CHAPTER TWENTY-FOUR
NAIKWENTO na ni Tashia sa kanya ang nangyari, pati rin naman si Vivianne ay nagulat na kaya ring makita ni Sharlene ang pangyayari sa nakaraan at kasalukuyan. Isa pa na ikinagulat niya ay kagagawan ito ng kanyang lola noon; napabuntong-hininga na lamang siya.61Please respect copyright.PENANARopN9Bottn
Ayaw niyang madawit sa gulo, dahil bawat isa sa kanila’y may hinaharap na problema. Nandito siya ngayon, kasama niya si Tashia sa hospital, dahil pinapahinga na muna si Sharlene. Nagagalak siya na may assistance na matatanggap na biktima sa aksidente, na galing sa paaralan na pinagtatrabahuan nito.
Mas mabuti na iyon; nakatutulong pa rin itong maibsan ang pangangailangan nila. Napasabi sa kanyang isipan.61Please respect copyright.PENANAXv4QbF8Gcu
Patuloy pa rin ang under observation si Ashley. Hindi na rin nanganganib ang buhay nito, ngunit comatose pa rin ito hanggang ngayon. Ang sabi ng doctor sa kanila’y babalitaan sila kung may improvement ba ang nangyayari, lalong-lalo na ang blood clot sa ulo nito.61Please respect copyright.PENANAxjvQ1cqOLf
“Tash, matulog ka na muna.” Iyon lang ang sabi niya sa kanyang kapatid na tahimik na nagbabasa sa aralin nito.
Tiningnan naman siya nito. “May trabaho ka pa bukas, hindi ba? Saka, hindi naman maaga ang schedule ko bukas; may oras pa akong makapagpahinga.” Iyon lang ang narinig niya sa kanyang kapatid.61Please respect copyright.PENANAD07SP7vkPx
Napabuntong-hininga na lamang siya. 61Please respect copyright.PENANAIMl62yIJai
“Natatakot ka ba sa makikita sa panaginip mo?” diretsahan niyang tanong kay Tashia.61Please respect copyright.PENANA5t5x8VH4gR
Kaya naman, napatitig ito at hindi kaagad sumagot; nag-iisip-isip naman ito. Napabuntong-hininga na lamang ito.61Please respect copyright.PENANAmf4cnWwFVH
“Nag-aalala ako kay Ashley, baka ano ng mangyari sa kaluluwa niya na lumalaban pa ang katawan niya.” Iyon lang ang narinig niya sa kanyang kapatid.61Please respect copyright.PENANA4CcUZ2bRwf
“Huwag na muna nating isipin iyon, dumadaragdag lang iyan sa magiging problema natin.” Tanging sagot naman niya.61Please respect copyright.PENANApk749MPz0g
Lumalalim na ang gabi. Tiningnan niya ang kanyang orasan; malapit na maghating-gabi.61Please respect copyright.PENANAajjdOxrtBr
“Iidlip lang ako saglit, Tashia. Ikaw rin, matulog ka na, tawagin mo ako kapag may kailangan.” Dali—daling humiga si Vivianne sa isang maliit na hihigan na nandoon, nagtalukbong siya ng kumot, agad siyang nakaramdam ng kaginhawahan, at iyon ang nagpapadali sa kanyang pagtulog.61Please respect copyright.PENANAhLRTaE33Yn
May naririnig siyang isang taong naglalakad, pabalik-balik sa daraanan nito. Gusto niyang balewalain iyon, ngunit naiirita siya sa kanyang naririnig, kaya naman, binalikwas niya ang kanyang kumot.61Please respect copyright.PENANA2Pb6Bz5xg8
Napakunot ang noo niya nang wala siya sa hospital.61Please respect copyright.PENANA1vEtqunpPR
Hindi maari, hindi maaari. Ayokong makakita ngayon, pagod ako. Napasabi naman sa kanyang isipan, kaya naman, kinuha niya ang kumot at nagtalukbong ulit, ipinikit niya ang kanyang mga mata.61Please respect copyright.PENANAf5guDQv9zd
Umaasa si Vivianne na sa pagmulat ng kanyang mata, nakabalik na siya sa hospital. Ilang minutong nakapikit si Vivianne, hindi na rin niya naririnig ang yabag.61Please respect copyright.PENANATBXh0phwF0
Baka nasa hospital na ako. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.61Please respect copyright.PENANAOMAlIlrjs2
Kaya naman, agad niyang inimulat ang kanyang mata, ngunit binigo siya, dahil wala pa rin siya sa hospital.61Please respect copyright.PENANAQW32Bih0B6
Hindi ako tatantanan nito. Napabuntong-hininga na lamang siya, kaya naman bumangon si Vivianne.
Nasa isang silid siya ngayon, hindi niya alam kung kaninong bahay ito. Pinihit niya ang ang pinto, bumaba siya sa hagdanan, tahimik ang paligid at walang taong nandoon.61Please respect copyright.PENANA8USYiwkoWU
Inilibot niya ang kanyang paningin; hindi talaga pamilyar sa kanya ang lugar, may nakikita siyang mga larawang hindi naman niya kilala.61Please respect copyright.PENANAhqaZAC6Ppg
May naririnig siya sa isang silid na pag-uusap. Sinilip niya iyon; tantiya niya’y may mga pagpupulong itong nagaganap. Dahan-dahan siyang pumasok, hindi naman siya napansin, kaya nandoon siya sa gilid, minamasdan ang mga taong nakatalikod sa kanya.61Please respect copyright.PENANA5KjZVrVwuq
Dalawang babae at isang lalaki. 61Please respect copyright.PENANAFJShq4gWMs
“Fredrick, hindi ka ba padalos-dalos sa desisyon mo?” Narinig niya ang nag-uusap.
“Ginugulo niya tayo, Angely.” Iyon lamang ang sagot nito sa isang babae.61Please respect copyright.PENANAFOKDH0ytun
Humarap ang isang babae noon, nagulat siya sa kanyang nakita.
Lola Felicia? Napatanong sa kanyang isipan.
“Pinatay ba ninyo ang babaeng gumugulo sa inyo?” rinig niyang tanong kay Felicia.61Please respect copyright.PENANAvQaXyE0rfc
Nag-aalangan namang sumagot ang dalawa, ngunit tumango lang ito sa katanungan nito.61Please respect copyright.PENANAWRqlTTo0xr
Alam ni Vivianne na ginagamit ni Felicia ang kakayahan nito para pagkakitaan; para sa kanya, ang kakayahan na iyon ay nagdadala lamang ng kapahamakan sa kanyang buhay noon.61Please respect copyright.PENANAvpQuK4ynmn
“Nakausap ko si Leah Martinez, kailangan mong makulong, Fredrick Manuel Santiago, doon, matatahimik at mapapatawad ka niya, ibalik mo rin iyong kayamanan na kinuha mo sa kanya, dahil para iyon sa mga taong nangangailangan.” 61Please respect copyright.PENANAsYfr3tUF16
Nagtagpo ang kilay ni Vivianne sa kanyang naririnig noon; hindi niya maintindihan ang nangyayari.
Sino si Leah Martinez? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
“W---Wait, h---huwag kang magsalita nang patapos, Felicia,” takot na tiningnan iyon ng lalaking nagngangalang Manuel.61Please respect copyright.PENANAsCK6P36P3i
“Ano ang kapalit na ibinigay ni Leah sa iyo?” tanong naman ni Angely.61Please respect copyright.PENANAj9rbkvk8d7
Ngumiti ito nang makahulugang tingin. “Praktikalan lang akong mag-iisip, dahil may binubuhay rin naman ako, kailangan ko nang malaking halagang pera para rin sa luho ko.” Iyon lang ang sagot nito.61Please respect copyright.PENANA38eFiPkuKx
Hindi mayaman ang pamilyang Rosario, bata pa siya noon, at hindi niya maintindihan ang takbo ng mundo. Noong hindi pa naghiwalay ang magulang niya, nabigla na lamang sila sa biglaang pag-angat ng kanilang Lola, at doon, ipinamahagi nito ang kayamanan at pera nito, dahil din sa ganid at pagkagahaman ay ito na rin ang naging lamat sa pamilya nila.61Please respect copyright.PENANA0INysyShwJ
Nakita niyang ngumiti ng kakaiba ang kanyang lola.
“Pwede naman nating pag-usapan iyan.” Namutawi sa labi nito na may binabalak siya.
Nag-iba ang kanyang paligid, at wala na siya sa bahay. May nakita siyang isang babaeng malayo ang tanaw noon.61Please respect copyright.PENANAwqWkpHdiPE
“Magbabayad kayo, magbabayad kayo.” Mahinang usal nito.61Please respect copyright.PENANA5BecGmk2j0
“Felicia, nagtiwala ako sa iyo at ibinigay ko ang lahat para tulungan mo ako sa simpleng kahilingan ko, hustisya lang naman ang nais ko.” Naririnig niya iyon.61Please respect copyright.PENANA2AiwTxplNP
“Mag—aantay ako sa inyo, hindi ako makakapayag na magiging masaya kayo rito. Hihintayin ko ang kaluluwa ninyo rito.” Kakaiba ang ngiti noon.61Please respect copyright.PENANAXaHUd0Xty0
Ang puting damit nito’y napalitan ng isang panluksang kasootan. Mahina itong napapatawa.61Please respect copyright.PENANAFnxR6rKK3e
Nagsitaasan ang balahibo niya sa katawan noon. Napabaling ito sa kanya, at ngumiti sa kanya.61Please respect copyright.PENANAM8iBQjK82F
Naalala niyang ito ang babaeng sumusunod kina Martin at Sheila, at ito rin ang babaeng pumunta sa lamay ng kanyang lola Felicia.61Please respect copyright.PENANATgPYLoLRbv
Nagkaroon siya ng mga posibleng haka-haka.61Please respect copyright.PENANABlbSkWScai
Siya ba’y si Leah Martinez? Napatanong sa kanyang isipan noon.
Napadilat na lamang siya bigla nang may yumuyogyog sa kanya. Tumambad kaagad sa kanyang paningin si Tashia na nagulat sa kanya.61Please respect copyright.PENANA8lhfNTlRMZ
“Ayos ka lang?” napatanong na lamang ni Tashia sa kanya.61Please respect copyright.PENANA1bZtWxn9OT
Napapikit na lamang siya, sabay napailing-iling. Bumangon siya kung saan siya nakatulog. Napansin niya ang madaling-araw. Tiningnan niya ang oras; kailangan na niyang maghanda para makapasok siya nang maaga.61Please respect copyright.PENANAxcw3cAX6dZ
Hindi pa siya nalilinawan sa nangyayari at bakit naging konektado ito. 61Please respect copyright.PENANACziXc5NZKk
May kinalaman ba si Lola kay Leah Martinez? Napatanong na lamang siya.
“Vivianne.” May tumawag sa kanya.
“Ate Sharlene, bakit ang aga mo ngayon?” tanong naman niya pabalik.61Please respect copyright.PENANAVIzoxy5oAL
Napailing na lamang ang tinanong niya, napansin niyang nawala ang singsing nito sa daliri nito.61Please respect copyright.PENANAefPXrW88AI
“May nangyari ba sa iyo, ate?” tanong naman niya.
“Ah, bumalik lang ako sa dating bahay ng Lola Felicia, pinalayas na ako ng asawa ko.” Mahina pa itong napatawa.61Please respect copyright.PENANApq8yTqLHRZ
Napataas ang kilay niya.61Please respect copyright.PENANAgqC7u46k70
Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.61Please respect copyright.PENANANvx52H95Sg
“Ate, umuwi ka na muna.” Iyon lang ang narinig niya sa kanyang kapatid.61Please respect copyright.PENANANgMg7wr0lJ
Tumango na lamang siya noon.
ns216.73.216.69da2


