx
Hindi ka ba napapagod? Nakintal sa isipan niya nang tanungin siya ni Vivianne.
Walang kamatayan ang galit ko, kaya wala akong karapatang mapagod. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
56Please respect copyright.PENANAzhrXAO01M1
Ang mapaglarong mundo ang gumising sa diwa niyang maghiganti sa mga taong umapi sa pamilya niya. Naghihintay siya ng pagkakataon, at ito ang pagkakataon niyang iparamdam ang galit niya.
56Please respect copyright.PENANAgcMddhUxLM
Hindi siya dapat maawa ni kahit kanino man, pero nasa isipan niya palagi na hindi niya dapat dinamay ang mga inosente na hindi naman napasali sa gulo na nasuungan nila.
56Please respect copyright.PENANAcTz5pCmIqf
Nakita niya muli si Carmela na naglalakbay, pumapatak ang luha, hinahanap ang anak nito, nakasunod ang asawa nito.
56Please respect copyright.PENANAva68zkDc8g
Biktima ng sariling angkan, biktima ng sariling pamilya, kung saan nagkakaroon ng lamangan. Napailing-iling na lamang siya sa kanyang naiisip ngayon.
56Please respect copyright.PENANAt7WYa97KFf
Pero, alam kong matatahimik na sila kapag naalala nito ang totoong pagkatao ng kanilang nawawalang anak. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
56Please respect copyright.PENANANf9iMGcTHU
Kailan ko ulit makikita ang pinatay kong anak sa sinapupunan ko? Napatanong na lamang sa kanyang sarili.
56Please respect copyright.PENANAU8zcp9orC2
Hindi mo na ulit masisilayan, dahil sanggol pa’y pinatay na. Sagot naman ng kanyang isipan, napatawa na lamang siya sa kanyang iniisip ngayon.
ns216.73.216.254da2


