212Please respect copyright.PENANAGdY7hc9lQn
“Ang hindi ko sinabi… siya palang pinaka-nag-ingay sa puso ko.”
Umaga. Maaga pa. Tahimik ang ospital.212Please respect copyright.PENANA4TjpvGEXdj
Hindi pa bumabalik si Chin. Iniwan siyang may ngiting pilit, habang si Mondie ay nanatili sa kama, nakatulala sa kisame.
Pero sa loob ng drawer sa tabi niya, may sekreto.
Isang maliit na notebook. Marumi na ang gilid. Gamit na gamit.212Please respect copyright.PENANAGzT8ColBdU
Walang ibang nakakakita nun maliban sa kanya. Kahit ang nurse na malapit sa kanya, hindi pa ‘yun nahahawakan.
Bago pa siya magpanggap na hindi niya siya nakakikilala…
Bago pa siya ngumiti na parang estranghero…
Bago pa niya sabihing, “Sino ka nga ulit?”
Isinulat na niya lahat.
Unang Liham
“Chin,212Please respect copyright.PENANA4UoMAz2DqD
Kung binabasa mo ‘to… baka nakita mo na ang notebook ko. At kung nakita mo na, siguro oras na rin para aminin ko sa sarili ko.212Please respect copyright.PENANAtLUSY0dvfQ
Hindi ako nakalimot. Hindi kailanman.212Please respect copyright.PENANAo9WMgdBkaw
Noong sinabi ng doktor na may posibilidad akong mawalan ng alaala, kinabahan ako—hindi dahil sa trabaho, hindi dahil sa buhay ko.212Please respect copyright.PENANAZhx95ipcsD
Kinabahan ako dahil… baka mawala ka.212Please respect copyright.PENANAtnT8s9VSgh
At ayokong mawala ka.212Please respect copyright.PENANAIXP56XGY8z
Kaya sinimulan kong isulat lahat.212Please respect copyright.PENANAh70UPerkcy
Araw-araw.212Please respect copyright.PENANAhxHhtDzsPY
Kasi kung sakaling makalimutan kita… gusto kong mahanap ulit ang daan pabalik sa’yo.”
Isinulat niya iyon limang araw matapos siyang i-confine.
At mula noon, hindi siya tumigil.
Ika-walong araw
“Ang weird. Pinuntahan mo ako ngayong araw. Hindi ka sigurado kung dapat kang pumasok. Kitang-kita ko ang takot sa mata mo.212Please respect copyright.PENANAcOCi9frNFK
Chin, gusto kong yakapin ka.212Please respect copyright.PENANA3kQqbzYl5z
Pero hindi ko ginawa.212Please respect copyright.PENANAUH9n5y6zg0
Kasi hindi ko alam kung papayagan mo ‘ko.212Please respect copyright.PENANAHitLSMOqxJ
Kasi kahit hindi ko pinapakita, naaalala ko pa rin kung paano kita sinaktan.212Please respect copyright.PENANAJuPt1y76pX
At baka hindi pa sapat na gustuhin kong itama iyon.”
Sa bawat araw na lumipas, lalo siyang nababaliw sa ideya na hindi niya puwedeng ipakita ang totoo.
Na hindi niya nalimutan.
Na ang bawat halakhak ni Chin, bawat pag-iwas ng mata, bawat pilit na lakas… ay parang kutsilyong dahan-dahang lumulubog sa dibdib niya.
At hindi siya puwedeng magsalita.212Please respect copyright.PENANAUOeR0VCOot
Kasi baka layuan siya.212Please respect copyright.PENANAyucEzS3kRg
Kasi baka hindi pa siya handang patawarin.
Ngayon, habang mag-isa siya, binubuklat niya ang notebook.
Hawak niya ang bolpen.
Nagsusulat ng panibagong liham.
Ika-labinglimang araw
“Chin,212Please respect copyright.PENANA3MAE085shv
Ang gulo mo.212Please respect copyright.PENANAxzJ5EAWMaw
Ang ganda mo.212Please respect copyright.PENANAgdcf0VFbAs
At ang hirap mong hindi mahalin.212Please respect copyright.PENANAhFj9zoUcVg
Hindi ko na alam kung anong mas mabigat: ‘yung hindi kita makausap ng totoo… o ‘yung araw-araw kong sinusubukan kalimutan ang sarili kong alaala.212Please respect copyright.PENANA4Uq9wYy5Bh
Pero hindi ko kayang kalimutan ka.212Please respect copyright.PENANAK96daxPXj0
Chin, hindi ko kailanman nakalimutan.212Please respect copyright.PENANASL1AeDdAEu
Pinili ko lang magkunwaring hindi ko alam, para bigyan ka ng panibagong simula.212Please respect copyright.PENANAn0a6ZfBZft
Para kung sakaling piliin mo ulit ako… ‘yung ako ngayon, hindi ‘yung ako noon.”
Bumukas ang pinto.
Napalingon si Mondie.
Si Chin. May dalang lugaw at prutas. Suot ang maluwag na hoodie. Pagod ang mata pero may ngiti pa rin.
“Hi,” bati nito. “Okay ka lang?”
Tumango siya. Itinago ang notebook sa ilalim ng kumot.
“Okay lang,” sagot niya. “Salamat sa pagbalik.”
Umupo si Chin sa tabi niya. Tahimik silang dalawa.
Habang pinapakain siya ni Chin, lihim siyang ngumiti.
Dahil kahit hindi alam ng babae… araw-araw, isinusulat niya ito.
Ang pagmamahal.
Ang kasalanan.
Ang pangarap.
Ang pag-amin.
Na kung sakaling mawalan siya ng boses… may panulat siyang ipapasa sa kanya.
Bago siya matulog, binuksan niya ulit ang notebook.212Please respect copyright.PENANAvCLqX9RGNT
Nag-drawing siya ng maliit na puso.
At isinulat ang pinakamaikli pero pinakamalalim na sulat.
ns216.73.216.186da2“Chin,212Please respect copyright.PENANAxogpirdfUX
Hindi ako nakalimot.212Please respect copyright.PENANA8qW9egCiro
Pinili ko lang maghintay.”


