CHAPTER TWENTY-SEVEN
BINIGYAN ni Leah ng pagkakataon ang batang si Ashley na marinig at makita nito ang nangyayari, ngunit hindi niya ipinakita ang malalaswang nasaksihan niya, dahil bata pa ang isipan nito.53Please respect copyright.PENANAF96wju3WDn
Napabuntong-hininga lang ang bata, matapos masaksihan nito ang inang si Sharlene.53Please respect copyright.PENANANN7vfXhHxS
Sinaktan ba ni Papa si Mama? Malungkot nitong tanong sa kanya.53Please respect copyright.PENANAOLKIjirarn
Binalingan niya ito, at hindi siya sumagot sa katanungan ng bata.53Please respect copyright.PENANAlFSzhIZ4Ys
Narinig niya ang bawat buntong-hininga nito. Siya lang ang nakaririnig sa boses ni Ashley. Nalaman na rin niyang unti-unting inalam nito ang buong pangyayari sa buhay niya at bakit nadamay ang lola nito.53Please respect copyright.PENANAlCh9PmB10x
Pinagmasdan niya ang kulungan ng tatlo; tahimik itong nakamasid sa kawalan, tiningnan niya ito na walang buhay sa kanyang mga mata. Nag-iisip siya kung ano na naman ba ang gagawin niya. 53Please respect copyright.PENANAoW7PgBgxJQ
Kabago-bago lang silang naglaro kanina. 53Please respect copyright.PENANANSKY2iHwxF
Hawakan mo ang kamay ko, Ashley. Nakikipag-usap siya sa isipan nito.53Please respect copyright.PENANAX0X7sv4vyk
Tumango lang ang bata at sinunod siya.53Please respect copyright.PENANAGrcZV8bJnA
Dinala niya ang bata sa nakaraan noon.53Please respect copyright.PENANAgkaC1TdZOw
May isang batang nanlilimos at dala-dala ang may kalawang na lagayan nito at kumakalansing ito; nakaupo ito sa gilid ng kalsada. Hawak-hawak ang tiyan nito.53Please respect copyright.PENANAL6X87Jprys
“Bata-bata, anong pangalan mo?” tanong naman ng isang babaeng lumapit sa batang gusgusin.
“S --- Sharlene po.” Sagot naman nito sa katanungan ng isang babae.53Please respect copyright.PENANADEbTsNinSv
“Ilang taon ka na?” tanong naman ng isang lalaki.53Please respect copyright.PENANA2CfBNRAbCQ
Nahihirapan pa itong buuin ang simbolo sa kamay nito sa numerong apat.53Please respect copyright.PENANAiqF8dTAiXt
Nagkatinginan naman ang dalawa; tantiya niya ay mag-asawa ito.
“Sumama ka sa amin.” Yaya naman ng babae nito.
Natakot naman ang batang babaeng si Sharlene.53Please respect copyright.PENANAwkLmzu1OQa
“Huwag kang mag-aalala, hindi ka namin sasaktan.” Sabi pa nito.53Please respect copyright.PENANAqNX4Rv9Hil
Nakuha nila ang loob ng bata, dinala nila ito sa bahay, simpleng bahay lamang iyon, may batang sumalubong dito, na nasa dalawang taong gulang.53Please respect copyright.PENANAwHFqGTgkJ6
“Ma? Sino po siya?” tanong nito sa dalawang nalilito.53Please respect copyright.PENANA9RdAYBpcCM
“Siya ang magiging ate ninyo.” Sabi pa nito, isa pa’y halata nitong buntis ito.53Please respect copyright.PENANAk9tiOlhEoR
“Baliw ka ba, Linda, saan mo napulot ang batang iyan?” Tanong naman nito ni Felicia na malakas pa ang pangangatawan.53Please respect copyright.PENANA6ejoOxJrZU
“Nay, naawa lang ako sa bata. Saka, mabait naman, pwede mo nga siyang isama roon para may tutulong sa iyo, di ba?” Tanong naman nito sa matandang nagpupuyos ng galit.53Please respect copyright.PENANAH9edqbzEqC
Hindi na lamang ito sumagot.53Please respect copyright.PENANAQOqXNZHHG5
“Dagdag gastusin lang ang idinala mo rito, Linda. Pilit ko nga kayong pinapakain, kahit nagkaanak pa kayo.” Gigil na gigil ang boses nito.53Please respect copyright.PENANA1jRIFZTwXa
Hindi na sumagot ito. Hinilang marahas ang batang si Sharlene at tinitigan itong mabuti.53Please respect copyright.PENANACnwudoxvFy
“Hihiramin ko ito ng isang linggo; pagkatapos, ikaw na naman ang magpapakain nito.” 53Please respect copyright.PENANAnfksT0Kqdw
Tumango lang ang kumupkop sa kanya. 53Please respect copyright.PENANARHQP2ca5Ev
“Magpakabait ka roon ha? Saka, makakain ka pa ng tatlong beses sa isang araw.” Iyon lang ang sinabi sa kinilalang ina ni Sharlene.53Please respect copyright.PENANAzTwxs0DINV
Dahil wala pang muwang ang bata noon ay tumango lang ito. Sumama ito kay Felicia, ngunit hindi alam ng bata kung ano ang maaaring kahihinatnan.53Please respect copyright.PENANAomH9DjRjOz
Kapag nagkakamali ang batang si Sharlene, ay pinapalo ito; minsan nasasaktan ito nang husto, saka, sinasaktan siya nito nang walang dahilan, isinisilid sa isang baul, at umiiyak lang ang batang si Sharlene noon.53Please respect copyright.PENANAGS5ynWh3gJ
Ngunit, alam ni Linda ang nangyayari, pero pinagtatakpan pa nito ang pagkakamali ni Felicia. Nagkakaroon na ng takot si Sharlene, dahil nga si Felicia lang ang inaasahan nito. Kapalit ng serbisyo ni Sharlene, ay binibigyan ng pera ang mga ito.
Hanggang tumuntong ng anim na taon ang batang si Sharlene, nagkahiwalay naman ang kinakasama ni Linda at isinilang pa ang batang si Tashia. 53Please respect copyright.PENANApRfZGEZRPh
Si Sharlene ay inihabilin sa lola, at ang dalawa na silang Vivianne at Tashia ay kasama ni Linda, ngunit hindi naging madali ang buhay nito.53Please respect copyright.PENANAb7LHP02ff4
“Ate Sharlene.” Tawag ng batang si Vivianne.
“Vivianne, anong ginagawa mo rito? Kumusta kayo ni mama?” tanong naman nito.53Please respect copyright.PENANAJ04IIjLbQZ
“Nandito ba si Lola?” tanong naman nito.53Please respect copyright.PENANAJWiCRnvV2w
Tumango na lamang ito. Si Vivianne ang naging takbuhan ng kanyang ina para humingi ng limos kay Felicia; binibigyan naman si Vivianne, ngunit ang ina nito ay nasa sugalan palagi, at doon, nakilala nito ang lalaki.53Please respect copyright.PENANAzMcQhwYCPE
Tumuntong ng walong taong gulang si Sharlene at si Vivianne naman ay anim na taong gulang; iniwan ang mga batang walang pasabi.53Please respect copyright.PENANATcbEt4nQ49
Si Sharlene ang takbuhan ni Vivianne. akala ni Vivianne na naging masaya ang buhay ni Sharlene sa piling ni Felicia, dahil paulit-ulit pa rin ang pagmamaltrato nito sa bata.53Please respect copyright.PENANAUORHRDE8Q1
Iniiinda iyon ni Sharlene, dahil kapag iniinda niya iyon, masasagip nito ang kanyang itinuring na kapatid.53Please respect copyright.PENANAQdIJDggko3
Doon, nagsimula na ring tumatanggap ng kliyente si Felicia; malalaking tao ang tinutulungan nito sa pang-espirituwal ang pinag-uusapan. May angking kakayahan ang matanda na maglakbay at malaman ang katotohanan; doon, unti-unting napabuti ang kalagayan ng pamumuhay. 53Please respect copyright.PENANAVZN48zeQA5
Nasa high school si Sharlene noong nakilala nito si Sheila sa pribadong paaralan, unti-unti ring lumalayo ang loob ni Vivianne kay Sharlene dahil sa inggit nitong nararamdaman niya.53Please respect copyright.PENANAA22NinQw6h
Naging matalik na magkaibigan ni Sheila si Sharlene, at noon, nakilala niya ang kapatid nitong si Angely at si Fredrick sa lungsod, isa sa naging kliyente ni Felicia.53Please respect copyright.PENANANxqNAHcaU2
Nakita ni Leah ang kanyang sarili, kung paano siya nagmakaawa at nakiusap kay Felicia.53Please respect copyright.PENANA0Ezf1D50gj
“Anong kapalit ng pagtulong ko sa iyo, Leah?” naalala niyang tanong nito sa kanya.
“Hustisya, gusto ko silang makulong lahat!” iyon lang ang nasabi niya. “Pinatay nila ako, isinilid nila ako sa ataul, at inilibing nila ako nang buhay. Nandoon ang lahat ng pruweba, tutulungan kita para masampahan sila ng kaso.” Tanging sabi ng inosenteng si Leah na tumutulo ang luha nito sa pisngi.53Please respect copyright.PENANAc5XT9xRObb
Napabuntong-hininga na lamang si Felicia.
“Bago ang lahat, anong kapalit? Praktikalan lang tayo ngayon, Leah.” Sabi pa nito noon.
“Ibibigay ko sa iyo ang lahat, ibibigay ko ang kayamanan ko sa iyo.”
Nakita niya ang ngiti ni Felicia noon.
“Dalhin mo ako kung saan ka pinatay.” Sabi pa nito.
Umaasa si Leah na matatapos ang lahat at makapagpahinga siya matapos makamtan ang hustisyang hinahanap niya; nakipagtulungan siya kay Felicia.
Simula’y naging maayos ang kanilang usapan, hanggang sa isinumite nila sa korte ang demanda ng dalawa. Doon, kinausap nito si Felicia.
Dahil nga matalik na kaibigan ni Sheila si Sharlene, agad nitong natunton si Felicia, kinausap nila ito nang masinsinan.
“Hustisya ang isinisigaw ni Leah Martinez,” narinig niyang pag-uusap noon.
“Anong ibinigay ni Leah sa iyo?” tanong ni Angely sa kanya.
“Praktikal na pangangailangan ng buhay ng isang tao.” Sabi pa nito. “Ibinigay niya ang kayamanan niya sa akin.” Napatawa pa ito.
“Kung gayon, dodoblehin namin ang kayamanang ibinigay ni Leah sa iyo noon. Ngunit, tulungan mo kaming malinis ang pangalan ni Manuel.”
“Paano ako nakakasiguradong makukuha ko iyon?” tanong naman nito.
May ipinakita itong papeles at katibayan. Napangisi pa si Felicia noon.
Nakausap niya ito sa huling pagkakataon.
“Felicia, binigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan ko. Kung hindi mo iyon nagawa, ibalik mo iyon, at marami pa akong taong matutulungan.”
“Leah, wala kang katibayan na ganoon ang pinag-uusapan natin, tapos na ang lahat, Leah.”
Iniwang nag-iisa si Leah noon na tahimik na umiiyak at punong-puno ng galit sa puso nito.
Hanggang ngayon ba ay galit ka kay Lola? Iyon lang ang katanungang namutawi nito.
Hindi madaling magpatawad, lalo na at binigo niya ang tiwala ko. Iyon lang ang sabi niya noon, kapag naalala niya ang nakaraan.53Please respect copyright.PENANAsiHXyyhmxS


