CHAPTER FIFTY
“TASHIA, Tashia!” Napapitlag na lamang si Tashia nang tinatawag ang kanyang pangalan, kaya naman napalingon na lamang siya.
51Please respect copyright.PENANAWA6AS4efXr
“B—Bakit?” tanging tanong na lamang niya.
51Please respect copyright.PENANAJN8NEAKIau
Napabuntong-hininga na lamang ang iba niyang kasamahan.
51Please respect copyright.PENANAZ0280XkuVw
“Hindi ba maganda ang pakiramdam mo? Kanina ka pang wala sa sarili nang dumating tayo rito.” Puna naman ng kanyang isang kasama.
51Please respect copyright.PENANAjBih3TVo88
Nagkibit-balikat siya; minsan, hindi niya mapigilan ang kanyang isip na kusang maglakbay.
51Please respect copyright.PENANAsNPk4mf2tY
“Pasensya na.” Paghihingi na lamang niya ng pasensya sa mga kasamahan niya.
51Please respect copyright.PENANAUylo2FVNGO
“Kailangan na nating matulog, kapagod, wala man lang sasakyan rito.” Reklamo pa ng isa niyang kasamahan.
51Please respect copyright.PENANA2XOJhNmSph
“Tashia, okay ka lang ba na mag-isang matutulog sa kwarto?” biglang napatanong ng isang kasamahan niyang babae.
51Please respect copyright.PENANAhhJcQoTQ58
Tiningnan naman niya ito; tanging tango na lamang ang kanyang binigay.
51Please respect copyright.PENANAASbudpquza
“Tash, kailangan mo nang magpahinga.” Tinapik pa siya sa likod nito.
51Please respect copyright.PENANAMD9inN7Dqu
Alam niyang mag-iinuman na naman ang kasamahan niya, kaya hindi na siya makikisali. Diretso na siya sa kanyang kwarto. Malinis naman ang kanilang tulugan ngayon, saka, nag-aaya na ang tulugan na umakyat at magpahinga.
51Please respect copyright.PENANADCaqQW65Xp
Nagbihis na muna siya ng pantulog at naglinis sa kanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit wala siya ngayon sa huwesyo niya; hindi tuloy siya maka-focus sa kanyang dapat gawin, kung bakit nandito siya ulit sa bayan.
51Please respect copyright.PENANA80wTZIc9k2
Napabuntong-hininga siya; naririnig niya ang tawanan ng kanyang mga kasamang nagkakasiyahan sa labas, kahit pagod ang kanyang katawan, hindi naman siya makatulog, hanggang sumakit na lamang ang kanyang ulo sa paghiga, bumakod siya, may study table naman doon.
51Please respect copyright.PENANAFXtBT1TLgC
Gusto na muna niyang gumawa ng narrative report na hindi niya magawa-gawa kanina. Kinuha niya ang kanyang notebook; bubuo na muna siya ng draft. Kinuha niya ang kanyang phone noon.
51Please respect copyright.PENANAv1kH14KpMe
Natatakot siyang buksan ang phone niya at tingnan ang mga larawan.
51Please respect copyright.PENANAgq3wjjwEyT
Kailangan mo itong gawin, Tashia. Pinagalitan pa niya ang kanyang sarili. Naglakas loob siyang pumunta sa gallery niya at tiningnan ang mga larawang kinukunan niya kanina; normal na larawan lamang ang kanyang nakikita ngayon.
51Please respect copyright.PENANAAv1L9ePKbN
Kung ano-ano na lang ang iniisip mo, Tashia.
51Please respect copyright.PENANAMK3vTJy6k7
Sinimulan na niyang gawin ang narrative report, habang masayang nagkuwentuhan sa labas ng kwarto ang kanyang kasama. Hindi niya namamalayang unti-unting tumahimik ang paligid.
51Please respect copyright.PENANA6otILfNDWC
Baka lasing na ang mga iyon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan, patuloy siyang gumagawa ng kanyang naobserbahan kanina, nawala ang takot niya at nakaka-focus na rin siya ngayon.
51Please respect copyright.PENANA7ZAJ1YJQRw
Narinig niya ang pagbukas ng pintuan, naririnig niya ang yabag ng paa na may pumasok sa kwarto niya ngayon, hindi niya ito nilingon, dahil baka kaibigan niya lamang ito, at makikitulog na dahil sa kalasingan.
51Please respect copyright.PENANALAVhRdI7X9
Hinayaan na lamang niya iyon; tatapusin na muna niya ang kanyang narrative report bago siya matulog. May mga matang nakatingin sa kanya; baka kaklase lang niya iyon, tahimik lang siyang tinitingnan sa kanyang ginagawa, nagtagpo ang kanyang kilay nang mapansin niyang kakaiba ang pinupukol na tingin nito sa kanya.
51Please respect copyright.PENANA45JktCW2Ki
Dali-dali niyang tiningnan ito, nilamon siya ng kadiliman. Nandito ulit siyang minamasdan ang kanyang lola Felicia sa kulungan.
51Please respect copyright.PENANAitsDrqrvtb
“Apo, Tashia.” Tawag sa kanya.
51Please respect copyright.PENANAgE7W16mqRD
Hindi siya sumagot, tiningnan niya ang batang si Ashley, doon siya lumapit, lumayo siya kung nasaan ang kanyang lola.
51Please respect copyright.PENANAocmUCZFYDA
“Apo, huwag kang matakot sa akin, hindi kita sasaktan.” Inaabot pa nito ang kamay para abotin siya.
51Please respect copyright.PENANA1H3Vrq5g1V
“Lola, sinabi ni ate Sharlene sa iyo na tutulungan ka niya matapos niyang alamin ang nakaraan ninyong lahat.” Kalma niyang paliwanag rito sa matandang kanyang kaharap.
51Please respect copyright.PENANAA1krwMtQm2
“Hanggang kailan kami maghihintay, Tashia? Lalong—lalo na si Ashley, baka hindi na iyan makabalik ang kaluluwa nito sa katawan.”
51Please respect copyright.PENANAdupze117WG
Napantig ang kanyang tenga sa kanyang narinig, nangunot ang kanyang noo at tinitigan ang matanda. “Lola, huwag na po kayong magsinungaling, alam kong gusto mo ng makalaya, riyan.”
51Please respect copyright.PENANAXMcoRcarCO
“Nagsasabi ako ng totoo, Tashia. May posibilidad na hindi makabalik kaagad ang kaluluwang si Ashley sa katawan nito.” naging seryoso ang boses nito.
51Please respect copyright.PENANAt5gF26UV4V
“Ano bang nais kong gawin?”
51Please respect copyright.PENANAlPNtl6FBwX
“Pakisabi ng ate Sharlene mo na bilisan niya ang kinikilos niya, bago mahuli ang lahat.” napasabi na lamang nito sa kanya.
51Please respect copyright.PENANAjLSfQj5nDF
Napansin niyang may tinatago ito. “Ano ba ang tinatago mong sekreto sa amin?” tanong naman niya na tinitigan niya nang mataman ang matandang kanyang kaharap.
51Please respect copyright.PENANAf6aRAnlPMV
Hindi kaagad ito nakaimik. “Ang ginagawa ko noon ay para mabuhay kayo, para mapaganda ang buhay ninyo.” Nakita nito sa mga mata ang umuusbong na galit nito.
51Please respect copyright.PENANA5ebz65xr4Y
Napabuntong-hininga siya.
51Please respect copyright.PENANA97jh5Dp5c3
“Bakit hindi mo tinulungan si Carmela?” diretsahan niyang tanong rito. “Ano ang rason mo kung bakit itinago mo iyon, lola?”
51Please respect copyright.PENANAulLeoOGP6d
Hindi kaagad ito nakasagot, tila naalarma pang tingnan ang isang kasama nito.
51Please respect copyright.PENANAoKQkq0jMMO
“A—Anong ibig mong sabihin?” Biglang tanong ng lalaki sa kanya, walang iba kundi ito ang kapatid at panganay ng Santiago.
51Please respect copyright.PENANA5QugAZcvXZ
“Kilala mo si Carmela, Felicia?” Napabaling ang atensyon nito kay Felicia, na halata sa mukha nito ang maraming katanungan.
51Please respect copyright.PENANAvxOawLKBit
“Hindi ko kilala si Carmela.” Tanggi pa nito. Sinipatan siya ng kanyang lola. “Pakisabi kay Ate Sharlene mo, dalian mo at baka magsisisi siya sa huli.”
51Please respect copyright.PENANA55WvNvpO5L
Nabalik siya sa bahay ng Santiago. Nabigla na lamang siyang nakarinig siya ng isang malakas na sampal, sunod-sunod pa ito.
51Please respect copyright.PENANAUBJZxbGmM9
“Putragis kang babae ka! Wala kang delikadesa!” Galit na galit ang boses nito.
51Please respect copyright.PENANAy2OZcaklW4
“Anak, Carmela, ang bata-bata mo pa, patapos ka pa sa pag-aaral.” Napasabi ng isang babae.
51Please respect copyright.PENANAyzsKkRaVIu
“Dad, papakasalan po naman ako.” Napasabi ng isang babaeng hawak-hawak ang pisnging nasaktan at pinangingiliran ng luha.
51Please respect copyright.PENANAFHg5zojLaw
Sasampalin sana ito ulit ng ama nito, ngunit pinigilan ito ng ina.
51Please respect copyright.PENANAc1LMjskiqA
“Kaya nga ayoko sa babaeng anak! Nagbibigay ng kamalasan sa pamilya!”
51Please respect copyright.PENANANZhPmCw75m
Nagbago ulit ang paligid ni Tashia. Nanganak na ito at babae ang sanggol.
51Please respect copyright.PENANAOFzicRN3rW
“Anong gusto mong ipangalan sa kanya, Carmela?” tanong naman ng lalaki sa kanya.
51Please respect copyright.PENANA3QGfjQVTnd
Ngingiti-ngiti itong tiningnan ang kanyang butihing asawa.
51Please respect copyright.PENANAjJtwJNW3P0
“Sharlene Ellena.”
51Please respect copyright.PENANA4IAiD7DtUl
Nagulat siya sa kanyang narinig.
51Please respect copyright.PENANAEIGHVuV97c
Sharlene Ellena? Napatitig siya sa dalawa.
51Please respect copyright.PENANAMadsTJ4HmP
Dinala siya ulit sa nakaraan, nakita niya ang batang babae, malinaw na malinaw.
51Please respect copyright.PENANAB0jduNYqp6
A—Ashley? Napatanong sa kanyang isipan.
51Please respect copyright.PENANAv4qDRg4de6
“Ellena! May ibibigay si mommy sa iyo!” May tumatawag sa bata na nasa tatlo o apat na taong gulang.
51Please respect copyright.PENANAEaGBaA5PR6
Nakita niyang may pulseras ito sa kamay, isang mamahaling pulseras.
51Please respect copyright.PENANA1r7dmlowyj
“Anak, ingatan mo iyan, dahil ito lang ang kaya kong maibigay sa ngayon.”
51Please respect copyright.PENANAMPvU3YOuam
A—Ate Sharlene? Napatanong sa kanyang isipan na litong-lito. Nakaraan ba ito ng ate?
51Please respect copyright.PENANAUm8wfYD5Qx
Nabigla siya sa kanyang nakita, na ang ina nilang si Linda ang nakakita kay Sharlene at naging ate nila kahit hindi sila magkadugo. Sa kanyang paglalakbay sa nakaraan, nakita niyang itinago ng kanyang lola ang pulseras nito.
51Please respect copyright.PENANAclNRFNnio5
Alam nga ni Lola ang totoong pagkatao ni ate, at itinago pa niya ito. Napasabi sa kanyang isipan.
51Please respect copyright.PENANAqjzZhxyGzF
Nabalik siya sa kadiliman, nakita niya si Leah na nakatingin sa kanya.
51Please respect copyright.PENANALyzWwWZd8H
“Alam mo rin ba ito?” tanong naman niya sa kaluluwa.
51Please respect copyright.PENANAOOa9v7GokN
Hindi ito sumagot sa kanya. Naglakad ito papalayo sa kanya.
51Please respect copyright.PENANAITJ6JHaGEN
“Malapit na kayo sa katotohanan; kapag nalaman na ninyo ang totoo, kaya na ninyong tagpi-tagpiin ang pangyayari.”
51Please respect copyright.PENANAIQby6GOsuq
Nawala ito na parang bola sa kanyang paningin, nagising si Tashia. Nakatulog siya sa study table, tiningnan niya ang kanyang paligid, at nandoon na ang iba niyang kasamahang natutulog sa kama na amoy alak. Napailing-iling na lamang siya noon.
51Please respect copyright.PENANA8gJQxrhdZH
Kailangan kong pumunta sa mansion ni Lola. Napasabi sa kanyang isipan.
51Please respect copyright.PENANALHhmX0eJ91
Tatapusin ko na muna ito; pagkatapos, aalamin ko ang katotohanan. Hindi ako papayag na ilihim ko kay Ate Sharlene ang buo niyang pagkatao. Determinadong saad sa kanyang isipan.
51Please respect copyright.PENANAHeizq8Lxrs
Hindi na siya makatulog noon; tiningnan niya ang narrative report na ginawa niya. Kailangan na munang malaman ng ate Vivianne niya ang nakikita niya.
51Please respect copyright.PENANAhYW199e6iq
Baka rin may alam ito sa pangyayari.
51Please respect copyright.PENANA0JLWALBlN0
51Please respect copyright.PENANAjIfARYDIPS


