GULONG-GULO ang isipan ni Sharlene ngayon, wala siyang pakialam sa asawa niya ngayong nasa labas. Iniisip niya ang kaligtasan ng anak niya.
Naging pabaya ba ako kay Ashley? Napatanong niya sa kanyang sarili noon. Gusto niyang saktan ang sarili niya dahil sa desisyon niya noong pinayagan niya ito sa field trip. 60Please respect copyright.PENANAbL1Nv31Npb
Gusto niyang sabunutan ang sarili niya, pero hindi siya dapat magwala ngayon; pinakalma niya ang sarili niya.60Please respect copyright.PENANAF4eS5Gq2H4
Noong nabalitaan niya ang nangyari, biglang binuhusan siya ng malamig na tubig at ang puso niya’y gustong kumawala sa katawan niya. Hindi pa niya alam kung anong mangyayari sa paaralan, lalong-lalo na sa basic department ngayon; narinig niyang marami ang nangamatay na mga bata na ang iba’y dead on the spot o kaya’y dead on arrival. 60Please respect copyright.PENANAZdICH3WNlR
May ibang bata rin na kagaya sa kalagayan ni Ashley na nasa bingit ng kamatayan; nang makita niya ang kalagayan ng kanyang anak ay para ring hinila ang kanyang kaluluwa sa kanyang nasaksihan, hindi niya makilala kung anak pa ba niya ito ang kaharap niya kanina. Pilit siyang nagpakatatag ngayon, kahit ang totoo’y gumuho ang mundo niya sa nangyari.60Please respect copyright.PENANA9g5yjLNu6D
Diyos ko, huwag naman sana. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.60Please respect copyright.PENANAuPfvWyp28w
“Tashia, samahan mo muna si ate rito.” Rinig niyang sabi ni Vivianne. 60Please respect copyright.PENANA9lTOZDaP7t
“Kukuha lang ako ng gamit sa bahay nila, saka, bibili na rin ako ng pagkain ngayon,” sabi pa nito.60Please respect copyright.PENANAY42rT0W85d
“S --- Sandali, Vivianne, m –may pera ako rito.” Dali-dali niyang kinuha ang bag niya, nanginginig pa rin ang buo niyang kalamnan ngayon.60Please respect copyright.PENANAZB0i4hzuNY
“Ate, sa iyo muna iyan.” Pagkatapos ay naglakad ito papalabas sa hospital.60Please respect copyright.PENANA8JHs11rVA9
Naririnig niya ang bawat pag-iyak ng ina nito sa bawat balitang naririnig nito. Hindi niya makayanan ang makinig; naiintindihan niya ang mga ito.60Please respect copyright.PENANA5FtVBkqdAI
“Bibili na muna ako ng tubig. Dito ka na muna.” Sabi ni Tashia sa kanya.
Napatango na lamang siya noon. Nakaupo siya sa waiting area, mga iyakan na kanyang naririnig sa paligid, mas lalong sumakit ang dibdib niya at baka hindi niya makayanan.60Please respect copyright.PENANAs7VWfnwKKJ
Bakit nangyari pa ito sa iyo, Ashley? Napatanong na lamang siya sa kanyang isipan.60Please respect copyright.PENANAtrg4EozFUo
Bago pa man nangyari ang aksidente, palagi nang sumusulpot at nakikita si Ashley na nakasuot ng puting damit na pang-ospital. May mga pangitain na siyang nakikita at kutob niya bilang isang ina, ngunit hindi siya naniniwala rito.60Please respect copyright.PENANAdo9jGeCLTx
Kasalanan ko ito, kasalanan ko ito. Kung hindi lang ako pumayag, hindi ito nangyari kay Ashley. Anak, please magpakatatag ka, lumaban ka, huwag mo akong iwan ritong mag-isa. Sumamo niya sa kanyang isipan, hindi siya makapag-isip nang maayos ngayon, nasa denial phase pa ang isipan niya sa nangyayari.60Please respect copyright.PENANAajMHOpi7eg
Tinabunan niya ang kanyang mukha sa dalawang palad, at pilit niyang iniunawa ang lahat na nangyayari ngayon; pinilig niya ang kanyang ulo. Napadako ang tingin niya sa nangyayari sa paligid.60Please respect copyright.PENANAedFv0R2u0s
May ibang ina na nahihimatay kapag nasaksihan nila ang kanilang anak; ngayon lang siya nakaramdam na nangangatog ang buo niyang kalamnan. Matagal niyang tinitigan ang mga ito. May mga kagaya ni Ashley na hindi na makayanan at namatay ito. 60Please respect copyright.PENANAhPNdI6mGsL
Napasandal siya sa sementadong dingding, maya-maya’y may nakikita na siyang mga batang duguan ang uniporme na nakasunod sa magulang nitong umiiyak; hindi niya alam kung dahilan ba ito sa pagod niyang isipan. 60Please respect copyright.PENANAh53KW1xzwB
Yumakap ito sa magulang at bigla itong naging puting liwanag. Pinagmasdan na lamang niya ang mga ito.60Please respect copyright.PENANA5hjD6Weakp
Niloloko ba ako sa mata ko? Napatanong niya ulit sa kanyang isipan noon, habang minamasdan ang mga batang duguan na nakasunod sa magulang nito.
Tiningnan siya ng isang batang babae na hindi makilala ang hitsura; naka-uniporme ito, bigla itong lumapit sa kanya.60Please respect copyright.PENANA1TCtDqNqGu
Hindi ko makita si mama, tulungan mo ako. Naririnig niya ang sumamo ng batang babae. Hindi siya sumagot noon na pinagmasdan niya lang ito.60Please respect copyright.PENANABHkFTPEBMK
Binasa niya ang name tag ng bata, at nakasulat doon ang apelyido.60Please respect copyright.PENANAd4grUJlTtT
Dela Cruz. Napakunot ang noo nito, dahil pamilyar ang apelyido nito. Napasinghap siya noon, ayon sa balitang nakalap nila kani-kanina, may isang gurong nasawi dahil prinotektahan nito ang ibang bata na hindi masaktan.60Please respect copyright.PENANAmONWOFgnjj
Bernadith Dela Cruz, isa sa mga guro sa kinder – garden. Napasabi sa kanyang isipan.60Please respect copyright.PENANAzH28tYoQBM
Mama, Mama, nasaan ka? Palahaw ng isang batang babae. 60Please respect copyright.PENANAreJMYOkQ9q
Nabigla na lamang siyang may tumapik sa bata; hindi niya halos makilala ang mukha nito.
Nandito si Mama. Sabi naman ng kakululuwa.60Please respect copyright.PENANAnaAj7aykHl
Napasinghap pa siya noon, tumahan na ito sa pag-iyak at yumakap ito. Tinitigan siya ni Bernadith, bigla itong ngumiti sa kanya, naging maaliwalas ang mukha ng dalawa, naging maliwanag na ilaw ang dalawang kaluluwa, at bigla itong nawala sa kanyang paningin.60Please respect copyright.PENANA6EJgOALprY
Nagulantang na lamang siya sa biglang sigaw na kanyang narinig sa isang silid. 60Please respect copyright.PENANA2LYVKL3r2y
“Bernadith! Sarah! Huwag ninyo akong iiwan!” iyon ang narinig niya.60Please respect copyright.PENANAtzT5ZVMDIY
Asawa pala ito ng nasawi. Humahagulhol ito, habang niyayakap ang bangkay ng asawa at anak nito. May kumurot sa puso niya at naawa siya rito; hindi niya masabing naging masaya na ito, na kasama ang anak. 60Please respect copyright.PENANAu1AfEJtweP
Magiging masaya ba siya kapag sinabi kong masaya na ang asawa niya? Napatanong na lamang sa kanyang isipan.
“Ate, uminom ka na muna ng tubig.” Tiningnan niya si Tashia.60Please respect copyright.PENANAG5lyHGHHMY
Wala siyang lakas noon, inalalayan siya ng kanyang kapatid, dahil hindi pa bumabalik ang buo niyang lakas noon.60Please respect copyright.PENANAWN9hS2lYEj
“Salamat.” Pabulong niyang sabi.
Umupo ito sa kanyang tabi; hindi niya alam na uhaw na uhaw na pala siya. Biglang umikot ang paligid niya, pero pinipilit niyang maging gising, baka anong mangyari sa anak niya.60Please respect copyright.PENANA24JJOURq0i
May lumapit na nurse patungo sa kanila, kaya naman, pinilit niya ang kanyang sariling maging maayos. Tumayo siya para salubungin ang nurse; inilalayan siya ng kanyang kapatid na makatayo sa sariling paa.60Please respect copyright.PENANARPmWRqARP4
May dala-dala itong mga papeles, ipinaliwanag ng nurse ang kalagayan ng kanyang anak ngayon, at ihahatid na ito sa I.C.U. Nasa 4th floor ito, hinanap pa nito ang kanyang asawa, subalit, sinagot niya lang itong nagpapahangin sa labas sa ospital. Hindi na rin inantay ng nurse si Martin; ang mahalaga’y nandoon siyang alam ito.60Please respect copyright.PENANAfEEzT6EDAq
“Maselan pa ang kalagayan ng bata, ha? Kaya oras-oras may monitoring po na nangyayari. Humihina minsan ang heartbeat ng bata, saka, sana po bukas, magising na si baby para tuloy-tuloy ang recovery niya, at malaman natin kung kinakailangan ba ang surgery para mawala ang namuong dugo sa utak niya.” Mahabang pagpapaalala sa kanya ng nurse na kausap niya.60Please respect copyright.PENANAulwrVKSzzn
Hindi niya magawang magsalita at baka pangunahan pa siya ng kanyang emosyon.60Please respect copyright.PENANAaJuscwuq7i
“Himala nga ang nangyari sa bata e, gagawin namin ang lahat para sa anak ninyo.” Panigurado sa kanyang kausap.60Please respect copyright.PENANARmlmX0ezLj
Tumango na lamang siya noon. 60Please respect copyright.PENANA58KTZK4BtV
Pagkatapos siyang kausapin ng nurse, agad nitong inasikaso ang kanyang anak. Nawala nang pakunti-kunti ang mga tao sa labas; may mga kaunting hikbi pa rin ang naririnig niya. 60Please respect copyright.PENANAA9Xud4lZk5
Napakalaking trahedya ang haharapin ng paaralan nila ngayon, lalong-lalo na maraming mga bata ang naaksidente. Namatay rin ang driver ng school bus. Hindi na muna niya iisipin iyon; kailangan niyang matutukan ang anak niya.
ns216.73.216.69da2


