CHAPTER THIRTY-NINE
NAPAPAHAGA LAPAK lang nang tawa si Leah sa kanyang ginagawa sa mga taong nananakit sa kanya.
53Please respect copyright.PENANA45uBe4l7ES
Kailangan ko nang bumalik sa palasyo ko. Napasabi sa kanyang isipan. Masaya siyang naglalakad at pumasok sa kanyang palasyo; nakita niya ulit ang tatlo. Tahimik siyang umupo ulit sa kanyang trono.
53Please respect copyright.PENANAk7ALpEdp0e
“Anong ginawa mo sa kapatid ko, Leah? Walang kasalanan si Sheila rito.” Bungad na tanong sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAZdubULvCmE
Napataas naman ang kanyang kilay, ngunit ningitian na lamang niya si Angely na galit na galit siyang tiningnan.
53Please respect copyright.PENANAgiP6W0o46g
“Huwag kang mag-aalala, hindi ko naman pinatay ang kapatid mo, Angely; I’m not that bad.” Napailing-iling na lamang siya.
53Please respect copyright.PENANAdS6rDDZc53
“Hay! They’re growing so fast, right? Ang sakit naman makalimutan nang ganoon kadali. Well, they’re very young kaya naman hindi ako masyadong naalala.” Tiningnan niya ang mga ito.
53Please respect copyright.PENANA1cInbWsr8P
“Paano nga ulit tayo nagkakilala, Angely?” nang-aasar niyang tanong rito.
53Please respect copyright.PENANAiO2uzKexLV
Sinipatan siya noon. “Ano ba ang sekretong iniingatan mo?” tanong pa niya rito na nag-iisip naman.
53Please respect copyright.PENANAT8ouzDRyV9
“Wala ka na roong pakialam, Leah! Wala ka nang pakialam doon!” paangil nitong sabi sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAPtZFzlIKB2
“May pakialam ako!” palaban naman niyang sabi.
53Please respect copyright.PENANAnzjkB6sbQV
Napatawa pa ito sa kanya at humalakhak. “Bakit hindi mo alamin ang katotohanan, Leah? Magaling ka naman doon.”
53Please respect copyright.PENANAvwlPk3Iyr0
Ngumiti naman ito sa kanyang kausap. “Thank you for your suggestions; may nakalimutan pala akong gagawin.”
53Please respect copyright.PENANARRGYIOwB8L
Liningon niya ang tatlo. “Kawawa naman kayo, hindi kayo makakapasyal sa mahal na mahal ninyong mundo.” Napailing-iling na lamang siya. “Magdurusa kayo rito kapag tumagal nang tumagal ang panahon.” Napangisi siya sa mga taong kaharap niya.
53Please respect copyright.PENANAVAjkUFHqEY
“Ganoon rin ba ang mangyayari sa anak ni Sharlene?” Napatanong naman ni Felicia sa kanya, na nakangisi sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAL0rFAEkQW5
Napatitig naman siya sa matanda; alam niyang may pinaplano ito.
53Please respect copyright.PENANAS0ZDOFb8xR
“Hindi makalalabas ang batang iyan, kapag nakalabas siya dala-dala niya ang sumpa na ginawa ko noon.”
53Please respect copyright.PENANALghySgLDwQ
Hindi siya sumagot, napabuntong-hininga na lamang siya.
53Please respect copyright.PENANApzneTEnZKU
“Ang ibig sabihi’y mananatili ang kaluluwa ng batang iyan, hanggang ang katawan nito’y maagnas.”
53Please respect copyright.PENANAwudfidlwfK
“Sa bandang huli, pupunta rito si Sharlene; pupunta siya at tutulungan niya kami rito.” Napatawa pa ito sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAh6fcAy56Vh
“Nakikita ko ngang mag-aaway kayo rito, Leah.” Napailing-iling pa ito sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAtG0qP2Hwg3
Hinayaan na lamang niya ang matanda na magsalita; tiningnan niya ang kulungan ng batang si Ashley. Naghahanap pa rin siya ng paraan.
53Please respect copyright.PENANAM4HWo5R3p6
Bitiwan mo na ang galit mo, Leah. May bumubulong na naman sa kanya. Nakikita niya ang sarili niya, ang isang katauhan niya, para maisagawa ang plano at paghihiganti niya, inalis niya ang totoong siya.
53Please respect copyright.PENANAjGYzrrRvYn
Hindi, hindi ako titigil, hindi ako titigil. Nakipagtalo na naman siya sa kanyang isang katauhan.
53Please respect copyright.PENANAMsiACJH9nW
Kailan ka titigil? Hanggang may mga inosenteng madadamay? Please, itigil mo na iyan. Pagmamakaawa nito sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAFhbs4fYVxV
Bantayan mo ang bata. Utos niya rito. Huwag na huwag mong pairalin ang awa na nararamdaman mo ngayon. Tandaan mo, ikaw ang gumawa sa akin. Nilampasan niya ang kanyang isang sarili na nakatingin sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAzrWiKWaY7w
Oo, ako ang gumawa sa iyo, kaya nga, nandito ako para itigil mo na ang lahat nang ito.
53Please respect copyright.PENANAiz7t6xssZ5
Hindi ka ba naawa sa sarili mo? Walang kaalam-alam ang pamilya mo sa nangyari sa iyo. Higit sa lahat wala kang libingan, isa tayong kaluluwang naghahanap sa katawan natin, kagaya ng ginawa sa anak mo. Pagpapaalala naman nito.
53Please respect copyright.PENANAv1z9MngUVt
Hindi na ito nagsalita, natahimik ito.
53Please respect copyright.PENANAJLC3E0uM74
Pasensya na kung naging mahina ako, pero hindi ako papayag na saktan mo ang mga inosente.
53Please respect copyright.PENANABIsbGlNBVM
Hindi sila inosente. Matipid niyang sagot.
53Please respect copyright.PENANAZSycj4u2cR
Hindi inosente ang angkan nila.
53Please respect copyright.PENANAZTBI1LZc3B
Idadamay mo rito si Sharlene? Napatanong naman ito sa kanya.
53Please respect copyright.PENANAHpQlXjM4Mt
Hindi siya sumagot.
53Please respect copyright.PENANAzVatSA36p2
Madadamay siya rito kung mangingialam siya, pero alam ko ang gagawin niya ngayon, hindi siya nagpapalamon sa poot na nararamdaman niya, kahit sunod-sunod ang kamalasan niya, nakakahanap pa rin siya ng taong tutulong sa kanya.Napangiti naman siya.
53Please respect copyright.PENANAGcZOOtmgbU
Nawala ito bigla sa kanyang harapan; patuloy siyang naglalakad sa kadiliman. Napadpad siya sa isang lugar; naalala niya bigla na dito siya inilibing nang buhay. isang abandonadong lugar, tahimik, at walang katao-tao.
53Please respect copyright.PENANAjksYzlS0HF
Isang linggo ang pagitan nang isinagawang pilit na aborsyon kay Leah. Inilibing niya ang bata sa mansion nila na hindi man lamang niya nabigyan nang pangalan.
53Please respect copyright.PENANAwkZMS0eiDU
May pagtatalo silang mag-asawa dahil pinatay ng kanyang asawa ang kanilang sariling anak. Ang masakit pa’y namatay ito sa kanyang sinapupunan; kapag naalala niya iyon, hindi niya mapigilan ang nanginginig niyang galit.
53Please respect copyright.PENANApdjsQNF6sX
“Mapapatawad ko pa kayo, mapapatawad ko pa kayo, kapag sumuko kayo sa kapulisan! Manuel, kahit sobrang mahal kita, tao ang pinatay mo na walang kalaban-laban! Higit sa lahat, anak pa natin! Anak pa natin!” Harap—harapan niyang kinausap ito.
53Please respect copyright.PENANAZ0gO9Vq0Q1
“Sumuko na kayo, huwag kayong mag-aalala, hindi ko idadagdag ang pambabae mo, hindi ko idadagdag ang ninakaw ninyo sa pamilya ko, nais ko lang nama’y maisilang ko ang anak ko, at bigyan siya ng hustisya.” Nangingilid ang kanyang luhang nakikiusap sa taong minahal niya noon.
53Please respect copyright.PENANAEVvyrWJc7s
Ngunit, hindi niya ito nadala ng pakiusap; sinuntok siya nito sa sikmura na siyang dahilan ng pagkawala ng kanyang malay dahil sa natamo niyang suntok, at susumahin na bago lang siyang nawalan ng anak sa sinapupunan, hindi niya alam kung saan siya dinala. Nagising na lamang si Leah na nasa loob na siya ng kabaong.
53Please respect copyright.PENANAFUpxA4aLWo
Natatakot siya, hindi siya makabangon, kaya pinipilit niyang itulak ang nakatakip sa kanya para makalabas siya. kahit anong tulak ang gawin niya, hindi niya ito maiangat.
53Please respect copyright.PENANAgBb647JLkA
Naririnig niya ang mahihinang usapan noon, umiiyak na siya sa takot, nagmamakaawa siyang buksan siya nito. Hilam ang kanyang mukha sa luhang pumapatak.
53Please respect copyright.PENANAIjKdpxIuLe
“Anong ginawa kong kasalanan? Anong ginawa kong kasalanan sa inyo?” Mahina niyang napatanong habang unti-unti nang sumisikip ang mundo niya.
53Please respect copyright.PENANAOLKdRFoLA9
Nag-iisa siya sa kadiliman, masakit ang kanyang mga daliri, dahil umaasa siyang makakatakas siya, ngunit hindi niya iyon kaya.
53Please respect copyright.PENANAmjilp6gYrL
“A --- Anong nagawa kong k --- kasalanan?” Unti-unting tumahimik ang kanyang paligid.
53Please respect copyright.PENANAfBeRBk1vkd
Agad niyang nahanap ang kanyang naging libingan. Ilang dekada ang nakalipas ay may mansion na nakatayo. Tiningnan niya iyon; hindi niya alam kung kaninong mansion ito, kahit nagbago man ang anyo nito.
53Please respect copyright.PENANAul4zmNGbqL
Natanaw niya iyon; nandoon pa rin ang alaala niyang umiiyak siya na walang nakaririnig kundi siya lamang, at ang kanyang dating libingan ay may naggagandahang hardin.
53Please respect copyright.PENANAxrJ4X000Pp
Isa ba akong magandang bulaklak? Napatanong na lamang sa kanyang sarili. May dalawang taong pumasok sa mansion; tiningnan niya kung sino ang nagmamay-ari sa mansion na naging himlayan ng kaluluwang kagaya niya.
53Please respect copyright.PENANAM3EiQQ4WQ2
Bigla na lamang napataas ang kaniyang kilay nang masilayan niya ang pamilyar nitong mukha. Napatawa siya pa nang walang bukas.
53Please respect copyright.PENANAWRh3bGDS1f
Sadyang mapaglaro talaga ang panahon, hindi mo alam kung sino ang makakasalubong mo. Napasabi na lamang sa kanyang isipan noon.
53Please respect copyright.PENANANy9PDNVVpl
Sumunod siya, maaliwalas ang mansion na sumalubong sa kanyang paningin. Napatawa na lamang siya at napailing.
53Please respect copyright.PENANAMZiMvzFUZO
Ito ba ang sekretong itinago mo sa akin, Angely? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
53Please respect copyright.PENANArrz0XdQABY
Bigla niyang nakita ang pangyayari noon, at tama siya nang hinala na binili ang lupa kung saan siya inilibing noon.
53Please respect copyright.PENANADeu3lNEumo
Well, well, a good choice to protect it. Napasabi na lamang niya sa kanyang isipan.
Binili ang lupa para pagtakpan ni Atienza, kasama ang kanyang naging asawa, kung paano siya nawala sa mundo.
53Please respect copyright.PENANA0Ym1QkbrJs
53Please respect copyright.PENANAU157eQTV0D
ns216.73.216.69da2


