DALAWANG araw lang ang pahinga ni Sharlene, saka, umuwi na rin ang magaling niyang asawa, isa pa, wala namang pagbabago kung kasama niya si Martin sa kanilang bahay. Saka, kanya – kanya silang lakad at alis kapag pumunta sila sa trabaho.63Please respect copyright.PENANA2vdo6l34dX
Wala namang pinagbago. Napapailing na lamang siya sa kanyang sarili noon. Isa pa, iniiwasan niyang magiging stress siya, dahil kailangan pa niyang bumawi, at alam niyang kailangan na rin siyang bumalik sa paaralan na tinuturuan siya. 63Please respect copyright.PENANA0g7v71GQrv
Kasama pa rin niya si Ashley sa pagpasok niya, nakakaramdam pa rin siya ng kilabot kapag naalala niya na nakasoot si Ashley ng pandamit na ospital.
Sharlene, kailangan mong iwasan ang ikapapahamak sa anak mo. Napasabi na lamang sa kanyang isipan.
Inihatid na rin niya ito sa classroom at binilinan ang bata. Papaalis na sana siya nang tinawag siya ng adviser sa kanyang anak.63Please respect copyright.PENANAPXMgWgdz6V
“Good morning, Mrs. Francisco.” Bati pa sa kanya ng adviser ng kanyang anak.
Ngumiti na lamang siya “Good morning din po, Ma’am.” Tugon niya lang rito. Napansin niyang habol ang paghinga nito.63Please respect copyright.PENANAMiYpWeaKBk
Makikitang inaabangan talaga siya ngayon umaga para, siguro importante ang sasabihin nito. Naghintay na lamang siya na makabawi ito, napabuntong – hininga lang ang kaharap niya.63Please respect copyright.PENANA79jT28kiaO
Napatawa na lamang siya nang mahina.
“Take your time, ma’am.” Sabi na lamang niya rito.63Please respect copyright.PENANAGFMVIrDvqW
Wala naman siyang klase ngayon, kaya hindi siya nagmamadali para makapagklase.63Please respect copyright.PENANA6qJa5pTSvZ
“Pasensya na po Ma’am.” Napansin niyang may bitbit itong isang papel. 63Please respect copyright.PENANASZ6XY60eOS
Agad nitong iniabot sa kanya. “Isa pong parents’ consent na magkakaroon ang mga bata ng fieldtrip.”63Please respect copyright.PENANA9DFYibgQwo
Napakunot naman ang noo niya, binasa niya ang laman noon at isa itong parents’ consent para sa magulang at sa paaralan, magkakaroon ng fieldtrip ang mga ito sa Byernes, ngunit, half – day lang naman ito at educational tour, hindi naman ito malayo.63Please respect copyright.PENANA5SsUUk21fM
Napatango na lamang siya.63Please respect copyright.PENANAUO1OIYMWHo
“Wala bang parents ang sasama rito, Ma’am?” magalang niyang tanong sa guro na kanyang kaharap.63Please respect copyright.PENANAvFjbn1TcEN
“Unfortunately, ma’am, hindi po namin pinapasama ang mga guardian nila that time, kasi po kailangan nilang mag – explore na walang guardian na nagbabantay sa kanila.” Paliwanag naman ng gurong kanyang kaharap.63Please respect copyright.PENANA5egeLJk214
“Saka half – day lang po ang mga bata niyan.” 63Please respect copyright.PENANAKeaXPydxoU
Nag – iisip naman siya kung papayagan niya ba ang kanyang anak na sumama sa fieldtrip. 63Please respect copyright.PENANAjKkdtpxFpm
“Compulsory po ba iyan ma’am? Kailangan ba talagang makasama ang bata?” tanong naman niya.63Please respect copyright.PENANA7gr0DeNTuB
Tumango ang kanyang kausap. “Yes, po Ma’am compulsory po, dahil kasali po iyan sa program ngayon.” Sabi naman nito.63Please respect copyright.PENANA799Ik46aND
Tiningnan niya ang batang si Ashley na nakatingin sa kanya sa bintana ng classroom.63Please respect copyright.PENANA3jPqKnyoo3
Kawawa naman ang bata kapag hindi ko siya pinayagan. Napasabi na lamang niya sa kanyang sarili at napabuntong – hininga.63Please respect copyright.PENANAjjp9RggwLB
Tiningnan niya ulit ang parents’ consent, kinapa niya sa kanyang bulsa ang ballpen, agad niyang kinuha ang ballpen at pumirma na rin, pagkatapos, ibinigay ulit sa adviser. 63Please respect copyright.PENANAPMDLSnnzkf
Kinuha na rin nito ang parents’ consent. 63Please respect copyright.PENANARLcRUtVFHq
“Maraming salamat po Ma’am.” Magalang nitong sabi sa kanya.63Please respect copyright.PENANAHe4BaP8D55
Ngumiti na lamang siya at yumukod bilang pagrespeto din sa kapwa guro, umalis na rin siya, kumaway siya sa batang sumisilip sa kanya, kumaway rin ito pabalik sa kanya na ngumingiti, pumasok na rin ang guro ng kanyang anak at siya naman, babalik na sa high school department para makahanda na rin siya sa kanyang gamit para magturo.63Please respect copyright.PENANAdEl1x38Udd
Senior High School ang klase niya ngayon, kaya kinuha niya ang libro.63Please respect copyright.PENANAlsCJWSNWvr
Minsan lang maging bata si Ashley. Napasabi na lamang niya sa kanyang sarili noon.
Tumunog ang bell at maghahanda na rin siyang may klase siya ngayong umaga. Naglakad – lakad na rin siya sa campus para pumunta sa klase na kanyang tuturuan ngayon.63Please respect copyright.PENANAWS0NyomEBg
Habang naglalakad siya naiisip niya ang problemang nakabinbin sa pamamahay lalong – lalo na sa pagsasama nilang mag – asawa. Hindi niya alam, pero, sinasabi na ng kanyang asawa na mag – divorce na silang dalawa dahil hindi na nag w- work out ang kanilang relasyon.63Please respect copyright.PENANA8N8I3X85uI
Gustong – gusto kong lumabas, Martin. Pero isipin mo ang anak natin! Kung maatim mo ang pag – iisip na iyon, hindi ko kayang saktan ang musmos na isipan ni Ashley. Tanging nasabi na lamang sa kanyang isipan.63Please respect copyright.PENANAljkQF41GjG
Alam niyang nagsasama lang sila sa isang bubong ng bahay para matawag silang buong pamilya, subalit, wasak na ang pamilya niya, kumakapit lang siya dahil sa anak niya, kahit pilitin niyang maging maayos ang pamilya niya, hinding – hindi na iyon maaayos.63Please respect copyright.PENANAaQ3c6klmEA
Madalas na rin silang nagtatalo sa bahay, sinusubukan niyang huwag lumaki ang away dahil ayaw niyang makita iyon sa anak niya, subalit, sinusubukan siya ng kanyang magaling na asawa, pinipilit niyang huwag kumibo, hindi lalaban, kahit siya na ang masaktan sa pinagsasabi nito, kaya niyang saluhin ang lahat nang iyon para sa anak niya, para hindi ito mawalan ng ama. 63Please respect copyright.PENANADJldaYkOZu
Sana ganoon din iyon mag – isip ang lalaking iyon. Napasabi na lamang niya.63Please respect copyright.PENANAU0z6JZe1Xv
Hindi niya napansing nasa harap na siya ng classroom, tiningnan niya ang section ang grades nito, hindi naman nagkamali ang pinuntahan niya. Agad siyang pumasok. 63Please respect copyright.PENANAOgHgZr1UME
Nagsitahimik naman ang klase nang pumasok siya, inaayos niya ang gamit, nakatayo na ito noon na hindi pa niya sinabing tumayo.63Please respect copyright.PENANAKTqyB5d2uD
Napabuntong – hininga na lamang siya. Wala siyang gana ngayon, pero kailangan niyang magturo, kailangan niyang isantabi ang personal na problema niya. Nakatitig lang ito sa kanya na nag – aantay.63Please respect copyright.PENANAthytgin6t8
“Sino ang naka – assign ngayon?” tanong naman niya.63Please respect copyright.PENANAsTveMQ7ivr
May kamay na nagtaas at pumunta sa harapan, ganoon naman talaga ang palaging senaryo bilang isang guro. 63Please respect copyright.PENANAr131B2iRtm
Nagkaroon na muna sila ng activity, nag – review at nagkatoon ng diskusyon, pagkatapos, ay may short quiz nang marinig na niya ang bell ay agad niyang iniwan ang klase.63Please respect copyright.PENANAK4UOoerJPT
May isang isang oras siya, kaya nagpunta siya sa faculty room at umupo sa kanyang desk, tahimik niyang tinitigan ang mga gawain na nakatambak, simula na nag – leave siya dahil isinaayos niya ang libingan at puntod ng kanyang lola Felicia, babalik na ang normal niyang araw na palaging nasa paaralan nakatutok.63Please respect copyright.PENANAkv8CS7lEDX
Napabuntong – hininga na lamang siya, siya lang naiwan sa faculty room, dahil ang ibang kasamahan niya ay nasa klase. Gumagawa siya ng mga forms noon na may nakaagaw sa kanya ng atensyon, napatitig siya sa pintuan.63Please respect copyright.PENANA57A78KRoN3
Imahinasyon mo na naman iyan, Sharlene. Pinagalitan niya ang kanyang sarili, na abalang – abala sa kanyang ginawa ngayon.63Please respect copyright.PENANAc955rb8BLe
Kailangan ko pa namang makabawi sa naiwan kong trabaho rito. Napabuntong – hininga na lamang siya.63Please respect copyright.PENANAyXwOUEtOhb
May narinig siyang kumalabog kaya naman nagulat siya at nagtaka, dali – dali siyang pumunta kung nasaan narinig niya ang ingay kanina. Paglabas niya wala namang tao, babalik na sana siya na may nakita siyang isang babaeng nakatalikod sa kanya.63Please respect copyright.PENANA9M9P8kZeUS
Napakunot naman ang noo, naka – uniporme ito na junior high school.63Please respect copyright.PENANAjwS1EImzPN
“Go back to your class now.” Iyon na lamang ang sabi niya, baka nag – c- cutting class ito ngayon. Hindi ito sumagot.63Please respect copyright.PENANANZ5KGjGAAZ
“Anong grade ka hija?” tanong ulit niya.63Please respect copyright.PENANAdyBmdIodqz
Bigla itong lumingon sa kanya, nakatingin ito malungkot ang mukha.63Please respect copyright.PENANA0Zrh35QgtG
Nag – aantay na siya sa iyo. Matapos sabihin bigla itong nawala na parang bola sa kanyang paningin, bigla na lamang nagsitayuan ang balahibo sa kanyang braso. Dali – dali siyang bumalik sa kanyang desk at matagal itong tinitigan kung nanaginip ba siya o totoo ang nakita niya.63Please respect copyright.PENANA3FleYiFKmn
Bakit ginugulo na naman ako ng abilidad na ito? napatanong na lamang sa kanyang sarili.63Please respect copyright.PENANApDrgNR2TOE
Napabuntong – hininga na lamang siya, pero, hindi pa rin niya maintindihan kung sino ang nag – aantay sa kanya.63Please respect copyright.PENANAPWLS7cC27i


